Stefan POV
Tahimik akong pumasok sa loob ng dining hall kung saan kumpleto na ang Escajeda’s clan. Ako na lang ang kanilang hinihintay. I sat beside my mom and smiled at the elders.
“Why didn't you bring your girl here, Hijo?” tanong ni lola.
“I don’t have-”
“Kung ako yung babae ay hindi ko din kakayaning humarap dito.” sabat ni Albert.
“They are not asking for your opinion!” I exclaimed.
“Tama ba na si Meghan Mercedez ang babaeng iyon, Stefan?” Tanong naman ni Daddy.
“Can we stop making my scandal as our topic for today?” irita kong sagot.
F*ck that scandal! Hanggang kailan ko ba maririnig iyan sa maghapon?!
“Meghan is a nice girl. She’s hot. I met her several times and she’s one of a kind. Ibang iba siya sa mga babaeng nakilala ko.” sabi ni Albert. I gave him a death glare.
“Yes, diba? She’s so sweet. I met her at her thanksgiving party and at the gala night. She’s different from before and I like her.” sang-ayon ng pinsan kong si Anika, “and I like her sense of humor. The best. She’s so funny.”
“I know. She’s a girlfriend material. Pwede siyang maging asset ng mga Escajeda in the near future dahil magaling ito sa negosyo.” sabi ni Albert.
I scoffed at that. Asset his ass!
“Why don’t you bring her here next week, Stefan. I want to meet her.” sabi ni Lola.
“She’s not the girl in the video, Lola.” Inis kong sabi.
“Ano ang ibig mong sabihin? Kilala ang pamilya natin bilang tapat at romantiko. Walang babaero sa pamilyang ito.” sabi ni lolo at bakas sa boses nito ang pagkainis sa sinabi ko.
“Maybe they are shy?” Anika said in a low voice, not looking at me because I am glaring at her big fat mouth.
“If you love her then be proud of your girl and act like you are. It’s just a video scandal. I can help you to shut them down.” Albert said.
Kanina pa umiinit ang tenga ko sa gag0ng ito! Kanina niya pang pinupuri si Meghan na parang ang dami niyang alam tungkol sa kanya. I glared at him hanggang sa sumuko na siya sa pakikipag titigan.
“What are you trying to prove?” tanong ko kay Albert.
“What I am trying to say is, Meghan is such a lovely girl para itago. Kung ako ang nasa katayuan mo, I will be proud and loud.”
I rolled my eyes and crossed my arms.
“You are really an Escajeda.” Proud na sabi ni lolo.
“Kung hindi si Meghan ang babaeng kasama mo sa video, then tell me who she is. Huwag na huwag mong sasabihin sa akin na hindi mo kilala ang babaeng iyon, Stefan dahil malilintikan ka sa akin. Hindi ka namin pinalaki ng Mommy ng ganyan. Habang maaga ay puputulin ko na yang sungay mo at ipapatapon kita sa America and you will not get any cents from me.” My dad is dead serious. Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko.
“Honey, calm down.”
“Nandito ba ako para ipahiya nyo sa buong angkan?” saad ko habang pinipigilan ang galit sa loob ko.
“Tama na yan! We are here to have a peaceful dinner.” sabi ni tito, Albert's father.
“I think I’m done here.” malamig kong sabi saka tumingin kay Daddy, “And don’t worry, she will be here next week,” I said before I left.
---
Meghan POV
Tinitigan ko ang sarili ko sa harap ng aking vanity mirror. Bakit ang kinis na ng mukha ko? Lakas maka glow-up nitong skincare na ibinigay sa akin ni Dok Albert.
Ganda mo talaga Meghan. Pero maganda din naman ako, kulang lang sa ganitong skin care noon. Tsaka hindi nagkakalayo ang ilong at mata natin.
Tumunog ang cellphone ko at si Stefan ito.
“Hello?” sagot ko habang sinisimulan ng maglagay ng mud mask sa aking mukha.
“Where are you?”
“Nasa kwarto, bakit?”
“Nandito ako sa labas ng bahay nyo.”
“Anong ginagawa mo dyan?”
“I need your help. Aakyatin kita dyan sa kwarto mo o lalabas ka?”
Nataranta ako sa banta nitong aakyat sa kwarto ko, kahit hindi pa ako tapos sa pagma-mask ay nagmadali na akong tumakbo palabas.
“Ma’am Meghan!” bulalas ni Sanya ng makita ako sa salas dahil sa gulat, “Saan po kayo pupunta?”
“M-May bisita ako. Pupuntahan ko lang sa labas.” sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad
“Bakit hindi nyo nalang po papasukin sa loob?” habol sa akin ni Sanya.
“Dahil hindi siya totally na bisita, bwisita ang nasa labas.” sabi ko, “Huwag ka ng sumunod Sanya.” pigil ko sa kanya.
“Okay po. Hihintayin ko kayo dito.”
“Good.”
Malalaking hakbang ang ginawa ko palabas ng gate. Nandoon si Stefan nakasandal sa kanyang itim na motor. Lumapit ako sa kanya at humalukipkip. Nagulat naman ito ng makita ang mukha ko.
“What the hell is on your face? Mukha kang si sadako.”
“Mud mask ito, bigay ni Dok Albert.” sagot ko saka napakagat sa labi.
Madaldal ka talaga Phina! Kapag nadulas ka sa kadaldalan mo katapusan mo na!
“Binigyan ka ng regalo ni Albert? He’s courting you?” may diin ang huli nitong tanong.
Mariin naman akong umiling, “Hindi no! Hindi ko bet ang mas matanda sa akin. Mas gusto ko ang isang katulad mo.” asar ko sa kanya saka nakakalokong ngumiti.
Hindi ito sumagot. Umiwas ito ng tingin saka itinago ang mga kamay sa kanyang bulsan. Madilim dito kaya hindi ko na maaninag ang mukha niya.
“So anong ipinunta mo dito sa dis oras ng gabi?”
Tumingin ito sa akin, “Can you do me a big favor?”
“Ano?”
“Pretend to be that girl in my scandal.”
Namilog ang mga mata ko kasabay ng aking mga labi.
“Freaking no way! No! Ayoko!” tanggi ko.
“Please? Ayokong ipatapon sa america. Life svcks there, mas gusto ko dito sa Pilipinas.”
Natigilan ako. Kapag pinadala sa america si Stefan, finish na din ako. Baka pati ako pilitin ni Dok Albert na sumunod kay Stefan. Ayoko din!
“Gusto makilala ng pamilya ko ang babaeng kasama ko sa video and you know I can’t because I don’t f*cking even know her name and I don’t care. I know you forgot about this legendary story of Escadeja but our family especially kaming mga lalaki ay kilala sa pagiging faithfull and hopelessly romantic… Ugh! F*ck that story!” Kwento nito na may halong gigil.
Tumawa ako sa faithful at hopelessly romantic, “ So ampon ka?” asar ko sa kanya.
“Seryoso ako. Please I need your help.” pagmamakaawa nito.
“Teka lang, so ampon ka? Kasi ang layo mo sa pagiging faithful and don romantiko.” natatawa kong sabi.
“I have never been in a serious relationship, so how can you-”
“Exactly! Dahil hindi mo kayang sumeryoso sa isang relasyon. Kabahan kana.”
“Are you going to help me or not?”
Hindi agad ako sumagot. Ang hirap naman kasi, todo tanggi ako sa pamilya ko na hindi ako yun tapos ano? It’s a prank? Ako pala?
“So kapag inamin kong ako yung babae sa video, ipapakilala mo ako sa pamilya mo?” paninigurado ko.
“Yes. You’ll pretend to be my girlfriend too, so I can clear my name.”
“Your girlfriend?” ulit ko. Pucha! Si Dok Albert lang ang matutuwa dito.
Win. Win. Situation na ba ito?
Lumunok ako at tumingin sa kanya.
“Kailan tayo mag bebreak?” tanong ko.
