Stefan POV
I wake as if it's an emergency as if sleeping had become a dangerous thing. Sobrang sakit ng aking ulo, para itong bateryang walang laman. And so this day will pass as if I am having another nightmare.
I went to the bathroom to freshen up myself at pagkatapos ay dinampot ko ang aking cellphone sa ulunan ng aking kama.
Nag text si William.
Bro. Open your social media. Trending ka gag0!
I opened my IG and sss then BOOM!
Holly Molly mother of all the f*cking f*cker!!!
It was my s3x scandal. Sabi ko na nga ba at ikakalat ito ng hayop na nagnakaw ng bag ko. Dapat talaga ay binura ko na ito noong una palang eh!
F*ck it!
“STEFAN!” katok ni mommy sa pinto ng aking condo. “OPEN THIS DOOR NOW!” she yelled outside.
I opened the door and she went inside like a raging thunderstorm and shoved my face with her phone. Kasunod nitong pumasok ang assistant at driver nya.
“Ano itong kumakalat na video mo?! Don’t tell me it’s not you because it is you!” she yelled at me again.
“I was drunk that night. Hindi ko alam ang nangyari.” I said, trying to be sound convincing.
“Hindi ito gawain ng isang Escadeja, Stefan! Sino ang babaeng kasama mo dito? Your girlfriend? I want to meet her!” patuloy nito sa pagsigaw.
“Mom.” Sambit ko. I don’t know what to say. I can’t just tell her that she’s just a random girl I met in the club dahil lalo lang itong magagalit.
But the truth is... I really don’t know who the hell she is. I just met her in the club. I got drunk and became so h0rny, only to find out that they put a pills in my drink. Ang gag0 diba? Hindi ko nga alam na kinuhanan nila ako ng video gamit ang cellphone ko. Nakita ko lang ito kinaumagahan. Hindi ko agad ito binura because I admittedly enjoyed it.
“Tell me who this girl is?!” she shouted at me massaging her temple, “Alam mong kilala ang angkan natin sa pagiging faithful at romantiko tapos ay gagawa ka ng ganitong kababuyan!”
Iyon ang akala ng lahat. Hindi lahat ng Escadeja ay romantiko. Gusto kong masuka!
Kung lahat nga ng mga Escadeja ay lahing romantiko, I must be adopted. Hinampas ako ni Mommy ng ilang beses hanggang mapagod ito.
“Sakit ka talaga sa ulong bata ka! Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa mga kamag-anak natin?!”
“F*ck them!” angil ko.
“Ano?!” muling tumaas ang boses nito at binato ako ng mga bagay na madampot niya.
“Mom, please calm down!” sabi ko habang iniiwasan ang mga lumilipad na gamit. Pinigilan na din siya ng kanyang assistant at driver.
“Bring that girl to our family dinner next week! Linisin mo ang kalat na ginawa mo!!” sigaw ulit nito.
“Mom, Ikaw ang nagkalat dito. Bakit ako ang maglilinis?!” reklamo ko at napakamot nalang sa masakit kong ulo.
“Pilosopo ka! Clean your mess!” She said and grabbed her bag and walked away.
Sa sobrang inis ko ay malakas kong sinipa ang throw pillow na binato sa akin ni Mommy kanina. Tumama ito sa vase na nakadisplay sa akin TV console at nabasag.
“Ugh! F*ck it!”
----
Meghan POV
“Busy ka ba?” tanong ko kay Stefan. Idinikit naman ni Sidny ang mukha niya sa akin para lang marinig ang isasagot ni Stefan sa telepono.
“I am very busy dealing with my life. Bakit ba?” irita nitong sagot.
“Ang aga-aga ang sungit? Naalimpungatan ka ba?”
“I don’t have time for your bullsh*t, Meghan. Sabihin mo na lang kung anong kailangan mo.”
“May feeding program kasi ulit ako dito sa San Andres. Ehh… hinahanap ka kasi ng mga bakla… I mean ng mga bata.” humagikhik si Sidny at poknat, “Makakapunta ka ba?”
“I will try.” maikli nitong sagot, “You don’t have social media right?”
“Oo.”
“Good. I need to go.”
“Wait! Magdala ka ng pizza. Bye.” pahabol kong bilin saka humarap kayna Poknat at Sidny.
Mula pa kanina 7am ay busy na kami dito kaya iyong pagtawag ko kay Stefan lang ang tanging oras na nahawakan ko ulit ang aking cellphone at pagkatapos noon ay binalik ko na ulit iyon sa aking bag para muling makipaglaro sa mga bata, lalo na kay Jayjay.
Hapon na ng dumating si Stefan. Actually, tapos na ang feeding program. May dala itong mga kahon ng pizza at kasunod niya ang ilang tanod na may bitbit ding kahon.
“Dumating ka pa, late kana.”
“I just delivered it here. Marami pa akong kailangan gawin. Can you just thank me for accepting your invitation?” Pagtataray nito saka padabog na inilapag ang mga pizza.
“Hi Papi Stefan.” bati ni Sidny at poknat pero hindi man lang sila tinapunan ni Stefan ng pansin.
“Sino pang kakain nyan?” muli kong reklamo.
“Huwag mo ng dagdagan ang problema ko.”
“Bakit ba ang init ng ulo mo?”
“I have to go.” dire-diretso itong naglakad palabas ng gym saka mabilis na pinaharurot ang kanyang sasakyan.
“Mainit ang ulo ni Papi. Hayaan mo Meghan, ako na ang bahala dyan sa mga pizza.” sabi ni Sidny.
“Kakainin mo lahat?” tanong ni Poknat.
“Gaga! Hindi, ibebenta ko ulit.” biro nito, “Minsan talaga loading ang utak mo poknat. Syempre ipapamigay natin.”
“Ma’am Meghan. Nahulog po yata ito noong lalaking kausap ninyo kanina.” sabi ng tanod na si Mang Oscar. Inabot niya sa akin ang itim na Wallet.
“Salamat po, Mang Oscar.” sabi ko at agad na itinago iyon sa aking bag.
“Mang Oscar, kumuha na kayo ng tatlong box ng pizza dito. Bigyan nyo na din si Kapitan.” alok ni Sidny.
Nasa loob na ako ng sasakyan pauwi ng makapa ko sa bag ko ang wallet ni Stefan. Sunod sunod naman na nag vibrate ang cellphone ko at may more than 100 chats mula sa aming viber GC. Mamaya ko nalang siguro ito babasahin.
“Mang Jun, pwede mo ba akong dalhin sa condo ni Stefan. Alam nyo po ba kung saan yon?” Magalang kong tanong.
“Hindi, pero hayaan mo at aalamin ko sa driver ng Daddy mo.” sagot ni Mang Jun saka itinabi ang sasakyan upang tawagan ang driver ni Daddy.
“Sa Royal Sunny Complex daw po, Ma’am Meghan.” sabi ni Mang Jun pagkatapos nilang mag usap.
“Sige po, Idaan nyo po muna ako doon. Naiwan kasi ni Stefan itong wallet nya.”
Pumasok ako sa napakalaking building at nagtanong sa receptionist kung anong floor at room unit ni Stefan. Nang maibigay niya sa akin ang impormasyon ay sumakay na ako ng elevator. Bumukas ang elevator sa ikawalong palapag at may ingay na akong naririnig, mas lumakas lang ang ingay ng tumapat ako sa pinto ni Stefan. Pinindot ko ang doorbell at kasabay noon ang mga taong may hawak ng camera at mic.
“Kayo ba iyong babaeng kasama ni Stefan Escajeda sa kumakalat niyang scandal?”
“Hindi ba ikaw ang nag-iisang anak ng may ari ng Mercedez Oil and Gas Corporation?”
Ilan sa mga nakakagulat na tanong ng mga ito. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanila dahil pinangunahan ako ng kaba.
“Stefan!” katok ko saka muling humarap sa mga media.
“Ano pong masasabi ninyo na sa kumakalat na s3x scandal ni Mr. Stefan Miguel Escajeda?”
Kumunot ang noo ko.
“S3x scandal?” Sambit ko. “May scandal sya?” balik kong tanong sa kanila, nagkatinginan naman sila saka sabay sabay na tumango sa akin.
Nanlambot akong sumandal sa pinto ng condo ni Stefan. Kaya ba problemado sya kanina pang umaga dahil sa scandal niyang ito? At sino naman ang malas na babae ang ka chukchakan ng hinayupak na iyon?
Biglang bumukas ang pinto at may humila sa akin papasok saka malakas na lumagabog ang pinto ng muling niya itong isara.
“What the hell are you doing here?” singhal nito sa akin.
“May s3x scandal ka?” balik kong tanong sa kanya.
“Are you here because of that?”
“Hindi no! Pero meron ka ngang scandal?”
“Ugh!” sinabunutan nito ang sarili niya, “F*ck yeah!”
“Shiiiit! Okay ka lang? Sino ang nagkalat ng video? Binlack mail ka ba ng babae?” sunod sunod kong tanong.
“Can you shut your mouth?”
Pinaglapat ko ang mga labi ko at tumango.
“What are you doing here?” muli niyang tanong. Hindi ako umimik pero inilabas ko ang wallet niya sa aking bag. Tinitigan niya ito ng ilang sandali saka kinuha sa kamay ko, “Tinawag mo nalang sana sa akin ito. Sa tingin mo ba makakalabas ka ng matiwasay dito ngayon?” irita nitong sabi saka naglakad patungo sa kanyang salas at pabagsak na umupo sa sofa.
Sumunod naman ako habang pinasadahan ng tingin ang buong paligid. Infairnes, maluwang at malinis dito kahit siya lang mag-isa ang nakatira. Ilang babae na kaya ang nadala niya dito.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang cellphone ko para tingnan ang aming group chat. Puro tungkol sa scandal ni Stefan ang topic nila at may mga link pa na pinasa. Pinindot ko ito at dinala ako sa website kung saan mapapanood ang video.
“Aaaah!” ungol ng babae. Napatakip ako ng mata.
“What the f*ck?!” sigaw nito sa akin saka niya inagaw ang aking cellphone.
“Ang lala!” tangi kong nasabi, “Maligo ka ng holy water!”
“Parang hindi nyo ginagawa ni Rufus!” inis niyang sagot sa akin.
“HOY! NEVER! NEVER EVER!” mabilis kong sabi at halos kinilabutan ako.
“Never your ass!”
“Talaga! Virgin to’ hindi gaya mo makasalanan.” patuloy ko sa pang-aasar.
“Suit yourself.” Aniya at binalik ang aking cellphone.
“Sino naman iyong babaeng malakas umungol?”
Gigil itong nagtimpi sa aking tanong saka nahiga sa sandalan ng sofa.
“I don’t know who the hell she is. Can you stop asking me questions about that f*cking scandal of mine?”
“Gosh! Chumuchukchak ng hindi kilala.” sambit ko at umiling iling.
“What?!” bumangon ito at kunot noo na tumingin sa akin.
“Wala.” sagot ko saka muling nagbasa sa mga chat nina Avery.
Avery: Are you in Stefan’s condo Meg?
Meg: Yes. Why?
Giana: OMG! Bakit ka pumunta dyan? Alam mo bang trending kana din? Ikaw daw yung babae sa scandal.
“Anooo?!” Sigaw ko saka masamang tumingin kay Stefan.
“What?”
Hinampas ko ito ng throw pillow, “Bakit ako ang sinasabi nilang babae doon sa video mo?!” naiiyak kong tanong.
Wala itong ideya sa tanong ko kaya nagbukas din ito ng cellphone niya saka malakas na nagmura.
“Bakit ako nadamay dyan sa kahalayan mo! Anong mukhang ihaharap ko nito kayna Mommy at Daddy.”
“Hindi ba dapat matuwa ka dahil patay na patay ka sa akin ngayon?” mapang-asar itong ngumisi. Muli ko siyang hinampas.
“Ang kapal ng mukha mo! Hindi ko pinangarap na mapabalita sa isang s3x scandal! Bwisit ka!”
Tinawagan ko si Mang Jun na baka matagalan akong bumaba, willing naman daw itong maghintay dahil hindi din naman daw siya uuwi ng hindi ako kasama.
Inabot ako ng ilang oras sa pagbabasa ng mga comment at mga article sa iba’t ibang social media gamit ang account cellphone ni Stefan. Kanina pa din akong nagsasalita at nagagalit mag-isa. Bakit naman kasi makahusga sa akin parang kilala na nila ang buong pagkatao ko.
“Are you done? Wala ka namang mapapala sa mga bashers na yan kaya tigilan mo na ang pagbabasa dyan.”
Padabog kong inilapag ang cellphone niya sa mesa saka ako nakasimangot na nagtungo sa kanyang ref para uminom ng tubig.
“Nasa labas pa ba ang mga reporter?” inaantok kong tanong.
Sumilip ito sa pintuan saka tumingin sa akin, “May tatlong tao pa sa labas pero sa tingin ko ay kaya ko na naman silang pag sasapakin. Let’s go.”
Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Nagbibilang ako ng 1 2 3 pero si Stefan ay dakilang KJ, binuksan na agad ang pinto. Para tuloy akong tanga na nagbibilang sa hangin.
Ngumiti ako sa mga nasa labas saka lumabas ng pinto, Pagkatapos ay tumakbo patungo sa elevator. Hindi ko na hinintay si Stefan. Bahala siya sa buhay niya na makipag sapakan sa mga reporter. Wala akong pake!
----
Naglalakad ako patungo sa aming classroom at lahat ng mga estudyante na nakakakita o nakasalubong ko ay nagbubulungan o kaya naman ay tinitingnan na para bang isa akong makasalanan na babae.
Bwisit talaga yang mga reporter na yan!
Katakot takot pa na pagpapaliwanag ang ginawa ko kagabi kayna Mommy at Daddy para lang mapaniwala silang hindi ako iyon. Isa lang ang masaya ang nangyaring ito, si Dok Albert.
“Here comes the internet sensation.” Salubong sa akin ni Shandra saka ako nilagyan ng karton na korona habang si Flora naman ay sash. Pagkatapos at pumalakpak pa.
“Best wh0re of the year.” dagdag pa nito.
Umalingawngaw ang tawanan at bulungan sa classroom, may mga ibang estudyante ang nakasilip sa pinto at bintana na kinukuhanan kami ng video. Naiiyak akong tumingin kay Shandra.
“I made you my best friend, but you made me regret choosing the wrong person.” saad ko at hinubad ang korona sa aking ulo.
“I was your best friend but you made me hate you and yes I super hate you, Meghan.”
“For what reason?”
“For everything and I don’t have a wh0re, slvt friend.” mapang uyam nitong sagot saka niya ako tinulak.
“So, what should I call you? A backstabber?” Mariin kong sabi at tiningnan ito ng masama habang pinipigilan ang pag iyak. “Alam mo ikaw yung klase ng kaibigan na hindi marunong umintindi o pahalagahan ang mga nasa paligid mo. Ikaw yung kaibigan na imbes damayan ka o tulungan kang pahilumin ang mga sugat na natamo ko ay mas lalo mo lang itong sinugatan. Pinagsisisihan ko talaga na naging kaibigan kita.”
“Mas lalong nagsisisi akong nagkaroon ako ng p0kp0k na kaibigan!” sigaw nito sa akin.
Malakas na sampal ang binigay sa kanya ni Avery na ikinagulat naming lahat. Nanlilisik ang mga mata nitong tumingin kay Avery at handa ng gumanti pero nasalag niya agad ang kamay nito.
“I really hate two faced people. Nalilito kasi ako kung alin sa dalawa mong mukha ang una kong sasampalin. I’m glad I chose the b***h one!” Sabi ni Avery saka tinabig ang kamay nito, “Isang beses ko pang marinig na tawagin mo ng kung ano-ano si Meghan, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin.” dagdag nito saka inalis ang sash sa katawan ko at binato sa mukha ni Flora.
“Mag sama-sama kayong mga baliw!” sigaw nito. “You have a great combination, isang p0kp0k, isang tomboy at isang patay gutom!” patuloy sa panlalait ni Shandra.
“Patay gutom?” hindi makapaniwala na ulit ni Giana, “Pardon me? But you're obviously mistaken me for someone who gives a d@mn. Try harder, Shandra dahil baka makain lang kita!”
Tumingin ako kay Giana at medyo naging proud dahil nagagawa na niyang lumaban sa mga bruhang kaibigan ng totoong Meghan.
“Let’s not waste our energy with those losers, Shandra.” Singit ni Flora saka kami inirapan.
“Tama. Mag review nalang kayo para naman tumaas yang mga patapon nyong grades. Hindi yung puro paganda lang. Mag lagay din ng konting utak girls.” sabat naman ni William na kakapasok lang sa classroom pero kanina pa yata siyang nanonood sa amin. Ang lakas magsabi ng tungkol sa grades, palibhasa ay mataas ang grade nito.
Mas lalong nag git-ngit sa galit ang tatlo dahil sa mga tawanan ng aming mga kaklase.
“Tama na yan, Shandra. Don’t be such a bitch.” segunda naman ni Terence.
Hindi umattend ng klase si Stefan kahit nakita ko naman siya kanina na nagpark ng kanyang motor sa parking area. Pagkatapos ng aming klase ay palabas sana ako para mabanyo ng harangin ako ni Rufus.
“I know it’s not you. I know every inch of your body.” mapanukso nitong sabi.
Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. Masyadong mahangin talaga ang isang ito.
“Di ka sure.” bara ko sa kanya.
“What do you mean?” Biglang nagbago ang mood nito, magkasalubong ang mga kilay niya akong tinitigan ng masama. “Are you saying it’s you?”
“Pwede ba pataihin mo muna ako? Excuse me!” inis kong sagot saka ko siya binangga ng daanan ko siya.
---
Magkasabay kaming tatlo na kumain ng panang halian. Pabalik na kami sa aming classroom ng mapansin namin ang mga estudyante na nagtatakbuhan patungo sa oval fields. Naki usyoso na din kaming tatlo.
“Anong meron?” tanong ni Giana sa lalaking pabalik na.
“May nagsusuntukan sa oval. Si Astor at Escajeda.” Sagot niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nagkatinginan kaming tatlo saka kami mabilis na tumakbo sa gitna ng karamihan. Pinagsiksikan ko na ang sarili ko para lang makapunta sa gitna kung saan nagsasabong si Stefan at Rufus.
Bumagsak si Rufus sa lupa na duguan ang mukha. Duguan na din ang mukha ni Stefan pero mas malala ang natamo ni Rufus. Pumagitna ako sa kanila dahil balak pa itong sipain ni Stefan.
“Please, Tama na!” pagmamakaawa ko kay Stefan.
“Move!” utos niya sa akin.
“Tama na Stefan. Hindi na nga makalaban si Rufus.”
“I said move!” sigaw niya sa akin saka ako tinabig sanhi ng pagkakasalampak ko sa mainit na sahig.
“Ouch!” daig ko ng gumasgas ang siko at palad ko sa magaspang na oval floor.
Tila biglang umamo ang mukha ni Stefan at mabilis akong nilapitan.
“I’m sorry.” aniya.
Inilahad niya ang kamay niya para alalayan akong tumayo pero hindi ko ito tinanggap. Gag0 ba sya? Pagkatapos akong itulak?
“Bahala kayong magpatayan! Tutal ayaw nyo namang magpaawat eh.” sabi ko saka ako nag walk out. Ang hapdi ng sugat ko.
Hinabol ako ni Giana at Avery.
“Let’s go to the clinic. Sakit no?” ani Avery at nang-asar pa.
----
“Thank you nurse James.” pacute na sabi ni Giana. Ngumiti pa ito saka nilagay ang ilang buhok sa likod ng kanyang tenga.
“Salamat po.” Pasalamat ko naman.
Lumabas na kaming tatlo sa clinic pero bumalik din agad ako mag-isa at pinaghintay saglit ang dalawa sa labas.
“Yes, Ms. Mercedez?” Tanong ni Nurse James.
“Uhmm… Pwede po ba akong humingi ng mga panggamot sa sugat?” medyo nahihiya kong tanong saka pilit na ngumiti.
“Sure.”
Inilagay niya ito sa isang maliit na supot saka inabot sa akin ng nakangiti.
“Salamat po.” ganti kong ngiti sa kanya saka ibinulsa ang supot at lumabas na sa clinic.
Bumalik kami sa classroom pero wala doon si Stefan, kaya tinanong ko ito kay William.
“Si Stefan?”
“Kalalabas lang nya, kinuha lang ang gamit. Baka--” sagot nito. Hindi ko na tinapos ang kanyang sinabi dahil tumakbo na ako palabas.
Tinakbo ko ang parking lot mula sa aming classroom. Hingal na hingal akong tumigil sa harap ni ni Stefan na pasakay pa lang sa kanyang motor. Huminga muna ako ng ilang beses bago ako tumunghay sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay niya saka ito hinila patungo sa likod ng building.
“What are you doing?” irita nitong tanong sa akin.
“Umupo ka.” utos ko na agad naman niyang sinunod. Tumayo ako sa harap niya at isa-isang inilabas ang mga binigay sa akin ni nurse james, “Hayaan mong gamutin ko yang sugat mo.” sabi ko pa habang nilalagyan ng cleaning solution ang bulak.
Marahan kong idinampi ang bulak sa mukha niya kung saan may mga tuyong dugo pati na din sa mismong sugat niya. Inuna ko ang noo at pisngi niyang lagyan ng band aid pagkatapos kong linisan at lagyan ng ointment. Sunod naman ay ang gilid ng kanyang labi. Nagtama ang mga mata namin pero ipinagwalang bahala ko ang biglaang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Napansin ko ang biglang pamumula ng mukha ni Stefan kaya tinigil ko ang paglalagay ng ointment sa kanyang labi. Hinipo ko ang noo nito at pisngi habang ipinagkumpara ko ito sa aking temperatura.
“Masama ba ang pakiramdam mo?” alala kong tanong. Hinawi nito ang kamay ko sa mukha niya.
“Sasamain talaga ako kapag inilapit mo pa yang mukha mo sa akin.” mahina nitong sabi.
Inabot ko ang mga natirang gamot sa kanya pero hindi niya tinanggap kaya hinila ko ang kamay niya saka ito pilit na pinahawakan sa kanya.
“Bakit gandang ganda ka ba sa akin?” Biro ko habang inilalapit ko ang mukha ko sa kanya. Inilapat ko ang mga palad ko sa aking pisngi saka nag beautiful eyes.
Tinulak niya ang mukha ko gamit ang hintuturo niya saka ito tumayo.
“Aalis kana? Hindi ka na aattend sa klase?” habol ko sa kanya.
Hindi ito sumagot hanggan makabalik kami sa parking lot.
“Naku! Cutting class ka. Isusumb--” hindi natuloy ang sasabihin ko ng isuot niya sa akin ang helmet nitong kanina pang bitbit. Kinaladkad ako nito papasok sa aming building at huminto lang ng nasa loob na kami.
“Bakit?” taka kong tanong.
“May mga paparazzi sa labas.” sagot nito ng mabawi ang helmet saka siya umalis.
Pinanood ko itong maglakad saka ako humarap para bumalik na sa classroom pero may mga ilang estudyante ang nagbubulungan habang nakatingin sila sa akin.
“They have a thing?”
“Iniwan si Rufus para kay Stefan. Mas mayaman daw kasi,” rinig kong sabi ng babaeng nakasalubong ko saka sila tumawa.
Bwisit! Hanggang dito sa school trending ako!
----
“How’s your school, anak?” tanong sa akin ni daddy pagkatapos kong magsalin ng pagkain sa aking pinggan.
“Okay naman po. I am trying to excel in the class.”
“It’s okay, anak. Huwag mong pilitin ang sarili mo dahil baka makasama iyan sa pagbalik ng iyong memory.” sabi ni Mommy at ngumiti sa akin, squeezing my hand.
“It seems like you’re getting along with Stefan Escajeda again, hija. Okay na ba ulit kayo?” sumunod na tanong ni Daddy.
“Ah.. O-Opo. Magkaibigan po kami at magka grupo sa isang group project.” paliwanag ko na bahagyang kinakabahan dahil parang alam ko na ang patutunguhan ng usapan na ito.
“Mabait na bata si Stefan, are you sure you are not the girl in the video?”
“Mom!” nahihiya kong saway sa kanya.
“Hindi naman kami nakikialam sa lovelife mo anak. Ang sinasabi ko lang ay mabuting bata si Stefan and I like him for you, if ever you’ll end up together, diba honey?”
“Kung sino ang gusto ng anak natin ay doon ako. Pero kapag kayo nga ang nasa kumakalat na scandal ay ihanda na ninyo ang mga sarili ninyo lalo na ang lalaking yun.” seryosong sabi ni daddy. Hindi ako natakot dahil hindi naman talaga ako iyon.
“Honey! Huwag mong takutin ang anak natin. Paano pa aamin yan?” saway ni mommy sa asawa.
“Mommy. Hindi nga po ako yon.”
“If that’s what you say, pero ano na naman itong kumakalat na picture nyo sa likod ng building ng inyong school?”
Nanlaki ang mga mata ko sa picture na ipinakita sa akin ni Mommy mula sa kanyang cellphone. Hindi ko tuloy nagawang lunukin ang kinakain ko dahil yung angle ng picture ay parang hinalikan ko si Stefan.
“Ginamot ko ang sugat niya dyan mommy. I am not kissing him” mariin kong tanggi.
“Really? Nabalitaan ko nga na nag-away daw ang ex mo at si Stefan.”
Seryoso akong tumingin kay mommy habang si daddy ay pinipigil ang tawa.
“Mommy, are you spying on us?”
“Hindi no! Bakit mo naman nasabi yan.” tanggi nito saka uminom ng kanyang paboritong plum juice.
Natapos nalang ang hapunan namin sa panunukso sa akin ni Mommy kay Stefan. Hindi pa daw siya ready na maging lola pero kung magandang lahi naman daw ang maibibigay ni Stefan ay pwede na daw.
Kainis diba?
Bugaw eh!