“Ladies and gentlemen, welcome to Stockholm Arlanda Airport. Local time is 1 am and the temperature is 1°C.” Shiiit! Sobrang lamig pala dito. Hindi sapat itong winter jacket na suot ko. Alam kong malamig dito ngayon pero hindi ko inaasahan na ganito pala kalamig. Akala ko tamang aircon lang. Ang hirap talaga pag first time. Pinagkiskis ko ang mga kamay ko saka ko ito tinapat sa bibig ko para bugahan ng mainit kong hininga. “B-Bakit ang tagal ng sundo natin?” nanginginig kong tanong kay Tristan pagkatapos niyang tapusin ang tawag sa kanyang cellphone. Tumingin siya sa akin saka ngumisi tapos ay may kinuha sa kanyang travel bag na itim na winter jacket at meron pa itong fur feather sa hood. Isinuot niya sa akin ito saka naman niya kinuha ang aking mga kamay para suotan ng winter glov

