Dream land
Cinry POV
Madilim
Madilim na paligid ang aking nakikita
Walang ilaw o liwanag manlang
"Mama? Papa? Kuya!"tawag ko
Ngunit wala paring sumasagot
Nasan ako?
Bakit madilim?
"Luna?"tawag ko
Nasan sila?
Nasan si Luna?
"Sun? Kuya? Nasan kayo? Speed! Kimberly?!"sigaw ko
Paki ramdam ko iiyak na ako dahil wala akong ibang maaninag kundi dilim
Sobrang dilim
Wala akong makitang liwanag marinig na kaloskus o tawag ng pangalan ko wala
Nasan ba ako?
Nasan sila?
Nasan si Luna?
"Cinry?" Nanlaki ang mga mata ko ng maka rinig ako ng boses ng lalaki
Hindi ako familiar sa boses na yun pero at least alam kong may kasama ako
"S...sino yan?"tanong ko habang pilit pinapa kiramdaman ang paligid
Nasan ako
Sino yung lalaking tumawag sakin?
"Cinry ikaw nga"sabi nito ulit
Teka sino ba siya?
Nasan ako? Bakit walang liwanag?
"Sino ka? Nasan ka?"tanong ko
"Shhh maririnig ka niya"sabi ulit nito teka sino sinasabi niya? Anong maririnig? Sinong makakarinig? Wala nga akong ibang alam kung nasan ako at kung sino ang kasamako dito
"Nasan ka ba? Sino ka?"tanong ko
"Shhhh paparating na siya baka marinig ka"
"Marinig nino? Sinong paparating?"
"Si Luna"
O_______O
"Si Luna? Nasan si Luna? Luna! Luna!"sigaw ko
"Shhh papatayin ka niya wag kang maingay!"
"Luna nasan ka?! Luna tulong!"
"Isa Cinry wag makulit!"
"Hindi ako papatayin ni Luna
Sino ka ba? Bakit mo sinisiraan si Luna sakin?"inis kong tanong
"Di ko siya sinisiraan Cinry maniwala ka!"
"Cinry?"
Napa tigil ako sa aking narinig na boses
"Luna? Ikaw ba yan? Nasan ka?"tanong ko
Nag karoon ng unting liwanag ang paligid
Ang kaninang madilim na paligid ay napa litan ng liwanag
"Luna ikaw nga"sabi ko at niyakap siya
Pansin kong nag iba na ang suot ko
Paano?
"Luna nasan tayo?"tanong ko at kumalas ng yakap sa kanya
"Sinong kasap mo?"tanong nito
"W...wala"Sagot ko at umiling
Ngumiti ito saakin pero halatang peke
"Luna nasan tayo?"tanong ko ulit saka nilibot ng tingin ang paligid
Walang kalaman laman
Walang mga gamit
O ano man ang nandito
Saang lugar to?
"Nandito tayo sa lugar kung saan walang makakapanakit sayo"sagot nito at hinawi ang buhok ko
"Hh?"
"Walang ibang nilalang ang nandito kundi tayo
Ang saya diba?
Wala na sila wala sila dito kaya di ka masasaktan"sabi niya at ngumiti saakin
"Pero nasan sila kung wala sila dito?"tanong ko
"Shhh di mo na kailangang malaman dahil masasaktan ka lang
Alam mo ba? Kanina nakita ko ang Reyna at hari kayakap nila si Sun at alam mo ba? Si Sun sila na ni Speed"
Sa sinabi ni Luna parang gusto kong magwala sa galit
Bakit?
Bakit si Sun pa ang aagaw sa lahat ng gusto ko?
Si Sun na tinuring kong kaibigan?
Bakit siya ganoon?
Inagaw niya na nga atensyon nila mama at papa pati ba naman si Speed aagawin niya?
Ang kapal ng muka niya!
Siguro masaya na sila
Siguro nag sasaya sila ngayun
"Alam ko masakit pero tahan na"sabi ni Luna at pinunasan ang luha ko
Di ko napansin na umiiyak na pala ako
"Di sila kawalan Cinry
Di sila ang katapusan mo!
Cinry tandaan mo tayong dalawa lang ang mag kasama tayong dalawa lang ang mag karamay sa lahat at tayong dalawa lang ang nag tutulungan"sabi ni Luna at niyakap ako
"Ako lang nag mamahal sayo Cinry
Ako lang ang karamay mo
Ako lang ang kaibigan mo
Ayaw nila sayo pwes dito ka sakin Cinry mag tulungan tayo babawiin natin ang dapat na atin"sabi niya at hinawakan ako sa mag kabilaang braso
"Mag tulungan tayo na ibalik ang nararapat na atin Cinry
Papayag ka ba na makuha ni Sun ang lahat ng sayo?"tanong nito saakin
Mabilis akong umiling na siyang kina ngiti niya
"Pwes Cinry payayag ka ba na ako ang gagawa ng paraan para mapa sayo ang lahat? Lalo na ang lalaking iniibig mo"sabi niya
Isang tungo ang aking sagot
"Papayag ako mabawi ko lang ang lahat"sabi ko
Ngumiti siya ng napaka lapad at niyakap ako
"Mag hintay ka lang dahil malapit nang mapasayo muli ang lahat"sabi niya habang yakap ako
Widow POV
Back to reality!!!
"Kuya nahanap ko na sila"sabi ni Sun saakin
Tumingin ako sa likod niya at doon ko sila nakita
"Magaling kailangan na nating ipa alam sa reyna"sabi ko at nag simulang lakad papunta sa silid ni Cinry
Tyak akong nandoon ang Reyna at Hari
May kailangan lang akong ipa alam sa kanila
Para ito sa ikaka buti ni Cinry at ng lahat
Kailangan nila sumang ayun sakin
~~~~