Ten: The Heirloom

2963 Words
Chapter 10: The Heirloom VERONICA could still feel the shivering of her flesh and bones. She couldn’t control the spasms overpowering her body. She could still smell the blood in her nose as if it will be lingering there forever. She still pictured out perfectly the body of the fetus mercilessly aborted and was put inside the glass jar. The fear and horror were still punishing and torturing her mind and soul. Pinilit niyang iwaksi lahat ng ng mga larawang umuukilkil sa kanyang isipan. Umupo siya sa kanyang kama at inabot ng nangangatog na kamay ang isang basong tubig sa lamesa. Nasa mansion nila siya sa Bulacan ngayon matapos ang nangyari sa condo niya. Hindi pa siya nakakapagbigay ng statement sa nangyari doon dahil hanggang ngayon ay nasa mild shock pa rin siya. Pinaikot niya ang mga mata sa kabuuan ng silid. All the dolls were watching her, lurking with devil eyes and she was petrified all the more. Tinakbo niya ang pinto at lumabas ng silid. Tinungo niya ang kwarto ng kanyang abuela sa kabilang dulo ng pasilyo. Bukas iyon kaya agad siyang pumasok sa loob. “Mama?” tawag niya sa nangangatal na boses. Niyakap niya ang sarili. “Mama…” ulit niya ngunit walang tinig na sumagot sa kanya. Inihakbang niya ang nanginginig na mga paa kahit pakiramdam niya ay bubuwal siya anumang sandali. Tinawag niya ulit ang kanyang lola, dahan-dahang lumapit sa pinakasilid nito. “Mama, are you there?” tanong niya. Sumandal siya sa dingding nang maramdamang bibigay ang kanyang mga tuhod. Impit na napatili siya nang bumaon ang parte ng dingding na nahawakan niya. Kasunod niyon ay bumaba ang larawan na nasa painting sa itaas niyon. Isang hidden vault! Pinilit niyang tumayo ng tuwid upang maabot ang red button sa gilid niyon. At nang mapindot niya iyon ay kusa nang bumukas ang aluminum case na nakatakip doon. Marahil ay tiwala ang kanyang lola na walang ibang makakaalam ng sikretong lagayan ng baul na iyon kaya hindi nito nilagyan ng code o password ang vault bilang lock. Kinuha niya ang nakatagong jewelry box sa loob niyon. Napamulagat na lamang siya nang makita ang nakasilid roon. Ang heirloom ng Familia Feron! Unang pagkakataon na masisilayan niya ang kuwintas ng personal at labis-labis ang kanyang pagkamangha sa taglay niyong kariktan sapat upang matalikdan niya ang lahat ng takot. Sobrang ganda ng pagkakadisenyo sa kuwintas, gawa iyon mula sa iba’t-ibang bato, mga ruby, emerald, sapphire, amethyst, topaz, opal, garnet, diamond at iba pang bato na hindi niya mabigayang pangalan. Iba’t-iba ang hugis, laki at kulay na pawang kumikinang lahat. Ang bawat bato ay nakadikit sa tila pilak na ginto na nagdudugtong sa mga ito. Pero anong ginagawa ng heirloom sa silid ng kanyang abuela? Hindi ba’t matagal na iyong nawawala ni Natalia? Sa pagkakaalam niya ay hindi pa rin iyon natatagpuan ng kanyang madrasta dahil patuloy pa rin nitong pinapahanap ang kuwintas. Natagpuan ba ng lola niya ang heirloom at hindi lamang pinaalam kay Natalia? Kung ganoon nga, bakit? Anong dahilan nito? Ayon mismo sa kanyang Mama Miranda ang kuwintas ay dapat ipasa sa panganay na anak na babae at kung magkagayong hindi magkaanak ng babae ang sumunod na pinagbigyan ng kuwintas ay kailangan iyong ibigay sa asawa ng panganay na anak na lalaki. Tradisyon iyon ng pamilya Feron at entail ang nasabing heirloom at si Natalia na dapat ang may-ari niyon sapagkat nag-iisang anak lang si Iñigo. Nang makarinig ng mga yabag papaakyat ay mabilis niyang ibinalik ang heirloom sa loob ng vault at isinara iyon. Pinindot niya ang bumaong bloke ng dingding at bumalik na ulit sa dati ang lahat. Dali-dali na siyang lumabas at nabungaran sa labas ang hindi pamilyar na katulong. “S-sino k-ka?” she asked stuttering. “Magandang umaga po, Ma’am Veronica! Ako po si Yveth, bagong katulong dito. Lilinisin ko lang po ang sillid ninyo,” anito, bagaman nakangiti ay may talim ang kainosentehan ng mga mata. Nakatirintas ang mahabang buhok nito at nakasuot ng makapal na salamin. “N-nasaan s-si D-delia? S-siya a-ang n-naglilinis n-ng k-kwarto k-ko.” “Nagpalitan na po kami ng toka, Ma’am,” paliwanag nito, inayos ang salamin sa mata. “G-ganoon b-ba? N-nakita m-mo b-ba ss-i M-mama?” “Nakaalis na po, Ma’am. Kanina pa po. Pupunta daw po sa mga pulis para i-check ang nangyari sa condo ninyo,” sagot nito, mukhang alam na ng sambahayan ang nangyari sa kanya. “O-okay, s-sige.” Tinalikuran na siya nito. Bumuga siya ng hangin at bumaba na rin sa sala. Pinanood niya ang mga naglilinis na mga katulong kahit wala naman iyong kawawaan. Ayaw muna niyang mapag-isa sa ngayon hanggat maari sana.   PANAKANAKA ay napapalingon si Veronica sa likod nang tumatakbo nilang kotse. Kasama niya si Mang Rodolfo na siyang nagmamaneho ng kanyang Porsche. Ito rin ang tumatayong bodyguard niya. Bagaman may katandaan na ang lalaki ay matikas pa rin ang pangangatawan nito. Sa palagay niya ay makasasapat na ito upang bantayan siya sa kung sino mang gustong manakit sa kanya. Kung mayroon man. Sinabi na ng lola niya na magdagdag siya ng mga bodyguard ngunit hindi siya pumayag. Gusto niya ng katahimikan at privacy. Mabubulabog lamang ang kanyang peace of mind kapag maraming umaaligid sa palibot niya. Pero ang totoo, takot pa rin siya hanggang ngayon. Isang bagay iyon na mahirap alisin sa sistema niya subalit pilit niyang kinakalma ang sarili. Tapos na ang pag-iimbestiga ng mga pulis sa condo unit niya at walang nakita ang mga itong kahina-hinala sa mga nakalipas na araw. Tiniyak ng mga ito iyon sa kanya. Marami ring binayaran ang Mama Miranda niya upang magmatiyag sa tinitirhan niya. Ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang mga itong nakikitang senyales ng taong nagpadala sa kanya ng fetus. Ang sabi ng mga pulis ay baka mga kabataan lamang iyon na nag-trip o mga drug-addict. Wala na ang mga itong makitang ibang anggulo at paliwanag sa bagay na iyon. Pero ang sabi ng mga ito ay patuloy pa rin ang pag-trace ng mga ito sa taong naka-hooden jacket na nakita sa monitor ng camera niya. Hindi malinaw ang pigura ng tao sapagkat mukhang sadyang itinatago nito ang anyo. Wala pa ring paliwanag ang security ng condominium kung paanong nakalusot ang nang-trip sa kanya. Pinilit niyang huminga ng maluwag. Naninikip ang dibdib niya sa pag-aalala. Hindi pa rin siya dapat magsawalang bahala. Baka nagpapalamig lamang ito at nag-iisip na ng susunod na hakbang ng panggugulo. Mas lalo siyang dapat mag-ingat. “Ma’am nandito na po tayo,” anunsiyo ni Mang Rodolfo. Napalingon siya dito. Iniliko nito ang sasakyan sa isang bakanteng espasyo sa loob ng subdivision na pinasok nila. “Ma’am, madami na rin po pala silang naitatayo, ano?” puna pa  nito nang makababa sila ng kotse. “Dapat lang!” sagot niya, mabilis na nag-init ang ulo pagkaalalang pwede niyang makasalubong doon si Steve. Inilibot ang mga mata sa abot ng matatanaw. Nasa Feron Heights sila. Isang subdivision na bahagi ng Bataan Project. Kaysa magmukmok siya at patuloy na magpatakot sa gumawa ng katarantaduhan sa kanya ay bumalik na lamang siya sa trabaho. At ngayon nga ay binibisita niya ang site nila dito. Kinuha niya ang sunglass na nakasuksok sa bandang dibdib ng kanyang blusa at isinuot iyon. Naglakad na sila papalapit sa mga housing project. Ilang mga kalalakihan ang sumalubong sa paglapit nila. At isang hindi niya malilimutang bulto ang bahagi ng grupo. “Finally, after so many months nagkaroon din kami ng magandang bisita dito. How are you, Ms. Feron?” anang nakangiting mukha ni Steve. Nakasuot ito ng dilaw na long–sleeve polo na nakatupi ang mga manggas hanggang siko at bukas ang dalawang butones. May helmet ito sa ulo, pawisan. Halatang galing ito sa mabigat na trabaho ayon na rin sa nahahapong anyo nito. Gayunpaman ay napakakisig pa rin nito. Napakakisig?! Pwe, naaasar na kontra niya sa isip. “Huwag mo akong simulan ng mga pangbobola mo, Engr. Garvillez. I don’t have time to goof around the business. Lilibutin ko lang itong site kung tama ba ang ginagawa ninyo at aalis na rin ako. As you could see and know, I’m a very important person,” mataray na pahayag niya, pinagkrus ang mga kamay sa pormang nilalamig, pinaarko at itinaas ang isang kilay. Ngisi lamang ang nakita niyang tugon mula rito. Samantalang ang ibang kasama nito, mga trabahante siguro at si Mang Rodolfo ay napasipol sa tila pagkaaliw sa inakto niya. “It’s my pleasure to tour you around, darling,” pagkakuwan ay turan nito, inilahad ang kamay sa harap niya. Sa puntong iyon ay nagsipalakpakan ang mga kalalkihan sa tabi nito. Nag-init ang pisngi niya. “Kaya kong maglibot mag-isa, Engr. Garvillez. My bodyguard will accompany me, no need to worry.” Idinaan niya sa pagsusungit ang pambabara dito. “Tayo na, Mang Rodolfo!” yakag niya sa matandang lalaki at nilagpasan si Steve at ang mga kasama nito. “Why are you always acting like that every time I talk to you? Hindi ba pwedeng kahit minsan ay kausapin mo ako sa paraang friendly naman? Hindi na lang sana puro pagtataray at pagsusungit ang ibinabato mo sa akin. Tinalo mo pa ang isang vixen sa sobrang wild. What do you want me to do with you? Tame you?” Napahinto siya sa paglalakad sa kawalang preno ng dila nito. Anong gusto nitong palabasin? Na masyado na siyang nagiging walang modo tuwing kausap ito? Ganoon ba talaga siya? Pero kahit na, wala pa rin itong karapatan na pagsabihan siya. “Wala kang pakialam!” singhal niya at nagpatuloy sa paglalakad. Narinig niya ang yabag ng mga paa nitong hinahabol siya. Pinigilan siya nito sa kamay nang maabot siya nito. “Wait.” “Bakit ba?” piksi niya, itinaboy ang kamay nito. “Prone accident ang paglilibot dito sa lugar. You need this para kahit paano ay may proteksyon ka,” anito at hinubad ang helmet nito pagkatapos ay isinuot sa ulo niya. Nagsihiyawan naman ang mga trabahante na nakasaksi sa ginawa nito. Ginawaran pa siya nito ng matamis na ngiti. Parang nagkaroon ng mga paru-paro sa sikmura niya ngunit hindi niya masyadong pinagtuunan iyon ng pansin. “Thank you,” matipid niyang anas at nagpatuloy ng muli. Tahimik na naglibot-libot siya sa vicinity ng subdivision, pinasok niya rin ang ilang mga bahay roon, tiningnan ang clubhouse, ang parke, ang court at iba pang amenities ng subdivision. Sa lahat ng iyon ay laging nakaantabay si Steve at hindi siya nilulubayan kahit hindi niya ito pinapansin. Panay pa ang litanya ng lalaki sa kung anu-anong materyales