"Sakuragi, mag-usap tayo mamaya after ng game nyo dahil marami akong sasabihin sa iyo at alam kong marami ka ding katanungan sa akin. Ngunit sa ngayon ay pagtuunan mo muna nang pansin ang laban nyo!" Wika ni Mrs. Rina kay sakuragi na sa pagkakataong iyon ay lumuluha nang tahimik. Napatango nalamang si Sakuragi sa sinabi ng kanyang tiyahin at hindi ns nagsalita pa.
"Grabe! Pangalawang beses ko.palang nakitang umiyak si Hanamichi. Una ko siyang nakitang umiyak noong natalo kami sa Kainan High School Basketball Team noong District Tournament!" Wika ni Satoru habang pinagmamasdan si Sakuragi.
"Tama ka sa sinabi mo Sasaoca. Naalala ko tuloy ang pangyayaring iyan dahil pareho naming sinsi ang sarili namin sa pagkatalo natin sa Team mg Kainan..." Wika naman ni Rukawa sa kanyang mga kasama. Mayamaya ay kumalas na si Mrs. Rina sa pagkayakap nito kay Sakuragi pagkstapos ay umupo ito sa tabi ni Rica. Ilang sandali pa nga ang lumolipas ay tumunog na sng Buzzer, hufyat na magsisimula na sng Second Quarter.
"Coach, wala po ba kayong sasabihin sa amin? Tanong ni Hachimura kay Coach Osaka.
"Walana Hachimura dahil alam kong slam nyo na ang gagawin kaya walana akong ibibigay na instructions sa inyo!" Tugon naman ni Coach Osaka kay Hachimura. Mayamaya ay nsgtungo na ang limang manlalaro ng magkabilang kopunan sa loob ng Court upang ipagpatuloy ang laro.
"Okay mga kasama, seryosohin na nstin ang laro at huwag na nating hayaang makahabol ang Osaks Tornado!... Ibaon na natin sa limot ang kalaban!" Seryosong wika ni Sskuragi sa kanyang mga kakampi.
"Naiintindihan namin!" Sabay-sabay na tugon naman ng apat kay Sskuragi. At sa pagsisimula ng Second Quarter ay mapupunta nga sa panig ng Osaka Tornado ang Ball Possession at hawak na ni Itakura ang bola. Habang idinidribble ni Itakura ang hola ay iginagala nito ang kanyang paningin at nakita nito na naka-Man To Man Defense ang team ng Kanagawa Rising Sun kung kaya't wala siyang mapasahan ng bola. At napakahigpit pa ng dipensa sa kanya ni Akuma. Pagkarating nga ni Itakura sa Half Court ay tumira ito ng isang Half Court Shot ngunit sablay ang tirang iyon. At sa pagkakataong iyon ay nagtalunan nga sa ilalim, at matagumpay na nakuha ni Sakuragi ang Rebound sabay pasa nito kay Iroshi.
"Pass Break insan!!!!" Sigaw naman ni Dave kay Zen na sa pagkakataong iyon sy mag-isang tumatakbo patungo sa kanilang Court. Nataranta naman si Kishimoto sapagkat napansin nito na walana sa kanyang harapan si Dave. Natawa naman ang buong crowd dahil parang asong ulol na tumatakbo si Kishimoto patungo kay Dave. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay ibinato na nga ni Zen ang bola patungo kay Dave pagkasalo nga ni Dave sa bola ay isang matagumpay na Slam Dunk ang ginawa ni Dave at hindi na iyon napigilan ni Kishimoto. At ayun na nga, dagdag puntos para sa Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 49 - 30. 9 minutes and 20 Seconds nalang ang nalalabing oras sa Second Quarter. Dahil sa pangyayaring iyon ay nangagtilian ang mga babaeng audience lalong-lalo na sng mga estudyante ng Kanagawa University. Naiinis naman si Minami sa Sobrang ingay ng mga taga-suporta ng Kanagawa Rising Sun.
"Uwian na!!!.. Uwian na!!!!" Sigawan ng mga tagasuporta ng Kanagawa Rising Sun sa kopunan ng Osaka Tornado. Lalo namang nainis ang buong team ng Osaka sa kanilang narinig. Sa pagpapatuloy ng laro ay nahihirapang itawid ni Itakura ang bola sapagkat napakahigpit ng dipensa ni Akuma sa kanya. Nang makalampas na si Itakura sa Division Line ay ipnasa kaagad nito ang bola kay Yajima. Pagkasalo nga ni Yajima sa bola ay tumira kaagad ito nula sa tres ngunit mabilis naman iyong nablock ni Hachimura. At ang bolang nablock ni Hachimura ay mabilis namang nakuha ni Zen sabay bato nito ng bola ksy Sakuragi na naroon na pala sa gitna ng Court habang si Iwata naman ay ramdam na ang pagod dahil sa bilis na ipinamamalas ni Sakuragi.
"Malalim na sng paghinga ni Iwata dahil pinapagod siya ni Sakuragi samantalang si Sakuragi naman ay kalmado lang at hindi pa pinagpapawisan..." Wika ni Coach Takato nang mapansin nito ang malalim na paghinga ni Iwata.
"Sa palagay ko ay hindi na aabot ng 3rd Quarter si Iwata dahil pagod na pagod na siya!" Dugtong naman ni Uzumi sa sinabi ni Coach Takata. Pagkasalo nga ni Sakuragi sa bola ay dumiretso na ito sa ilalim sabsy tira nito ng Slam Dunk at hindi na iyon napigilan ni Iwata dahil sa sobrang pagod na kanyang nararamdaman. At dahil nga sa Slam Dunk ni Sakuragi ay dagdag puntos muli pars sa kopunan ng Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 51 - 30. 8 minutes and 40 Seconds nalang ang nalalabing oras sa Second Quarter. Mayamaya ay nagulat nalang ang lahat nang mahimatay si Iwata. Ngunit bago pa ito bumagsak sa sahig ay nasalo na siya ni Sakuragi. Sa halip na magalit ay labis na kaba ang naramdaman ng huong team ng Osaka Tornado kay Sakuragi. Maging ang ibang team ay kinabahan na rin kay Sakuragi sapagkat para silang nakakita ng Super Human dahil mababakas mo sa mukha ni Sakuragi na hindi pa ito pagod.
"Mukhang mahihirapan tayo sa team ng Kanagswa lalo na kay Sakuragi!.." Kinakabahang wika ni Dai Moroboshi ng Tokyo Brave Warriors.
"Sakuragi, halimaw ka talaga!" Wika naman ni Yasoharu Yasuda ng Hiroshima Lions. Mayamaya ay lumapit na ang ibang member ng Medical Team kay Sakuragi. At doon ay imihiga na ni Sakuragi ang walang malay na si Iwata sa stretcher pagkstapos ay dimala ng Medical Team si Iwata sa Clinic. At ang pumalit kay Iwata ay si Haizen Kido. Sa pagpapatuloy ng laro ay tuluyan na ngang nawala sa konsentrasyon ang Team ng Osaka Tornado. At iyon ang naging dahilan para matambakan sila ng Team Kanagawa. At sa buong Second Quarter ay pinagharian na ni Sakuragi ang ilalim sapagkat hindi siya kayang pigilan ni Kido samantalang sina Togashi, Hachimura, Ishida at Iroshi naman ay sabay-sabay na nag-init sa opensa. At kung gaano kainit ang opensa ng Kanagawa ay gano'n din kainit ang dipensa ng Team Kanagawa. At sa tuwing magmimintis ang tira ng Osaka Tornado ay malayang nakukuha ni Sakuragi ang rebound. At nagpatuloy ang pananalasa ng Kanagawa hanggang sa matapos ang Second Quarter. At natapos ang Second Quarter sa score na 81 - 49 in favor of team Kanagawa Rising Sun.
Pagpasok ng 3rd Quarter ay lalong humina ang opensa at dipensa ng Team Osaka Tornado dahil na rin sa sobrang pagod. At nang mga oras na iyon ay pinaglalatuan nalamang ng Team Kanagawa ang mga player ng Team Osaka. Si Sakuragi naman ay parang Diyablo na hindi mapigilan sa opensa at mala-halimaw din ito kung dumipensa sa kanyang bantay. At sa pagpasok ng 4th Quarter ay nawalan na ng gana sina Sakuragi sapagkat nakita nilang pagod na pagod na ang limang manlalaro ng team Osaka. Imenjoy nalang nila ang laro hanggang sa matapos ang laro. At dhil sa sobrang pagod ay hindi na nakabalik si Iwata dahil nasa Clinic pa rin ito at wala pa ring malay. At sa pagtunog ng Buzzer ay tuluyan na ngang natapos ang laro sa score na 119 - 69. At ilang sandali pa ang lumipas ay nakabalik na si Iwata sa Gymnasium at sinamahan niya ang kanyang teammates sa gitna ng Court sapagkat lilinya na ang magkahilang kopunan.
"Ang nanalo sa laban ng Kanagawa Rising at ng Osaka Tornado ay ang team ng Kanagawa Rising Sun!" Wika bg referee.
"Maraming salamat sa magandang laban!" Sabay-sabay namang tugon ng magkabilang kopunan. Makalipas nga ang ilang sandali ay nakipagkamay na ang team ng Kanagawa sa Team ng Osaka.
"Congratulations Riyu!" Hindi ko akalain na mapapalakas mo ang team ng Kanagawa pagkalipas ng maikling panahon!" Wika ni Coach Aiyu kay Coach Osaka.
"Maraming salamat Coach Aiyu! Hindi ko naman kase akalain na dito mag-aaral sina Sakuragi at ang iba pang bagong member ng aming team!" Tugon naman ni Coach Osaka kay Coach Aiyu.
"Congrats sa inyo Sakuragi! Grabe! Iba na talaga ang galawan mo at hindi na kita kayang tapatan sa bilis!" Wika ni Iwata kay Sakuragi.
"Salamat Iwata!... Iyan ang resulta ng mga paghihirap ko Iwata." Tugon naman ni Sakuragi. Napangiti nalamang si Iwata sa sinahi ni Hanamichi.
"Sa susunod ay tatalunin na kita Zen Iroshi!" Wika naman ni Minami kay Zen.
"Sige, hihintayin ko ang araw na iyan Kishimoto!" Tugon naman ni Zen kay Kishimoto. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay inannounce na ng Announcer ang Best Defensive Player at ang Best Player Of The Game at iyon ay si Hanamichi Sakuragi.
"Grabe ka naman Sakuragi idol! Ginalingan mo talaga!" Wika ni Dave kay Sakuragi!" Napangiti nalamang si Sakuragi sa sinabi ni Dave at hindi na nagsalita. Mayamaya ay naglakad na ang magkabilang kopunan patungo sa kani-kanilang Locker Room. Sa pagkakataong iyon ay naluluhang tumingin si Iwata habang naglalskad papasok ng Locker Room gano'n din si Itakura.
"Team, pasensuya na kayo kung natalo tayo sa laban. Hindi ko kase inaasahsn na gano'n pala kalakas ang Point Guard ng Kanagswa." Naluluhang wika ni Itakura.
"Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo Itakura dahil alam namin na ginawa mo ang lahat para manalo ang Team!" Wika naman ni Coach Aiyu sa sinabi ni Itakura. Hindi na rin napigilang mapaluha ng ibang mga player ng Osaka dahil sa sinabi ni Coach Aiyu.....
TO BE CONTINUE.....