Chapter 21: The Evil From The Past MALAMLAM na liwanag ang sumalubong kay Veronica nang imulat niya ang mga mata. Tanging isang dilaw na bombilya sa hindi kataasang kisame ang tanging tanglaw ng silid na iyon. Nagpalinga-linga siya sa paligid gamit ang blurred na paningin, bahagya pang hilo ang ulo niya dahil sa nalanghap na kemikal. Nang tuluyang naging malinaw sa kanya ang lahat ay nahindik siya sa tumambad sa kanyang mukha. Ang diver nila iyon na si Mang Ipe, may tama ng bala ang noo nito, tumigas na ang dugong marahil ay kanina pa umaagos doon. Gusto sana niyang tumayo at tumakbo upang makalayo roon ngunit hindi siya makawala dulot ng mga lubid na nakagapos sa kamay at paa niya. Sinikap na lamang niyang gumapang. Hindi pa man siya nakalalayo roon ay may humila na sa paa niya. Sa pagl

