Kinabukasan..... Pagsapit ng 5:00 ng umags ay lumapag na nga ang eroplanong sinasakyan nina Hana at ng mga kapatid ni Sakuragi. At sa pagkakataong iyon ay masaya silang sinalubong nina Mr. Dan at ng mga bodyguard nito. "Welcome back sa,Japan anak at mga apo!" Masayang bati ni Mr. Dan kay Hana at sa kanyang mga apo. "Kumusta ang byahe ninyo?" Tanong ni Mr. Dan sa kanyang anak. "Maayos naman po papa!" Tugon naman ni Hana sa kanyang ama. "Mabuti naman kung gano'n! Siya nga pala anak, nakakausap mo pa ba yung panganay na kapatid ng yumao mong asawa?" Muling wika ni Dan. "Opo papa! Tinulungan niya ako para makakuha ng impormasyon kay Hanamichii!" Tugon naman ni Hana sa kanyang ama. "Mabuti kung gano'n!.. Anak, panahon na siguro para makipag-ayos sa pamilya ng yumao mong asawa?" Muling wi

