Chapter 12

940 Words
Ilang sandali pa ang lumipas ay tumunog ang Cellphone ni Coach Osaka kung kaya't kinuha ni Coach Osaka ang kanyang Cellphone sa kanyang bag. At doon ay nakita ni Coach Osaka na tumatawag si Mis Mina kung kaya't dali-dali niya itong sinagot. Coach Osaka; Hello Mis Mina! Mis Mina; Hello Coach Osaka! May nais lang akong sabihin sa iyo!... Coach Osaka; Ano po iyon Mis Mina? Mis Mina; Ahmmm... May dumating na transfer Student dito sa University kanina, at kasingtangkad ito ni Dave Ishida! Hintayin nyo siya dahil papunta na siya diyan ngayon! Ang pangalan niya ay Zen Iroshi... Coach Osaka; Sige po Mis Mina! Maraning salamat po sa inyong pagtawag!.. At doon na natapos ang pag-uusap nina Mis Mina at Coach Osaka..... Sa pagkakataong iyon ay napangiti si Coach Osaka sapagkat madaragdagan nanaman ng isa pang Center ang Team Kanagawa Rising Sun. "Coach, bakit po tumawag si Mis Mina?" Tanong ni Fujima kay Coach Osaka. "May dumating kase na transfer student sa University kanina, at kasingtakad daw iyon ni Dave Ishida." Tugon naman ni Coach Osaka kay Fujima. "Kung gano'n ay dumating na pala si kuya Zen Iroshi!" Wika naman ni Dave na ikinagulat naman ni Coach Osaka. "Teka lang Dave, bakit mo kilala ang taong iyon?" Tanong naman ni Coach Osaka kay Dave. "Pinsan ko po kase si kuya Zen. Ang papa kase ni kuya Zen at ang mama ko ay magkapatid kaya ko siya naging pinsan." Tugon naman ni Dave kay Coach Osaka. Pagkalipas ng isang minuto ay dumating na si Zen sa Kanagawa Gymnasium at kaagad itong nagtungo sa bench ng Kanagawa Rising Sun pagkatapos ay naupo ito sa tabi ni Dave. Napatingin naman ang lahst kay Zen. "Naloko na!.. Nadagdagan naman ang rim protector ng Kanagawa!" Wika ni Miyagi habang nakatingin kay Zen. "Welcome to the Team Zen Iroshi! Ako nga pala si Coach Riyu Osaka, ang Coach ng Kanagawa Rising Sun." Wika ni Coach Osaka kay Iroshi. "Maraming salamat po sa pagwelcome coach! And nice to meet you po!" Tugon naman ni Zen kay Coach Osaka. Mayamaya ay napatingin si Zen sa scoreboard. At doon ay natawa si Zen nang malakas sapagkat lamang ng 15 points ang team ng Kanagawa. "Mahihina talaga ang team ng Akita Dragons!" Wika ni Zen habang tumatawa at nakatingin sa team ng Akita. "Tumahimik ka diyan Zen Iroshi!!! Ang yabang mo talaga!!!" Naiinis na sigaw ni Masashi kay Zen. "Ikaw ang tumahimik diyan mahinang Sentro ng Akita!!! Wala pa rin kayong pinagbago mula noong nakalaban namin kayo sa College League (Asia Edition). Kung may teamwork lang sana kayo ay natalo nyo sana ang Atineo De Manila Sharks kaso wala kayo no'n dahil buhaya ang mga kakampi mo!!!!!" Pang-iinsultong tugon naman ni Zen kay Masashi. Sa pagkakataong iyon ay napatayo si Masashi sa sobrang galit at balak nitong sugurin si Iroshi ngunit piniglan siya nina G Fuukatsu at Masahiro. "Easy ka lang Masashi. Masisira ang laro mo niyan." Wika ni Fukatsu kay Masashi. "Grabe ka talagang mang-asar kuya Zen! Hindi puwedeng hindi mapipikon sa iyo ang kalaban!" Napapangising wika ni Dave kay Zen. "Hindi ko sila pinipikon insan. Sinasabi ko lang ang totoo!" Tugon naman ni Zen kay Dave. Ilang sandali pa ang lumupas ay tumunog na ang Buzzer hudyat na magsisimula na ang Second Quarter. At nagtungo na nga ang magkabilang kopunan sa court upang ipagpatuloy ang laro. Sa pagsisimula ng Second Quarter ay mapupunta sa panig ng Akita Dragons ang ball possession, at hawak na ni Fukatsu ang bola. Habang idinidribble ni Fukatsu ang bola ay mahigpit ang dipensa ni Maki sa kanya At hindi niya iyon magawang lusutan. Mayamaya ay ipinasa ni Fukatsu ang bola kay Masahiro. Pagkasalo nga ni Masahiro sa hola ay inataki kaagad nito ang dipensa ni Harikawa. Doon nga ay matapang na hinarap ni Hatikawa si Masahiro at sa isang iglap lang ay walana sa mga kamay ni Masahiro ang bola at walana rin si Harikawa sa harapan ni Masahiro. "Nakita nyo ba yung ginawa ni Harikawa!!?" Gulat na gulat na tanong ni Mitsui hbang nakatingin sa Court. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na nakarating si Harikawa sa Half Court at ipinasa na nito ang bola kay Sendoh. Pagkasalo nga ni Sendoh sa bola ay walang pag-aalinlangan nitong inihagis ang bola sa ere. Agad namang tumalon si Sakuragi sabay dukot ng bola sa ere. Sinabayan naman siya ni Masashi upang pigilan ang gagawing Slam Dunk nito ngunit bigo siyang iblock ang tira ni Sakuragi sa halip ay tumama sa braso ni Sakuragi ang mga kamay ni Masashi at nakita iyon ng referee. "Basket Counted. Foul, Green, #7, Second Personal Foul, First Team Foul!" Wika ng referee habang sumisenyas ito. "Delikado si Masashi pag hindi sya nag-ingat. Maaga siyang mapafoul-out kapag ganyan." Seryosong wuka ni Coach Takato habang nakatingin sa Court. Mayamaya ay nagtungo na si Sakuragi sa Free Throw Area para aa Bonus Free Throw. At nang ibinigay na ng referee ang bola kay Sakuragi ay itinara kaagad nito ang bola, at pasok ang bonus free theow nito kaya naman 18 points na ang lamang ng Kanagawa Rising Sun. Ang Score ay 38 - 20. At sa pagpapatuloy nga ng laro ay naging mainit ang laban sapahkat palitan lang ng score ang nagagsnap. Ngunit kahit na nakaka-score ang Tram ng Akita Dragons ay hindi pa rin nila magawang mapababa ang lamang ng Kanagawa sa halip ay lalo pa itong lumobo. At pagpasok ng 6 minute mark ng laro ay 57 - 33 na ang score ng magkabilang kopunan. At ang mga taga-suporta ng Kanagawa University ay walang tigil sa pag-iingay dahil sa magandang performance na ipinapakita ng Kanagawa Rising Sun..... TO BE CONTINUE.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD