Dahil sa 3 Point Shot ni Hanamichi ay nagsigawan ang mga manonood. At napangiti nalamang si Sendoh sa ginawa ni Sakuragi.
"Ayos! Ibang-iba ka na talaga Sakuragi! Hindi ka na mapigilan!" Napapangising wika naman ni Sendoh kay Sakuragi. Napangiti din si Sakuragi sa sinabi ni Sendoh. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay nagpatuloy na ang laro, at mapupunta nga sa panig ng Team A ang Ball Possession. Habang idinidribble ni Maki ang bola ay nag-iisip ito ng paraan kung paano niya malulusutan ang dipensa ni Kenzo. At mayamaya pa nga ay biglang nagdouble crossover si Maki. Ngunit sa halip na malito ay nasundan ni Kenzo ang galaw ni Maki kung kaya't walang kahirap-hirap na na-steal ni Kenzo ang bola sa mga kamay ni Maki.
"Paanong nangyari iyon!!?" Gulat na gulat na tanong ni Maki sa kanyang sarili.
Pass Break!!!" Sigaw ni Sakuragi kay Kenzo. Sa pgkakataong iyon ay nakita ni Kenzo na mabilis na tumatakbo si Hanamichi patungo sa ilalim ng basket kaya naman inihagis nito nang napakataas ang hola ss ere.
"Ang taas ng pasa! Hindi niya maaabot iyan!" Wika ni Harikawa habang nakatingin sa holang nakalutang sa ere.
"Nagkakamali ka Harikawa!" Napapangising wika naman ni Fujima kay Harikawa.
"Heto ang mga gusto kong pasa!!!!!" Sigaw ni Sakuragi sabay talon nito nang napqkataas. Ikinagulat naman nina Harikawa, Coach Osaka, Rica, Hachimura, Ishida, at Akuma ang kanilang nasaksihan. At nang makuha na nga ni Sakuragi ang bola sa ere ay malakas niya itong dinakdak sa ring. At dahil sa tirang iyon ni Sakuragi ay dagdag puntos nanaman para sa Team B. Ang score ay 10 - 3. 6 minutes and 37 seconds nalang ang natitirang oras sa First Quarter.
"Ang aga naman yatang mag-init ni Sakuragi!?" Napapangising wuka ni Okusu habang nakatingin kay Sakuragi. At sa pagpapatuloy nga ng laro ay lalong naging mainit ang laban. At palitan lang ng score ang nagaganap. Sinubukang humabol ng Team A ngujit sadyang napakainit ng Shooting nina Sakuragi, Kiyota at Kenzo. At dahil sa mainit na opensa ng Team B ay natambakan nila ang Team A sa score na 29 - 13. At sa Natitirang 3 seconds ng First Quarter ay nagpakawala ng Buzzer Beater 3 Point Shot si Jin, at pumasok naman iyon kaya naman ang score ay 19 - 29. At doon na nga nagtatspos ang First Quarter na lamang ng 10 points ang Team B.
Sa pagtatapos ng First Quarter ay nagtungo na sa kani-kanilang bench ang magkabilang team. Sa pagkakataong iyon ay walang tigil sa hiyawan ang mga taga-suporta ni Sakuragi. At ang mga estudyanteng hindi nakakakilala kay Sakuragi ay namamangha pa rin dahil sa mga ipinamalas ni Sakuragi.
"Hindi ako makapaniwala na ang layo na talaga ng narating ni Sakuragi. Napapangising wika ni Fujima habang nakatingin ito kay Sakuragi.
"Mukhang mahihirapan kaming maka-score kapag nasa loob ng court si Sakuragi dahil hindi man lang namin siya magawang pigilan!" Wka naman ni Sendoh sa kanyang isipan.
"Mukhang magiging competitive Team ang Kanagawa Rising Sun ngayong paparating na College Matches!" Napapangising wika ni Rica habang nakatingin sa mga player. Pagkalipas ng limang minuto ay nagtungo na ang magkabilang team sa court upang ipagpatuloy ang laro.
Sa pagsisimula nang 2nd Quarter ay mapupunta nga sa panig ng Team B ang ball Possession. Habang idinridribble ni Kenzo ang bola ay napansin nito na humigpit ang dipensa ni Maki sa kanya. Mayamays ay ipinasa ni Kenzo ang bola kay Hachikura. Pagkasalo nga ni Hachimura sa bola ay dinipensahan kaagad siya ni Jin. Pagkarating ni Hachimura sa Perimeter ay tumira kaagad ito ng Jump Shot ngunit mabilis iyong nablock ni Jin. At ang bolang nablock ni Jin ay mabilis din namang nakuha ni Sendoh sabay pasa nito kay Fukuda. Ngunit mayamaya ay nagulat si Sendoh sapagkat biglang lumitaw sa harapan ni Fukuda si Sakuragi.
"Huli ka!!" Wika ni Sakuragi sabay tapik mito ng bola patungo kay Kiyota. Pagkasalo nga ni Kiyota sa bola ay nagdribble kaagad ito patungo sa ilalim ng ring at hinabol naman siya ni Fukuda. Pagkarating nga ni Kiyota sa ilalim ng ring ay tumalon kaagad ito para sa Slum Dunk at sinabayan naman siya ni Fukuda.
"Hindi mo ako.mapipigilan Pre!" Wika ni Kiyota kay Fukuda sabay dakdak mito nang bola sa ring na halos ikasira ng ring. At dahil sa pangyayaring iyon ay bumagsak sa sahig si Fukuda. At dahil ss tirang iyon ni Kiyota ay dagdag puntos muli para sa Team B. Ang score ay 31 - 19. 9 minutes and 30 seconds nalang ang nalalabing oras sa Huling Yugto ng laro.
"Ibang klase ang laro ng mga bagong member ng team! Mga halimaw maglaro!" Wika ni Coach Osaka habang nakatingin sa mga players ng Team B. Mayamays ay tumawag si Sawakita ng Substitution kaya naman napapito ang referee.
"Substitution!... Akuma Togashi For Kenzo Borusome. Eiji Sawakita For Hanamichi Sakuragi." Wika ng referee habang sumisenyas ito. At sa agkakataong iyon ay nagtungo na sina Kenzo at Sakuragi sa Bench upang magpahinga. At sa pagpapatuloy ng laro ay lalong naging mainit ang laban. At kahit wala sa loob ng Court si Sakuragi ay nahirapan pa ring maka-score ang Team B dahil sa mahigpit na dipensa nina Akuma, Kiyota, at Ishida samantalang naging mainit naman sa opensa sina Sawakita at Hachimura kung kaya't lalong lumaki ang lamang ng Team B sa score na 57 - 32. At nagpatuloy pa ang mainit na opensa at dipensa ng Team B hanggang sa matapos ang 6 minutes mark ng laro. At umabot na sa 78 ang score ng Team B samantalang 55 naman para sa Team A.
TO BE CONTINUE.....