Sa natitirang 3 minutes ng laro ay naging mainit ang laban. At napansin ng mga player ng Kanagawa Rising Sun na biglang naging pisikal ang laro ng Osaka Tornado. Mayamaya nga ay isang mahigpit na dipensa ang ipinamalas ni Sakuragi dahilan para hindi makapunta sa ilalim ng Basket si Minami. Sa pagkakataong iyon ay sinubukan ni Minami na harap-harapang tirahan ng isang Jump Shot si Sakuragi ngunit isang malutong na supalpal lang ang natanggap ni Minami mula kay Sakuragi. At ang bolang nablock ni Sakuragi ay mabilis namang nakuha ni Zen Iroshi.
"Huwag mo nang piliting pumuntos Minami dahil hindi mo ako magagawang tirahan ng harap-harapan!!! At kahit gaano ka pa kalayo ay hahabulin at hahabulin ko ang tira mo dahil isa ka lang langaw para sa akin Minaki!!!" Pang-iinsultong wika ni Sakuragi kay Minami na labis namang ikinapikon ni Minami. Habang idinidribble ni Zen ang bola ay pimaglalaruan lang nito ang dipensa ni Kishimoto. Ngunit mayamaya ay akmang hahabulin ni Iwata si Zen para tulungan si Kishikoto ngunit mabilis siyang napigilan ni Sakuragi.
"Saan ka pupunta Iwata???!!.. Dito ka lang!!! Huwag mong pakialaman sina Iroshi at Kishimoto!!!" Wika ni Sakuragi kay Iwata.
"Eh bakit ikaw, pinakialaman mo sina Ishida at Minami???!!" Naiinis na tanong ni Iwata kay Sakuragi.
"Dahil kaya kong dipensahan ang mga player na may iba't-ibang position!! Hays!!! Ang hina naman ng kokote mo Iwata!!!" Pang-iinsultong tugon naman ni Sakuragi kay Iwata. Labis namang ikinapikon ni Iwata ang sinabi ni Sakuragi. Pagkarating nga ni Zen sa kanilang Court ay isang Behind The Back pass ang ginawa nito at sakto iyong napunta sa mga kamay ni Hachimura na sa pagkakataong iyon sy mahigpit na dinidipensahan ni Yajima. Mayamaya ay isang Fade Away 3 Point Shot ang pinakawalan mi Hachimura at hindi iyon inaasahan ni Yajima kaya naman hindi nagawang sabayan ni Yajima ang tira ni Hachimura. At nagresulta iyon ng isang successful Shot. At dahil sa 3 Point Shot ni Hachikura ay dagdag puntos muli para sa Team ng Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 34 - 25. 1 minute and 30 seconds nalang ang nalalabing oras sa First Quarter.
At sa nalalabing isang minuto ng First Quarter ay nagpatuloy ang mainit na opensa at dipensa ng Team Kanagawa Rising Sun. At sa natitirang 39 seconds ng First Quarter ay nagpakawala ng tatlong sunud-sunod na tres si Sakuragi kaya naman lalong nabaon ang Osaka Tornado sa kalamangan ng Kanagawa Rising Sun. At natapos ang First Quarter sa score na 47 - 30 in favor of Kanagawa Rising Sun. Matapos nga ang First Quarter ay nagtungo na ang limang manlalaro ng magkabilang kopunan sa kani-kanilang Bench Area upang magpahinga. Mayamaya ay dumating na ang ina ni Rica sa Gymnasium at kasama nito ang iba pang member ng Medical Team.
"Tapos na pala ang First Quarter! Sayang naman, hindi ko naabutan ang First Quarter!..." Panghihinayang na wika ni Rina sa kanyang sarili. Mayamaya ay nagpaalam muna si Mrs. Rina sa kanyang mga kasma sapagkat gusto niyang lapitan sina Rica at Sajuragi. Pumayag naman ang kanyang mga kasama sa kanyang nais. Lingid aa kaalaman ni Sakuragi ay isang Doctor ang kanyang tiyahin.
Nice game Sakuragi!!!" Natutuwang wika ni Haruko kay Sakuragi. Napangiti naman si Sakuragi sa sinabi ng kanyang kasintahan.
"Nice game Dave!" Wika naman ni Rica kay Dave ngunit hindi siya pinansi ng binata sa halip ay walang imik itong umupo sa kanyang puwesto. Mayamaya ay nakita ni Rica na papalapit sa kanya ang kanyang ina kaya naman napangiti ito.
"Mama, bakit nandito po kayo?" Tanong ni Rica sa kanyang ina nang makalapit na ito sa kanya.
"Nandito kami para tulungan ang iba pang kasama namin sa Medical Team at saka gusto kong makita si Sajuragi sa pangalawang pagkakataon." Tugon naman ni Mrs. Rina sa kanyang anak. Nagulat naman si Rica sa huling sinabi ng kanyang ina.
"Ang ibig po bang sabihin ay nagkita na po kayo ni Sakuragi?!" Gulat na gulat na tanong ni Rica sa kanyang ina.
"Oo anak. Ako kase ang gumamot kay Sakuragi noong isang araw!.." Tugon naman ni Mrs. Rina sa kanyang anak. Sa pagkakataong iyon ay napatingin si Sakuragi kay Mrs. Rina sapagkat pamilyar sa kanya ang mukha nito.
"Teka lang, diba, kayo po yung gumamot sa akin noong isang aemraw?" Tanong ni Sakuragi kay Mrs. Rina.
"Oo Sakuragi! Ako nga yung nakita mo sa Clinic noong isang araw!" Tugon naman nito kay Sakuragi.
"Ibig-sabihin ay kayo po ang nakatatandang kapatid ng yumao kong ama?" Muling wika ni Sakuragi.
"Tama ka sa sinabi mo Sakuragi! Ako nga pala si Rina Sakuragi Ayumi, ang tiyahin mo Sakuragi.." Tugon naman ni Mrs. Rina kay Sakuragi. Nagulat at nabigla naman si Coach Osaka at ang mga kateam ni Sakuragi sa kanilang narinig. Hindi naman makapaniwala si Sakuragi dahil kahit na 44 years old na ang kanyang tiyahin ay napakaganda pa rin itong tingnan. Mayamaya ay nagulat nalamang si Sakuragi dahil bigla siyang niyakap nang mqhigpit ng kanyang tiyahin. Ikinagulat naman ng audience ang kanilang nakita.
"Sino naman kaya yung magandang babaeng nakayakap kay Sakuragi?"
"Ewan ko."
"Baka kamag-anak ni Sajuragi?"
"Maybe?" Usap-usapan ng ibang mga taga-suporta ng Kanagawa Rising Sun habang nakatingin kina Sakuragi Mrs. Rina.
"Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mga pre! Ang akala kase namin ay wala ka nang kamag-anak o pamilya!" Wika naman ni Kiyota kay Sakuragi. Sa pagkakataong iyon ay hindi na napigilan ni Sakuragi ang pagpatak ng kanyang luha dahil sa loob ng mahabang panahon ay muli niyang nakita ang kanyang tiyahin. Ngunit lingid sa kaalaman nina Sakuragi, Sawakita, Jin, Sendoh, Rukawa, at Kenzo ay sinusubaybayan na sila ng mga NBA Scout
"Nasbabagay si Sakuragi sa Chicago Bulls dahil nakakahalintulad niya ang galawan at laro ni Dennis Rodman!" Wika ng NBA Scout ng Chicago Bulls.
"Si Jin naman ay sa Golden State Warriors nababagay dahil malupit siya sa 3 Point Territory!" Wika naman ng NBA Scout ng Golden State Warriors. Bukod kina Sakuragi.atvJin ay pinag-usapan din ng mga NBA Scout sina Sendoh, Sawakita, at Rukawa......
TO BE CONTINUE.....