Cinry POV
Ng matapos na ang pag papakilala namin sa mga estudyante
Pinapunta kami ni Tita Storm sa office niya doon daw niya ibibigay ang dorm number namin at schedule sa mga klase maging ang uniform namin doon niya din ibibigay
Nag lalakad kami ngayun papunta doon
Tahimik lang walang nag sasalita
Ang mga estudyante kasi nasa dining hall nakain na
Ng maka rating na kami sa office ni tita Storm umupo kami sa sofa
Nilibut ko ang paningin ko sa buong office
Malaki ito madaming nag bago ang daming picture
Picture nila mama at tita storm close talaga sila
Tapos may family picture din sila kasama sila Papa
May mga picture din kami kasama namin ni Kuya sila mama noong maliit pa siya at ng baby pa ako
"Bunso tignan mo ang panget mo pa jan oh"sabi ni kuya sabay turo sa picture kung saan may isang maliit na baby ang naka upo at naiyak
Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya tumigil siya sa kakatawa
Napalingon kami sa pumasok at nakita si tita storm na nakangiti
"Napag hintay ko ba kayo?"tanong nito saamin
"Hindi po"sabay sabay naming sabi maliban kay Speed
"Oo at late ka ng 3 minutes so slow"sabi ni speed habang naka pikit ang mga mata at naka cross arms
Napatingin ako kay tita
"Don't mind him he's crazy"sabi ni ate Kimberly
Lumakad si tita Storm papunta sa table nya at may nilabas na mga cards
"Here's your schedules and dorm number "sabi ni Tita sabay abot kay kuya ng mga cards
Hinanap ni kuya ang pangalan niya saka binigay saakin
Hinanap ko ang pangalan ko at nakita ang yellow card ibinigay ko kay ate Kimberly ang susunod at pinag masdan ang card
Dorm number 1 building A
"You may go now enjoy and yong mga uniform niyo nasa dorm niyo na all your needs nandoon na"sabi ni tita at ngumiti
"Salamat po"sabay sabay naming sabi maliban nanaman kay Speed na lumabas na at iniwan kami
Hindi manlang siya nag pasalamat?
Nakaka turn off na siya ah!
Bad siya no manners -_______-
Lumabas na kami sa office ni tita at nagka hiwa hiwalay na
Pumunta kasi si kuya sa dining hall kasama si ate Kimberly ako naman pupuntahan ko ang room ko kung saan mag kukulong ako doon at matutulog
Hindi ko na talaga maintindihan si Speed masayahin sya at palabiro simula pag kabata namin pero ng malaman niya na may gusto ako sa kanya biglang nag bago
Ang masayahing Speed ay napalitan ng di mo alam kung cold ba o parang gustong pumatay
Mali ata ang ipag tapat ko sa kanya ang nararamdaman ko
Naka rating na ako sa room ko
Nasa tapat na ako ng pinto nito at akmang hahawakan na ang doorknob ng bigla itong bumukas at tumambad saakin ang pag mumuka ng isang babae na kulay yellow ang buhok at matangos ang ilong tapos kulay Yellow ang mata
Luh? Yellow girl lang ang peg?
"Prinsesa Cinry"sabi nito at nag bow
"Hindi ka ba nakinig kanina? Diba sabi ko Cinry nalang ng itawag niyo saakin wag na prinsesa wala ako sa palasyo ko"sabi ko saka ngumiti
"Sorry po kasi naman first time ko lang makita ang prinsesa ng Winsoul at ka roommate ko pa "sabi niya saka gumilid
"Pasok po kayo"sabi nito
Ngumiti ako at pumasok
"Please wag mo na kong i po di pa ako matanda"sabi ko
"Ayt sorry po i mean sorry"sabi niya saka ngumiti
Ang cute niya
Nawawala yung mata niya pag ngumiti pero creepy kasi para siyang walang mata
Ah basta
"Ang cute mo pa ngumiti"papuri ko
"Salamat po kamahalan"sabi niya saka lumuhod
"Isa"sabi ko
Tumayo siya
"Sorry naman kasi naman first time kong sabihan ako ng prinsesa na cute yieee kinikilig ako"sabi niya at ngumiti
Napailing nalang ako
"Ako nga pala si Sun"sabi niyq
Napatingin ako sa kanya
"Sun? As in Araw?"tanong ko
"Yes i mean parang ganun isa akong fairy at araw ang kapangyarihan ko"sabi nito
"Eh ikaw ba?"tanong niya
"Ughm hindi ko kapa alam kasi hindi pa lumalabas? Parang kay mama lang"sabi ko
"Ah so isa ka ring Cursed child?"tanong niya
"Hindi ah parehas lang kaming matagal labasan ng kapangyarihan"sabi ko
"Ay ganon teka change topic tayo alam mo ba na may gwapong nilalang dito?"tanong niya
Napakunot ako ng nuo at ngumiti
"Hindi?"sagot ko
"At alam mo ba isa siyang mahiwaga as in mahiwaga"sabi nito
"Hindi rin"sagot ko
"At alam mo ba na hindi pa ako nakain?"sabi niya
Napa ngiti nalang ako
"Hindi rin pero alam mo parehas lang tayo na gutom"sabi ko saka ngumiti
"Tara sabay na tayo pumunta sa dining hall baka maka salubong natin si fafa Widow"sabi niya at hinigit ang braso ko saka kami lumabas ng room namin
Ano daw fafa? Window ? As in bintana?
Luh?
~~'~