ang mga ginamit sa pagbuo ng unit. At sa totoo lang, hindi niya maiwasang hindi humanga sa mga kaalamang ibinabahagi nito sa kanya. “All the raw materials we used to build houses are proud products of our country, cheaper but guaranteed to have quality. And we hire the best architectures and interior designers to team-up with us. We assure you, Ms. Feron that Feron Heights will be promising a simple but great life for our customers.” Tumango-tango lamang siya sa mga sinabi nito, kunwari ay hindi siya interesado. Nagpatuloy pa sila sa pag-iikot doon. Sinuri pa niya ang ilang pang-first class houses ng subdivision. Hindi pa rin niya pinapansin si Steve sa pagsasalita nito. Mayamaya’y nanahimik ito. Napangiti siya. Mukhang naubusan na ito ng sasabihin. Pero napagtanato niya agad na nagkamali siya ng hinala nang muling rumatsada ang bibig nito. Ilang saglit pa’y nagyaya itong kumain. “Care for a lunch? We have a great cook, Ms. Feron. He’s serving almost every luscious cuisine from five-star hotels,” pagbibida pa nito. “Really,” pairap na sagot niya. “Yes, please come and join us.’ “Huwag na, may luncheon meeting pa ako mamaya. Mauuna na pala kami at baka ma-late ako,” pagdadahilan niya at iniwan na ito roon matapos ibalik ang ipinahiram nitong helmet. Naglakad na sila pabalik ni Rodolfo sa pinagparadahan ng kanyang sasakyan. Malayo-layo na rin pala ang naikot nila dahil hindi na niya matanaw pa iyon. Makulimlim pa naman ang langit. Kamukat-mukat na lamang niya ay pumatak na ang ambon. Binilisan nila ang paglalakad, itinakip niya ang palad sa ulo. Nang maglaon pa ay bumagsak na ang mas malalaki at sunod-sunod na ambon hanggang sa maging ulan iyon. Unti-unti nang nababasa ang damit niya. Wala silang matakbuhan na maaring silungan sapagkat wala pang roofing ang mga housing units na malapit sa kanila. Ikinabigla na lamang niya ang pagsulpot nang tumatakbong si Steve, may dala itong payong. Matulin silang nilapitan nito at iniabot kay Mang Rodolfo ang mas maliit na payong at pinayungan naman siya sa mas malaking payong na dala nito. Hindi niya malaman kung maaasiwa siya o kikiligin sa paglalapit ng katawan nila. Kikiligin?! Hiyaw agad ng kabilang isip niya sa labis na pagprotesta pero hindi niya iyon napaglaanan pa ng pansin ng mas lalo siyang hapitin ng lalaki sa beywang niya at pagkaraan ay niyakap siya nito sa kanyang balikat. Ngayon, kinikilig na siyang tunay! “Basang-basa ka na. Tara muna sa barracks ko at baka mapulmonya ka pa,” wika nito, alalang-alala ang tinig. “Bakit kasi biglang bumuhos ang ulan?” himutok niya. “Ganito talaga dito sa Bataan lalo na sa panahon ngayon. We can’t trust the weather, darling.” Wala na siyang ibang maapuhap pang sabihin. Nabubulabog ang sistema niya sa napakalapit na presensiya nito sa kanyang balat. Ano bang mayroon ang lalaki na ito upang makadama siya ng mga banyagang damdamin na hindi niya mabigyang paliwanag? Good Lord, pakiwari niya ay ngayon siya sinusumpong ng teen-age hormones niya dahil hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin noong kabataan niya. Sinisingil na siya ng adolescent years niya sa pang-iitsa pwera niya rito noon. At ibinabalik siya nito ngayon sa puberty stage! “We should walk faster, darling. You’re cold and shivering.” s**t, sobrang kinikilig na ba siya para literal na makiliti at maipagkamali pa nito sa panginginig? This is insane! Mas lalo namang naalarma ang pintig ng puso niya nang mas lalong higpitan nito ang