Chapter 13

949 Words
Sa pagkakataong iyon ay napatawag na ng Timeout si Coach Mazaki dahil sa lumalaking lamang ng Kanagawa Rising Sun. "Timeout! Akita Dragons!" Wika ng referee habang sunisenyas ito. At sa pagkakataong iyon ay nagtungo na ang magkabilang kopunan sa kani-kanilang bench upang magpahinga. Aa Bench Ng Team Akita..... "Team, makinig kayo sa akin. Man to Man Defense tayo! At kung sinuman sa Kanagawa Rising Sun ang may hawak ng bola ay harassin nyo na at huwag nyong hayaang makapuntos! At kung sinuman sa mga kakampi nyo ang libre ay ipasa nyo kaagad ang bola at idouble team nyo si Sakuragi para hindi ito makaporma sa ilalim!" Wika ni Coach Mazaki. "Yes Coach!" Tugon naman ng limang player Sa Bench Ng Team Kanagawa..... "Team, mukhang sa mga oras na ito ay may pinaplano na ang coach ng Akita Dragons para mapigilan ang mainit na opensa natin. At siguradong idodouble team ka na nila Sakuragi." Wika ni Coach Osaka sa limang player. "Kahit lima pa silang magtulong-tulong ay hindi ko sila aatrasan!" Seryosong wika ni Sakuragi habang nakatingin sa gitna ng Court. "Kanina ay pinipiigilan ko lang sarili ko pero ngayon ay hindi na ako magpipigil! Ngayon nila masasaksihan ang Mala-Diyablong laro ni Hanamichi Sakuragi!.." Dugtong pa ni Sakuragi sa kanyang sinabi. Dahil sa sinabi ni Sakuragi ay nagkaroon ng dahilan sina Maki, Harikawa, Sendoh, at Kiyota upang magseryoso sa laro. Napansin naman nina Coach Taoka, Coach Takato, Miyagi, Akagi, at Mitsui ang pag-iiba ng Aura ng limang player ng Kanagawa. "Na- - Naloko na!... May hindi tama sa reaksyon ng limang player ng Kanagawa!..." Wika ni Coach Takato habang nakatingin sa Team ng Kanagawa. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay natapos na ang Timeout, at nangagsitungo na sa loob ng Court ang magkabilang kopinan upang ipagpatuloy ang laro. Sa pagpapatuloy nga ng laro ay mapupunta nga sa panig ng Akita Dragons ang Ball Possession, at hawak na ni Fukatsu ang bola. Habang idinidribble ni Fukatsu ang bola ay napansin mito ang biglang pag-iiba ng aura ng limang player ng Team Kanagawa kung kaya't bigla itong kinabahan. Mayamaya ay sinubukang umataki ni Fukatsu ngunit mabilis siyang napigilan ni Maki kaya naman bigla itong napahinto at ipinas ang bola Kay Masahiro, ngunit nagulat nalang si Fukatsu nang biglang lumitaw sa harapan ni Masahoro si Sakuragi at nakuha nito ang bola pagkatapos ay ipinasa ni Sakuragi ang bola kay Maki. "Pa- - - Paano kang nakapunta diyan kaagad gunggong!!?..." Gulat na gulat na tanong ni Fukatsu kay Sakuragi. "Simple lang ang sagot... Henyo ako eh!" Wika ni Sakuragi kay Fukatsu pagkatapos ay tumakbo na ito patungo sa kanilang Court. Sa pagkakataong iyon ay Mabilis na idinidribble ni Maki ang bola at halos hindi iyon masabaysn ni Fukatsu. Pagkarating nga ni Maki sa kanilang Court ay ipinasa na nito ang bola kay Harikawa na na sa mga oras na iyon ay mag-isang nakqtayo sa Left Side ng 3 Point Area. Pagkasalo nga ni Harikawa sa bola ay tumira kaagad ito ng tres, at pasok ang tirang iyon ni Harikawa kaya naman dagdag pumtos nanaman para sa Team Kanagawa. Ang score ay 60 - 33 4 minutes and 20 second nalang ang nalalabing oras sa Second Quarter. At sa pagpapatuloy pa nga ng laro ay lalong naging mahirap ang sitwasyon para sa Team ng Akita Dragons sapagkat mala-pader na ang dipemsa ng Tea Kanagawa. At dahil sa mala-pader na dipensa ng Kanagawa Rising Sun ay madalang nang maka-score ang Akita. At sa tuwing pipigilan nina Midoroshi, Mikio, at Masashi si Sakuragi sa gagawin nitong pagpuntos ay nabibigo lamang ang mga ito sapagkat napakalkas na ni Sakuragi at hindi nila ito kayang pigilan. At sa pagpasok ng 2 minute mark ng laro ay lalong humigplit ang dipensa ng Team Kanagawa sa Team ng Akita. At ang score sa pagkakataong iyon ay 85 - 59. At sa pagpasok ng 1 minute mark ng laro ay bahagyang nag-init si Masahiro sa tres kaya naman nagkaron sila ng maliit na pag-asa na mahabol ang lamang ng Team Kanagawa. At ang score sa pagkakstsong iyon ay 89 - 71. Ngunit sa natitirang 8 seconds ng laro ay bumitaw ng isang Buzzer Beater 3 Point Shot si Sakuragi mula sa Half Court at pumasok ang tirang iyon kaya naman natapos ang Second Quarter sa Score na 92 - 71, in favor of Team Kangawa Rising Sun. Sa pagtatapos ng Second Quarter ay masayang nagtungo ang Team Kanagawa sa Locker Room. At sa pagkakataong iyon ay hindi maipinta ang mukha ni Coach Osaka dahil sa tuwa na kanyang nararamdaman. "Grabe ka talaga Sakuragi Idol! Halimaw ka talaga kapag nasa ilalim!" Wika ni Dave kay Sakuragi. "Hindi naman Dave... Hindi ko naman magagawa iyon kung wala kayo!... Magagaling kase ang mga kakampi ko kaya ginaganahan akong maglaro!" Tugon naman ni Sakuragi kay Dave. "Masmahalaga kase ang Teamwork kaysa sa Skill... Oo sabihin na nating kaya nating pumuntos kahit hindi na natin asahan ang kaksmpi natin. Pero masmahalaga at masmaganda pa rin kapag may Teamwork ang isang team dahil doon umeepekto ang Chemistry ng isang Team, tandaan mo iyan Dave!" Paliwanag pa ni Sakuragi kay Dave na sinang-ayunan naman ng kanilang mga kaksmpi. "Tama nga naman si Sakuragi!.. Masmagandang tingnan ang isang team na may Teamwork!.. At saka kahit na anong lakas ng isang team kung huhaya naman ang mga player doon ay matatalo at matatalo pa rin sila dahil nga sa wala silang Teamwork.... Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit puro dipensa lang ang ginagawa ni Sakuragi at bihira siyang pumuntos dahil gusto niyang makapumtos din ang kanyang mga Teammates dahil may tiwala siya sa mga ito..." Wika ni Coach Osaka sa kanyang isipan habang nakatingin kay Hanamichi. TO BE CONTINUE.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD