Poknat: Friend, okay ka na ba talaga? “Oo. Huwag na kayong mag-alala. Okay lang ako. Huwag na din kayong dumalaw dahil ayokong pati kayo ni Sidney ay mapahamak. Nakikita nyo pa ba si Jayjay?” malungkot na sagot ni Phina. Poknat: Matagal ko na silang hindi nakikita dito sa San Andres pero sabi ni Sidney kanina ay bumalik na daw sa inyo ang nanay mo pero hindi kasama si Jayjay. Hindi ko pa naman confirm pero iyon ang bali-balita. Tumingin si Phina kay Stefan. “Pwede mo bang alamin para sa akin Poknat?” Poknat: Oo naman. Pagkatapos ko sa aking trabaho uuwi ay ako ng San Andres. Babalitaan agad kita, Phina. “Salamat ha? Mag-iingat kayo palagi dyan. Kapag may kahinahinala kang taong makita tumawag ka kaagad sa akin? Huh?” Poknat: Oo. Huwag kang mag-alala. Nag-iingat naman kami. Ikaw din

