Sa Bahay nina Rica..... Nang makakuha na si Dave ng kanyang pagkain ay naupo ito sa table kung saan siya lang ang nakaupo doom. Mayamaya ay nakita siya ni Rica kung kaya't nagtungo ito sa table kung nasaan si Dave at naupo sa upuan na kaharap lamang ng upuan ni Dave. Sa pagkakataong iyon ay walang imik sina Dave at Rica sapagkat pinakimiramdaman lamang nila ang isa't-isa hanggang sa binasag na ni Rica ang katahimikan. "Dave, puwede ba tayong mag-usap?" Mahinahong tanong ni Rica sa binata, ngunit hindi sumagot si Dave. Hinintay ni Rica kung ano ang isasagot sa kanya ng binata ngunit wala itong imik. "Pasensiya na Dave kung pinahiya kita sa campus kanina. Hindi dapat kita idinamay sa inis ko kay Sakuragi kanina." Muling wika ni Rica kay Dave ngunit hindi pa rin umimik si Dave sa pagkakata

