CHAPTER 15 - The Love Storm 2

4569 Words
> Nasa harapan ko si Stefan. Pinasadahan niya ako ng malagkit na tingin. Mula ulo hanggang paa talaga niya ako tinignan. Lumunok ito ng ngitian ko sya. “Bagay ba?”  “Hindi. Ang sakit sa mata.” masungit nitong tugon at umalis sa harapan ko, sumunod naman ako, “Let’s go.” Sinuot ko ang hindi kataasan na heels na kulay itim saka tinakbo si Stefan. Nasa gitna na kami ng hallway ng abutan ko siya, kumapit ako sa braso nito at ngumiti. Tumigil naman ito at tumingin sa kamay ko. “What are you doing?” irita nitong tanong. “Baka kasi matumba ako tapos ay madapa ako. Ang ikli pa naman nitong dress ko.” paliwanag ko. Umirap ito sa akin. “Bakit kasi iyan ang sinuot mo? Kakain lang naman tayo ng hapunan sa baba.” nagpatuloy ito sa paglalakad habang sinasabayan ko siya. “Bakit ba? Gusto kong mag-maganda.” Tumingin ako sa kanya ng makapasok kami sa elevator, “Alam mo hindi ganyan si Aiden. Gentleman sya sa akin.” sabi ko. Sinubukan ko lang kung magseselos sya pero bigo ako dahil mas lalo itong sumimangot. Hanggang sa pag order namin ay hindi na ako nito inimikan. “I like… Ummm… steak, well done. As in very well done.” sabi ko sa waiter. Titikman ko kung gaano ba ito kasarap dahil ang mahal tapos hilaw naman, “Ito iyong paborito ni Aiden.” dugtong ko pa.  Sinulyapan ako ni Stefan at binawi ang order niyang steak at iba nalang ang inorder.  “Pareho kayo ng relo ni Aiden.” puna ko sa pareho nilang relo.  Hindi na ako nito kinausap hanggang matapos kaming kumain. Ang daya ni Stefan dahil may wine siya tapos ako ay wala. Inagaw ko ang wine glass niya at nilagok ang natitirang wine sa baso. “Ang daya mo, bakit ako walang wine? Hindi ba kapartner ng steak ay wine? May wine iyong inorder namin ni Aiden kanina.” maktol ko. “Alam mong mahina ang alcohol tolerance mo!” Gigil nitong sabi, “So, bakit ka umuwi ng maaga?”  “M-May emergency na inasikaso si Aiden kaya hindi natapos ang hapunan namin.” Pagsisinungaling ko at akmang magsasalin ng wine sa baso pero inagaw na ito ni Stefan. “Lasing ka sanang uuwi dito kung hindi nagkaroon ng emergency si Aiden.” sarkastikong sabi nito. Ngumisi ako, “Hindi naman siguro. Hindi naman siguro ako hahayaan na malasing ni Aiden. Isa pa mabuting tao si Aiden. Hindi masungit.” pang-aasar ko. Walang imik itong tumayo saka umalis. Naumay yata sa kabibida ko kay Aiden. Hinabol ko ito hanggang sa lobby ng hotel. “Hintayin mo ako.” tawag ko kay Stefan, “Ang ungentleman mo talaga, napakalayo kay Aiden.” maktol ko. Tumigil ito sa paglalakad at tiim bagang na humarap sa akin. Namumula ang mukha nito sa galit? “Pwede ba? For once…  Can you stop mentioning him?!” Sigaw niya sa akin. Walang pakialam kung may nakarinig sa kanya dito sa lobby. “Nagseselos ka ba?” Assume ko.  “F*ck!” Gigil nitong sinabunutan ang sarili, “Mukha ba akong nagseselos?! I am not jealous!”  “Hindi naman pala. So… Anong problema mo? Bakit bigla ka nalang nagagalit?” sagot ko sa parehong tono na ginamit ni Stefan. “Anong problema ko? Ikaw! Ikaw ang problema ko. Bakit kailangan isingit mo palagi sya sa usapan? Masaya ka with Aiden, fine! You like him? F*cking fine!”  Luh? Galit na talaga siya? “Why would it be fine with you?” nangungusap kong tanong. Galit ba siya dahil nagseselos siya o galit siya dahil galit lang talaga siya at sa akin na lang nabuhos ito? “Because I…  Ugh! Nevermind!” Iniwan ako nitong nakatulala sa lobby. --- Hindi muna agad ako pumasok sa kwarto. Naghintay muna ako ng ilang oras para lumamig ang ulo ni Stefan. Naabutan ko itong tahimik na nakaupo sa sofa at umiinom ng beer. “Saan ka galing?” malamig niyang tanong. “Sorry. I’m sorry.” paumanhin ko at hindi na sinagot ang tanong nito.  Tumayo si Stefan at tinignan ako. Madilim ang mukha nito. Galit pa din sya? “Saan ka galing?” ulit niya. Nagbabadya ang boses nito.  “Dyan sa labas. Hinintay ko munang lumamig ang ulo mo. Sorry na kasi.” para akong bata na nagpapaawa kay Stefan. “You stayed there for an hour? Gusto mong pagtawanan ako ng mga staff ko?” may galit pa din sa tono nito. Hindi na ako sumagot. Wala naman yata siyang balak makipag-ayos. Naglakad ako patungo sa banyo, naligo ako at pagkatapos ay lumabas na suot ang pantulog ko na terno. Pinasadahan ako ng tingin ni Stefan saka kumunot ang noo nito.  “Ang nipis ng suot mo.” aniya saka ako hinawi sa gitna ng pinto ng banyo para siya naman ang gumamit. Hindi naman manipis ang suot ko pero fitted and tshirt ko pero cotton naman. Nagkibit balikat nalang ako at humiga sa kama. Umaga na ng magising ako. Wala si Stefan dito sa kwarto. Tinatawagan ko ito ngunit hindi niya sinasagot kaya naman naligo na muna ako bago bumaba sa lobby. Lumapit ako sa receptionist at ngumiti sa kanya. “Did you see Stefan?” “Si Sir Stefan Escajeda po ba? Ang alam ko po ay nagpatawag ng emergency meeting si Sir kaninang 7am.” magalang nitong sagot. Maaga palang nagising si Stefan. 10am na kasi. Tumambay muna ako sa lobby para hintayin si Stefan na matapos sa kanyang meeting at para na rin sabay na kaming mag agahan. Nakatanggap ako ng text mula kay Aiden na pinagtaka ko. Aiden: Did you receive the flowers and breakfast I sent? Sinadya ko talagang agahan dahil hindi ko alam kung anong oras kayo aalis. Sana natanggap mo. Tumayo ako at muling lumapit sa receptionist. “Excuse me. May diniliver ba dito kanina para sa akin?”  “I’ll check it ma’am. Hindi po kasi ako ang tao dito kanina.” aniya at pinasadahan ng tingin ang logbook, “Yes ma’am. Bulaklak po at pagkain mula kay Aiden Elon San Juan. Received by Sir Stefan po.”  Tumango ako at pilit na ngumiti sa kanya saka ako bumalik sa kinauupuan ko kanina. Alas dose na ng makita ko si Stefan. Gutom na gutom na ako kaya masama na ang isinimangot ko sa kanya. “What?”  “Bakit ang tagal mo? Tapos hindi ka pa sumasagot sa tawag o text ko? Inabot na ako ng gutom kakahintay sayo!” maktol ko dito. “I was in the meeting. Bakit hindi ka na lang kumain mag-isa?” “Dahil hinihintay kita? At saka gaano ba kahirap mag reply? Masyado bang aagaw ng oras mo iyon? Mawawala ka ba sa focus?” sarkastiko kong sagot. Sumuko ito sa pakikipagtalo, hinila niya ako patungo sa vip room at umorder ito ng makakain naming dalawa. Hindi kami nag-usap hanggang makatapos kami ng tanghalian at makabalik sa aming kwarto. Pabalik na daw kami sa Mariana Island kaya inayos ko na ang gamit ko pero bago kami tumungo doon ay kailangan muna daw pumunta ni Stefan sa Escajeda building bilang representative ng kanyang ama para sa mga foreign investor. Nagpaiwan ako sa opisina ni Stefan at nakita iyon ni Dok Albert kaya pinasok niya ako sa loob ng makaalis si Stefan. “Let’s talk. Hindi dito.” mahinang sabi ni Dok Albert. Marahil dahil sa mga CCTV na nakapalibot dito. “Kumusta ang bakasyon?” tanong niya sa malakas na boses. “It was good. Babalik din kami mamaya sa Mariana Island.” Sagot ko.  “Nice. Dumaan lang ako para batiin ka. Maiwan na kita.” Ngumiti si Dok Albert bago ito lumabas. Naghintay ako ng limang minuto bago ako lumabas at nagtungo sa opisina ni Dok. “Have a seat. May meeting kami mamaya and I want you to get all the copy of Stefan's business plan.” “San ko makikita ang plan na iyon?” Lito kong tanong. “Kung wala sa laptop niya ay nasa desktop niya ito.” sabi niya at inabutan ako ng USB. “By the way… Ano na ang sitwasyon ninyo ni Stefan? Is there any progress?” mapanuri niya akong tinignan. “May progreso na naman kahit papaano ang ginagawa kong misyon.” mahina kong sagot at yumuko. “Alam mo ba ang ibig sabihin ng progreso, Phina? Ang progreso ay dapat alam mo ang iyong patutunguhan! Ngayon Seraphina, alam mo ba kung ano ang patutunguhan ng progreso na sinasabi mo?!” Singhal niya sa akin.  Nakaramdam ako ng takot sa boses ni Dok Albert.  “H-Hindi”   “Bullsh*t!” Hinampas nito ang lamesa niya, “See? That's the problem! Hindi mo alam dahil hindi mo sineseryoso ang pinapagawa ko, you are just like a fcking useless boat that was just going with the damn flow! Huwag mong sagarin ang pasensya ko! We are running out of time, so get the hell out of here!!”   Umiyak ako sa takot at tumakbo palabas ng opisina ni Dok. Nanginginig ang mga kamay ko ng isara ko ang seradura sa pinto ng opisina ni Stefan saka ko isinandal ang noo ko sa pinto at tahimik na umiyak. “Meghan?” Tawag sa akin ni Stefan, “What happened? Bakit ka umiiyak” punong puno ng pag-aalala ang boses nito sanhi ng mas lalo kong pag-iyak. Pinunasan ko ang mga luha ko at humarap sa kanya. “I-I’m okay”  “No. You’re not okay. Saan ka ba nagpunta?” Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. Hinihintay ang sagot ko. “B-Bigla lang sumakit ang ulo ko.” I lied.  “Do you want me to bring you to the hospital?”  Umiling ako ng paulit ulit, “Huwag na. O-Okay lang talaga ako.” pigil kong iyak saka ako yumakap sa kanya para itago ang takot sa mukha ko dahil kanina pa niya akong tinititigan. Hinimas nito ang buhok ko sa likod. Niyakap niya ako ng mahigpit na parang ayaw niya akong pakawalan kahit anong mangyari. Nakasubsob ang mukha ko sa dibdib niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kanya. “Kakausapin ko lang si Andy para siya na ang humarap sa mga foreign investor tapos ay babalik din agad ako dito.” sabi nito saka tumingin sa akin. Nag-angat naman ako ng tingin at tumango sa kanya. Inalalayan niya ako na umupo sa sofa saka ito umalis. Huminga ako ng malalim bago naupo sa harap ng computer ni Stefan. May password ito. Sinubukan ko ilagay ang parehong password ng condo niya at hindi ako nabigo. Sinave ko lahat ng pwede kong isave sa USB ni Dok. Maging ang folder na may filename sa date ngayon ay sinave ko na din saka pasimpleng binunot ang USB ng hindi halata dahil nakatutok sa akin ang USB. Nagbukas ako ng browser at nag download ng mga picture ko at picture ni Stefan saka ito ginawang collage at ginawang wallpaper ng computer niya. Tumayo na ako at bumalik sa sofa. Bumalik si Stefan pagkaraan ng ilang minuto saka kami nagtungo sa parking lot at sumakay sa kanyang sasakyan. Buong akala ko ay babalik na kami sa Mariana Island pero sa condo niya kami nagtungo. “Bakit tayo nandito?” tanong ko ng nasa loob na kami. “Kailangan kong hintayin na matapos ang meeting dahil sa mga papeles na kailangan kong pirmahan. Baka mamaya pang hapon tayo makabalik sa Mariana.” paliwanag nito. “How’s your feeling? May gusto ka ba?” seryoso nitong tanong. “Oo. Ikaw.” biro ko saka ngumiti. “Well, I’m all yours now.” ganti nito.  Hindi na ako lumaban dahil masamang binibiro itong si Stefan. Tumitig ako sa kanya habang inaalala ang mga sinabi ni Dok Albert kanina. Paano ko ba tatapusin ang misyon na ito? Sana mapatawad mo ako Stefan kapag dumating ang araw na malaman mo ang totoo.  Iniwas ko ang mga mata ko bago pa muling lumabas ang mga luha sa mata ko.  “M-Mag papahinga lang ako.” sabi ko at nag tungo sa kwarto ni Stefan. Humiga ako sa kama niyang mabango at niyakap ang isa nitong unan na kapareha ng amoy ni Stefan. Para ko na ding yakap ang may ari nito. Pumikit ako at ninamnam ang malambot na unan. Tinabihan ako ni Stefan sa paghiga, naramdaman ko ang pagyakap nito sa aking baywang. “Anong ginagawa mo?” kabado kong tanong. Shiit! Ang puso ko. Kalma lang Seraphina! “Yakap mo ang unan ko kaya ikaw nalang ang yayakapin ko.” sagot niya. Humarap ako sa kanya at pinagitna ang yakap kong unan. Binigyan ko ito ng mapang-asar na ngiti. “Pasimple ka din no? Ayan na ang unan mo. Baka saan pa mapunta yang kamay mo.” biro ko saka umusog palayo sa kanya.  --- Nagising ako sa boses ng dalawang lalaki na nag-uusap sa labas ng kwarto. Pasado alas tres na ng hapon. Bumangon ako at lumabas kaya tumigil sa pag-uusap sina Stefan at Andy.  “Hello, Ma’am Meghan.” Nakangiting bati sa akin ni Andy kaya sinuklian ko ito ng matamis na ngiti. Nakita ko naman ang pagbabago sa mood ni Stefan lalo na sa mariin nitong titig kay Andy. Muli silang nag-usap habang ako naman ay kunwaring iinom ng tubig pero pasimple na din na nakikinig. “There is someone behind all of these. May mga magnanakaw na kumuha ng plano ninyo at binenta ito sa kalaban at tinatapatan na nila ngayon ang presyo natin.”  Nasamid ako sa tubig na iniinom ko ng marinig ko ang sinabi ni Andy. Pareho silang tumingin sa akin. “Are you okay?” tanong ni Stefan. Tumango lang ako bilang sagot. Binalik nito ang atensyon kay Andy, “Do an investigation. Hanapin nyo kung sino ang traydor sa kumpanya at sisiguraduhin kong may kalalagyan sya!”  Binalot ako ng takot. Tumayo ako at bumalik na sa kwarto para iparating ito kay Dok Albert. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagtitipa sa aking cellphone at pagkatapos kong mag send at dinedelete ko kaagad ang aming convo sa inbox. “Let’s go? Ihanda mo na ang gamit mo para hindi tayo abutan ng dilim.” Sabi ni Stefan. Balisa akong tumayo at ngumiti sa kanya.  Bandang alas singko na kami nakabalik sa Mariana Island. Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang gagawing imbestigasyon. Paano kung mahuli nila ako? Paano kung sa kulungan talaga ang bagsak ko? Ma pa Seraphina o Meghan pa ako. Hindi ko kaya! Hindi ko din kaya na kamuhian ako ni Stefan. Aaminin kong may espasyo na siya dito sa puso ko kaya sobra-sobra ang takot ko ngayon. Takot na baka hindi ko na muling makita si Stefan. Iniisip ko palang ay sumisikip na itong dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Kinuha kong pagkakataon ang maglakad lakad sa labas habang nag-uusap si Stefan at ang kanyang ama. Gusto kong aliwin saglit ang sarili ko at kalimutan ang mga nililikha kong mga pangyayari sa utak ko.  Ala sais na at nag-aagaw na ang dilim at liwanag. Tunay na nakakagaan ng pakiramdam ang sariwang hangin at tunog ng hampas ng alon sa dagat. Naglakad pa ako palayo ng villa at sa pagbaba ko ng burol ay mas sumilay ang ngiti ko sa pinong buhangin na nilalaro ng aking mga paa. “Alam ko pong hindi ninyo ako pababayaan. Gabayan nyo po ako at ilagay sa tamang landas ng buhay.” panalangin ko. Sa bandang kaliwa ko ay may naaninag akong maliit na kubo. Nilakad ko ang patungo doon at ngumiti. Ito na ba ang kubo na inukwento noon sa akin ni Stefan? Ang The love storm. Hinaplos ko ang luma at bulok ng poste ng kahoy saka pumasok sa loob. Walang kahit anong gamit dito kundi papag at lumang gasera na kinakalawang na ang hawakan. May larawan din dito nina Lolo at Lola noong kasal nila at nakasandal ito sa tabi ng gasera. Nawili ako dito sa loob at hindi napapansin na malakas na pala ang bumuhos ng ulan. Taranta akong lumabas ng makita ko si Stefan sa labas at basang basa ng ulan.  “Kanina pa kita hinahanap.” alala nitong sabi. “I-I’m sorry. H-Hindi na ako nakapag paalam dahil busy ka.” paliwanag ko. “You should have texted me.”  “Sorry.” yumuko ako. Mas lumakas ang ulan pati ang dagat at nagngangalit kasabay nito ang malakas na kulog at kidlat kaya nanginig ang buong katawan ko at tinakpan ang aking tenga ng nakapikit. Niyakap ako ni Stefan. Ramdam ko din ang panginginig ng katawan niya. Giniya niya ako papasok ng kubo at isinara ang mga bintana at pinto, pero dahil malakas ang hampas ng hangin ay bumubukas ang bintana sa paanan ng papag. Hinubad ni Stefan ang damit niya at pinangkalang ito sa bintana. Umupo ako sa papag at ganoon din siya. Nanginginig ang buong katawan ko kada kukulog ng malakas. Naiiyak na ako sa takot. Lumapit sa akin si Stefan at mahigpit akong niyakap. “It’s okay. It will end soon.” bulong niya. Para bang narinig ko na ito noon, hindi ko lang maalala kung saan at kailan. Tumingala ako sa kanya at tumango saka ko pinulupot ang mga kamay ko sa kanyang mainit na katawan at sinubsob ang aking mukha sa kanyang mabango at matipunong dibdib. Bakit feeling ko safe na safe ako sa bisig niya? Kumalma ako dahil na rin siguro sa yakap nito. Maging ang t***k ng puso ko ay naging kalmado din na noon ay nagwawala kapag nagdidikit ang balat namin ni Stefan. Naghintay kami na tumila ang ulan. Nangalay kami sa aming pwesto kaya nahiga kaming pareho sa papag. Tahimik lang at nakikiramdam sa paligid. “Sa tingin mo papasukin tayo ng ahas dito o wild animals?” kinakabahan kong tanong. “I don’t think there are wild animals here. Ahas siguro.”  Umusog ako kay Stefan dahil nasa gilid ko ang pawid na dingding. Baka mamaya ay may ahas na pala sa gilid ko, hindi ko pa alam. Ang dilim kasi. “Pwede mo bang buksan ang flashlight ng cellphone mo?” tanong ko ulit. “Naiwan ko sa kwarto ang cellphone ko.” sagot nito saka tumayo. Umupo naman ako. May kinapa ito sa dingding tapos ay sinindihan ang gasera.  Nagliwanag ang paligid. Naaninag ko kaagad ang gwapong mukha ni Stefan na nakangiti sa akin. Umiwas ako ng tingin at sa litrato nina lolo at lola tumingin. “Alam mo naman pala na may lighter dyan, bakit hindi mo sinindihan kanina? Tsaka bakit mo alam na may lighter dyan? Ikaw ha?” duda kong sabi. “What?”  “Ilan na ang dinala mo dito?”  Tumawa ito at tumabi sa akin, “Are you seriously asking me that right now? Kung magdadala ako ng babae dito sa tingin mo dito ko sila ikakama? Sa matigas na papag na ito?” tumawa ito. Hindi na ako sumagot at umirap sa kanya. May point naman siya. Tsaka wag na niyang bahiran ang magandang alaala ng kubong ito. “Hindi ka ba giniginaw?” tanong ko sa kanya dahil kanina pa itong walang damit tapos ay basa pa ang pang-ibaba niya. “I don’t have a choice.” mahina nitong sagot. Feeling guilty naman ako. Kasalanan ko kung bakit siya nandito. Masarap na sana ang higa niya ngayon sa Villa kung hindi ako hinanap ni Stefan. Lumapit ako sa kanya at niyakap ito. “Anong ginagawa mo?” Gulat nitong paling sa akin. “Body heat.”  Narinig ko ang mahina nitong tawa saka niya kinabig ang baywang ko. “Nice.” bulong niya sa akin at niyakap na din ako. Pinatong niya ang mukha nito sa aking balikat hanggang sa naramdaman ko na lang ang mainit na hininga ni Stefan sa aking leeg na tila ba inuubos nito ang amoy ko. “You’re not a vampire Stefan.” bulong ko bagamat nagwawala na naman ang aking puso ay pilit ko itong nilalabanan. “But why am I so addicted to you?” ganti nitong bulong. Lumayo ako ng bahagya sa kanya para tingnan ito. Sinusubukan ko na basahin ang mukha ni Stefan pero natatalo ako sa mga titig niya. Pilit akong tumawa sa kanya. “Gutom lang yan. Umu-”  Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng siilin niya ako ng mapupusok na halik. Halik na nakakalasing kaysa sa alak na huli kong natikman. “S-Stefan...” sabi ko. Hinawakan niya ang aking batok at mas nag-alab pa lalo ang mga halik niya. Pumikit ako at kusang tinugon ito. “Sh*t!” mura niya ng gumalaw na ang mga labi ko. Kumapit ako sa batok niya para kumuha ng suporta. Pagkatapos ng mura niyang iyon ay naramdaman ko nalang na unti unti na niya akong hiniga sa papag. Hinawi niya ang tuhod ko para pumagitna ito sa akin.  "Stefan, bakit ang sarap mong humalik? Am I dreaming?" sabi ko sa pagitan ng masasarap niyang halik. “I hope this is not a dream.” bulong niya. Hindi pa ako nakaranas ng halikan ng ganito o ng makipaghalikan sa ibang lalaki. Kay Stefan pa lang kaya masasabi kong masarap talaga siyang humalik dahil nawawala ako sa aking ulirat. Pag hinalikan niya ako, para akong nililiparan ng kaluluwa. "F*ck!" malutong nitong mura at mas lalo pang idiniin ang katawan sa akin. Parang may ritmo ng musika ang bawat galaw namin. Hinaplos ko ang dibdib nito pababa sa kanyang abs. Shiiit! Nahawakan ko din sa wakas! Bumaba ang kamay nito sa leeg ko at pinapak ng halik ang bawat sulok ng aking mukha. Shiit talaga! Gusto ko ng tumigil pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Para bang iniuubos ni Stefan ang lakas ko sa bawat halik niyang ginawad sa akin. Ang leeg ko naman ang marahan na hinalikan ngayon ni Stefan. Nakakawala sa sarili. Pumikit ako at dinama ang mga halik niya sa aking leeg. Kumapit ako sa batok niya ng maramdaman ko ang kamay niyang gumapang na sa ilalim ng suot kong dress. Pinang gigilan nito ang dalawa kong umbok sa aking dibdib saka tinanggal ang hook ng aking bra. “Stefaaan.” kinagat ko ang ibaba kong labi. Dapat sana ay aangal ako pero naging ungol ang pagkakabigkas ko sa pangalan niya. “I always wanted to kiss you.” sabi nito sa mapang-akit na boses. Nagulat nalang ako dahil pagkatapos niyang sabihin iyon ay wala na akong damit. Panty nalang ang natitira sakin. Pagkatapos niyang pasadahan ng tingin ang aking katawan ay pumikit ito para haplusin. Shiiit! Isusuko ko na ba ang perlas ng silanganan? Bumaba ang mga kamay ni Stefan sa pagitan ng hita ko. Lumiyad ako at huminga ng malalim.  Mababaliw na yata ako. Kung saan-saang parte na ng katawan ko napunta ang mga halik ni Stefan na mas nagpawala ng ulirat ko. Hinding hindi ko pa naramdaman ang ganitong sarap sa buong buhay ko. "Gusto kong isipin na baguhan ka sa ganito. I f*cking like it."  Masama ko itong tiningnan pero bago pa man bumuka ang bibig ko para sagutin ang sinabi niya ay muli na naman niya akong siniil ng halik. Mga halik na bumaba sa akin panga, leeg at dibdib. PUTANESKA! Gusto ko siyang panoorin sa gingawa niya pero nalalasing ako sa mga labi niya na nasa balat ko at sa mga daliri niyang naglalaro sa gitna ng aking hita. Nakaka deliryo. Umungol ako ng malakas dahil hindi ko na ito mapigilan. "Ang sarap mo, Love." aniya at binaba na ng tuluyan ang panty ko. I'm so wet. Agad nitong binuksan ang zipper ng kanyang pants at boxers. Hinubad niya ito at inilabas ang kanyang sandata. My goodness. Naramdaman ko iyon sa aking hita.  Wala na bang urungan ito? Ibibigay ko na talaga ang virginity ko sa lalaking ito?  Dahan dahan niya akong hinalikan sa labi. Nanatili ang isang kamay nito sa gitna ng aking hita at ang isa ay sa aking dibdib. Tumitirik na ang mga mata ko sa sarap na nararamdaman. Walang lumalabas sa bibig ko kundi ung0l. Mariin kong kinagat ang aking labi ng maramdaman kong ipinasok niya ang kanya sa akin. Gusto kong sumigaw sa sobrang sakit. Pakiramdam ko ay may napunit sa loob ko.  "Wait! Are you..." Hindi nito makapaniwalang sabi, "a virgin?" gulat niyang dugtong. Maluha luha akong tumango. Lumawak ang ngiti nito sa akin at siniil ako ng halik. Maging ang luha na tumakas sa mga mata ko ay hinalikan niya habang dahan dahan niyang pinapasok ang kanya. "I'm sorry. I didn't know." Bulong niya sa tenga ko, "I'll make it gentle tonight." Tonight lang? So next time ay hindi na?  Malakas itong napamura ng ilabas pasok niya ang kanya. Napakapit naman ako sa likod niya. PUT@NGINA KA STEFAN!  MASAKIT! "You're so tight." sabi nito habang patuloy sa ginagawa habang ako naman ay mauubusan na yata ng hangin. Pumikit ito at muli akong siniil ng masasarap niyang halik at habang ginagawa niya iyon ay gumapang ang kamay nito sa litrato nina lola at lolo sa tabi ng gasera saka niya ito itinaob. Ngumisi ako ng dahil doon at ganun din sya. “I feel like they are watching us.” sabi nito at ang leeg ko naman ang pinapak. Kahit malakas ang ulan ay mas nangibabaw ang ungol naming dalawa dito sa kubo. Ang sarap ng mga halik ni Stefan. Nakakaadik ito.  Sorry, Lolo at Lola Mariana for ruining your legendary story here. Kagat labi akong napaiktad ng salitan na dinilaan ni Stefan ang dalawa kong umbok. Napasabunot ako sa buhok niya sa sarap na nararamdaman. Hinawi nito ang mga kamay ko sa buhok niya at pinagsalikop ang aming mga daliri.  Pawisan na ang mga katawan namin kahit ang lamig lamig naman dahil sa lakas ng hangin gawa ng ulan. Tumigil ito sa pagbayo at kinabig ang baywang ko para magpalit kami ng pwesto. Umupo ito habang ako ay pumaibabaw sa kanya.  “You’re f*cking hot.” aniya at hinawakan ako sa magkabilang baywang para gabayan ako sa pagtaas-baba ko sa kanya. Kumapit ako sa batok niya at hinalikan si Stefan. Namiss ko ang mga labi niyang nagpapabaliw sa akin. Sinabayan ko ang ritmo ng mga halik nito, pinaglaruan naman ng mga kamay niya ang dibdib ko. “Faster.” sabi ni Stefan. Binilisan ko dahil gusto ko din naman. May sakit pa din akong nararamdaman pero mas nangingibabaw ngayon ang sarap. Naiihi ako ng hindi ko maintindihan. Masarap sa pakiramdam pero nauubusan ako ng lakas. Mabilis na kinabig ulit ni Stefan ang Baywang ko para siya naman ang pumaibabaw sa akin. Mas mabilis ang bayo nito kaysa kanina. “Ah! F*ck!” Mura nito at umungol  Ramdam ko ang mainit na likido sa loob ko ang dumaloy mula sa kanya. Hinang hina niya akong siniil ng halik saka ito pagod na nahiga sa tabi ko. Pareho kaming hinihingal. Hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Hinalikan niya ako sa noo habang ikinumot sa aking hubad na katawan ang suot kong dress kanina.  ---- Hindi lang sa sinag ng mataas na araw ako nagising kundi sa tawanan mula sa labas. Kung hindi ako nagkakamali ay mga magulang iyon ni Stefan at sina lola? Ginising ko si Stefan. Kumunot ang noo nito dahil sa antok pa din ito pero nawala din iyon ng marinig ang boses ng kanyang ama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD