Chapter 19

1081 Words
Sa pagkakataong iyon ay inalalang maigi ni Sakuragi kung may mga kamag-anak pa ba siya o kung may pamilya pa ba siya sa Japan ngunit isa man sa kanyang mga ala-ala ay wala siyang nakuhang sagot saapagkat hindi niya naitanong sa kanyang ama ang lahat noong nabubuhay pa ito. Mayamaya ay lumapit sina Renshin at Kenshin kay Sakuragi sabay wika ni Kenshin ng; "Marahil ay nagtataka ka kuya Sakuragi dahil sa sinabi ni Coach Anzai na pinsan mo kami ni Renshin. Pero totoo iyon kuya Sakuragi!... Hindi mo na kami nakita dahil sa America na kami nag-aral mula pagkabata... Ako nga pala si Kenshin Sakuragi Ayumi, 14 Years Old, 2nd Year High School, Position, Power Forward/Center. At kahit anong position ay nilalaro ko!" Wika ni Kenshin kay Sakuragi. "Ako naman si Renshin Sakuragi Ayumi, 14 Years Old, 2nd Year High School, Position, Power Forward/Center. At kahit anong position ay nilalaro ko katulad ni Kenshin!" Sabat naman ni Renshin sa usapan. Lalo namang nagulat si Sakuragi sapagkat kaapelyido ng kambal si Rica. "Te - - - Teka nga, ang ibig-sabihin ay kapatid nyo si Rica Ayumi!!?" Naguguluhang tanong ni Sakuragi sa kambal. "Opo kuya Sakuragi!" Magkasabay namang tugon ng kambal. "Kami ang anak ng nakatatandang kapatid na babae ng iyong ama kuya Sakuragi.. At para maniwala ka sa mga pinagsasasabi namin ay heto ang litrato ni mama." Wika ni Renshin kay Sakuragi pagkatapos ay ipinakita nito ang litrato ng kanilang ina. At doon ay naalala ni Sakuragi na nakita niya na ang kanyang tiyahin noong bata pa siya. Hanggang sa unti-unti nang nakumbinsi si Sakuragi sa paliwanag ng kambal. "Ikaw talaga ang sinadya namin dito kuya Sakuragi... Hindi na po sana kami uuwi ng Japan at napagdesisyonan na nina mama at papa na magstay na nang tuluyan sa America pero nang mapanood namin ang mga laban mo sa High School League ay sinimulan na namin ang pagreresearch tungkol sa iyo. At hindi kami nabigo dahil kompirmado na ikaw nga ang anak ng nakababatang kapatid ni mama...." Tugon naman ni Kenshin kay Sakuragi. "Masaya si mama nang malaman niya na nasa maayos kang kalagayan kuya Sakuragi. At gusto ka niyang makita. Gusto ring makabawi ni mama sa iyo kuya Sakuragi!.." Wika naman ni Renshin. Sa pagkakataong iyon ay hindi makapaniwala si Sakuragi sapagkat mayroon pa pala siyang natitirang mga kamag-anak. Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpatuloy na ang practice ng Shohoku Basketball Team. At sa pagkakataong iyon ay pinanood ni Sakuragi ang ensayo ng Shohoku Basketball Teams. Pagsapit ng 5:30 ng hapon ay natapos na ang ensayo ng Shohoku, at nangagsiuwian na ang ibang mga player. "O paano tatang? Uuwi na po ako!" Wika ni Sakuragi kay Coach Anzai. "Sige Sakuragi, mag-iingat ka!" Tugon naman ni Coach Anzai kay Sakuragi. Mayamaya ay maglalakad na sana si Sakuragi palabas ng Shohoku Basketball Team nang bigla siyang pigilan ng kambal. "Kuya Sakuragi, puwefe ba kaming sumama sa iyo? Gusto kase naming makita ang bahay mo!" Wika nina Kenshin atvRenshin kay Sakuragi. "Sige, kayo ang bahala!" Tugon naman ni Sakuragi sa kambal pagkatapos ay sabay-sabay nang naglakad ang tatlo palabas ng campus. Ngunit habang naglalakad sina Sakuragi, Kenshin, at Renshin ay bigla silang hinarang ng sampung kalalakihan na kasing-edad lang ng kambal. "Hoy kambal na bugok!! Saan ninyo balak na pumunta?!! Sa tibgin ba ninyo ay mapapatawad namin kayo sa ginawa ninyong pagsusumbong sa Principal dahil sa mga happy trip na ginagawa namin?!!!" Galit na galit na wika ng isang lalaki sa kambal. "Happy Trip ba yung ginawa nyong pambubugbog sa isang First Year Student na lalaki? At happy trip din ba yung guluhin ninyo kami sa ginagawa naming pag-eensayo sa Basketball Gym ?!!!" Maangas na tugon naman ni Renshin sa lalaking nagsalita. "Aba't sumasagot ka pa talaga ha??!!!" Nuling wika ng lalaki pagkatapos ay akmang susuntukin na nito si Renshin ngunit nasalo ni Sakuragi ang kamao ng lalaki. "Bitiwan mo ang kamay ko at huwag kang makialam sa away namin!!!!" Sigsw ng lalaki kay Sakuragi. Nang mga oras na iyon sy papalapit na sina Haruko, Rica, at ang apat na ungas sa gate ng Shohoku High School kung kaya't nakita nila ang nagaganap sa loob ng canpus. Mayamaya ay lumapit na ang mga guwardiya ng School kina sakuragi upang awatin ang sampung estudyante na nakapaligid kina Sakuragi at sa kambal ngumit paglapit palang ng mga guwardiya sa mga maaangas na lalaki ay binughog nila ang mga ito kung kaya't nainis si Sakuragi dahil walanang galang ang sampung lalaki sa mga guwardiya. "Aba't walana kayong galang sa mga Guard ah!!!" Wika ni Sakuragi sa mga maaangas na lalaki pagkatapos ay binigyan niya ng tig-iisang suntok ang sampung maaaangas na estudyante at isa-isang tumumba ang mga ito. Sa pagkakataong iyon ay nangagsilapitan na ang mga estudyanteng nakakita sa gulo. At natutuwa pa ang mga estudyanteng nakakita sa ginawa ni Sakuragi dahil na kahanap na ng katapat ang sampung maaangas na estudyante. Hindi pa nakuntento si Sakuragi at binuhat pa nito ang lalaking magtangkang sumuntok kanina kay Renshin. "Alam mo bata?... Ang ayaw ko sa lahat ay yung nananakit kayo ng kapwa nyo porket alam ninyo na hindi ito lalaban sa inyo!!!! At ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung ginugulo ninyo ang ensayo ng Team na pinamunuan ko noong ako ay hindi pa gumagraduate sa High School. At alam ba ninyo na dahil sa ginawa ninyong panggugulo sa ensayo ng Shohoku Basketball Team ay nagiging dahilan kayo para maantala ang kanilang pagpapractice??!!!" Galit na galit na wika ni Sakuragi sa maangas na lalaki. Mayamays ay ibabalibag na sana ni Sakuragi ang maangas na lalaki sa lupa ngunit pinigilan na siya nina Haruko at ng apat na ungas.. At ang lahat ng mga nangyari ay masaksihsn din ng Principal ng Shohoku Highschool. "Tama na iyan Sakuragi!!!" Wika ni Haruko kay Sakuragi habang hawak-hawak naman ng apat na ungas ang dalawang kamay ni Sakuragi. Sa pagkakataong iyon ay binitawan nalang ni Sakuragi ang maangas na lalaki pagkatapos ay naglakad na ito papalabas ng campus. Nagpasalamat naman ang Principal sa kambal dahil sa ginawa nilang pagsusumbong noon sa sampung maaangas na lalaki. "Kayong sampung mayayabang na estudyante, isang buwan kayong magkocommunity service!!!! Dapat lang sa inyo iyan para magtanda kayo!!!!!" Galit na galit na wika ng Principal sa sampung maaangas na estudyante. "Iyan ang napapala ng mga mayayabang!!!" Naiinis na wika ng isang estudyanteng babae sa mga maaangas na estudyante. Mayamaya ay sinundan na nina Haruko, Rica, Kenshin, Renshin, at ng apat na ungas si Sakuragi. TO BE CONTINUE.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD