Kinakabahan akong nakatayo sa labas ng pinto ng aking kwarto. Actually kanina pa ako nakatayo dito, naabutan pa nga ako ni Tristan dito sa labas at tinawanan lang ako ng mokong. Lumunok muna ako ng tatlong beses saka huminga ng malalim bago hipitin ang siradura ng aking pinto but when I did it… walang ka effort effort itong bumukas dahil si Stefan na pala ang nagbukas nito mula sa loob. Napilitan akong ngumiti sa kanya habang siya ay seryosong nakatingin sa akin. “H-Hi.” tangi kong nasabi. “Alam kong kanina ka pang nakatayo dyan.” anito at naglakad na papasok sa loob. Napanganga naman ako at nagmadaling sumunod sa kanya. “P-Paano mo nalaman?” “Remember the GPS Tracker that I installed in your phone?” sagot nito saka naupo sa sofa. Natigilan naman ako sa paglalakad ng agad maalala yung

