Kinabukasan ay maagang nagising sina Sakuragi at ang apat na ungas upang maghanda sa pagpasok nila sa paaralan. At habang nag-aalmusal ang lima ay biglang tumunog ang Cellphone ni Sakuragi. At nang tingnan niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang si Rica iyon kaya naman dali-dali niya itong sinagot.
Sakuragi; Hello Rica!
Rica; Hello Sakuragi! Anong oras ka bang pupunta sa School??...
Sakuragi; Mamayang mga 7:00 pa ako pupunta!...
Rica; Kung gano'n ay dadaanan namin kayo diyan mamaya!
Sakuragi; Ha??... Huwag na! Maglalakad nalang ako papumtang School! Nakakahiya naman sa inyo!
Rica; Hindi puwede Sakuragi!.. Magagakit si mams kapag hindi ka sumabay sa amin!...
Sa pagkakataong iyon ay kinabahan si Sakuragi sa sinabi mi Rica.
Sakuragi; Ah gano'n bs??... Si - - - Sige, sasabay nalang ako sa inyo mamaya!..
Rica; Okay! Sige! Kita nalang tayo mamqya! Bye!
Sakuragi; Sige, bye!
At doon na natapos ang pag-uusap ng magpinsan. Pagsapit ng 6:00 ng umaga ay naligo na sina Sakuragi at ang apat na ungas pagkatapos ay nagbihis na sng mga ito at hinintay na ang pagdating ng susundo sa kanila. Pagsapit ng 7:00 ng umaga sy dumating na nga sina Rica at ang kambal, kasama nila si Haruko at nakasakay sila sa isang magarang kotse. Sa pagkakataong iyon ay hindi naman nag-atubiling sumakay sina Sakuragi at ang apat na ungas. Unang imihatid ng driver sina Kenshin at Renshin pagkatapos ay inihatid na ng drivwr sina Sakuragi, Haruko, Rica, at ang apat na ungas.
Pagkarating mga nila sa campus ay nagulat si Sakuragi sapagkat pinag-uusapan siya ng mga kapwa niya estudyante sapagkat lingid sa kaalaman ni Sakuragi ay may mga taga-Kanagawa University na nakasaksi sa ginawa ni Sakuragi sa mga maaangas na estudyante ng Shohoku High School kahapon. At mayamaya ay nakita ni Sakuragi na nag-uusap sina Mis Mina at ang Principal ng Shohoku High School.
"Patay!.. Mukhang magkakabad record na yata ako sa Ujlnibersidad na ito?!" Kinakabahang wika ni Sakuragi sa kanyang sarili.
"Hindi naman siguro, dahil tinuruan mo lang naman ng leksyon ang mga estudyanteng iyon?" Tugon naman ni Haruko kay Sakuragi. Mayamaya nga ay tinawag ni Mis Mina si Sakuragi, at dali-dali naman itong lumapit sa kanya.
"Ang tapang mo pala kahapon ah!" Nakangiting wika ni Mis Mina kay Sakuragi.
"Ayaw ko po sanang gawin iyon Mis Mina kaso nang malaman ko na pinagtitripan po nila ang mga pinsan ko ay hindi po ako nakapagpigil. At nang malaman ko pa po na ginugulo ng mga estudyanteng iyon ang Shohoku Basketball Team ay lalo po akong nagalit kaya binigyan ko po sila ng tig-iisang suntok para magtanda na po sila...." Paliwanag naman ni Sakuragi kay Mis Mina. Sa pagkakataong iyon ay nangagsilapitan na ang ibang mga estudyante at pinakinggan nila ang sinabi ni Sakuragi. Naroon
din ang mga Teammates ni Sakuragi.
"Tama lang ang ginawa mo Sakuragi dahil simula palang ng School Year ay nanggugulo na ang mga iyon kaya hindi ka dapat mangamba na baka magkaroon ka ng bad record o Red Mark sa Unibersidad na ito dahil hindi naman masama ang ginawa mo Sakuragi!" Wika naman ng Principal ng Shohoku High School kay Sakuragi. Sa pagkakataong iyon ay nakahinga nang maluwag si Sakuragi dahil sa kanyang narinig. Pagkalipas ng isang oras ay nagtungo na ang lahat sa kani-kanilang Classroom upang simulan ang kanilang klase. At pagsapit ng 11:00 ng umaga ay natapos na sng klase. At sa pagkakatsong iyon ay naisipan nina Sakuragi at Dave na magtungo sa Canteen upang maglunch. Ngunit bago sila nagtungo sa Canteen ay sinabihan na sila ng kanilang Instructor na excuse na sila para sa afternoon classes mamaya dahil alam nito na may Game ang Team ng Kanagawa mamaya.
Habang naglalakad sina Dave at Sakuragi ay nasalubong nila si Zen.
"Mga bro, saan kayo pupunta?" Tanong ni Zen sa dalawa.
"Sa Canteen insan! Maglalunch na kase kami!" Tugon naman ni Dave kay Zen.
"Tamang-tama! Doon din ang punta ko!" Tara, sabay-sabay na tayong magpunta doon!" Wika naman ni Zen. At pagkatapos ngang magsalita ni Zen ay maglalakad na sana ang tatlo ngunit nakita nila mula sa malayo ang apat ma kalalakihan na papalapit sa kanila. Nakaitim na damit ang mga ito at sa itsura palang ng apat ay mahahalata mo nang kasapi sila ng isang Gang.
"Mukhang ako ang pakay ng mga iyan?... Sige Dave, Zen, mauna na kayo sa Canteen dahil haharapin ko lang ang mga ito. Sa palagay ko, sila yung kaibigan ng mga estudyanteng tinuruan ko ng leksyon kahapon?" Wika ni Sakuragi sa dalawa ngunit hindi pumaysg ang mga ito. Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang tumakbo ang apat na lalaki.patungo kina Sakuragi, Dave, at Zen pagkatapos ay pinaligiran nila ang tatlo.
"Subukan ninyong kumilos nang masama at makikita ninyo ang hinahanap nyo!!" Wika ng isa sa apat na lalaki.
"Hoy unggoy na may pulang buhok, ang lakas naman ng loob mong saktan ang mga kaibigan namin!!!" Maangas na wika naman ng pangalawang lalaki.
"Dapat lang iyon sa kanila dahil maaangas sila. At saka nagkamali kayo ng pagpunta nyo rito sa Unibersidad namin dahil hindi nyo kilala ang mga estudyante dito!" Napapangising wika ni Sakuragi sa apat na lalaki. At pagtingin nga ng apat ma lalaki sa kanilang likuran ay nakita nilang naroon na ang apat na ungas pati na ang mga estudyamteng kalalakihan. Ngunit mayamaya ay tinangka ng isa sa apat na lalaki na atakihin si Sakuragi ngunit mabilis itong mapigilan ni Mito pagkatapos ay binigyan niya ito ng isang Headbutt kaya naman natumba ang nasabing lalaki. At doon na kinuyog ng mga estudyante ang apat na kalalakihan at binugbog ang mga ito. Nakita maman ni Mis Mina at Rica ang nagagamap na rayot ngunit napangisi nalang ang mga ito.
"Mis Mina, hindi po ba natin sila pipigilan?" Tanong ni Rica kay Mis Mina habang pinanonood ang rayot.
"Hayaan mo sila!.. Kasalanan din naman kase ng apat na lalaking iyon kung bakit sila nakuyog at nabughog dahil gusto nilang gantihan ang pimsan mong si Hanamichi." Tugon naman ni Mis Mina kay Rica. Matapos nga ang rayot ay nakita nalang nina Sakuragi, Dave, at Zen na tadtad ng sugat sa katawan ang apat na kalalqkihan.
"Kayong apat, hindi kami papayag na saktan ninyo ang mga Star Player namin dahil may laro pa sila mamayang hapon!!! At saka alam namin na gusto ninyong iganti yung mga lalaking tinuruan ng leksyon ni Sakuragi!!! Pero malas nyo nalang dahil hindi namin kinukunsinti ang mga maling gawain na katulad ng ginagawa jinyo!!!" Wika ng isang restudy antral estudyanteng lalaki sa apat na kalalakihang nakahandusay sa daan. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay dumating na ang mga police at hinuli ang apat na kalalakihan na nagtamgkang saktan sina Sakuragi, Dave, at Zen at dinala na nila ang mga ito sa Police Station.
TO BE CONTINUE.....