“I do! Wait...I mean, yes!” Sinuot ni Stefan ang napakagandang singsing na noon pa niya gustong ialay sa akin. I stared at my ring finger saka humagulgol ng iyak dahil hindi makapaniwala na sa wakas… I said YES! Tumayo si Stefan at kinabig ang batok ko para siilin ng halik. Gumapang ang isa niyang kamay sa aking baywang para mas mahalikan pa niya ako. “CONGRATULATIONS!” Sigaw ni William kasunod noon ang pagputok ng party popper. Bumukas ang ilaw sa silid pero hindi pa din ako tinigilan ni Stefan na halikan. “Awat na! Gutom na kami!” Kantyaw ni Sidney. Kapwa natawa kami ni Stefan kaya naman inilayo ko na ang mukha ko pero hinabol pa din ito ni Stefan at pinaulanan ng halik ang mukha ko. Binuhat niya ako at pinaikot ikot habang sumisigaw sa tuwa. “Buti naman nag yes kana dahil naka

