Pagkalipas ng dalawampung ninito ay bumalik na ang magkabilang kopuna sa kani-kajilang Bench Area sapagkat magsisimula na ang Second Half. Mayamaya ay tumunog na ang Buzzer, hudyat na magsisimula na ang Third Quarter. At sa pagkakataong iyon ay si Jay-Ar Hachimura muna ang papalit kay Harikawa Harimoto at si Fukuda naman ang pansamantalang papalit kay Kiyota. Sa pagkakataong iyon ay nagtungo na sa Court ang limang player ng magkabilang kopunan upang ipagpatuloy ang laro.
Sa pagsisimula nga ng Third Quarter ay mapupunta nga sa panig ng Akita Dragon ang Ball Possession, at hawak na ni Fukatsu ang bola. Habang idinidribble ni Fukatsu ang bola ay nag-isip ito ng paraan kung paano niya malulusutan ang mahigpit na dipensa ni Maki. Sa pagkakataong iyon ay sinubukan ni Fukatsu na lituhin si Maki ngunit himdi manlang natinag si Maki sa halip ay nasusundan pa nito ang galaw ni Fukatsu. Dahil sa hindi malusutan ni Fukatsu ang dipensa ni Maki ay ipinasa nalang nito ang bola kay Masahiro. Pagkasalo nga ni Masahiro sa bola ay niyabangan nito si Hachimura sa pag-aakalang walang ibubuga si Hachimura.
"Tingnan natin kung may ibibubuga ka kutong-lupa!" Mayabang na wika ni Masahiro kay Hachimura sabay dribble nga nito ngumit hindi manlang nalito si Hachimura sa halip ay nasusundan nito ang galaw ni Masahiro.
"Hindi mo ako kilala kaya huwag kang magyabang sa akin insekto!" Pang-iinsultong wika naman ni Hachimura pagkatapos ay walang kahirap-hirap nitong naagaw ang bola sa mga kamay ni Masahiro. Ikinagulat mnaman ni Masahiro ang ginawa ni Hachimura.
"Nice Interception Hachimura! Ikaw talaga ang Hari ng Steal!" Sigaw ni Togashi kay Hachimura. Sa pagkakataong iyon ay mabilis na nagdribble si Hachimura patungo sa kanilang Court. Pagkarating nga ni Hachimura sa kanilang Court ay ipinasa kaagad nito ang bola kay Fukuda. Pagkasalo nga ni Fukuda sa bola ay nagfake shot ito at sinabaysn naman siya ni Midoroshi.
"Utu-uto!" Pang-aasar ni Fukuda kay Midoroahi sabay pasa nito ng bola kay Sakuragi. Pagkasalo nga ni Sakuragi sa bola ay nagtungo kaagad ito sa ilalim ng ring sabay tira nito ng Reverse Slam Dunk, at pumasok naman iyon kaya naman dagdag puntos para sa Kanagawa Rising Sun. Ang score ay 94 - 71. 9 minutes nalang ang nalalabing oras sa Third Quarter.
"The Best ka talaga Hananichi!!!" Sigaw ng apat na ungas habang nakatingin ang mga ito kay Sakuragi. Napangiti naman si Sakuragi sa sinabi ng apat na umngas. Sa pagpapatuloy nga ng laro ay pilit na sinubukang habulin ng Team Akita ang lamang ng Team Kanagswa ngunit nagmimintis ang kanilang mga shot attempts kahit na ito ay open shots na kaya naman lalo silang natambakan ng Team Kanagawa sa score na 110 - 80.
Pagpasok ng 7 minute mark ng laro ay lalong uminit sa laro si Sakuragi sapagkat himdi na ito nagmimintis sa kanyang tira mapa-2 points man o 3 points. Mayamaya sy tumawag ng Substitution si Coach Osaka upang magpalit ng player.
"Substitution! Kenzo Borusome for Sinichi Maki and Eiji Sawakita for Akira Sendoh!" Wika ng referee habang sumisenyas ito. Mayamaya ay nagpatuloy na ang laro, at nasa panig na nga ng Akita Dragons ang Ball Possession, at hawak na ni Fukatsu ang bola. Habang ifdinidribble ni Fukatsu ang bola ay pilit nitong binabasag ang dipensa ni Kenzo ngunit napakahigpit ng dipensa nito.
"Lubayan mo nga ako totoy!" Naaasar na wika ni Fukatsu kay Kenzo.
"Lusutan mo muna ang dipensa ko.para lubayan kita!" Napapangising tugon
Gon naman ni Kenzo kay Fukatsu na ikinainis naman ni Fukatsu. Dahil sa hindi malusutan ni Fukatsu ang dipensa ni Kenzo ay ipinasa nalsmang nito ang bola kay Masahiro. Pagkasalo nga ni Masahiro sa bola ay inataki nito ang dipensa ni Hachimura sabay tira nito mula sa tres ngunit naabot ng kaliwang hintuturo ni Hachimura ang tira ni Masahiro dahilan para mawala sa ayos ang tira ni Masahiro. Mabilis namang dinouble team nina Mikio at Masashi si Sakuragi upang hindi ito makatalon para sa Rebound.
"Double Team? Wala iyan!!!..." Wika ni Sakuragi pagkatspos ay buong lakas itobg tumalon para kunin ang Rebound, at tagumpay naman iyong nakuha ni Sakuragi sabay pasa nito ng bola kay Fukuda.
"Ikaw na ang bahala diyan Fukulot!" Nakangiting wika ni Sakuragi kay Fukuda. Ngunit pagbaba ni Sakuragi ay bigla itong napaupo sa sahig dahil natapakan nito ang kanang paa ni Masashi bagay na sinadya naman ni Masashi. Dahil sa pangyayaring iyon ay napapito ang referee at pasamantala nitong itinigil ang laro. Sa mga sandaling iyon ay halatang nasKtan si Sakuragi sapagkat hawak-hawak nito ang kanyang kaliwang binti. Mayamaya ay mabilis na lumapit sina Kenzo at Hachimura para tulungang makatayo si Sakuragi habang sina Fukuda at Sawakita naman ay patakbong lumapit kay Masshi upang komprontahin ito.
"Ayos ka lang ba Sakuragi!?" Nag-aalalang tanong ni Kenzo kay Sakuragi.
"Masakit ang binti ko!.." Tugon naman ni Sakuragi kay Kenzo. Nayamaya ay napansin nina Kenzo at Hachimura na dumudugo ang kaliwang siko at braso ni Sakuragi dahil sa biglaang pagkakabagsak nito kanina kaya naman hindi na nila pinangahasang itayo si Sakuragi. Ilang sandali pa ang lumipas ay lumapit na ang Medical Team at pinagtulungan nilang buhatin si Sakuragi at inihiga sa Stretcher. Alalsng-alala naman sina Haruko, Rica, Inami, Jasmin, ang apat na ungas pati na sina Coach Osaka at ang buong team ng Kanagawa.
"Booooooo!!!!" Naiinis na sigaw ng mga taga-suporta ng Kanagawa Rising Sun kay Masashi.
"Hoy ikaw Masashi, alam kong sinadys mo ang nangyari kay Sakurgi dahil nakita ko na iniumang mo ang kanang paa mo sa lugar kung saan bababa si Sakuragi!!!!" Naiinis na wika ni Fukuda kay Masashi.
"Eh ano naman ngayon Fukuda? Masmaganda nga iyon para matigil na ang kayabangan ninyo!!! Tingnan ko lang kung manalo.pa kayo sa laban ngayong walana ang isa sa star player ninyo!!!" Maangas na wika ni Masashi kay Fukuda. Narinig naman ng referee ang sinabi ni Masashi kung kaya't nagtungo kaagad ito sa Official's Table at sinabi nito sa Committee ang kanyang narinig. Pinaniwalaan naman ng mga Opisyal ang sinabi ng referee kung kaya't nagkaroon ng pagrereview sa Reply. At doon nga ay nakita nila na sinadya talaga ni Masashi ang nangyari kay Sakuragi kaya naman sinabihan Committee ang referee na patawan ng Intentional Foul si Masashi.
"Alam mo Masashi? Noong nasa America pa ako ay palagi ko pa rin kayong sinusubaybayan. At sa lagi kong panonood sa inyong mga laban ay napansin ko na yumabang na kayo porket lagi kayong nananalo... Napakadumi na rin ng laro ninyo kaya napagdesisyonan ko na sa team ng Kanagawa Rising Sun maglaro. At sa unang paglalaro ko ngayon dito sa team ng Kanagawa ay dito ko naranasan ang tunay na Teamwork dahil at ang bawat player ay mahalaga kaya hindi ko pinagsisisihan ang desisyon ko na mag-aral sa Kanagawa University at maglaro sa Kanagawa Rising Sun. At isa pa ay ayaw kong mahawaan ng pagiging buhaya nyo sa laro dahil masisira ang basketball career ko!!!... At dahil sa ipinakita mo sa akin ngayon ay maslalong bumaba ang respeto ko sa iyo Masashi Kawata!!!" Wika naman ni Sawajita kay Masashi. Tahimik naman ang mga manonood habang pinakikinggan ang mga sinasabi ni Eiji Sawakita.
Mayamaya nga ay nagtungo na ang referee sa kinaroroon ni Masasashi Kawata.
"Intentional Foul, Green, #7!.. Masshi Kawata, tanggal ka na sa laro!!!" Wika ng Referee habang sumisenyas ito. Dahil sa pangyayaring iyon ay sari-saring insulto ang natanggap ni Masashi kula sa mga manonood. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay dinala na ng Medical Team si Sakuragi sa pinakamalapit na Clinic upang magamot ang kaliwang paa, kaliwang siko, at braso nito. Ang hindi ni Sakuragi ay sobra ang pag-aalala ni Rica aa kanya dahil lingid sa kaalaman ni Sakuragi ay pinsan niya si Rica dahil ang ina ni Rica at ang yumaong ama ni Sakuragi ay magkapatid.....
TO BE CONTINUE.....