Chapter 11: Fallin’ In Lust
SANDAMAKMAK na mga barako ang kumpol-kumpol na nabungaran nila sa cafeteria nang makapasok sila roon. Hindi alintana ng mga ito ang naghahalong pawis at amoy ng isa’t-isa. Nagbibiruan pa ang mga ito habang kumakain. Ang dalawang kasama naman niya ay nagtuloy-tuloy sa loob.
Nang lingunin siya ni Steve ay nakita nitong hindi siya sumunod sa mga ito. Mukhang napansin naman nitong ilang siya sa lugar na iyon. Naturalmente, siya lamang yata ang babae sa lugar na iyon!
Binalikan siya nito sa pwesto niya. "Doon na lamang tayo kumain sa barracks ko. Magpapahatid na lang ako kay Ernan,” sabi nito at kinausap ang isang tauhan. Sinabihan naman nito si Mang Rodolfo na huwag mahiyang makisalo sa mga trabahante.
Paglabas nila ng cafeteria ay muli siyang pinayungan ng lalaki. Ang bango-bango talaga nito, lalaking-lalaki ang amoy. Katulad pa rin ng unang beses dumapo sa ilong niya ang samyo nito ay amoy berries, mint at honey ito. Ginanahan tuloy siyang kumain.
Nang makabalik sila sa tinutuluyan nito ay hindi naman sila naghintay ng matagal at dumating na rin ang pinakisuyuan nitong maghatid ng lunch. Inayos naman ng binata ang hapag at niyakag na siyang kumain. Totoo nga ang sinasabi nitong magaling ang chef ng mga ito.
“I thought you have a luncheon meeting. Paano na ‘yan mukhang hindi ka na makaka-attend,” singit nito sa ingay ng mga kubyertos.
“I already cancelled the meeting. Mauunawaan naman niguro nila iyon,” paliwanag niya. Pero ang totoo ay wala naman talaga siyang nakatakdang meeting. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagkain. Hiniwa niya ang steak at isinubo iyon.
“Do you know that women become more beautiful when they lie? It’s because they blush too much after that.” Sukat na lamang ay nasamid siya sa sinabi nito. Agad naman siya nitong inabutan ng tubig.
“Ang sarap nitong steak,” bulalas niya ng walang maipangontra sa sinabi nito. May pagka-mind reader talaga ang gwapong dyablo!
“Dahan-dahan lang sa pagkain. Baka ma-empacho ka niyan,” natatawang pahayag nito. His amber eyes grew even brighter. Sinong makapagsasabing pang-adik lang ang ganoong kulay na mga mata gayong mukhang diyos ng mga griyego ang kaharap niya!
“You’re gazing at me as if you’re reading my mind,” hindi niya napigilang ikomento rito sa tila pagbabantay nito sa bawat pagsubo at pagnguya niya.
He laughed. And his laughs sound like angel’s harp from heaven. The feeling was so surreal but it’s real, just so real. “I love to watch you eating. Napakasarap ng ganito pala, ano? Iyong hindi tayo nagbabatuhan ng mga sarkasmo sa isa’t-isa,” pahayag nito nang huminto sa pagtawa.
“Yeah,” pagsang-ayon niya, nakangiti. Napatitig siya sa mga mata nito. Tila ipinako na ang mga tingin nila sa isa’t-isa. Hanggang sa dumukwang ito sa harap niya at unti-unting abutin ang mga labi niya.
Steve kissed her. And she kissed him back.
“Ma’am, titingnan ko lang po iyong sasakyan.” Naghiwalay ang magkahinang nilang labi nang marinig ang tinig na iyon ni Rodolfo.
Bitin na bitin siya. Madedelay talaga ang sahod mo ngayong buwan, tanda!
“Okay,” tipid na tugon niya.
Nang mawala ang driver-bodyguard niya ay muli siyang tinangkang halikan ni Steve ngunit nahinto ito nang makarinig sila ng mahinang pagsabog, parang tunog ng isang makinarya o appliances o poste ng kuryente na nag-short circuit. Nawalan ng ilaw at huminto ang aircon. Isa namang tauhan nito ang pumasok sa barracks.
“Sir, pumutok po iyong main generator,” imporma ng bagong dating.
“Just continue your food, darling. I’ll just check the problem. Saglit lang ako at babalik din ako agad,” paalam nito.
“Okay,” tango niya at sumama na ito sa tauhan.
Parang nawalan na siya ng ganang kumain.
Nang magbalik si Rodolfo ay may dala tiong balita na hindi niya ma-i-kategorya kung masama ba o mabuti.
“Ma’am, mukhang hindi po tayo makakauwi ngayon. Marami na pong bumagsak na puno sa daan. Saka baha na po ang mga kalsada. Sira po pala ang mga drainage dito. Sabi pa po sa balita hindi daw agad titigil ang ulan at baka mas lalo pang lumakas mamaya.”
SINULYAPAN ni Veronica ang pa-lowbat na cellphone niya. Alas-otso na ng gabi ayon sa orasan na nasa screen at wala pa ring kuryente at signal hanggang ngayon. Mabuti na lamang at nakapag-text agad siya sa kanyang abuela na hindi siya makakauwi agad dahil sa bagyo.
Hindi pa rin humihinto ang buhos ng ulan at tama nga ang forecast na mas lalo pa iyong titindi. Kumuha siyang muli ng panibagong shirt sa drawer ng lalaki at nagpalit. Napilitan na rin siyang humiram ng boxer short doon dahil basa pa rin ang laylayan ng jeans niya at nababalisawsaw siya. Ibinalabal din niya sa katawan ang kumot na natagpuan niya sa silid ng lalaki dahil nilalamig siya dulot ng mahalumigmig na panahon.
Ikinandado niya ng maigi ang lock ng pinto. Mag-isa lamang siya sa barracks sapagkat nagsabi si Mang Rodolfo na sa Porsche na lamang ito matutulog upang mabantayan iyon. Iginarahe naman iyon ng driver niya malapit sa tent upang madali niya itong matawag kung sakaling may kailangan siya. And speaking of Steve, wala pa rin ang lalaki. Inabot na ng maraming oras ang sandali nito. Mukhang malaki ang sira ng generator dahil wala pa ring power ang kuryente.
Pagkatapos niyang i-check muli ng mabuti ang pinto ay nagtungo na siya sa silid ng lalaki. May maliit na kama roon at mga unan. Doon siya matutulog. Kung saan man balak ng lalaking matulog ay bahala ito. Hindi ito makakapasok doon dahil nakapinid na ang pinto. Nagsimula na siyang humuli ng antok. Nahirapan siyang gawin iyon sapagkat namamahay siya. Biling-baliktad siya sa higaan hanggang sa makarinig siya ng ingay, tila kaluskos ng pusa.
Hindi niya iyon pinansin ngunit nang umingit ang pinto tanda na may nagbukas niyon ay napabalikwas siya ng bangon. Aligaga niyang pilit hinagilap ang lampshade sa side table, pananggalang kung masamang loob man ang pumasok.
“Who’s there?” tawag niya sa gitna ng dilim. Tumayo siya at nagtago sa gilid ng pinto ng silid. Napapitlag siya nang hawakan siya ng isang mainit na palad. Napatili siya, naibagsak ang tangan. Mabilis na gumapang ang mga kamay nito upang takpan ang kanyang bibig.
“Hush, darling. It’s just me, Steve,” bulong ng mahinang tinig.
“Oh, heavens! You creep the devil inside me,” bulalas niya nang pakawalan nito ang pagkakakulong sa bibig niya.
“I’m sorry to scare you.”
“Bakit hindi ka man lang kasi nagtawag nang nalaman ko sanang dumating ka na.”
“I don’t want to wake you up. Akala ko kasi tulog ka na dahil ni-lock mo na ang pinto.”
“Kakahiga ko pa lang. Paano ka pala nakapasok?”
“I have my keys, darling. This is my territory.”
“E, bakit ang tagal mong dumating? At bakit wala pa ring kuryente?”
“Malaki ang sira ng main generator baka bukas pa maaayos. Pero okay na rin, masarap namang mag-ulayaw sa dilim,” nakakalokong sabi nito at sinibasib siya ng halik sa mga labi. Napapaatras siya sa pwersa ng halik nito hanggang sa mapaupo siya sa kama kasabay nito nang mabangga niya iyon.
“I can’t help myself, darling. I want to feel you tonight. I can’t stop the urge and my desire over you. I’m aching inside and I think taking you this very moment will ease the pain,” naghihingalong anas nito nang bahagyang maghiwalay ang mga labi nila, sumidhi ang kulay kahel-pula-tsokolate nitong mga mata na hindi naglalaho sa dilim. Mabilis din nitong pinaghinang muli ang kanilang mga labi, mas sabik at mas hayok sa pagkakataong iyon.
She didn’t know what to feel about his confessions. She was stunned. And stunned even more when he started to touch her bare skin with his warm palm. Hindi niya napigil ang pagkawala ng ungol sa bibig sa pagitan ng kanilang mga labi nang itaas nito ang suot niyang kamiseta at matuling abutin ang puno ng kanyang dibdib. Tinanggal pa naman din niya ang kanyang bra dahil hindi siya sanay matulog nang may suot na ganoon. Kaya tuloy ay salong-salo nito ang kanyang dibdib.
His tongue started to caress the back of her ear, went down into her nape then stopped and nibbled her neck with tender kisses and delightfully stroke with his talented mouth. Napipiho niyang ang ginagawa nito ay mag-iiwan ng mga love bites doon at kung may anong sumundot sa isipan niya sa gitna ng nakakakiliting sensasyong iyon upang pigilan ito sa ginagawa.
“Oh, darling, please… Don’t stop me now. I can’t bare this pain anymore. I’m burning in my core. Do help me to subside this feeling,” nagsusumamong ungol nito, tila ikamamatay nito iyon kung hindi mapagbibigyan.
“Steve… You’re crazy and being poetic and corny at the same time,” kalahating natatawa, kalahating kinakabahan na turan niya.
“Do I? Maybe this is the result of day dreaming you and fantasizing you at nights, darling…”
“Binobola mo ako, lalaki. You just want to get inside my precious…” parang hanging buga niya sa bibig.
Hindi naman ito sumagot at nagpatuloy lamang sa paghaplos sa kanyang katawan. Mas lalong nagiging mapusok ang mga labi at daliri nito. Para itong batang gutom na gutom nang marating na rin ng bibig ang balat na pinagpapala ng mga palad nito. Napasandal siya sa mga unan nang maipasa nito ang bigat sa kanya. Kasunod niyon ang malakas na pagsinghap niya nang kubabawan siya nito at maramdaman sa pagitan ng mga hita ang matikas na p*********i nito na tumutundo sa manipis na boxer short na suot niya.
Nang mas lalong dumiin ang alaga nito sa suot niyang pang-ibaba na halos parang mapupunit nito iyon ay ubod ng lakas niya itong naitulak. Subalit hindi man lamang ito natinag at mas lalo lamang ipinaramdam sa kanya ang reaksyon nito.
Muling umangat ang bibig nito sa labi niya at sinibasib siya ulit ng halik. Samantalang ang mga kamay nito ay tuluyang hinubo ang suot niyang damit at ibinato iyon sa kung saang dako. Bumaba na namang muli ang mga labi nito at pinugpog ng halik ang buong katawan niya. He drew wet circles on her belly and sucked her button. Flames started to afire in her soul. She was drowning in lava full of sensation. When he undressed the last two pieces of her clothes, she felt the pouring of great excitement that bridged in her spine. He kissed her navel, down into her loin and down, still. She went delirium on how his tongue and mouth played inside the verge of her womanhood.
She moaned. She roared. She called out his name.
“Steve… Steve…” usal niyang paulit-ulit sa mas naglalagablab na sensasyong ibinibigay nito.
Wala nang malinaw sa isip niya. Basta ang alam niya ay babaeng-babae siya ng mga sandaling iyon at may pangangailangang ito lamang ang makapupuno. It was just s*x. Pure s*x. Wala ng iba pang kaakibat. No strings attached. They were just harvesting benefits from one another and it’s a normal mutual symbiotic relationship.
“Oh, darling… Veronica… You are very luscious.”
“Oh, Steve… I feel like bursting.”
“We’re just getting started, darling,” anas nito at nagsimulang maghubad. Kuminang ang mga mata nitong nangingintab sa dilim. Agitation filled her in, again. Dinama niya ang bawat muscles nito sa katawan---sa braso, sa dibdib, sa kalamnan at sa pinakapinagmamalaki nitong bahagi.
“Your turn,” turan nito. With her woman instinct ay sinunod niya ang nais nito. Sa una ay mumunting halik lamang ang ginawa siya hanggang sa matutuhan niya ang tamang bagay, pinaglaruan niya iyon sa bibig. Sinabayan naman siya nito sa ritmo. It’s not an easy thing because he was tremendous. Mas lalo pa niyang pinag-igi ang ginagawa nang umungol ito.
“Oh, darling you’re great…” anas nito at pinatigil siya.
Niyakap siya nito at inilalayang makahiga. Hindi pa man lumalapat ang likod niya sa kama ay nadama na niya ang laman nito sa bungad ng kanyang sagradong parte. And in a split moment, she felt the ravishing havoc inside her. She groaned in excessive pain. Her nails buried in his back deeply but Steve seems not to mind everything. Mas tumindi lamang ang pagnanasa nito.
“You should have warned me,” may galak sa boses nito kaysa inis.
“Hindi ko alam na kailangan kong sabihin,” pilit niyang bigkas.
“Don’t worry. I’ll take good care of you. We will reach heaven, darling,” saad nito at dahan-dahang binilisan ang pagsayaw sa ibabaw niya. Sinubukan niya itong sabayan sa musikang silang dalawa lamang ang nakaririnig. She confronted all his thrusts with arches and the whole thing gone static and haywire.
Punong-puno sila ng pawis, napakalagkit na ng kanilang balat at wala nang mapagsidlan ng init. Hindi na nila mapigilan pa ang pagsabog, mas humigpit ang pagkakahugpong ng kanilang mga laman at sa mabilis na sandali kasabay ng tikatik ng ulan sa bubong ay sumambulat sa kalawakan ang mga sari-saring liwanag nang marating nila ang rurok ng langit.
Kapwa humihingal na naibagsak nila ang katawan sa malambot na higaan. “Awesome, didn’t it?” natatawang tanong nito na tinawanan lamang din niya. Kinabig siya nito palapit sa matipunong bisig nito at ikinulong siya doon. Hinalikan nito ang noo niya. “Sleep tight, darling. We will have our second round early tomorrow morning.”
Hindi na niya sinagot ang sinabi nito sa sobrang pagod. Isiniksik na lamang niya lalo ang sarili sa katawan nito at doon ay madaling nakaagaw ng antok.
IT was the dreaded morning after. The storm already stopped and so was the lust.
Veronica felt sore all over. Mahimbing pang natutulog sa tabi niya si Steve. Tinanggal niya ang pagkakayakap nito at ang pagkakatanday ng hita nito sa kanya. Napaaray siya sa sakit ng katawan nang tangkain niyang bumangon. Napabalik siya sa pagkakahiga. Sinubukan ulit niyang bumangon kahit na napakakirot at hapdi ng nadarama niya.
Nang makatindig siya ay pinagpupulot niya ang mga nagkalat na damit sa sahig. Hindi na niya iyon sinuot muli bagkus ay itinupi at isinantabi na lamang. Kinuha niya ang roba at tuwalya sa drawer ng lalaki at nagtungo sa palikuran. She started to clean herself with cold water, washing all the guilt consuming her. But the memories of last night were flooding in and it’s more than enough to make her hot and sweat in mind. Pinalakas na lamang niya ang lagaslas ng tubig ng shower upang palubagin niyon ang ningas na nagsisimulang sumiklab. Nagmadali na siyang maligo.
Winisikan niya ng pabango ang damit na nakasampay at iyon ang isinuot muli. Inayos niya ang sarili at nagbalik sa silid. Tulog pa din si Steve. She must admit, he was so handsome and beautiful and flamboyant and hot. Pero ng mga sandaling iyon ay mukhang sanggol ito sa ayos nito. Kay sarap nitong halikan.
Nang hindi nga siya makapagpigil ay kinintalan niya ito ng halik sa noo, sa tungki ng ilong, sa magkabilang pisngi at mga labi. Ano ba itong ginagawa niya? Ano ba itong nararamdaman niya? Love? Na-in-love na ba siya kay Steve? But love wouldn’t grow in just one night, for just one s*x even if it is so hot. And she never felt love before towards other gender specie. She couldn’t be sure.
Ah, it was just nothing. Marahil ay masyado lamang siyang na-overwhelm sa mga nangyari kagabi kaya nagkakaganito siya ngayon. Period.
Muli niya itong kinintalan ng halik sa labi pagkatapos ay tumayo at lumabas na ng barracks. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa kanya. Ang sikat ng araw ay tumatama sa kanyang mukha. Napakaganda na ng panahon na tila ba hindi umulan kahapon.
Naabutan niya si Mang Rodolfo na abala sa paglilinis ng salamin ng kotse. “Good morning, Ma’am,” masiglang bati nito.
“Tara na, Rodolfo aalis na tayo.”
“Po?” takang tanong nito.
“Sabi ko aalis na tayo. Marami akong naantalang trabaho. Maganda na rin naman ang panahon. Humupa na rin siguro ang tubig sa kalsada at nagawan na rin siguro nila ng paraang matanggal ang mga puno sa daan.”
“Okay, Ma’am masusunod po.”
Sumakay na siya sa kanyang Porsche at isinandig ang ulo sa headrest. Sumunod naman agad ang driver niya at sumakay na rin sa loob. Nagsimula itong magmaniobra.
“Saan nga po pala tayo, ma’am?”
“Sa condo.”
“Po?” takang tanong nitong muli.
“Sabi ko sa condo. May kukunin lang ako roon at papasok na rin ako sa opisina. Pwede ka nang magpahinga pagkatapos.”
“Masusunod po, Ma’am.”
Mabagal ang naging pag-usad nila sapagkat may ilan pa ding sanga ng mga puno ang nakabalandra sa daan. Inihilig niya ang ulo sa sandalan at tumagilid ng upo. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siyang muli. Nang magmulat siya ng mga mata ay malapit na sila sa condominium.
“Maiwan ka na lang dito sa ibaba. Sandali lang naman ako,” utos niya sa driver nang maiparada nito ang kotse sa carport.
“Sigurado po ba kayo, Ma’am? Hindi ba’t…”
“Kaya ko ang sarili ko,” agaw niya sa sasabihin pa nito. Nagpatiuna na siya sa pagbaba at nagtuloy sa loob ng condominium.
Mabilis siyang sumakay ng elevator. Mag-isa lamang siya. Nang kakaunti na lamang at sasara na ng tuluyan ang pinto ng elevator ay may umawang na kamay roon upang pigilan iyon. Hindi niya mawangisan kung babae o lalaki ang bagong sakay sapagkat balot ito ng maong na jacket, nakasumbrero at may shades sa mga mata.
Naging alerto siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang bag. Nang lingunin siya nito ay tumagal ang titig nito sa kanya. Hindi siya mapakali. Nang sa wakas ay tanggalin nito ang shades ay napatda siya sa panggigilalas.
“Beki?” sa wakas ay usal niya.
“Nica?” anito at hinubad ang sombrero sa ulo. Bumagsak ang mahaba nitong buhok.
“Rebecca is that really you?” hindi pa rin makapaniwalang sabi niya.
“Yes, Veronica. This is me. How are you?”
“I’m fine. I feel great today,” masayang-masayang turan niya at niyakap ito ng ubod ng higpit. “I missed you so much, Beki. Where did you go? Ang tagal na nating hindi nagkita. Ano nang nangyari sa ‘yo? Kumusta ka?” sunod-sunod na tanong niya. Hindi agad ito nakasagot. Kumawala ito sa yakap niya.
“I terribly feel bad, Nica. I’m scared,” pahayag nito at nagsimulang lumuha. “Someone wants to kill me…”