5 minutes and 59 seconds na ng ibalik na sa laro si Sakiragi. At sa pagkakataon ding iyon ay pinalitan ni Kaede Rukawa si Kiyota samantalang sa Team B naman ay pinalitan ni Harikawa Harimoto si Jin.
Ilang sandali pa ang lumipas ay nagpatuloy na ang laro, at mapupunta nga ang ball possession sa panig ng Team A. Habang idinidribble ni Maki ang nbola ay mahigpit ang dipensa ni Akuma sa kanya at himdi man lang ito magawang tibagin ni Maki. Dahil hindi magswang lusutam ni Maki ang dipensa ni Akuma ay ipnasa nalamang mito ang bola kay Harikawa. Pagkasalo nga ni Harikawa sa bola ay bigla itong nagdribble nang mabilis ngunit sa himdi inaasahang pangyayari ay natapik ni Hachimura ang bola sa mga kamay ni Harikawa. At bago ito tumilapon sa labas ng Court ay tumama pa sa kaliwang paa ni Harikawa ang bola kays naman nagresulta iyon ng Tum Over.
"Nice Hassle play Hachikura!" Napapangising wika ni Dave habang tumatakbo ito patungo sa kanilang Court. Ngayon nga ay nasa panig na ng.Team B ang Ball Possession. Habang idinidribble ni Akuma ang bola ay mahigpit ang dipensa ni Maki sa kanya. Mayamaya ay akmang aagawin ni Maki ang bola sa mga kamsy ni Akuma ngunit mabilis namang naiiwas ni Akuma ang bola sa mga kamay ni Maki. Pagkarating nga ni Akuma sa Half Court ay ipinasa na nito ang bola kay Hachimura. Pagkasalo nga ni Hchimura sa bola ay bigla itong nagdouble crossover at hindi iyon inaasahan ni Harikawa kaya naman mabilis na nakalusot si Hachimura sa dipensa ni Harikawa. Ilang sandali pa ang lumipas ay isang Behind The Back Pass ang ginawa ni Hachimura at sakto naman iyong napunta sa mga kamay ni Sakuragi na sa mga oras na iyon ay nakapuwesto na sa Left Side ng 3 Point Area. Pagkasalo nga ni Sakuragi sa bola ay walang pag-aalinlangang itinira nito ang bola at sinabayan naman siya ni Sendoh ngunit sa pangalawang pagkakataon ay bigo si Sendoh na mablock ang tira ni Sakuragi. At dahil naging maganda ang bitaw ni Sakuragi sa bola ay pumasok ang tira nito kaya naman dagdag puntos muli para sa Team B. Ang Score ay 81 - 55. 5 minutes and 7 seconds nalamang ang nalalabing oras sa huling yugto ng laro.
"Walana!.. Mukhang hindi na magagawang mahabol ng Team A ang lamang ng Team B dahil kaunting oras nalang ang nalalabi sa laro!" Wika ni Haruko habang nakatingin sa Court. Mayamays ay biglang dumating si Jasmin. At doon ay nagulat siya sapagkat napakalaki na ng lamang ng Team B.
Sa pagpapatuloy nga ng laro ay sinuhukan pa ring habulin ng Team A ang kalamangan ng Team B ngunit bigo silang magawa iyon sapsgkat sa tuwing makaka-score ang Team A ay palahing may bawi ang Team B. At dahil sa mahigpit na dipensa ni Sakuragi ay halos hindi man lang maka-score si Sendoh. At bago tumunog ang buzzer ay nagawa pang ipasok ni Sakuragi ang kanyang Half Court Shot kaya naman natapos ang laro sa score na 96 - 75. At sa pagkakataong iyon ay napuno ng hiyawan at sigawan ang buong Kanagawa Basketball Gym dahil sa magandang laban na kanilang nasaksihan. Ilang sandali pa nga ang lumipas ay nakipagkamay na ang Mga player ng Team A sa mga player ng Team B.
"Congratulations sa inyo!" Nakangiting wika ni Fujima sa mga player ng Team B.
"Ibang-iba ka na talaga Sakuragi! Ang layo na ng narating mo! Dati ay napakadali mo lang agawan at malusutan pero ngayon ay ang hirap mo nang lusutan! At saka ang tibay na rin ng katawan mo pagdating sa balyahan dahil halos di ka man lang maitulak ng mga bumabantay sa iyo!" Napapangising wika ni Sendoh kay Sakuragi.
"Hindi ko naman maaabot ang lahat ng ito kundi dahil sa mga taong nagtiwala sa akin lalong-lalo na sa mga kaibigan na hindi ako iniwan mula noong nag-umpisa akong maglaro ng Basketball hanggang ngayon na narito na ako sa kinalalagyan ko!" Tugon naman ni Sakuragi kay Sendoh sabay tingin nito sa apat na ungas. Napangit naman sina Mito, Takamiya, Noma , at Okiso sa sinabi mi Hanamichi.
"At hindi ko rij maaabot ang mga pangarap ko kundi dahil sa isang babaeng nagbigay ng pag-asa sa akin at nakapagbago sa buhay ko!" Muling wika ni Sakuragi sabay tingin nito kay Haruko na nakaupo sa tabi ni Rica. Napangiti naman si Haruko sa mga sinabi ni Sakuragi.
"Teka lang Pre, parang hindi na ikaw yung Sakuragi na kilala namin ah! Ang kilala naming Sakuragi ay barumbado kung sumagot!" Wika naman ni Kiyota kay Sakuragi.
"Ah iyon ba??... Binago ko na iyon kasabay ng pag-iiba ng direksyon ng buhay ko. Hindi na kase ako yung dating gunggong at ang alam lang noon ay makipagbasag-ulo at maglakuwatsa. At saka magiging gano'n lang ang ugali ko kapag may nakaharap akong tao na mayabang at barumbado!" Tugon naman ni Sakuragi kay Kiyota na ikinangiti naman ng lahat.
"Walana talaga akong masabi sa iyo Sakuragi! Ibang-iba ka na talaga!" Wika naman ni Sawakita kay Sakuragi.
"Siyempre! Henyo ako eh!" Tugon naman ni Sakuragi kay Sawakita sabay tawa nito nang malakas.
"Gunggong!" Pang-aasar na wika naman ni Rukawa kay Sakuragi pagkatapos ay nagtawanan silang lahat. Makaraan ang isang oras ay nangagsilabasan na ang mga estufyamte sa Basketball Gym samantalang sina Haruko, Jasmin, at ang apat na ungas naman ay nanatili sa loob sapagkat gusto nilang marinig ang sasabihin ni Coach Osaka sa mga player.
"Team! Makinig kayo sa sasabihin ko!... Pagkalipas ng isang buwan ay gaganapin sa Kanagawa Gymnasium ang College Matches kung saan makakalaban natin ang magagaling na College Basketball Team sa buong Japan kung kaya't kinakailangan nating magpractice nang mabuti at Akailangan nating paghandaan ang mga Team na makakalaban natin..." Paliwanag ni Coach Osaka sa mga player.
"Sa naging laban ninyo kanina ay nakita namin na lahat kayo ay magagaling. At sa ngayon ay kumpleto na ang member ng ating team ngunit kailangan pa nating magdagdag ng isa pang Center dahil dalawa lang ang nasa Center Position natin at iyon ay sina Dave Ishida at Tooro Hanagata..." Dugtong pa ni Coach Osaka sa kanyang sinabi. At sa pagkakataong iyon ay napaisip ang lahat sapagkat walana silang ibang kilalang player na ang position ay Center. Ngunit mayamaya ay napalingon ang lahat sa pintuan ng Basketball Gym sapagkat may dumatibg na isang matangkad na lalaki, at kilala iyon nina Sakuragi, Kenzo, at Rukawa dahil dati nila itong teammates sa Shohoku High School Basketball Team. At siya si Satoru Sasaoka, First Year. At ang Position nito ay Center.....
TO BE CONTINUE.....