pagkakayakap sa kanya. Mabuti na lamang at narating na nila ang sinasabi nitong barracks. Isang malaking tent iyon. Ang loob ay pinaghihiwalay ng mga makakapal na plywood. Iginiya siya nito sa loob ng isang dibisyon doon, pinakawalan na rin siya sa wakas at kasabay niyon ang paghulagpos ng mga paru-paro sa kalamnan niya. Ito marahil ang silid ng lalaki at ang kabilang panig marahil ang tumatayong opisina nito base sa maraming nakakalat na mga papel. Magulo ang loob ng tent, tipikal na marahil para sa silid ng mga kalalakihan. Mukhang walang nagmimintina ng kalinisan niyon at marahil ay hindi rin nabibigyang panahon nito ang pag-aayos. “Here, ito muna ang isuot mo. Mas mabuti na rin ito kaysa diyan sa basang damit mo.” Iniabot nito sa kanya ang isang over-sized shirt na kinuha nito sa isang drawer. “Salamat,” aniya. Wala siyang pagpipilian kundi ang isuot iyon. Kumuha pa ito ng isang shirt at ibinigay iyon kay Mang Rodolfo na nasa likuran niya. “Nandoon ang banyo. May malinis na tuwalya rin doon.” Itinuro nito ang isang maliit na dibisyon doon na plywood din ang pader. Tinungo na nga niya iyon at nagpalit ng damit. Napakalaki ng kamisetang ipinahiram nito pero mas okay na rin iyon kaysa matuyuan siya ng tubig-ulan. Itinuck-in na lamang niya iyon. Para siyang eng-eng sa hitsura niya ngunit hindi bale na dahil huhubarin naman niya iyon mamaya. Mabuti na lamang din at ang pinakalaylayan lamang ng pantalon niya ang nabasa ng ulan kung hindi ay tiyak na wala siyang maipapambaba. Kumuha siya ng hanger at isinampay ang damit niya. Pagkalabas niya ay pinagtawanan siya ng dalawang lalaki. “Huwag ninyo akong pagtawanan. Hindi ko kasalanang nabasa ng ulan ang suot ko,” nakaingos na turan niya. “Madedelay ang sahod ninyo ngayong buwan, Mang Rodolfo,” pagbibiro na rin niya nang hindi tumigil ang dalawa sa pagtawa. “Napakalupit mo naman,” natatawang komento ni Steve. Napakagwapo nitong tumawa. Ang sarap nitong ipinta. “Tse!” saad niyang bumusangot, iniwas ang tingin sa kagwapuhan nito. Si Mang Rodolfo naman ay tatawa-tawang pumasok na ng banyo para magbihis. “Honestly, you look sexy, darling,” puri nito nang tuluyang makapasok ang matanda sa palikuran. Hindi niya ito binigyang pansin. Natatakot siyang baka biglang mapansin nito ang pamumula ng pisngi niya sa flattery. Nilapitan naman siya nito ng hindi pa rin siya kumibo. “But you will look even sexier if you take-off your jeans, darling,” he whispered in her ears. Naramdaman niya ang paninindig ng mga balahibo niya sa parteng dinapuan ng hininga nito. His voice was so delicate like a feather. It tickled the sleeping sensation dwelling in her most forgotten part. “You are hungry, I can feel it in your tone and I know that you are craving for me, Engr. Garvillez.” She didn’t know where the words came from. Bigla na lamang iyon lumabas sa bibig niya at hindi niya maikakatwang nalakipan iyon ng pang-aakit. “I must admit that you are right, darling.” Unti-unting lumapit ang mga labi ni Steve sa kanyang mga labi. At sa sandaling natitiyak na niyang lalapat iyon ay biglang bumukas ang pinto ng dibisyon ng banyo. Iniluwa niyon si Mang Rodolfo. Kung nakita man nito ang muntik na nilang pagsaluhan ng binata ay hindi ito nagbigay ng komento. Ang pananabik niya ay nahalinhan ng pagkapahiya. “Tara na sa tanghalian!” imbita ni Steve pagkakuwan at nagpatiuna na sa paglalakad. Nagpatianod na lamang siya sa mga ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD