Bumuga ng malalim na hininga si Stefan. “Matagal ko ng alam ang totoo! Pagkatapos kong makausap noon si Joco ay alam ko na. At first, I don’t want to admit it. Kahit paulit ulit mo akong lokohin, binalewala ko yun. Alam mo ba ang ikinagalit ko noon sayo kahit alam ko na ang katotohanan? Iyong mas pinili mong bitawan ako ng ganun nalang. Sabi mo mahal mo ako pero yung pagmamahal na sinasabi mo ay hindi sapat para piliin at panindigan ako! Ang t@nga lang kasi hindi ko magawang magalit sayo ng lubusan dahil mahal na mahal kita, Seraphina! Naiintindihan mo ba yon? Ha?! Mahal kita kahit ano at sino ka pa! Wala akong pakialam! Kaya kong isuko lahat ng meron ako kung ikaw ang magiging kapalit noon. Do you f*cking understand me?!” Sinabunutan ni Stefan ang sarili saka pinunasan ang mga luha.