Yung seryosong mukha ni Stefan ay napaltan ng tawa.
“Hindi pa nga tayo nag-uumpisa tapos nasa break up kana. You’re so impossible.” tawa nitong sabi.
“Naninigurado lang. So magpapanggap lang tayo ha? Hindi natin gagayahin yung nasa video mo?” nakakabaliw kong tanong mas lalo itong tumawa.
“Why? You want to try it?”
Hinampas ko ang braso nito, “Gag0! Hindi no! Sige na, Pumapayag na ako.” inis kong sagot.
Kinikilabutan ko! Try nya mukha nya. Sa sobrang tuwa ni Stefan ay niyakap niya ako.
“Thank you.”
“Oo na. Bitawan mo ako. Hindi ako makahinga!” saway ko sa kanya.
Totoong hindi ako makahinga dahil sa mabilis na t***k ng puso ko. Para akong kinukuryente ng balat ni Stefan.
“Tawagan mo nalang ako sa mga plano mo, papasok na ako dahil baka hinahanap na ako sa loob.” Pagsisinungaling ko dahil ayaw kumalma ng buong sistema ko.
T@ngina, Seraphina! Yakap lang yon. Paano pa kapag hinalikan ka? Baka katapusan mo na?
---
Habang hinihintay ko na matuyo ang aking mudmask ay ginagawa ko naman ang mga assignment ko. Sunod-sunod na nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko itong tiningnan.
Avery: For real?
William: Explain, bro!
Gian: Explain. Kailan pa?
Meg: Anong meron?
Avery: Merong kayo! Gumawa ka na nga ng sss at IG para hindi ka nahuhuli sa chismis.
Nag send ng screenshot si Giana ng mga post ni Stefan. Mga picture ko iyon sa ferris wheel noon. Pinost niya iyon ang cheesy ng caption. Gusto kong matawa.
Her lips and her eyes. It's no surprise that I fell for you, Love.
Nakakakilig sana kung totoo. May isa pang screenshot na sinend si Giana, iyong nasa hotel kami at mahimbing akong natutulog bago ako hatawin ng unan ni Stefan sa mukha. Ang cheesy din ng caption ha!
Watching you sleep next to me made me realize that I want you to be the one beside me each morning when I wake up. I love you, my love.
Kilig yarn?
Stefan: Love, tell them how I said yes to you.
Meg: Ang kapal ng mukha mo!
Puro laughing emoji ang sinend nina Giana at William.
Avery: LQ agad? So kailan pa?
Giana: Sabi ko na nga ba may something eh.
William: Sagutin mo ang tawag ko bro. Explain!
Avery: Maka demand William parang pinagtaksilan ah?
Nag send ako ng personal na message kay Stefan.
Meg: Pati din ba sa kanila magpapanggap tayo?
Stefan: If you trust them, then tell them.
Meg: Ikaw na, ang hirap mag explain.
Stefan: I’m tired. They can wait. Good night LOVE. (laughing emoji)
Meg: Ulul!
Bumalik na ako sa GC namin at natawa sa sinabi ni Stefan.
Stefan: We'll explain tomorrow.
Stefan: GOODNIGHT LOVE!
Nasusukang emoji ang sinend ni William habang sa dalawa naman ay heart eyes emoji.
---
Pinagbubulungan ako ng mga nakakasalubong ko patungo sa aming room building. Alam ko naman kung ano ang dahilan, hindi lang talaga ako komportable na pinagtitinginan at pinagbubulungan, para kasing feeling ko ay ang laki ng nagawa kong kasalanan.
"Bakit ang bagal mo maglakad?" sabi ni Stefan na bigla nalang lumitaw sa harapan ko.
"Bakit? Kailangan ba mabilis?" pilosopo kong sagot.
"Ang sarap mong tirisin minsan, you know that?"
"Hindi."
Inakbayan ako nito at kinabig palapit sa kanya. Amoy na amoy ko ang napakabango nyang perfume. Ang sarap sa ilong. Hindi din naman ako nagulat ng akbayan nya ako dahil nagpapanggap nga kaming may relasyon. Inaasahan ko na talaga ang mga ganitong tagpo.
