Sakay kami ng private jet patungo sa Mariana Island. Kasama namin ni Stefan ang magulang niya. Si Dok Albert naman ay susunod nalang daw dahil busy pa ito, same with Anika. Ang mga seniors naman ay sa isang linggo na susunod dahil masama pa ang pakiramdam.
Sumalubong sa akin ang malamig at preskong hangin ng Mariana Island. Nakaka relax sa pakiramdam lalo na ang kumikinang na tubig at asul na dagat at mga pinong puting buhangin. First time kong nakakita ng ganito kagandang beach. Sinalubong kami ng mga tauhan ng isla at binitbit ang aming mga gamit. Sumakay kami ng golf cart patungo sa puting villa na matatagpuan sa itaas na bahagi ng isla.
Namilog ang mga mata ko sa mga pagkain na nakalatag sa mesa. Kulang nalang ay tumulo ang laway ko. Nagutom tuloy bigla ako. Hindi mapawi ang ngiti ko kanina pa, ewan ko kung bakit. Siguro dahil first time ko ito.
“Kumain ka pa, hija. Huwag kang mahihiya.” sabi ni Tita Stephanie.
Tumango ako at pinuntirya ang lobster, hipon at alimasag. Napuno ang pinggan ko ng seafoods. Masagana ko itong kinain ng naka kamay.
“I’m surprise that you know how to eat with your bare hands.” puna ni Tito Miguel. Ngiti lang ang tanging naisagot ko dahil puno ang aking bibig.
“Hindi ba allergy ka sa seafoods?” bulong sa akin ni Stefan.
Sumimangot ako sa kanya. Bakit ba ang dami nitong alam kay Meghan? Nakakainis!
“Hindi” sagot ko sa kabila ng puno kong bibig.
Mabuti naman at hindi na ito nakipagtalo. Busog na busog ako ng matapos kaming mananghalian. Saglit kaming nagkwentuhan ni Tita bago kami tuluyan na umakyat sa taas para makapag palit ng damit at makapag pahinga.
“Ito ang magiging kwarto ko?” Mangha kong tanong kay Stefan. Ang laki nito at ang ganda. Nakaharap ang kama sa entrada ng balkonahe kung saan matatanaw ang asul na dagat.
“Yes. Our room.” sagot niya. Napawi ang ngiti ko at seryosong tumingin sa kanya.
“Our room?!” Bulalas ko, “Sa laki ng bahay na ito bakit kailangan natin na magsama sa iisang kwarto?”
“Because… Why not? Hindi ba dapat lang naman na magkasama tayo sa iisang kwarto? Ano ang gusto mong isagot ko sa mga magulang ko kapag nalaman nilang magkahiwalay pa tayo ng kwarto?”
Umirap ako sa kanya at hindi na sumagot. Hinila ko ang aking maleta para ilagay ito sa closet. Dalawang linggo kaming magkasama ni Stefan sa iisang kwarto. Goodluck!
“Sa sofa ka matutulog.” sabi ko ng matapos kong ayusin ang mga damit ko. Tapos na din akong magbihis.
“No f*cking way! The bed is huge enough for us kaya bakit ko pahihirapan ang sarili ko na matulog sa sofang ito?” mariin nitong tanggi, “And don’t worry. Hindi ako interesado sayo!” irita nitong sabi saka pumasok sa banyo.
Umirap naman ako. Lumabas ako sa balcony para pagmasdan ang tanawin. Ang ganda dito, lalo na siguro kapag ito ang makakagisnan mo pagmulat ng mga mata mo. Heaven!
“Maglilibot lang ako.” paalam ko kay Stefan, hindi ito sumagot at hindi ko na din hinintay na sumagot siya dahil lumabas na ako sa aming kwarto.
Tuwang tuwa ako sa paglalaro ng buhangin at sa pagtatampisaw sa tubig. Para akong bata na kahit tirik ang araw ay walang pakialam basta makapag enjoy lamang. Tumingin ako sa asul na dagat at para ako nitong tinatawag kaya kahit hindi ako marunong lumangoy ay hinubad ko ang aking dress saka sumugod sa katamtamang alon.
