Habang naglalakad si Sskuragi patungo sa kanyang tahanan ay naalala niya ang mga panahong nasa High School pa siya at mahilig pa suyang makipag basag-ulo nang mga panahong iyon.
"Hayst!!!! Hindi pa rin pala nagbabago ang sitwasyon sa Shohoku High School ngayon dahil may mga sanggano pa rin pala doon!" Mahinang wika ni Sakuragi habang naglalakad nang marahan.
"Pero sigurado akong matitigil na ang mga sangganong estudyante na mahilig makipagbasag-ulo ngayon dahil tinuruan mo na sila ng leksyon Sakuragi!" Wila ng tinig na nagmumula sa kanyang kaliwa. At paglingon nga roon ni Sakuragi ay nakita niya roon si Haruko.
"Kanina ka pa ba namdiyan Haruko My Love?" Tanong ni Sakuragi kay Haruko.
"Hindi naman Sakuragi! Siguro mga ilang segundo palang." Tugon naman nito kay Sakuragi.
"Grabe ka kuya Sakuragi! Iba ka pala pag nagagalit! Walang panama sa'yo yung sampung estudyante kanina!" Napapangising wika ni Renshin kay Sakuragi.
"Iyan kaseng si Sakuragi ay tinaguriang Hari Ng Mga Sanggano noong kami ay High School pa! At lahst ng mga loko-loko noon sa High School ay takot sa kanya!" Sabat naman ni Mito sa usapan.
"At si Sakuragi rin ang tinaguriang Hari Ng Kabiguan dahil binasted lang naman siya ng limampung babae noon!" Napapangising wika naman ni Takamiya. Nagtawanan naman sina Rica at ang kambal sa kanilang narinig.
"Mga ungas talaga kayo!!!! Bakit sinama nyo pa iyon sa usapan!!!" Inis na wika ni Sakuragi sa apat na ungas.
"Mas-okay na iyan Sakuragi para malaman ng mga pinsan mo ang mga kapaplpakan mo noon!" Napapangising wika naman ni Noma kay Sakuragi.
"Eh kung pag-uumbagin ko kaya kayong apat diyan?!!!" Naiinis namang wika ni Sakuragi.
"Pasalamat kayo at hindi na ako yung Sakuragi na kaunting pang-aasar lang ay mambubugbog na!... Pero teka nga lang, paano nyo nalaman ni pinsan ko ang tatlong ito?" Wika ni Sakuragi kina Haruko at sa apat na ungas sabay turo nito kina Rica at sa kambal.
"Ganito kase iyan Sakuragi; Nagtungo kase kami sa bahay mo kanina kaso naabutan namin na walang katao-tao doon kaya nagkuwentuhan nalang kami. At doon ay nalaman namin na pinsan mo pa pala si ate Rica at ang kanyang mga kapatid." Paliwanag naman ni Haruko kay Sakuragi.
"Hindi nga kami makapaniwala na may pinsan ka pa pala Sakuragi!" Dugtong pa ni Haruko kay Sakuragi.
"Kahit nga ako ay hindi rin makapaniwala sa mga nalaman ko! Pero nang makita ko ang litrato ng kapatid ng yumao kong ama ay doon ako nakumbinsi at naniwala." Tugon naman ni Sakuragi kay Haruko. At pagkalipas ng kalahating oras ay nakarating na ang lahat sa bahay ni Sakuragi. At doon na rin aghapunan sina Haruko, Rica, at ang kambal sa tahanan ni Sakurgi. Pagsapit ng 7:00 ng gabi ay nagpaalam na sina Haruko, Rica, at ang kambal kina Sakuragi pagkatapos ay umuwi na ito sa kani-kanilang tahanan. Pagsapit ng 7:15 ng gabi ay lumabas na ang resulta ng naganap na laban ng mga College Basketball Team sa College Matches. At gaya ng inaasahan ay nangunguna nga sa standing ang Team na kinabibilangan ni Sakuragi. Ang resultang iyon ay base sa naganap na mga laban sa nakakalipas na dalawang araw.
College Matches Game Results Team Standing;
1. Kangawa Rising Sun; 2- 0
2. Tokyo Brave Warriors; 2 - 0
3. Hiroshima Lions; 2 - 0
4. Akita Dragons; 1 - 1
5. Osaka Tornado; 1 - 1
6. Nagoya Black Wolfs; 1 - 1
7. Shiga Emperors; 0 - 2
8. Toyama Tigers; 0 - 2
"Tatlo sa walong Teams ang may 2 - 0 Win/Lost Record!" Wika ni Maki habang naglalakad papauwi sa kanilang tahanan.
"Oo pero hindi sila uubra sa atin pag nakaharap na natin ang Kopunan ng Tokyo at Hiroshima..." Seryosong wika ni Jin kay Maki.
"Pero ang dapat muna nating pagtuunan ng pansin ay ang kopunan ng Osaka dahil sila ang makakalaban natin bukas ng 5:30 ng hapon.." Dugtong pa ni Jin sa kanyang sinabi. Naoatango nalamang si Maki sa sinabi ni Jin.
Sa Tahanan Nina Rica....
Nang makauwi na sina Rica, Renshin, at kenshin sa kanilang tahanan ay sinalubong naman kaagad sila ng kanilang ina
Magandang gahi po sa iyo mama!" Bati ng tatlo sa kanilang ina
"Magandang gabi rin sa inyo nga anak! Nga pala, bakit ngayon lang kayo nakauwi?" Tugon naman ni Rina sa kanyang mga anak.
"Ahmmmm.... Nagpunta po kase kami sa bahay ni Sakuragi mama!" Wika naman ni Rica.
"Talaga?!... Ibig-sabihin ay nakausap nyo na nang maayos si Sakuragi!" Natutuwang tugon naman ni Rina kay Rica.
"Opo mams! Pero bago po iyon ay nagkaroon muna nang kaunting gulo sa Shohoku High School dahil napagtripan ng mga maaangas na estudyanteng lalaki sina Kenshin at Renshin pero mabuti nalang po at naroon si Sakuragi at ipinagtanggol niya ang dalawa." Paliwanag naman ni Rica sa kanyang ina. Napangiti naman si Rina sa sinabi ni Rica.
Sa Tahanan Nina Sakuragi.....
Habang nakahiga si Sakuragi sa kanyang kama ay nakatingin ito sa bintana at pinagmamasdan ang bilog at maliwanag na buwan.
"Sa wakas! Makakapaglaro na ulit ako bukas!.. Humanda kayo Team Osaka!!!... Ipapalasap ko sa inyo ang bagsik ng isang pulang Diyablo!!!" Wika ni Sakuragi sa kanyang isipan. At mayamaya ay naalala niya ang mga sinabi ng kambal sa kanya kanina habang naroon sila sa Shohoku Basketball Gym.
"Sa wakas ay hindi ko na mararamdaman na mag-isa lang ako sa buhay dahil nandiyan si Haruko My Live at ang apat na ungas. Higit sa lahat ay nariyan din ang mga pinsan ko at ang aking tiyuhin at tiyahin na inakala ko noon na hindi ko na makikita!" Wika ni Sakuragi matapos niyang maalala ang lahat.....
TO BE CONTINUE.....