Cinry POV
"Ladies and gentleman
Students of MoonLight Academy
Gusto kong ipakilala sainyo ang mga anak ng magigiting na manlalaro sa MPA 27th Anniversary noon"sabi ni Tita Storm
Nag palakpakan naman ang lahat ng mga estudyante sa baba ng stage
Nasa taas kami ng stage
Habang ang lahat ng mga studyante ng MoonLight nasa baba at nakikinig sa mga sinasabi ni Tita Storm
"Sila ang mga anak ng dating estudyante dito sa MoonLight Academy na nakapag uwi ng gold trophy galing sa MPA 27th Anniversary so please welcome them and give them respect as you respect everyone here"sabi ni Tita Storm
Katabi ko si Speed pero di manlang siya nag abalang tumingin o lingonin ako
Ang sama talaga ng nangyayare sa kanya
Lumapit si Tita Storm kay Kuya at may sinabi
Nakita kong tumungo si Kuya at may binulong kay ate Kimberly at may binulong si Ate Kimberly kay Speed yes ito na ang time papansinin na ako ni Speed
Ng matapos na ang pag bulong ni ate Kimberly kay Speed hinihintay ko na may ibulong din si Speed saakin ang kaso......
Wala tumingin saakin si ate Kimberley at ngumiti
"Mag papakilala na daw"sabi ni ate Kimberly
Tumungo naman ako
Napatingin ako kay Speed na deretso lang ang tingin
Bakit ganon si Speed hindi ko na siya kilala at parang wala lang ako sa kanya
Lumakad si Kuya papunta sa Mic at ngumiti sa lahat
"Hello sa inyo ako nga pala si Yuan....Yuan Steler ang panganay na anak nila Moon Steler at haring Thunder "pakilala ni Kuya
May nag taas ng kamay mula sa mga estudyante sa baba kaya naman napa tingin ang lahat doon
"Pwede po mag tanong?"sabi nito kay Kuya
Ngumiti naman si Kuya at tumango
"Si Moon Steler po diba ang anak nila Mrs Moon Steler at Mr Light?"tanong nito
"Yes"
"Tas si King Thunder po ay Hari ng Winsoul Kingdom?"
"Yes"
"So isa po kayong Prinsepe?"tanong nito
Ngumiti si kuya at tumango
"Yes"sagot ni Kuya
Nag bulungan ang nga studyante at saka lumuhod
"Pag bibigay galang sa inyo kamahalan!"sabay sabay na sabi ng nga studyante sa baba
"Teka saglit tumayo nga kayo ayoko ng makikita kayong nala luhod "sabi ni kuya
Lahat naka tingin sa kanya at tumayo
"Lahat tayo dito pantay pantay walang mahirap mayaman o prinsepe o ano man "sabi ni kuya at ngumiti
"Gusto ko itrato niyo ako bilang isang simpleng nilalang gaya niyo ayokong makita kayong lumuluhod o nag bibigay galang dahil sa isa akong prinsepe"sabi ni kuya
At ngumiti
"Kasi dito sabi ni mama lahat pantay pantay"sabi ni kuya at ngumiti ulit
Di kaya mapunit na yang pisngi niya kaka ngiti?
"Yun lang"sabi ni kuya saka nag lakad papunta sa upuan niya
Nag palakpakan naman ang mga studyante dahil sa inasal ni kuya
"Nice one bro"bati ni Speed sa kanya
"Sus pakitang nilalang yan kasi nandito si ate Kimberly"sabi ko
"Hayst panira ka talaga Cinry"sabi ni Kuya
Tumayo na ako at pumunta sa harap
"Hi ako nga pala si Cinry Steler ang pangalawang anak nila Moon Steler at King Thunder"sabi ko saka ngumiti
"Gaya ng sinabi ni kuya dapat pantay pantay tayo dito walang mahirap mayaman o prinsesa o prinsepe dito"sabi ko
"Pwede niyo among tawaging Cinry at pwede rin tayo maging mag kakaibigan lahat"sabi ko saka tumango
"Yun lang "sabi ko ulit saka pumunta sa upuan ko
Akala ko babatiin din ako ni Speed kagaya kay kuya pero hindi pala
Buti nalang at pumalakpak sila dito
Nakaka disappoint kasi naman nag bago na talaga siya
Tumayo na si ate Kimberly at pumunta sa harap
"Hello sa inyo ako nga pala si Kimberly anak nila Red at Cloud "sabi nito
"Teka hindi ako nag mana kay mama na mabilis manginit ang ulo hindi ko rin namana ang pagiging bad girl niya kaya wag kayong matakot saakin dahil kabaliktaran niya ako hahahaha kung naikwento sainyo ng nga parents niyo ang ugali ni Mama hahaha hindi ko talaga nakuha yun"sabi nito saka ngumiti
"Promise"pahabol nito saka umupo sa upuan niya
"Hahaha totoo ba yan?"pang aasar ni kuya sa kanya
"Mananahimik ka o mananahimik ka?"tanong sa kanya ni Ate Kimberly saka tinignan ng nakakatakot
"Sabi ko nga totoo"yan nalang ang nasabi ni kuya
Napatingin ako kay Speed na ngayun ay nasa harap na
"I'm speed son of Yuro and Ice"sabi nito saka umupo
Hindi naman niya ata namana ang pagiging cold ni tita Ice diba?
Mas cold pa siya sa patay promise