“Woah! Namiss ko ang dagat!” masaya kong sabi habang nakikipaglaro sa alon.
“Hey!” Sigaw sa akin ni Stefan, “Hanggang dyan ka nalang, baka matangay ka pa ng alon kung lalayo ka pa.” paalala nito sa akin.
Nag thumbs up ako. Naupo naman siya sa buhangin. Pinapanood nya lang ako na parang life guard habang inuubos niya ang hawak na beer in can.
Mag-iisang oras na yata ako dito sa tubig kaya naisipan ko ng umahon. Dahan dahan akong naglakad dahil pakiramdam ko ang bigat ng katawan ko ngayong wala na sa tubig ang kalahati ng katawan ko. Piniga ko ang buhok ko habang naglalakad patungo sa kinauupuan ni Stefan.
“Sir, ito na po ang nirequest nyong meryenda.” Sabi ng lalaking may bitbit na dalawang tray.
Tumayo si Stefan at masamang tumingin sa lalaking nakangiti sa akin. Sumulyap siya sa akin at binato ako ng tuwalya na tumama sa aking dibdib at mukha. Literal na natakpan ako ng tuwalyang iyon.
“Thanks. You can now leave.” Sabi ni Stefan.
Inis kong hinawi ang tuwalya sa aking mukha at masamang tumingin sa kanya. Naghubad ng tshirt si Stefan at nilampasan ako. Sinalubong nito ang alon hanggang sa hindi ko na ito makita.
Ikaw na ang marunong lumangoy!
Nilantakan ko ang juice at ang iba’t ibang klase ng prutas na dinala dito kanina habang kinukuhanan ko ng picture ang paligid. Nakita kong umahon si Stefan na parang eksena sa isang movie, iyong tipong nag slow motion ito habang sinusuklay ang buhok tapos ang mga abs at muscles ay naghuhumiyaw.
Am I drooling?
Shiiit!
Palihim ko itong kinuhanan ng picture. Lumapit ito sa akin at kinuha ang towel na hinagis niya sa akin kanina at ipinunas sa basa niyang katawan.
“Gusto mo bang mag snorkeling or mag jetski?” Anyaya nito.
“Hindi ako marunong lumangoy. Huwag na.” tanggi ko. Baka mamaya iyon pa ang ikamatay ko kapag pinagtripan ako ng lalaking ito.
“Hindi naman kita hahayaan na malunod. I’m responsible for you here, kaya hindi kita ipapahamak.” Pilyo itong ngumisi.
May point naman sya. Hinabilin ako ng mga Mercedez sa kanya kaya humanda talaga sya kapag may nangyari sa akin.
Tumayo ako at pinagpagan ang aking dress saka sumunod kay Stefan. Dinala niya ako sa malaking bodega kung saan nandoon ang mga snorkeling gear. Dinemo pa niya sa akin kung paano iyon gamitin at binigyan ako ng ilang techniques.
Pagkatapos ng demonstration ay inutusan niya ang mga tauhan nila na ihanda ang jetski. Umangkas ako at mahigpit na kumapit sa baywang ni Stefan. Inayos ko pa ang aking snorkeling vest bago nagbigay ng hudyat kay Stefan na pwede na itong umandar.
Tumili ako ng mabilis itong umandar. Para akong nakasakay sa motor pero mas nakakatakot dito lalo na kapag may alon na paparating. Dito na yata mauubos ang boses ko sa kakasigaw.
Nang nasa malalim na parte na kami ng dagat ay tumalon na si Stefan at sumenyas ito na sumunod na ako. Hindi ko siya agad sinunod dahil natatakot talaga ako. Nanginginig ang tuhod ko. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin, hinawakan ko ito ng mabuti saka ako tumalon sa tubig. Sinalo niya ang baywang ko saka niya ito kinabig palapit sa kanyang matipunong katawan.
Shiiiit! Kalma lang!
Bakit ang malisyosa ko pagdating kay Stefan?
Mahabaging Diyos! Tulungan ninyo ako.
“Just relax your body, Meghan. Remember what I told you? Sundin mo lang yon.”
Tumango ako at pakonti-konting bumitaw kay Stefan. Kusa naman akong lumulutang dahil sa vest pero natatakot akong lumubog. Pinasok ko sa bibig ko ang snorkeling tube saka yumuko at sobrang namangha ako sa aking nakita.
Tumunhay ako kay Stefan at ngumiti.
“Let’s dive in.” yaya niya. Mariin akong umiling, “Akong bahala sayo.”
Hinawakan niya ang kamay ko at nagpatianod sa kanya. Mas lalo akong namangha sa ilalim dahil sa iba’t ibang kulay ng mga isda na aking nakikita. Sa sobrang pag eenjoy ko ay nawala na sa isip ko na hindi ako marunong lumangoy dahil kusa akong natuto kahit papaano.
Nag enjoy talaga ako mag snorkeling kaya sa ikatlong araw namin dito ay hindi nawawala sa activity ko iyon. Proud ko din na masasabi na medyo kaya ko ng lumangoy, Thanks to Stefan. Sa Pool at sa dagat ba naman ako turuan. Sa ikaapat na araw namin ay nag Island hopping kami sakay ng isang yate kasama ang magulang ni Stefan. Akalain mong inihagis ako ni Stefan sa dagat para daw mas ma improve and swimming skills ko.
HAYOP!
Saka lang niya ako sinagip ng makita niyang nahihirapan na ako tapos ay tatawanan lang ako. Sa ikalimang araw ay magdamag lang kaming nanatili sa villa para magpahinga. Sobrang pagod ng aking katawan kaya more on natulog lang ako maghapon.
“Wake up!” gising sa akin ni Stefan. Para akong cocoon sa gitna ng kama. Ang sarap matulog.
“Bakit?” tamad kong tanong.
“Kanina ka pang natutulog. Masama ang sobrang tulog.”
Umupo ako sa kama ngunit nanatiling nakabalot ang comforter sa akin.
“Ano bang oras na?”
“5pm”
“Shiit!” reaksyon ko saka tumalon para sana kunin ang cellphone ko sa center table dahil kailangan kong magbigay ng update kay Dok Abert.
Puro muscle pain ang nararamdaman ng hita at braso ko at dahil nabigla ako sa pagkakabangon ay bumagsak ako sa malamig na sahig. Agad akong nilapitan ni Stefan para tulungan na tumayo.
“Are you hurt?” alala nitong tanong sa akin. Kinabig niya ang baywang ko at inalalayan akong tumayo. Kumapit naman ako sa braso niya.
“Hindi. Okay lang ako. Thanks.” Sagot ko at dahan dahan na bumitaw sa kanya para kunin ang cellphone ko.
“Kanina pang tumatawag sayo ang Daddy mo, I answered it but he’s not talking.” sabi ni Stefan. Tiningnan ko ang last call at si Dok Albert ito na DD ang nakasave na pangalan.
Pumasok ako ng CR dala ang aking cellphone at doon nag text. Masyado kasing mausisa si Stefan lately kaya nag-iingat din ako. Daig pa niya ang nakabantay sa cellphone ko sa tuwing hawak ko ito.
----
“Ang boring.” Reklamo ko kay Stefan. Nanonood lang kasi kami ng TV pagkatapos kumain ng hapunan. Ang mga magulang naman ni Stefan ay maagang natulog.
“Mag swimming ka kung gusto mo.” sagot niya.
“Ang ginaw kaya.” tanggi ko. Kanina ay ka groupcall ko sa viber sina Giana at Avery kaya naman hindi ko na pwedeng abalahin ang dalawa.
Tumayo ako at akmang lalabas ng kwarto.
“Where will you go?”
“Sa kusina, mag hahanap ng gagawin.”
“Like what?”
Hindi ko siya sinagot. Nagtungo na ako sa kusina at alam kong nakasunod siya sa akin. Wala ng tao dito sa ibaba. Marahil mga nagpapahinga na ang mga kasambahay. Naghalikwat ako dito sa pantry at nakakita ako ng ready to bake na cupcake kaya nakangisi akong humarap kay Stefan at ipinakita ito.
Wala naman siyang nagawa kundi tulungan nalang ako. Mabilis lang namin itong naibake, mga 15 minutes lang. Habang hinihintay namin na lumamig ang cupcake ay gumawa kami ng icing.
“Wow!” Mangha kong sabi ng mag thicken na ang egg white. Excited ko itong inilagay sa piping bag at tinalikuran na si Stefan na puno ng harina ang mukha dahil sakin.
Marahan kong nilagyan ng icing ang isang cupcake at ng masatisfy ako ay pinicturan ko ito. Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa small achievement na ito.
Humarap ako kay Stefan na kanina pa akong pinapanood. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa island counter. Ngumiti ito sa akin ng pinakita ko ang obra ko.
“Want to taste it?” tanong ko. Lumapit ito sa akin para kagatan ang hawak kong cupcake pero iniwas ko ito sa bibig niya at biniro, “No. not this, my mouth.” Ngumisi ako ng makita ko ang pamumula ni Stefan. Natameme din siya at napalunok, “Joke lang. Hindi kana mabiro.” bawi ko saka ako tumalikod sa kanya upang ipag gawa siya ng kanyang cupcake na may icing.
Ngunit ikinagulat ko ang sumunod niyang ginawa. Hinila niya ang aking kamay para muling humarap sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi.
Hinalikan niya ako.
Sobrang nagwala ang puso ko sa halik na ginawad niya sa akin. Pumikit ako kasabay ng pagkalaglag ng hawak kong cupcake. Hinalikan niya ako na parang ang labi ko ang icing sa ibabaw ng cupcake. Ramdam ko ang malambot at mainit niyang labi sa akin. He tasted every corner of my mouth.
“It’s delicious and I want to taste it more… more of you.” aniya sa paos na boses. Iminulat ko ang aking mga mata at tinitigan ang mapungay niyang mata. Unti unti niyang inilayo ang mukha nito sa akin. Hahalikan niya sana ulit ako ng may marinig kaming ingay mula sa aming likuran kaya mabilis ko siyang itinulak.
“Sorry to interrupt your lovey dovey. Nauuhaw kasi ang Mommy ninyo.” Nakangising sabi ni Tito Miguel.
Yumuko ako at tumalikod sa kanila.
“I’m sorry son.” sabi pa nito at narinig kong tinapik nito si Stefan. Pagkatapos nitong kumuha ng tubig ay nilisan na niya ang kusina.
Muli akong humarap kay Stefan dahil nakatayo ito sa aking likuran.
“Meghan-” Hindi ko siya pinatapos magsalita dahil pinasakan ko ng cupcake ang bibig niya saka akon tumakbo paakyat ng kwarto.
Gosh!
Hinalikan ako ni Stefan?
Hinawakan ko ang aking labi at pumikit dahil pakiramdam ko ay nasa labi ko pa ang malambot niyang labi. Bumaba ang kamay ko sa aking dibdib na kanina pang naghuhumirintado. Napatingin ako sa sahig habang dinadama ang pintig nang aking puso. Ang lakas pa din ng t***k nito?
Narinig kong ang pagpihit ng seradura kaya sa taranta ko ay tumakbo ako sa kama at nagtago sa ilalim ng comforter.
“Meghan.” Marahan nitong tawag sa akin.
Bakit sobra akong nag papalpitate ng dahil lang sa tinawag niya ako? I mean, hindi ko pangalan iyo pero kakaiba ang epekto nito sa akin. Bakit pakiramdam ko ay gustong gusto ko ang tawagin niya ako?
Hindi ako kumibo.
“C’mon Meghan! It’s just a kiss and you asked for it.”
Tinanggal ko ang kulubong sa ulo ko at masamang tumingin dito.
It’s just a kiss?
“Really?!” Bulyaw ko sa kanya, “Alam mong biro lang yon!”
“Masama akong binibiro.” ngumisi ito. Umirap ako sa kanya at iniwas ang mapanuri niyang titig, “C’mon! Stop acting like it was your first.”
“Well, It was my first!” Singhal ko sa kanya.
Humagalpak ng tawa si Stefan kaya mas lalong sumama ang tingin ko sa kanya.
Ano ba ang aasahan ko lalaking ito! Of course, wala lang sa kanya iyong halik na iyon. Kung halikan lang din naman ang usapan ay expert siguro si Stefan sa bagay na iyon.
“Nice joke.” aniya. “See how much I laughed.”
Inirapan ko ito at muling nahiga saka nagkulobong. Ramdam ko na umupo ito sa kama at ramdam ko na malapit ito sa akin kaya umusog ako.
“Do you want to continue our kissing?” mapang-akit nitong tanong.
Ugh! Ayokong matempt! Hindi na magandang biro ito.
“Tigilan mo ako Stefan kung ayaw mong basagin ko yang nguso mo!” Banta ko sa kanya.
“Really?” Ramdam ko ang bibig ni Stefan sa aking tenga kahit nakatakip ako ng comforter. Tumatayo ang mga balahibo ko, “I’m scared.” pang-aasar nito.
“Isa! Kapag hindi mo ako tinigilan ay sisigaw ako hanggan magising ang lahat ng tao dito sa islang ito!” muli kong banta.
Humalakhak ito, “Do it! Hindi ka nga makalabas dyan sa cocoon mo.” tawa nito.
Ah! Ganun? Sinusubukan niya ang pasensya ko. Inalis ko ang kumot sa mukha ko at bumungad sa akin ang mukha ni Stefan. Tumigil ito sa pagtawa, mataman ako nitong tinitigan habang patuloy naman sa pagwawala ang aking puso.
Unti-unting lumalapit ang mukha nito sa akin kaya naman sinalubong ko ang labi niya ng matigas kong ulo.
“F*ck! Ouch!” daing niya. Nakita ko ang mapulang likido na lumabas sa ibabang labi nito. Shiiit! Napalakas ata! Nagkatotoo pa ang pagbasag ko sa nguso ni Stefan.
“Are you...uhmm… O-Okay?” kinakabahan kong tanong.
Hinawakan ko ang kamay niya para tingnan ang sugat sa labi niya pero umiwas ito at lumayo sa akin.
“Don’t f*cking touch me you crazy r3tarded!” mura nito.
Bumaba ito sa kama at nagtungo sa banyo. Pinagmasdan ko siya habang binabalot ang puso ko ng guiltiness. Sumunod ako kay Stefan sa banyo at pinanood itong hinuhugasan ang sugat sa lababo.
“You want my help?” Nahihiya kong tanong, hindi ako nito pinansin, “Sorry na.” paumanhin ko at inabutan ito ng face towel.
Humarap siya sa akin, dumudugo pa din ang labi nito. Dahil matangkad siya ay tumingkayad ako para lang maabot ko ito at mapunasan ng maayos ang labi niya. I gulped while doing it. Nanginginig pa ang mga kamay ko sa kaba. Napansin niya ito kaya hinawakan niya ang kamay ko para tumigil.
Namilog ang mga mata ko habang nakatitig kami sa isa’t-isa. Shiiit. Ang gwapo talaga ng Stefan na ito! Kinuha niya ang towel sa kamay ko saka niya binitawan ang isa kong kamay.
“Get out.” malamig niyang sabi.
Hala? Galit talaga siya sa ginawa ko? Kasalanan naman niya kung bakit ko ginawa iyon. Ang unfair! Hindi nga ako nagalit ng nakawan niya ako ng halik kanina! Nakasimangot akong lumabas ng kwarto at nahiga nalang ulit sa kama.
---
Nagising ako ng mag vibrate ang aking cellphone na nasa ilalim ng aking unan. Kinapa ko ito at tiningnan gamit ang isa kong mata.
Ang aga ng mga scammer na ito ha! Bwisit!
Binalik ko ito at tumihaya. Huminga ako ng malalim saka sumulyap kay Stefan na mahimbing pa din na natutulog. Umusod ako sa kanya at dumapa sa gilid niya habang binubusog ang aking mga mata sa gwapong view. Kapag ganito ang bubungaran mo sa umaga ay hindi kana lugi.
Napunta ang mga mata ko sa labi ni Stefan na may sugat dahil sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko at napalunok habang nilalabanan ang sarili.
Shiit! Bakit parang gusto ko siyang halikan? Bakit parang may magnet ang mga labi niya at nahahalina akong halikan ang mga ito!
Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya ng hindi ko na napigilan ang aking sarili, ilalapat ko na ang labi ko ng tumunog ang cellphone ni Stefan na nasa bed side table. Mabilis sinubsob ang aking mukha sa unan at nagkunwaring tulog pa.
Nababaliw na yata ako!
“Yes, Hello?” paos na sagot ni Stefan, “Okay. Yes. I’ll talk to dad about that. I’ll call you back later then send the jet here. Okay.”
Binalik nito ang cellphone sa bedside table. Nanatili akong nakapikit at kunwaring tulog. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Stefan sa pisngi ko, hinahawi niya ang mga buhok kong humarang sa aking mukha.
Paano ba magpigil na pamulahan ng mukha?
Narinig ko ang mahina nitong tawa saka gumalaw ang kama hudyat na bumangon na ito.
“Alam kong gising kana. Bumangon ka na dya, aalis tayo.” sabi nito. Kumunot ang noo ko at umupo sa kama.
“Saan tayo pupunta?”
“Sa Cebu. May kailangan akong asikasuhin. Kakausapin ko lang si dad.” Sagot niya at ngumisi. “Move your as$ now.”
“Okay.” sabi ko saka tarantang tumalon sa kama patungo sa banyo.
----
Nasa loob na kami ng private jet at hinihintay na lang namin ang piloto. Ka chat ko si Avery ng tumunog ang cellphone ko at nag flash sa screen ko ang pangalan ni Aiden. Stefan cleared his throat saka inayos ang kanyang sunglass. Ang gwapo nya sa sunglass na suot, bagay na bagay sa kanyang perfect shovel shape jaw.
“Hello, Aiden.” sagot ko sa tawag niya,
Aiden: I saw your post on IG, you are going here to Cebu?
“Nasa cebu ka din? Oo, papunta kami dyan.”
Aiden: Cool. Can I invite you for a dinner?
“Dinner?” tumingin ako kay Stefan, busy ito sa kanyang cellphone, “S-Sure. I’ll text you my location.” ilang kong sagot.
Kailangan ko kasi si Aiden para masagot ang mga katanungan ko between Meghan and Stefan feud.
Makaraan ang dalawang oras ay nag land ang private jet sa hangar at pagkatapos noon ay sa chopper naman kami sumakay. Bumaba ito sa helipad ng isang 5 star hotel na pagmamay ari ng mga Escajeda.
Nahiga agad ako sa malambot na kama ng aming magiging kwarto. Buti nalang at dalawa ang kama dito.
“Anong address nitong hotel natin?” tanong ko kay Stefan dahil itetext ko iyon kay Aiden.
“Bakit?”
“Ibibigay ko kay Aiden. Ininvite niya ako ng dinner.”
Mapang uyam itong tumawa, hindi niya ako sinagot. Inayos niya ang bagong suot na coat saka humarap sa akin.
“I will be in a long meeting today. Tumawag ka lang sa akin if it’s an emergency.” May pagbabanta sa boses nito.
“Anong oras ka babalik?”
“I don’t know.”
“Okay. I will be with Aiden later, in case na hanapin mo ako.”
“Enjoy.” sabi nito bago umalis.
Hindi na ako nag-abala pang magpaganda para makipagkita kay Aiden. Dahil unang una sa lahat ay maganda na ako. Ngumisi ako sa harap ng salamin at nag spray ng pabango. Sumakay ako sa kotse ni Aiden at dinala niya ako sa isang fine dining restaurant. Hindi ako mahilig sa steak kaya naman truffle pasta nalang ang inorder ko.
“Masarap.” Sabi ko ng una ko itong matikaman.
Masarap naman talaga. Unang beses ko itong natikman. Ang dami palang uri ng mga luto sa pasta. Ang alam ko lang noon ay spaghetti at carbonara.
“I’m glad you like it.” nakangiti nitong sagot, “What are you doing here with Stefan? You know… Honestly, I still can’t believe na kayo ni Stefan.”
Ngumiti lang ako sa kanya, “I hope you don’t mind asking this... Bakit ako galit na galit noon kay Stefan?”
Tumigil ito sa paghiwa ng kanyang steak at seryosong tumingin sa akin, “Hindi niya sinabi sayo?” Umiling lang ako, “You didn't bother asking him?”
“Hindi.” pag-amin ko.
Huminga ito ng malalim, “Well, I’m not surprise. I’m afraid that if I tell you the reason ay bigla nalang kayong magkalabuan ni Stefan. Ayoko din naman na isipin ni Stefan na sinisiraan ko sya sayo.” tipid itong tumawa.
“Talaga?” Hilaw akong ngumiti. Mukhang walang balak sagutin ang tanong ko.
“Do you really love him?” seryoso ang boses nito.
Hindi ko agad siya sinagot. Kung si Seraphina ang sasagot sa tanong na iyan ay hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko para kay Stefan. Nakakainis siya paminsan pero gustong gusto ko ang palagi siyang kasama. Gusto kong nakikita siyang ngumiti o tumatawa dahil nagagalak ang puso ko doon. Kapag wala naman siya ay hinahanap ko siya gaya na lang ngayon.
Kumain na kaya siya?
“Yes.” sagot ko bilang si Meghan.
Mapait itong ngumiti sa akin, “I see… We can still be friends, right? Hindi ka naman siguro pagbabawalan ni Stefan?”
“Of course not. Hindi naman siya selosong tao.” pagsisinungaling ko.
“I doubt that.” tawa nito, “But anyway, I’m glad to hear that I can still be able to talk to you.”
“Why not. So… Sasabihin mo na ba sa akin ang dahilan?” balik ko sa nauna naming topic. Ngumisi ito at pinagsalikop ang mga daliri.
“Actually, it started when we were--”
Hindi natapos ni Aiden ang sasabihin ng tumunog ang cellphone ko. Si Dok Albert ang tumatawag, agad kong kinuha ang cellphone ko sa gilid ng mesa at ngumiti kay Aiden.
“May I?” tanong ko.
“Sure. Go ahead.” anito. Tumayo na ako at naglakad palayo.
Huminga muna ako ng malalim bago ko ito sagutin.
“Yes, Dok Albert.”
“I’ve heard that you are in Cebu with him. Mabuti naman at sumama ka.” panimula nito, “I need your help, Seraphina.”
“Anong kailangan kong gawin?” kinakabahan kong tanong.
“Picturan mo lahat ng mga documents na hawak ni Stefan at ipasa mo sa akin. Alamin mo kung sino ang katransaction niya ngayon.”
“Pero kasi…”
“Walang pero pero Phina. Do what I said! Nababagalan na nga ako sa pinapagawa kong misyon sayo tapos ito lang ay pahihirapan mo pa ako?!” singhal niya sa akin.
“Oo na. Gagawin ko na.” naiiyak kong sabi saka tinapos ang aming paguusap.
Bumalik ako sa table namin ni Aiden at hiyang hiyang nagpaalam na sa kanya. Nag insist naman itong ihatid na ako sa hotel. Naglakad kami papasok sa lobby ng hotel at agad kong nabungaran si Stefan na may kausap na babae. Maganda ang babaeng kausap niya at mukhang matalino dahil na din siguro sa office attire nito.
“How long will you stay here?” tanong sa akin ni Aiden.
“Uuwi na din siguro kami bukas ng umaga.”
“I see… See you back in Manila nalang.” nakangiti nitong sabi. Gumanti ako ng ngiti.
Nakipag beso-beso ito bago siya nagpaalam at ng muli kong titingnan si Stefan ay mariin na itong nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya saka lumapit.
“Mauna kana sa kwarto.” malamig nitong utos sa akin, hindi man lang ako ipinakilala sa kausap niya.
Bakit ang sakit dito sa puso ko?
Tipid akong ngumiti saka bumaba ang mga mata ko sa bitbit niyang document handbag.
“G-Gusto mong ako na ang magdala ng gamit mo sa kwarto?” offer ko.
“Mabuti pa nga ng may pakinabang naman ako sayo.” halos ihagis nito sa akin ang bag na iyon.
Ang gaspang ng ugali palibhasa may chicks na kaharap!
Gusto kong maiyak.
Malungkot akong sumakay sa elevator at ng makarating sa kwarto ay hinagis ko sa kama ang bag na bitbit dahil sa sama ng loob.
“Wala kang karapatan na masaktan Phina. Tumigil kana at gawin mo nalang ang pinapagawa sayo ni Dok Albert.”
Kumbinsi ko sa sarili ko. Binuksan ko ang bag at binasa ang mga nakasulat. Sa totoo lang ay wala ako masyadong maintindihan maliban sa business contract na nandito. Isa isa ko itong kinuhanan ng picture at pagkatapos ay sinend sa email ni Dok Albert. Binura ko din naman agad ito sa sent item para walang bakas ng ebidensya.
Bumukas ang pinto ng aming kwarto kaya nataranta ako at binalik ang mga papel sa loob ng bag, late na nga lang dahil nakita na ako ni Stefan. Lumunok ako at nilingon ito.
“What the hell are you doing? Importante ang mga papel na yan!” galit nitong sigaw sa akin.
“S-Sorry.” Mahina kong sabi, “Naghahanap lang ako ng bond paper dahil gusto kong mag drawing. A-Ang boring kasi.” Pagsisinungaling ko.
Kinuha niya ang bag sa kama at tinabi ito sa cabinet. Sinunod naman niyang hubarin ang coat niya at kurbata.
“K-Kumain kana ba?” Hindi ito sumagot sa tanong ko, “Magpapadala ako dito ng makakain.”
“Bakit? Hindi ka ba binusog ni Aiden?” sarkastiko nitong tanong.
“Hindi.” tipid kong sagot.
Hindi na ito nagsalita. Nabihis ito ng damit pero halos kahawig lang naman ng suot niya kanina, maliban lang sa may kurbata at coat iyong kanina.
“Let’s go.”
“Saan?”
“Let’s eat dinner.” nang ningning ang mga mata ko sa sinabi nito. Ngumiti ako at tumalon pababa sa kama na parang bata.
“Magbibihis lang ako.”
Tatlong dress ang pinag pilian ko at itong pinaka sexy ang sinuot ko. Hindi naman sa nagpapaganda ako. Excited lang. Unang dinner date namin ito ni Stefan. Hindi man official date pero ganun na iyon para sa akin. Naglagay ako ng kaunting makeup saka naligo ng pabango. Kinulot ko din ang buhok ko.
“C’mon Meghan! Mag-iisang oras ka na dyan!” katok ni Stefan sa banyo. Binuksan ko ito, nakatingin ito sa wrist watch niya, “What took you so--” hindi na nito tinuloy ang sasabihin ng pasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan.