Sa bahay na nagpalit ng damit si Giana. Malaya ko siyang pinapili ng kahit na anong gusto niyang gamitin mula sa aking closet. We put on makeup and took some selfies. Ito ang unang beses ko na dadalo sa isang birthday party ng kaklase. Ang sabi ni Giana na ang party na pupuntahan namin ay hindi katulad ng sa inaasahan ko. Katulad daw ito sa mga western party na puro mga liberated ang dadalo.
Tama nga siya. Nasa labas palang kami ng bakuran nila ay may nakita na agad akong naglalampungan sa patio.
Pumasok kami sa loob at masyado ng crowded dito. May dumaan sa amin na lalaking may bitbit na round tray at puno ito ng maliliit na baso. Kumuha si Giana ng dalawa at binigay sa akin ang isa.
“Ano ito?” tanong ko.
“Alak.” sagot niya saka niya ito ininom na parang tubig lang. Kaya naman ginaya ko siya. Peste! Sobrang pait at gumuguhit sa aking lalamunan. Ngumibit ako at tumingin kay Giana.
“Ang tapang!” tawa kong sabi.
Nakita namin si Avery na sumasayaw sa malakas na tugtugin. Naka dress itong itim at ang sexy niya sa suot niyang iyon. Lumapit kami sa kanya at nakisayaw na rin.
“I don't know this song.” sigaw ko habang sumasayaw.
“Well, I hate this song.” sagot ni Avery.
“Yes!” Sigaw ni Giana ng makita ang bagong refill ng pagkain saka lalong ginanahan na sumayaw. Naiiling na tumawa nalang kami ni Avery.
May lalaki naman na sumayaw sa likod ni Avery at may pagka manyak ito, hinipuan pa niya ito sa pwet kaya malakas na tinuhod ito ni Avery sa maselan nitong parte.
“The next one's a neck shot, douche!” Gigil na singhal ni Avery habang pinapanood ko kung paano mamilipit sa sakit ang kawawang lalaki.
Buti nga sayo!
“That's my girl.” Cheer ni Giana.
Muli akong sumayaw. Pinasadahan ko naman ng tingin ang paligid upang hanapin si Stefan. Ang alam ko ay nauna na sila dito ni William. Nasaan kaya sila? Niyaya ako ni Avery sa pangalawang salas ng bahay nina Edmond at doon namin nakita ang mga ex fake friends ko. Himala at wala si Rufus.
“Where is your goddamn beer, Meghan?” Mapang uyam na tanong ni Shandra.
“Ah! Hindi ako umiinom.” Sagot ko.
“Weird. So bakit ka nandito?”
“Invited sya.” SiAvery ang sumagot.
“I'm not talking to you, Avery. Bakit ang epal mo?” Anas nito.
“Yes and No, don't even approach me. I am severely allergic to fake bitches.” Irap nito. Gumanti naman si Shandra.
“Wala dito si Stefan, so are you here for Rufus?” Tanong ni Flora.
“Cmon!” Inis kong sabi. Ni Ayoko nga na makita ang hayop na yon!
“Actually, nandyan si Stefan may kalampungan na iba. Nandon sila sa pool area.” sabat ni Mia.
Tumingin ako kay Mia at saka umirap. Naglakad ako kung nasaan ang swimming pool nina Edmond at tama nga siya. May kausap si Stefan na babaeng naka yellow bikini at ang lagkit ng tingin nila sa isa’t-isa.
Ewan ko pero bakit pakiramdam ko ay napunta na lahat ng dugo ko sa ulo ko? Gusto kong lunurin ang dilawan na babaeng bubuyog na iyon!
“Saan pwedeng humingi ng red horse?” Gigil kong sambit.
“Ha?” Litong sambit ni Giana sa tanong ko.
“You mean heineken?” sabi ni Avery.
Hindi ko alam iyon pero tumango nalang ako.
“Yes. No skip that. May gin ba dito?” Muli kong tanong ng makita ko na umangkla ang babae sa leeg ni Stefan.
“Gin?” Parehong reaksyon ang ginawa ni Giana.
Peste! Pati iyon ba ay hindi alam ni Giana?
“I think they have soju.” sagot ni Avery. Nagtungo kami sa kusina para kumuha ng sinasabi niya soju. May mga flavor dito pero mas pinili ko ang original at saka ko ito nilaklak.
PUTANGIN@!!!
Ang tapang!!!
Bitbit ang bote at nagtungo ako sa swimming pool area, sa sobrang harutan nila ay hindi na nila namalayan ang paglapit ko sa gilid nila. Madilim dito kaya baka hindi na din nila ako napansin.
Natapunan ng alak ang kamay ni Stefan mula sa hawak na beer ng babaeng bubuyog. Mukha namang sinadya at ang puntirya talaga nya ay ang damit ni Stefan para maghubad na din ang gag0ng ito sa harap niya.
“Do you want to wash your hands at my place?” Malandi nitong offer.
Luh? Maghuhugas lang ng kamay sa bahay pa talaga ng bubuyog na ito nagyaya?
Tumawa ako ng malakas. Kunot noo akong nilingon ni Stefan saka nito kinalas ang kamay ng babaeng bubuyog.
“A-Anong ginagawa mo dyan sa dilim?” tanong ni Stefan.
“Pinapanood ka.” tawa kong sagot saka uminom ng soju, “Ang pait! Biogesic ba ito?” reklamo ko.
“Bakit ka umiinom niyan? Napakahina mo naman sa alak.” inis nitong sabi saka inagaw ang alak sa kamay ko.
“I hate you!” sigaw ko sa kanya. “Thanks for reminding me why I hate you!” dagdag ko at hirap na akong bigkasin ang mga salitang iyon.
“Stefan. Hayaan mo na ang lasing na yan!” sabi ng babaeng dilawan. Masama akong tumingin sa kanya.
“Hoy babaeng bubuyog!” sabi ko at dinuro siya, “Alam mo bang saksakan ng babaero ang lalaking ito? Humanap ka nalang ng ibang bulaklak! Masasaktan ka lang.” sabi ko at tumawa.
“Are you crazy?!”
“Can you leave us alone?” utos ni Stefan sa babaeng kalampungan niya kanina. Irita naman itong umalis. Hinawakan ako ni Stefan ng mawalan ako ng balanse pero hinawi ko kaagad ito.
“Bitawan mo ako, malanding lalaki!”
“Bakit ka ba nagagalit? Ano bang problema mo? At sino ang nagbigay ng alak sayo? I told them not to give you any alcohol drink! Patay ka talaga sa akin Edmond!”
Tumawa naman ako dahil sa galit na mukha ni Stefan.
“Hindi naman sa galit ako sayo. You're just a terrible person, is all I am saying.” hirap kong sabi. Nabubuhol na ang dila ko, “Alam mo…” Dinuro ko ang mukha niya at inilapit ito sa akin, “Bakit ang gwapo mo? Bakit ang sarap mong halikan?” tumawa ako at lumayo sa kanya, “Hindi kita hahalikan! Galit ako sayo!” patuloy ko at tinulak siya para sana umalis na pero hinila niya ako pabalik.
“Then kiss me.”
Tumawa ako at lumayo sa kanya.
“Keep on dreaming!” patuloy ako sa pagtawa.
“Then I’ll kiss you.”
Tumigil ako sa pagtawa at seryosong tumitig sa kanya.
Hahalikan daw ako ni Stefan? Malakas akong tumawa, “Am I dreaming?”
“No. You’re not.” mahina nitong sabi habang papalapit ang mukha niya sa akin.
Gagi! Ang wild naman ng panaginip kong ito, gusto kong masuka.
Literal! Nasusuka ako. Kumapit ako sa magkabilang braso ni Stefan at sumuka. Parang hinuhukay ang tiyan ko sa sobrang sakit hanggang sa nawalan na ako ng malay.
Nagising akong na nasa hospital. Umiktad ako ng bangon at doon ko naramdaman ang sakit ng aking ulo. Nagising naman si Stefan na nakaupong natutulog sa gilid ko.
“Anong nangyari?” tanong ko. Wala akong maalala maliban sa uminom ako ng soju at nilaklak ko pa ito.
“You obviously passed out. Huwag ka ng uminom ng alak kung hindi mo kaya ang sarili mo!” sermon nito sa akin.
“Sinabi mo kayna mommy at daddy na nasa hospital ako?” kinakabahan kong tanong.
Hindi agad ito sumagot. Please don’t say yes! Sasakalin talaga kita.
“No.”
Bumuga ako ng malalim na hininga at bumalik sa pagkakahiga.
“Ugh! Ang sakit ng ulo ko. Ano bang oras na?” tanong ko sa kanya.
“2am.”
Muli akong bumangon, “2am palang? So ilang oras pa lang akong nandito?”
“Yes. Kailangan mo lang ubusin ang dextrose na iyan bago ka nila payagan na umuwi.” paliwanag nito. Humiga na ulit ako.
“Salamat, Stefan.” Nahihiya kong sabi. “Nasaan na nga pala sina Giana at Avery? Pati si William?”
“I don’t know. Iniwan ko sila kayna Edmond because I was worried sick when you passed out.” mahina nitong sagot, “May gusto ka ba?”
“Tubig.”
Dinukot nito ang cellphone sa kanyang bulsa at may tinawagan, “Bring us water here. Samahan mo na din ng mainit na sabaw.” utos niya saka binaba at tumingin sa akin.
Kasabay ng pagkaubos ng lugaw na pinabili ni Stefan para sa akin ay ganun din ang pagkaubos ng aking dextrose. Pagkauwi ko ay inayos ko ang bathtub para makapag relax sa mainit na tubig.
Pumikit ako at ninamnam ang init ng tubig sa aking katawan. Kahit papaano ay naibsan nito ang hangover ko. Ngumiti ako hanggang bigla nalang rumihistro sa isip ko ang mukha ni Stefan na papalapit sa akin kaya naman dumilat ako sa sobrang nerbyos.
“Pinag nanasahan ko ba ang baliw na iyon?” bunghalit ko at umiling.
Bakit ko naman gugustuhin na halikan ang mapupula at malambot niyang labi? No freakin way!
Nababaliw kana Seraphina!
----
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising, buti na lamang at walang pasok ngayon. Dinalhan ako ng kape ni Sanya sa kwarto at pancake habang nag eehersisyo ako.
Pawisan akong tumigil sa pag sasayaw ng muli na namang bumalik si Sanya sa aking kwarto.
“Ma’am Meghan, may bisita po kayo sa baba.”
“Sino?” taka kong tanong dahil wala naman akong inaasahan na bisita.
“Si Sir Aiden po. May mga dalang bulaklak at tsokolate. Mukhang aakyat ng ligaw. Ano kayang masasabi ni Sir Stefan.” kinikilig nitong sabi at may halong pang-aasar.
“Seryoso?” gulat ko namang reaksyon, “Bakit wala man lang siyang pasabi?” hindi ko pa din makapaniwala na sabi habang nagpupunas ng pawis.
Bumaba ako ng hindi na nag-abala pang magpalit ng damit. Suot ko pa din ang black gym outfit, sports bra and leggings.
Tumayo si Aiden ng makita akong papalapit saka ito matamis na ngumiti. Gumanti naman ako agad.
“Hi. Sorry kung naistorbo kita. For you.” Aniya.
“No. It’s okay. Maupo ka. Anong gusto mo? Coffee, juice or?” tanong ko ng tanggapin ko ang dala nitong bulaklak at tsokolate saka ko naman pinasa kay Sanya.
“Water please?” sabi nito at naupo.
“Are you free today? Pwede ba kitang-”
“Ma’am nasa labas po si Sir Stefan.” Sabi ni Manang Saleng, ang ina ni Sanya.
Napatayo ako sa gulat. Bakit nandito din si Stefan?
“Si Stefan? Anong ginagawa niya dito? Totoo bang okay na kayo?” sunod sunod na tanong ni Aiden.
“Yes.” maikli kong sagot at tumingin na kay Stefan na nakangiti sa akin pero agad itong naglaho ng makita si Aiden at ang mga bulaklak sa likuran ko na hawak ni Sanya.
“May bisita ka pala.” malamig nitong sabi habang papalapit sa akin. “Pinabibigay ni Mommy.” dagdag nito at inabot sa akin ang paperbag na puti. “It’s hangover soup.”
“Thanks, bakit ka naparito?” tanong ko.
“Pinapasundo ka ni Mommy.”
“Your Mom?” hindi makapaniwalang tanong ni Aiden.
“Yes, Aiden.” humarap si Stefan kay Aiden ng nakapamulsa, “What are you doing here, anyway?”
“Gusto ko sanang yayain si Meghan na lumabas.”
“Like a date?” sabi nito at tumingin sa akin, “Well, I’m sorry to say that she has an appointment today.”
“Yeah. I see. Maybe next time, Meghan?” tanong nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
“Yes. Sorry ha? Sana tumawag ka muna bago nagpunta dito.”
“It’s okay. I want to see you too.” malambing nitong sagot.
Narinig ko ang mapang uyam na tawa ni Stefan.
“Aakyat muna ako para magpalit ng damit. Maiwan ko na muna kayo.” paalam ko sa kanila.
“Why don’t you eat the hangover soup first? Para naman may isagot ka kay mommy mamaya.” Paalala ni Stefan. Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya saka tumango.
---
Hinatid ako ni Stefan sa isang exclusive spa na matatagpuan sa isang farm. Naabutan ko doon si Tita Stepanie na umiinom ng tsaa. Hinalikan ni Stefan ang kanyang ina at ganoon din ang ginawa ko saka matamis na ngumiti sa kanya.
“I’m happy to see you here. Thanks for accepting my invitation, Hija. Have a seat.” aniya, “Napakasarap nitong tsaa na iniregalo mo sa akin.” sabi nito habang nagsasalin sa isang tasa na para sa akin.
Ngumiti ako ng tanggapin ko ito.
“Mom, sasamahan ko lang si Kuya Boni sa bakahan.” paalam ni Stefan, hinapit ni Stefan ang baywang ko at saka ako hinalikan sa pisngi. “Maiwan na muna kita dito kay mommy, Love.”
Yung kabog ng dibdib ko. Hindi ako makahinga! Halik lang iyon sa pisngi! Bakit parang nababaliw kana?
Hindi ko na nagawang sumagot. Umalis na si Stefan kasama ang tinawag niyang Kuya Boni.
Niyaya ako ni Tita na magpa body massage sa mga tauhan nila. Ang sarap sa pakiramdam ng bawat hagod ni Ate sa likod ko. Kulang nalang ay umungol ako sa sarap. Pagkatapos namin sa massage ay pinasyal niya ako sa kanyang bonsai farm. Pinakita niya sa akin ang iba’t ibang koleksyon niya ng mga mamahaling bonsai na nabili niya sa Japan. Ang iba ay galing sa subastahan at ang iba naman daw ay regalo sa kanya.
“Ikaw, Hija? Ano ang mga kinahihiligan mo ngayon?” tanong nito. Natigilan ako sa pag ngiti at tumingin sa kanya.
Ano nga ba?
Ang tanong, eh meron nga ba?
“Yung anak nyo po.” biro ko na agad niyang tinawanan. Actually, kanina pa itong tumatawa sa mga simple kong biro.
“Bukod sa anak ko? Nakakatawa ka talagang bata ka.”
“Bag po.” tipid kong sagot. Wala akong maisip eh.
Kung si Meghan ay Bag ang alam kong kinahihiligan nito maliban sa mga koleksyon niya ng lalaki. Char!
Joke lang Meghan!
“We girls love bags. That’s already counted.”
“Ganun po ba? Uhmmm… Wala po akong kinahihiligan na kolektahin sa ngayon. Kung meron man po in the near future ay pwede po bang ang mga magiging apo nyo nalang po?” muli kong biro. Humagalpak ito ng tawa at hinampas pa ako sa braso.
“Luka luka ka talagang bata ka. But I love that idea. Sige, gusto ko din naman magkaroon ng maraming apo.”
Hilaw akong ngumiti, hindi na mabiro ang aking future biyenan.
“Ilan po ba ang gusto nyong apo?”
“Hanggat ilan ang kaya ninyong gawin ni Stefan.” tawa nitong sagot.
“Mom? Bakit naman apo na ang pinag-uusapan nyo?” Sabat ni Stefan ng makalapit ito sa amin. Kumapit pa ito sa baywang ko.
“Ito kasing si Meghan, tinatanong ko kung ano ang kinahihiligan niyang kolektahin, sagutin ba naman ako ng wala at mga apo ko nalang daw kung sakali.” kwento nito sa kanyang anak saka mahinhin na tumawa.
“Really?” sabi ni Stefan at nakangising tumingin sa akin, “Why don’t we start giving her an apo?”
Ako naman tumawa sa joke niya saka ito pasimpleng siniko.
“Wait until marriage before having children, mga anak.” Paalala nito sa amin.
“Tama po kayo, Tita.” sang ayon ko at matamis na ngumiti sa dalawa.
----
“Ang ganda ng farm nyo,” basag ko sa katahimikan habang tinatahak namin ang pauwi sa bahay.
“May mas maganda pa sa farm na yan” sagot nito. Nanatili ang mga mata nito sa daan.
“Talaga? Saan?”
“Sa Subic at sa Cebu. I’ll bring you there soon.”
Hindi ako nakaimik. Ewan! Kinikilig ako. Ibig sabihin may balak siyang dalhin ako sa mga farm na iyon.
Kalma ka lang Seraphina!
Kalmahan mo lang! Wag pahalata na kinikilig. Bawasan mo yang ngiti mo! Utang na loob!
Pero hindi ko kayang pigilan.
“Why are you smiling?”
Umiling ako, “Wala.” sagot ko at pinagdikit ang mga labi ko para pigilan ang muling ngumiti.
---
Lunes ng umaga ay maaga akong pumasok dahil exam namin ito bago mag sembreak. Gusto ko kasing sa school nalang nag rereview para fresh iyon sa utak ko. Nilapat ko ang mukha ko sa aking desk habang nakapikit na nagsasaulo.
“Management is a process designed to achieve an organization's objectives by using its resources effectively and efficiently in a changing environment.”
May nararamdaman akong malamig banda sa mukha ko kaya ng imulat ko ito ay may banana milk at sandwich na dito sa aking desk. Tumunghay ako sa lalaking bagong upo sa aking tabi.
“For me?” paninigurado kong tanong kay Stefan. Tumango lang ito ng hindi ako tinitingnan, “Bakit ang aga mo?”
Hindi ito sumagot. Nilagay niya ang hood ng jacket niya sa kanyang ulo at nagsuot ng earphone saka ito humalukipkip at pumikit. Hindi ko na siya pinansin at tiningnan ang aking cellphone. Nagupload kasi ako kaninang umaga sa aking IG.
Wow! Ang dami na agad heart. May mga goodluck comments pa mula sa mga followers ko. I mean ni Meghan. Nagpost kasi ako ng selfie ko tapos ang caption ay kinuha ko lang sa google.
It's not about how bad you want it, it's about how hard you are willing to work for it. Early bird today. #examday
Naks. nag heart din naman si Stefan. Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Ang gwapo kahit tulog. Sana all hindi napepressure sa exam. Saglit ko pa itong tinitigan tapos itong peste kong puso bigla nalang nagwala!
Ano? Gwapong gwapo din kay Stefan?
Unti-unti kong nilapit ang kamay ko sa mukha niya. Shet! Pigilan mo Seraphina!
“What are you trying to do?” tanong ni Stefan sa akin at nakabusangot na ang mukha.
Hilaw akong ngumisi saka kinuha ang isa niyang earphone.
“Pahiram.” paalam ko pero nasa kamay ko na ito at ilalagay na sa aking tenga.
Akala ko babawiin niya pero hindi at sahalip ay bumalik lang sa pagpikit. Nilagay ko na sa tenga ko ang earphone. Buti nalang may earphone no? Nakalusot pa din ako pero kanina ay gustong gusto kong haplusin ang gwapo niyang mukha.
Bumalik ako ng tingin kay Stefan ng marealize na ang pinapakinggan niya pala ay voice records niya ng kanyang notes. Napangiti ako at nilapat ang aking pisngi sa desk, this time ay nakaharap na kay Stefan habang iniinom ko ang banana milk.
Nakaka inlove naman itong view ko. Sana lang bawasan niya ang pagka antipatiko, pagka babaero at pagka masungit para naman perfect na siya. Perfect para sa akin. Ngumiti ako at kinikilig na kinagatan ang tinapay.
Nagmulat ito ng mata kaya naman mabilis akong pumikit kunwari ay focus sa pinapakinggan. Shet! Pati ang boses ni Stefan ay ang sarap na pakinggan ngayon sa aking tenga.
Iba na ito!
Kabahan ka na Seraphina!
Kumagat muli ako sa tinapay at minulat ang aking mata. Ganun nalang ang gulat ko ng makita ang mukha ni Stefan sa tapat ko. Nakalapat din ang pisngi nito sa desk gaya ng sa akin, kaya naman mas malapitan kong natatanaw ang mukha niya.
Nabilaukan ako ng dahil din doon. Humigop ako sa aking banana milk at huminga ng malalim ng saka ilang beses na umubo.
Tinapik ni Stefan ang likod ko at marahan na hinagop, “Are you okay?”
Tumango ako habang umuubo tapos ay muling uminom ng banana milk. Huminga ako ng malalim at pumikit para pakalmahin ang sarili ko. As in! Sobra sobra ang kabog nito. Pinunasan ni Stefan ang luha ko. Namilog ang mga mata kong tumingin sa kanya.
“Don’t look at me like that. I’m your boyfriend.” bulong nito.
Sumulyap pa ito sa dalawa naming kaklase na nakatingin sa amin. Gaya namin ay maaga din silang pumasok para mag review. Gets ko na ang gusto nitong ipahiwatig. Akala ko ay totoong concern na talaga siya sa akin. Nandoon na yung kilig eh! Ngayon wala na.
Tatlong araw ang exam namin at tatlong araw din akong stress. Hindi mataas ang grade ko last semester kaya kailangan kong makabawi. Malaking tulong iyong pinakinggan kong voice record ni Stefan kaya naman nag request ako sa kanya ng kopya ng iba pa noon para sa ibang subject. Lumabas ang result ng exam namin sa ikaapat na araw at matataas na ito ngayon. Nagtatalon ako sa tuwa at yumakap ay Stefan.
“Thank you!” masaya kong pasasalamat sa kanya. Sa sobrang tuwa ko ay binigyan ko pa ito ng halik sa pisngi niya.
Agad pinamulahan ng mukha si Stefan at nag walk out. Hinabol ko ito.
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Uuwi na.” malamig nitong sagot.
“Agad? Manlilibre pa ako ng lunch eh. Mamaya na.” Pangungulit ko sa kanya. Lumingon ako para sulyapan sina Avery at Giana na hinahanap pa din ang pangalan nila sa bulletin board.
“Meghan. Can we talk?” tawag sa akin ni Rufus. Tumigil ako at ganun din si Stefan.
“No. You can’t.” Si Stefan ang sumagot.
“I just want to talk to her, wala akong gagawin sa kanya.”
“I don’t trust you.”
“I’m not asking you to trust me, isa pa hindi ikaw ang tinatanong ko.” asik ni Rufus saka ako tiningnan ng masama, “We will talk Meghan.” anito. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.
Nanlilisik naman ang mga mata ni Stefan na sumugod kay Rufus. Hinila niya ito at ng makaharap ay inambahan ng sunod sunod na suntok sa mukha kaya bumitaw na sa akin si Rufus.
“Hindi ka ba marunong makinig?! Huwag mong sagarin ang pasensya ko! Layuan mo si Meghan kung ayaw mong mapaaga ka sa kulungan!” Asik nito saka tinulak si Rufus,
Umugong ang bulungan sa paligid. Malaking kahihiyan ang inabot ni Rufus kaya ngumisi ito.
“Baka naman ikaw pa ang mauna sa akin sa kulungan kung hindi mo cocontrolin yang anger issue mo.” pang uuyam nito.
“Don’t try me. Don’t f*cking even try me, assh0le!” Gigil na sabi ni Stefan.
“Tama na, Love.” awat ko dito.
“Gusto ko lang naman kausapin ang babaeng pinag-sawaan ko. Bakit ba galit na galit ka? Natatakot ka bang baka bumalik siya sa akin? She will, eventually.” patuloy ni Rufus.
“Really?” ngumisi ito at akmang susuntukin muli si Rufus. Kinabig ko ang baywang ni Stefan para pigilan ito, “Say one more word!”
“Please tama na! Huwag mo ng patulan!” Sigaw ko.
“I swear to God! If you open your mouth one more f*cking time, I will rip out your f*cking tongue out of your nasty mouth you f*cking assh0le!"
Tumawa si Rufus at umiling, “Hindi mo ba matanggap na pinagsawaan ko na ang babaeng kinababaliwan mo ngayon? Gusto mo bang sabihin ko kung gaano siya kagaling-”
“Tumahimik kana Rufus! I swear I’m gonna break your Jaw!” sigaw ko. “Bastos!”
“Let me go, Love. Babasagin ko ang mukha ng hay0p na yan!” sabi ni Stefan sa akin hawak nito ngayon ang kamay ko na nasa baywang nya.
“No! Tama na!” giit ko at masamang tumingin kay Rufus, “Kapag hindi ka pa tumigil Rufus, mapipilitan akong isiwalat sa lahat kung ano ang ginawa mo noong naaksidente ako.”
Mas lumakas ang bulungan. Mula sa maangas na mukha ay namutla si Rufus. Pinagpawisan ito at halatang natakot sa banta ko.
“What do you mean?”
“You know what I mean and you know what you really did.”
“B-Bumalik na ang alaala mo?”
“What if I say yes?”
Lumunok si Rufus. Nanlaki ang mga mata nito saka yumuko.
“I’ll leave you alone if that’s what you really want.” wika niya saka ito naglakad palayo ng wala sa sarili.
Bumitaw ako sa baywang ni Stefan.
“Hindi mo na sana-”
Hindi natapos ang mga sasabihin ko dahil naglakad na palayo si Stefan. Mas pinainit pa lalo ni Rufus ang ulo nito. Hindi ko na tuloy makausap. Lumapit naman sa akin si Avery at Giana. Alam kong kanina pa sila sa likuran ko at hindi lang nila magawang umawat dahil wala din naman silang magagawa.
“Are you okay? Gag0 talaga ang Rufus na yon!” maktol ni Avery.
“Oo nga! Ang sarap pasabugin ng bunganga kanina. Sana hindi mo nalang inawat si Stefan para may kalagyan sya.” segunda ni Giana.
“Kung hindi ko inawat si Stefan ay baka siya naman iyong mapahamak. Mamaya niyan ay mapatawag na naman siya sa diciplinary office.” paliwanag ko.
“Sabagay.” ani Avery at hinagod ang likod ko. “Let’s forget what happened. May sembreak outing na ba kayo?” excited nitong tanong.
“Oo nga. Boracay o Palawan?” excited din naman na sagot ni Giana.
“May lakad na ako eh. Sa Mariana Island. Kasama ang pamilya ni Stefan.” wala kong gana na sagot.
Ngumisi si Avery at sinundot ang tagiliran ko kaya ngumisi ako sa kanya, “Huwag mo akong umpisahan.” banta ko.
“Naks! Getting stronger kayo ni Stefan ah!” biro pa nito.
“Sana all naka private island.” wika ni Giana.
“Don’t worry. Tayo naman ang mag babakasyon sa summer.”
“Sure. Cebu, Palawan or boracay?” tanong ni Giana sa akin.
“Maldives.” si Avery ang sumagot. Hindi ko alam kung saan iyon pero masarap pakinggan kaya tumango ako bilang pag sang-ayon.