Nakakairita lang dahil mas umagaw iyon ng atensyon sa mga estudyante. Hindi naman kami celebrities pero parang ganun na ang feeling ko ngayon dahil kinukuhanan nila kami ng picture.
Aminadong kinakabahan ako sa mga nagaganap lalo na nang nasa loob na kami ng classroom. Para silang mga nakakita ng multo ng makita kami ni Stefan, may iba naman na kinikilig para sa amin.
"Idedeny pa, tapos ay lalantad din naman sa huli. Pathetic." Dinig kong sabi ni Shandra saka ito umirap habang nakahalukipkip ang mga kamay.
"I wonder what Rufus's reaction is." mapang uyam naman na sabi ni Flora.
"Hey! you two!" Sigaw ni Avery sa likuran namin na kadarating lang. "You have so much explaining to do."
Hilaw akong ngumiti saka kumalas na sa bisig ni Stefan para maupo sa aking upuan pero agad itong nilagyan ni Mia ng bag nya.
"You can't aeat with us. Doon ka sa mga bago mong loser friends." Aniya.
"Why not? wala ka din namang mapapala sa katabi mo lalo na kapag quiz." sabat ni Avery "Their grades were the loser."
"Oh really? You are so problematic, pati dyan sa gender mo may crisis ka." si Flora naman ang sumabat.
"Excuse me? Baka kayo ang problematic and FYI… I am 100% straight women. But anyway, have you read your economics essay? My God! Muntik na akong magka brain damage. Napilitan lang ba kayo sa course na ito?" Mapang asar nitong sagot.
Tumawa ang buong klase, nanlilisik naman ang mga mata ni Flora at Mia kay Avery.
"Let's go Meghan. Sit beside me." Sabi ni Avery sa akin. Gulat naman na tumingin sa akin ang katabi ni Avery.
"Dito ka na lang sa tabi ko, Love." Sigaw ni Stefan mula sa dulong hanay ng mga upuan. "Si William nalang ang lilipat dyan sa tabi ni Avery."
"Ang sweet ng tawagan. Sana all." Sigaw ng isa naming kaklase.
Tinukso na kami ng aming mga kaklase kaya naman wala na akong nagawa kundi ang umupo sa tabi ni Stefan, sakto naman na dumating si Rufus at ako agad ang hinahanap ng mga mata niya.
Masama itong tumingin sa aming dalawa saka parang bagyo na lumapit sa akin. Kinabahan ako sa mabigat niyang titig sa akin. Napalunok nalang ako.
"We need to talk." Malamig niyang sabi.
"Ngayon na? Kasi-" impit kong tanong.
"We need to talk about us, Meghan!"
"You and her are over. Now, if you want to talk to my girlfriend then do it here because I don't trust you. Gusto mo pa bang sabihin ko dito ang ginawa mo noon sa kanya?" Kalmadong sabi ni Stefan.
"Shut up assh0le! This is between us."
Lalong pina usok ni Stefan ang ilong ni Rufus ng akbayan nya ako.
"Gusto mo ba siyang kausapin, Love."
Umiling ako. Ayoko talaga dahil natatakot ako.
"Paano ba yan, ayaw ka nyang kausapin? Mag mo-" hindi natapos ang sasabihin ni Stefan ng dakmain ni Rufus ang kwelyo ng uniform nya at akmang susuntukin. Mabuti nalang at napigilan niya ang kanyang sarili dahil kung hindi ay sa mukha ko tatama ang kamao ni Rufus ng humarang ako.
"Are you crazy?!" Bulyaw sa akin ni Rufus, "I almost hit you!"
"I will f*cking kill you if you did!" Si Stefan ang sumagot saka hinawi ang kamay ni Rufus sa kanyang kwelyo at hinila ako palabas ng classroom.
Binitawan lang niya ako ng nasa kalagitnaan na kami ng hallway kung saan wala ng mga estudyante. Ngumisi ito ng tingnan niya ako.
“Hindi siguro tayo titigilan ni Rufus,” Kinakabahan kong sabi sa kanya mas lalo itong ngumisi, “Anong nginingisi-ngisi mo dyan? Huwag mong sabihin sa akin na masaya kang napipikon sya?”
“Of course, I am happy to annoy him. Ito na yata ang malaking panalo ko laban sa gag0ng yon!” proud niyang sagot.
“Anong ito?” naguguluhan kong tanong dahil noong nakaraan lang halos basagin na nito ang mukha ni Rufus.
“Ikaw.” sagot nya sanhi ng pagkunot ng noo ko.
“Ako? Bakit ako?”
Bumuga ito ng hininga dahil siguro hindi ko siya ma gets at wala na siyang gana na magpaliwanag. Kumamot pa ito sa kilay niya saka tumingin sa akin.
“Nevermind.” Akma itong aalis ng pigilan ko dahil may klase na kami anytime.
“Saan ka pupunta? May klase na tayo.”
“Wala ako sa mood.”
“Saan ka nga pupunta?”
“Anywhere. Sama ka?” Sagot nito habang nagpatuloy na sa paglalakad palabas ng building.
“Bahala ka sa buhay mo!” sigaw ko dahil ayaw kong umabsent. Nahihirapan na nga akong humabol sa mga topics tapos aabsent pa ako.
---
Lunch Break namin. Hindi pa din talaga ako tinigilan ni Rufus hanggat hindi niya ako nakakausap. Inabangan niya ako sa labas ng pinto at hinila patungo sa isang classroom na walang laman saka niya ito nilock. Wala tuloy nagawa sina Giana at Avery para tulungan ako.
“Rufus please? Hayaan mo na ako!” pakiusap ko.
“Paano naman ako, Meghan? Ano ang palagay mo sa akin, hindi nasasaktan?! Oo arogante ako, walang pakialam sa iba pero... put@ngina! Nasasaktan din ako! Sobra mo akong nasasaktan Meghan! Sobrang mahal natin ang isa't-isa noon bago ka maaksidente at magka amnesia... Kaya sabihin mo sa akin kung paanong hahayaan nalang kitang magmahal ng ibang lalaki?! Tell me?!" Hiyaw ni Rufus habang umiiyak ito.
Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya dahil hindi ko kayang makita ang sakit na dulot ko sa kanya. Naaawa ako kay Rufus pero hindi ko kayang turuan ang puso ko na siya na lang ang mahalin ko at isa pa wala akong kakayahan na pumili kung sino man ang gusto kong ibigin dahil wala akong kaibahan sa mga preso.
“I want to hate you... I should have hated you for forgetting us, but I can't because I love you so much, babe. Kaya kitang patawarin ng paulit ulit dahil ikaw lang naman ang nag-iisang babae sa buhay ko pero huwag mo naman gawin ito sa akin. Pinagbigyan kita nitong mga nakaraan dahil alam kong wala kang maalala pero hindi ko kayang makita ka na pagmamay-ari na ng ibang lalaki at sa hayop na Stefan pa talaga?!" Patuloy nito habang bumubuhos ang mga luha at pinipilit na lapitan ako pero patuloy din ang pag-atras ko dahil natatakot pa din ako sa kung anong pwede na naman niyang gawin sa akin.
Maraming kayang gawin ang pag-ibig. Kahit ang imposible ay nagiging posible at iyon ang kinatatakutan ko.
“Babe, Please? Give me another chance. Baka sakaling bumalik ako sa alaala mo. Parang-awa mo na.”
Hindi ko lubos akalain na magmamakaawa si Rufus ng ganito sa isang babae. Wala sa itsura niya ang gagawa ng ganito. Hindi ko mapigilan ang mga luha ko dahil sobrang nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Kung nandito ang totoong Meghan, malamang umiiyak din siya at kung pwede lang ay baka sinabunutan na niya ako.
“I’m sorry.” Sambit ko. Para ito kay Meghan at kay Rufus, “I am really sorry.”
Hindi ko naman ginusto itong mga nangyayari kaya sana ay mapatawad ninyo akong dalawa.
“I don’t need your sorry. I need you! I only need you. Miss na kita, Babe. Please?” maamo nitong sabi.
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi at tumingala sa kisame dahil gusto kong pigilan ang aking mga luhang bumuhos.
“Tama na please?” Iyak ko. “Hindi na kita mahal at kahit pilitin ko ang sarili kong mahalin ka ay hindi ko kaya. Mas masasaktan ka lang kung ipipilit mo ang isang bagay na alam mong wala na. Kaya tama na Rufus. Palayain mo na ako. If you really love me, let me go.”
Lumapit sa akin si Rufus at hinaplos ang aking mga mukha habang patuloy na umiiyak. Yumuko ito at umiling.
“I can’t. You know I can’t! I love you and I want to take you back.”
May malakas na kumalampag sa pinto at kasunod noon ay ang malakas na boses ni Stefan.
“Open this f*cking door!”
Umigting ang mga bagang ni Rufus at masamang tumingin sa akin, “Look me in the eyes and tell me you don’t really love me anymore and I will f*cking stop this.” seryoso niyang sabi.
Buong puso akong tumitig sa kanya saka pumikit, “I’m really sorry.” iyak ko at muling iminulat ang aking mga mata, “Hindi na kita mahal Rufus. Sorry.”
Bumitaw ito sa akin at tumango ng paulit ulit saka mapait na ngumiti, “You'll gonna regret this Meghan. Sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo ito at kapag bumalik na sa alaala mo kung gaano kita minahal... Sisiguraduhin kong kamumuhian mo ang sarili mo dahil pinakawalan mo ako.” malungkot nitong sinabi saka lumabas ng classroom.
Pumasok naman si Stefan at nilock ang pinto kaya dismayadong sumigaw si Avery sa labas. Lumapit ito sa akin at pinagmasdan ako.
“Are you okay?”
Tumango ako saka ko pinunasan ang mga luha ko.
“You are crying because you still love him?” nagdadalawang isip nitong tanong, tumingin ako sa kanya at malungkot na umiling.
Kung pwede ko lang sabihin ang totoo.
“Hindi sa ganun. Nasasaktan ako para sa kanya pero hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko na mahalin sya kahit alam ko naman na hindi ko kaya.” naupo ako sa armchair dahil nanlalambot ang mga tuhod ko, “Ang sama sama kong tao.” tangi ko nalang nasabi saka yumuko.
Oo. Masama akong tao dahil ang dami kong nasaktan at masasaktan pa. Hindi ko alam kung hanggang saan ako dadalhin nitong pagiging sunud sunuran ko kay Dok Albert. Sa ngayon… Isa lang ang maipapangako ko sa ngayon, poprotektahan ko ang mga magulang mo Meghan dahil mahal ko na rin sila.
“It’s not your fault that you can’t remember how you love him.” ani Stefan.
“Kung ikaw ang nasa katayuan ni Rufus, anong gagawin mo?”
Hindi ito sumagot kaya tumingin ako sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa akin na tila ba nag iisip ng isasagot.
“Honestly… Ayokong mangyari sa akin ang nangyari kay Rufus but to answer your question… I really don’t know. Hindi ko siguro kakayanin na makita ang babaeng mahal ko na may iba ng minamahal habang hindi niya ako maalala. That’s f*cking hurts. Pero mahirap din naman talagang pilitin ang pag-ibig. It’s an absolute rule. Hindi mo pwedeng pilitin ang isang tao na suklian nya ang pag ibig na inalay mo sa kanya. That's bull$hit. Real love moves freely in both directions. Don't waste your time on anything else.”
Tumango ako sa sinabi niya. Sinong mag aakala na magaling palang mag advice si Stefan tungkol sa pag ibig samantalang wala naman itong naging seryosong relasyon ayon sa aking mga source. Isa pa he’s a playboy. A hopelessly romantic playboy.