Makalipas ang ilang sandali ay natapos nang magbihis sina Sakuragi at ang kanyang mga kasama kaya naman lumabas na sila sa Locker Room at nagtungo sa labas ng Gymnasium. Pagkalabas na pagkalabas nga nina Sajuragi sa Gymnasium ay nagulat silang lahat maliban kay Rica sapagkat may mga kotseng nag-aabang sa kanila, at alam na ni Rica ang plabo ng kanyang ina.
"Coach Osaka, kung maaari lang po sana ay doon nyo nalang po icelebrate ang ikatlong panalo ninyo sa bahay namin!" Nakangiting wika ni Mrs. Rina habang papalapit ito sa buong team ng Kanagawa.
"Puwede naman po Mrs. Rina. Pero hindi ba kami makakaistorbo sa inyo at sa mga kapit-bahay ninyo?" Tugon naman ni Coach Osaka kay Mrs. Rina.
"Hindi naman po Coach! Biyernes naman ngayon at wala namang pasok kinabukasan kaya okay lang kahit magpuyat tayong lahat! At saka gusto ko ring makabawi sa pamangkin ko dahil matagal kaming hindi nagkita!" Muling wika ni Mrs. Rina kay Coach Osaka sabay hawak nito sa braso ni Sakuragi. Sa pagkakataong iyon ay pumayag naman ang lahat sa nais ni Mrs. Rina pagkatapos ay nangagsisakay na sila sa mga nakaparadang kotse.
"Haruko, Sakuragi, doon na kayo sumakay sa kotse namin. Kayo eun Mito, Takamiya, Okusu, at Noma para may guard kami sa kotse! Mahirap na kase, baka abangan tayo sa daan ng mga umaaway kay Sakuragi!" Wika naman ni Mrs. Rina kina Haruko, Sakuragi, at sa apat na ungas. Sinunod naman ng anim ang sinabi ni Mrs. Rina.
"Ate Rica, sa inyo ba yung mga kotse na nakaparada kanina?" Tanong ni Haruko kay Rica.
"Oo Haruko!.. Owner kase si mama ng isang Car Company dito ss Japan at mayroon din kaming branch sa America. At si mama rin ang Manager ng Hiroshima Fireflies!" Paliwanag naman ni Rica kay Haruko. Nagulat naman sina Haruko at ang mga kaibigan ni Sakuragi sa kanilang narinig samantalang si Sakuragi naman ay napasandal ang ulo sa balikat ng kanyang tiyahin at hindi nito namalayan na nakatulog siya nang kaunting minuto.
"Wow mama! Para kauong mqg-ina ni Sakuragi!" Biro ni Rica sa kanyang ina. Napangiti naman si Mrs. Rina sa sinabi ng dalaga. Pagkaran ng kalahating oras ay nakarating na sng lahst sa bahay nina Rica. At doon ay nagulat si Haruko sapqgkat naroon ang kanyang mga Best friend na sina Matsui at Fuji pati na ang kanyang kuya na si Takenori Akagi. Ngunit sa mga oras na iyon ay walang kaalam-alam si Sakuragi sa mga rebelasyon na nakatakdang maganap.
"Sakuragi, gising na! Nandito na tayo sa bahay namin! Wika ni Mrs. Rina sa kanyang pamangkin. Sa pagkakataong Iyon ay nagising na si Sakuragi at matinding hiya ang kanyang naramdaman nang mapansin niya na nakasandal ang kanyang ulo sa balikat ng kayang tiyahin.
"Naku! Pasensiya na po tita Rina! Inantok po kase ako.kanina kaya hindi ko po napigilang mapasandal sa balikat nyo!" Nahihiyang wika naman ni Sakuragi sa kanyang tiyahin.
"Ano ka ba Sakuragi? Para ka namang others! Walang problema sa akin iyon! At di ka dapat nahihiya sa akin dahil.tita mo naman ako?" Nakangiting tugon naman ni Mrs. Rina sa kanyang pamangkin. Ilang sandali pa ang lumipas ay bumaba na ang lahat sa kotse at nangagsiupo na sa mga bakanteng table samantalang si Mrs. Rina naman ay nagtungo sa loob ng kanilang tahanan sapag may tatawagan itong isang importanteng tao. Isang tao na konektado kay Sakuragi.
Sa Table kung saan nakaupo sina Sakuragi at Haruko.....
Habang kumakain sina Sakuragi at Haruko ay nag-uusap ang mga ito
"Sakuragi matanong ko lang, may nabanggit ba sa iyo ang papa mo tungkol sa mama mo noong nabubuhay pa siya?" Tanong ni Haruko kay Sakuragi.
"Mayroon pero hindi malinaw!... Ang sabi kase ni papa ay nagkahiwalay sila ni mama pero hindi niya sinabi ang dahil ng kanilang pagkakalayo." Paliwanag naman ni Sakuragi sa kanyang kasintahan.
"So ang ibig-sahihin ay buhay pa ang mama mo Sakuragi?" Muling tanong ni Haruko.
"Parang gano'n na nga Haruko.My Love." Tugon naman ni Sakuragi.
Sa loob Ng Tahanan nina Rica.....
Matapos makapagbihis ni Mrs. Rina ay kimuha nito ang kanyang Phone at tinawagan ang isang babae na nagngangalang Hana na sa pagkakataong iyon ay patungo na sa Japan.
Mrs. Rina; Hello Hana!
Hana; Hello ate Rina! Papunta na po kami diyan! Bukas ng 5:00 ng umaga ang dating po namin diyan sa Japan International Airport!
Mrs. Rina; Mabuti naman kung gano'n! Siya nga pala Hana, nagkita na kami ni Sakuragi! Nakausap ko na rin siya!
Sa pagkakataong iyon ay labis na natuwa si Hana sa sinabi ni Mrs. Rina.
Hana; Talaga ate Rins?! Nagkita na po kayo ng anak ko?!
Mrs. Rina; Oo Hana! Pero hindi ko pa binabanggit sa kanya na
gusto mo siyang makita!
Hana; Mabuti po kung gano'n ate Tina! Masmabuting huwag po muna niyang malaman na papunta na kami diyan dahil siguradong gagawa iyon ng paraan para hindi kami magkita!
Mrs. Rina; Oo Hana!... O sige, kausapin ko muna si Sakuragi dahil marami akong sasabijin sa kanya! Ingat kayo sa byahe!
Hana; Sige po ate Rina bye!
Mrs. Rina; Sige bye!
At doon na natapos ang tawag.
Sa Eroplano Kung Saan Nakasakay Sina Hana At Ang Mga Kapatid Ni Sakuragi.....
Nang matapos na ang tawag ay magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ni Hana. Masaya ito dahil sa loob ng mahabang panahon ay makikita na niya ang kanyang pangalawang anak na si Sakuragi. Kinakabahan ito dahil alam ni Hana na may galit sa kanya si Sakuragi. Siya si Hana Sakuragi, 42 Years Old, isang Doctor, at siya ang ina ni Hanamichi Sakuragi.
Mama, ano po ang sabi ni Tita Rina?" Tanong ng nakakatandang kapatid ni Sakurahi kay Hana. Siya si Mira Sakuragi, 24 Years old, isang Teacher o Instructor sa College, siya ang nakakstandang kapatid ni Hanamichi Sakuragi, at siya rin ang magihing bagong Instructor sa Section nina Sakuragi sapagkat ang dating Instructor nina Sakuragi ay ililpat na sa 2nd Year.
"Ayos! Makikita ko na si kuya Hanamichi, ang idol ko sa Basketball!" Natutuwang wika naman ng bumsong kapatid ni Hanamichi na si Sawataru Sakuragi. Siya si Sawataru Sakuragi, 1st Year High School, ang bunsong kapatid nina Mira at Hanamichi. Si Sawataru ang bagong makakasama nina Kenshin at Renshin sa Shohoku Hugh School Basketball Team. At ang Position nito ay Point Guard. Ang galawan naman ng batang ito ay pinaghalong Rukawa Sendoh, Sawakita, Mitsui, at Riyota Miyagi......
TO BE CONTINUE.....