Ilang sandali pa ang lumipas ay kumalas na si Dave sa pagkayakap biya kay Rica. At bumalik na ang binata sa kanyang puwesto. "Pero teka lang Rica, hindi ka ba naiilang? Diba, masmatanda ka sa akin ng dalawang taon?" Tanong ni Dave sa dalaga. "Hindi ah!.... Hindi naman halata sa iyo na 18 years old ka palang, at saka age doesn't matter naman!" Tugon naman nito sa binata. Mayamaya ay nilapitan ni Mrs. Rina sina Sakuragi at Haruko pagkatapos ay naupo ito sa upuan na nasa kanang gilid, malpit sa kinauupuan ni Sakuragi. "Ahmmm... Sakuragi, may sasabihin ako sa iyo..." Seryosong wika ni Mrs. Rina sa kanyang pamangkin. "Ano po iyon tiya?" Tanong naman ni Sakuragi. "Tungkol ito sa iyong ina!.." Tugon naman ni Mrs. Rina sa kanyang pamangkin. Sa pagkakstaong iyon ay biglang natigilan si Sakurag

