Widow POV
"Black Hearted"
Pag kasabi noon ng isang lalaki auto matikong tumigil ang reyna sa pag iyak at tumingin sa lalaki
"Ano?"tanong ng reyna
"Ang sabi dati ng mga asesero kapag napa ibig ng isang black hearted ang bathala matutulungan nito na mapawala sa katawan ng nilalang na napili ang kaluluwa ng bathala"paliwanag ng lalaki
"Saan naman tayo makaka hanap ng ganong nilalang? Alam naman natin na mailap sila "sabi ng katabi niyang babae na kulay red ang buhok.
"Kaya nga nandito ako para tumulong" singit ng isang kina iinisan kong boses sa talang buhay ko
Naka tayo si Kuya sa pinto at lahat ng attention ay nasa kanya
Syempre nag tatago lang kami dito ni Sun
"Remember me? Its me? Danger "sabi ni Kuya sa lalaki
"At siya ang tinutukoy kong black hearted "sabi ng lalaki
"Kuya Widow try mo kayang.."
"Shhh"
"Pano mapapatunayan na siya ang black hearted?"tanong ng hari
"Alam naman natin na ang mga black hearted ay may talentong kayang pumatay ng kung sino man ang kanilang iibigin at iibig sa kanila"sabi ni kuya at ngumiti
"30 babae ang umibig sakin at lahat sila sa hukay ang bagsak
10 babae ang aking inibig ngunit hukay rin ang binagsak nila"pag mamayabang ni kuya
"Ang yabang niya talaga"inis na sabi ni Sun
"Tama siya isa nga siyang black hearted"sabi ng isang lalaki
"Galing talaga ni lodi Dark"bulong ulit ni Sun
"Kung gayun gawin mo lahat ng makakaya mo para mapaibig ang bathala at humiwalay na sa katawan ng anak ko ang kaluluwa nito"sabi ng reyna
"Gagawin..."
"Hindi maaaring mange alam kami dito"biglang singit ko at lumabas sa pinag tataguan namin
Ewan pero may nag udyok sa akin na lumabas at maki epal sa kanila
Bwisit sino ba kasi nag aano na lumabas ako sa tinataguan ko?
"Sino ka naman?"tanong nong babaeng kulay white ang buhok
"Ako si..."
"Ay Lodi siya si Widow pinsan ko siya din ang pangalawang prinsepe ng mga black hearted mas malakas kumpara sa kapatid niya at mas charming kumpara sa kapatid niya"sabi ni Sun
Tinignan ko si Sun ng masama pero binali wala niya lang ito
"So kayong dalawa ay mag kapatid?"tanong ng lalaki
"Yes Lodi Cloud actually mas mabait si kuya Widow kesa jan kay Danger look maputi si Widow mala pusa kung ngumiti perfect hair and lips..."
"Sun"pigil ko kaya tumahimik siya
"Kailan pa nag karuon ng Prinsepe ang mga black hearted?"tanong ng reyna
"Simula ng mawala ang kapatid ng haring Thunder "sagot ni kuya
"Si Prinsepe Charm dati ang tinuturing na hari ng lahat ng kasyupong
Sinakop nila ang aming lugar at inalipin lahat ng black hearted hanggang sa mawala si Prinsepe Charm nag pasya ang mga matatandang obispo na ang ama namin ang hiranging hari ng black hearted"paliwanag ni Kuya
Ehdi siya na may alam sa history ng ninunu namin
"Akala ko ba lahat ng iibigin ng..."
"Black hearted ay mamamatay?"putol ko
Ngumisi ako
"Oo mamamatay ang iniibig ng black hearted dahil ang black hearted ay nararapat lamang sa mga kauri naming black hearted"sabi ko
"Ngunit ang bathalang Luna ay isang black hearted rin alam naman natin na di tatabla ang ganyan dahil ang bathalang Luna ay bathala ng pag ibig"sabi nong Dark
"Isa nga siyang Black hearted at bathala ng pag ibig pero ang tanong nasa kanya parin ba ang kapangyarihan ngayun ay nasa loob na ng katawan ni Cinry ang kaluluwa nito?"tanong ko habang may ngisi
"Ang katawang lupa ay namamatay ngunit ang kaluluwa at diwa ng kapangyarihan ng mga bathala ay namumuhay parin
Sa oras na ang kaluluwa ng isang bathala ay sumanib sa katawan ng isang nilalang automatikong ang kapangyarihang taglay ng bathala ay mahahati at mapupunta sa katawan ng kanyang sinaniban"sabi ko at nag cross arm
"Sa estado ng kalagayan ni Cinry nag bago ang kanyang anyo dahil yun sa ang kalahating kapangyarihan ng bathala ay napunta na sa katawan nito"sabi ko saka ngumisi ulit
"Umagay hatid ang kamatayan
Gabi ay hatid ang kalungkutan
Yan ang sabi sa propesiya
Ngayun ay namuo saaking utak na makikilala natin si Cinry sa umaga bilang Luna at sa gabi ay ang Cinry na kilala natin ngunit walang maaalala si Cinry pag dating ng gabi
Lahat ng ginawa ni Luna gamit ang katawan ni Cinry ay di niya malalaman"sabi ko at tumingin ng deretso sa kanila
"It means ang kahinaan ng bathala ay ang gabi
Gaya ni Cinry wala ring maaalala ang bathala sa kung ano mang ginawa ni Cinry pag sasapit ang gabi
Ayun din sa Propesiya
Bathala sa sinumpang nilalang mag haharap sa kamatayan ibig sabihin noon hindi kailangan ng black hearted sa sitwasyon na ito"sabi ko
"Anong ibig mong sabihin?"sabay sabay nilang tanong
"Hindi kailangan mangealam ng gaya kong black hearted dito dahil ang kailangan dito para matalo ang bathala ay ang lumaban si Cinry sa bathala "sabi ko
"Naguguluhan ako pano lalaban si Cinry gayong nasa iisang katawan lamang sila?"tanong ni Red bayun?
Ah basta yung kulay pulang buhok
"Di ko kayang ipaliwanag kung paano mang yayare ang ganong sitwasyon pero dapat ganon ang mangyare
Kailangan malabanan ni Cinry ang bathala sa loob ng katawan niya dahil kung hindi..."putol ko at huminga nang malalim
"Kung hindi ano?"tanong ng reyna
"Unti unting susuko ang kaluluwa ni Cinry at magiging dahilan yun ng pagka matay niya
Kailangan di siya mag pa apekto sa nararamdaman niya
Kailangan maging malakas siya dahil kung hindi unti unti itong lalamunin ng kasiningalingan hanggang ang kaluluwa ni Cinry ay maglaho ng parang bula"sabi ko
"Pano mo naman nalaman yan?"tanong ni Kuya sakin
"Remember my ability
Kaya kong kabisaduhin ang laman ng isang milyong libro kahit kakabasa palang
At isa pa nag aaral akong mabuti di gaya mo"sabi ko at umiling saka tumalikod
Akmang mag lalakad na ako ng pigilan ako ng reyna
"Teka sandali"sabi nito at humarap sakin
"Pakiusap tulungan mo kami
Tulungan mo ang anak namin
Alam ko marami kang alam sa lahat kaya please tulungan mo kami"sabi nito habang naka hawak sa kamay ko
Gusto kong sabihin hindi dahil tinatamad ako at wala akong pake alam sa kanila
Pero may kung ano na biglang nag pasalita sakin ng oo
"Gagawin ko po ang lahat"sabi ko
Isang ngiti galing sa reyna ang nasilayan ko bago ako umalis sa silid na yun
Creepy
Lahat ng natatagong alam ko nag silabasan na
Masama to
Joke
Di pala masama maigi to ng mag refresh naman ang utak ko