“Ma’am Meghan. Nasa baba po si Sir Stefan. Gusto na po kayong sunduin. Ilang araw na po ba kayong hindi umuuwi sa kanya? Miss na miss na po kayo ng fiance nyo.” Tumingin ako kay Sanya at ngumiti. Inaayos ko kasi ang mga gamit ko na dadalhin sa Sweden. It will be my first out of the country trip. Ang akala ko noon si Stefan ang makakasama ko. Akala ko lang pala talaga. “Love.” Tawag sa akin ni Stefan na ngayon ay nasa pinto na ng aking kwarto. “Maiwan ko na po kayo.” Paalam ni Sanya saka sinara ang pinto. “Love, it’s been a week. I know you wanted time and space and I respect that but it’s killing me. Pwede bang pag-usapan natin ito?” “Ang alin? Ang kung paano ako mas wasakin pa?” mahina akong tumawa, “Ang sabi ko naman sayo itutuloy natin ang plano laban kay Dok Albert. Isa pa nanga

