Nang makaalis na ang.mga Police ay nangagsialisan na rin ang mga estudyante upang magtungo sa Canteen. Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating si Haruko at nag-aalala itong lumapit Kay Sakuragi.
"Sakuragi, ayos ka lang ba!!?" Nag-aalalang tanong ni Haruko kay Sakuragi.
"Huwag kang mag-alala Haruko My Love dahil ayos lang ako!" Tugon naman ni Sakuragi. Dagdag pa ni Sakuragi;
"At saka hindi naman nila mapupuruhan ang henyo dahil henyo nga ako eh!" Biro pa ni Sakuragi kay Haruko sabay tawa nito nang malakas. Sa pagkakataong iyon ay lumapit na si Rica kina Sakuragi at Haruko pagkatapos ay hinampas niya si Sakuragi ng pamaypay sa likuran nito.
"Ang yabang mo talaga Sakuragi!!! Nakita mo nang nag-aalala na nga sa iyo ang girlfriend mo tapos nakukuha mo pang magbiro ng ganyan??!!!" Wika ni Rica matapos nitong hampasin ng pamaypay si Sakuragi.
"Teka lang ate Rica, huminahon ka! Kalamayin mo ang loob mo dahil baka malaglsg sng puso mo sa sobrang pagkainis!.. Pero kung sakaling mahulog man ang puso mo ay sasaluhin ko naman ito!" Pabirong banat naman ni Dave kay Rica. Lalo namang nainis si Rica sa sinabi ni Dave.
"Isa ka pa Dave!!!" Wika ni Rica sabay hampas nito ng pamaypay sa kanang braso ni Dave. Nagtawanan naman ang ibang estudyanteng babae sa kanilang nakita. At feeling ni Dave ay napahiya siya sa mga oras na iyon.
"Mukhang nakaganti na si Mis Rica sa ginawa mo sa kanya noong isang araw!?" Napapangising wika ni Zen kay Dave ngunit hindi naman umimik si Dave sa halip ay walang enosyon nitong tiningnan si Rica. Mayamaya ay nagyaya na si Sakuragi na magtungo sa Canteen at pumayag naman ang kanyang mga kasama maliban kay Dave sapagkat naalala nito na bnagbon pala siya ng lunch.
"Sige kayo nalang ang pumunta sa Canteen!.. Naalala ko na nagbaon pala ako ng lunch." Wika ni Dave kina Sajuragi pagkatapos ay naglakad na ito pabalik ng kanilang Classroom.
"Anong nangyari doon!!?" Nagtatakang tanong ni Sakuragi kay Zen dahil sa inasal ni Dave.
"Gano'n talaga iyon kapag napapahiya sa madlang-people! At saka nakasanayan na talaga niyang magbaon dahil gano'n ang mga Pilipno kapag tinatamad silang lumabas ng School o di kaya'y wala silang pambili ng pagkain." Paliwanag naman ni Zen kay Sakuragi. Kinabahan naman si Rica sa sinabi ni Zen dahil sa sinabi ni Zen, at imisip nito na baka hindi na siya pansinin ni Dave. Mayamaya ay nagtungo na ang lahst sa Canteen upang kumain. Matapos kumain ay nagtungo na sina Sakuragi, Haruko, Rica, at Zen sa Kanagawa University Basketball Gym. At doon ay naabutan nila sina Harikawa at Dave na nag-uusap habang nagpapractice ng Shooting.
'Mukhang hindi ka okay ah bro?" Tanong ni Harikawa kay Dave.
"Hindi talaga ako okay bro kase pinahiya ako ni ate Rica sa maraming tao." Tugon naman ni Dave kay Harikawa.
"Ikaw ba bro, naranasan mo na ba na ipahiya ka ng isang babae sa maraming tao?" Tanong naman ni Dave kay Harikawa.
"Oo bro! Maraming beses na! Sinabihan pa nga ako ng mga niligawan ko dati na wala akong mararating sa buhay. At saka di raw ako gagaling sa paglalaro ng Basketball." Tugon naman ni Harikawa. Dugtong pa ni Harikawa na;
"Nakita ko rin naman kung anong ginawa sa iyo ni Mis Rica at narinig ko rin kung paano ka pagtawanan ng mga kapwa natin estudyante kaya i feel you bro! At saka naroon kami nina Maki Senpai at Fujima Senpai noong magkagulo kanina. At narinig din namin yung sinabi mo kay Mis Rica at alam namin na gusto mo lang pakalmahin si Mis Rica noong sinabi mo na huminahon siya at kalamayin niya ang kanyang loob kaya naiintindihan ka namin..." Napaisup nam si Rica dahil sa kanyang narinmig. Mayamaya ay dumating na si Coach Osaka at ang iba pang mga player. Ilang sandali pa ang lumipas ay kinausap ni Coach Osaka ang mga player para sa magaganap na laban mamaya.
"Team, ito na ang ikatlong laban natin kung saan makakaharap natin ang Osaka Tornado! Galingan ninyo mamaya para maupanalo natin ang laban!..." Paliwanag ni Coach Osaka sa mga player ng Kanagawa Rising Sun.
"Yes Coach!" Tugon naman ng mga player.
"Togashi, Hachimura, Ishida, Iroshi, kaya nyo bang maglaro sa iba't-ibang Position?" Tanong ni Coach Osaka sa apat.
"Ako Coach, kaya ko dahil nasubukan ko na pong maglaro sa iba't-ibang Position!" Tugon naman ni Zen kay Coach Osaka.
"Gano'n din kami Coach!" Pagsang-ayong dugtong naman nina Togashi, Hachimura, at Ishida sa sinabi ni Zen.
"Mabuti kung gano'n.. Ang gusto ko kase sa mga player ay yung kayang maglato sa iba't-ibang Position at ayaw ko na hanggang doon lang kakayahan ninyo sa inyong Main Position... Para sa akin kase ay mayroon pa kayong iiimprove kaya nais ko kayong paglaruin sa iba't-ibang Position....." Paliwanag naman ni Coach Osaka sa apat.....
TO BE CONTINUE.....