Kinagabihan ka videocall ko sina poknat at Sidney upang ibalita sa akin ang kalagayan ni Tita Shawie. Sa awa naman ng Diyos ay okay na siya. Kasalukuyan siyang sumasailalim sa physical therapy dahill naapektuhan ang kalahati ng katawan niya. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa tulog na binigay ni Stefan sa kanila. “Ate tapos ko na pong pakainin ang mga manok at bibe.” imporma sa akin ni Jayjay habang ginagawa naman niya ang assignment niya. Ngumiti ako sa kanya at binigyan siya ng meryenda. Hinanap naman ng mga mata ko si Stefan dahil kanina pa itong hindi pumapasok sa loob ng bahay. Kanina pa din siyang may kausap sa telepono na tila ba may kaaway ngunit ng lumapit naman ako ay agad siyang nagpaalam sa kausap. “May problema ba sa kumpanya?” usisa ko. “Wala naman, love. Hindi ka ba pu

