Chapter 12: Who Wants To Kill Beki?
Mabilis ang ginawang pagbukas ni Nica sa pinto ng condo unit niya. Nahihintakutan siya sa sinabi ni Beki. Ano ba ang nangyari dito sa loob ng maraming taon? Bakit ngayon ay may gustong pumatay rito?
“Come inside, please feel at home,” masiglang yakag niya rito na pilit pinapatay ang takot na lumulukob sa kanya. It’s not every day na malalaman ng isang taong may gustong pumatay rito. Seryosong bagay iyon at sadyang nakakasindak.
Itinuro niya sa kaibigan ang couch. Naupo ito roon. “Pasensya ka na talaga kung sa ganitong pagkakataon tayo nagkita. Wala na talaga kasi akong matakbuhan. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Takot na takot ako, Nica. Para na akong mababaliw sa sobrang takot.” Nag-uunahan na namang muli ang mga luha nito sa paghikbi. Inabutan niya ito ng tissue.
“Ssshhh… Calm down, no one will harm you here. Saglit lang at ikukuha kita ng maiinom. Huwag ka nang umiyak,” pang-aalo niya rito. Nagtungo siya sa kusina at ipinagtimpla ito ng fresh juice. Pinainom niya iyon dito nang magbalik siya sa sala.
“Thank you so much, Nica.”
“Oh, it’s nothing. Tell me what happened. Why someone wanted you dead? Saan ka ba napadpad at iniwan mo na lang ako ng walang paalam? You know that I didn’t mean all the words I’ve said the last day we’ve saw each other. Ilang beses akong nag-sorry sa ‘yo sa mga texts and e-mails pero hindi ka nag-rereply. I also try to search for you pero hindi ka mahanap ng mga inutusan ko.”
“Pasensya ka na, wala na rin iyon sa akin. Sobrang tagal na niyon. Biglaan din kasi ang pag-alis namin noon ng bansa. Sinabihan din ako nila Mommy na itigil ko ang pakikipag-contact ko sa mga kakilala ko sa Pilipinas. Nahuli kasi ang drug business ng step-dad ko pati iyong mga illegal club house niya. Isinama niya kami sa pag-iskapo. Nag-TNT kami sa states for several years bago kami nakakuha ng green card sa tulong ng kaibigan ni Daddy. Doon kami nagtago hanggang sa nitong last three years ay naisipan ni Daddy na umuwi dito sa Pilipinas. Nandito lahat ng mga properties niya at ilan pang mga ari-arian at mga kabuhayan na hindi pa nalalaman ng mga awtoridad. Sa simula tahimik naman kami hanggang sa bulabugin ako ng mga death threats.
“Ipinaalam ko ito kanila Mommy at gumawa sila ng paraan para matukoy kung sino ang nagpapadala ng mga iyon pero hindi namin mahuli. Hindi naman namin masabing family feud ang dahilan dahil walang kaaway ang pamilya namin. Kahit sa negosyo at transaksyon ay maingat si Daddy na walang makaaway. O kung mayro’n man bakit ako ang padadalhan nila? Hindi ba? Hindi nila ako kilala, wala akong kinalaman sa trabaho nila. Isa pa, hindi naman ako tunay na anak ni Daddy at itinago niya kami---na nagsasama sila ni Mommy. Laging maingat si Daddy, he never been careless.
“Wala rin naman akong maalala na personal na kaaway para ganituhin ako ng sinumang iyon. Yes, I’ve been a bully in school pero high school days pa iyon. Nang umalis kami dito sa Pilipinas laging nasa bahay na lang ako nakapirmi. Wala talaga akong maisip na tao na gaganito sa akin.
“Nica, natatakot na talaga ako. Hindi ako pwedeng magsumbong sa mga pulis dahil baka ma-track down nila kami, malalaman nilang bumalik na kami dito. Mas natatakot pa ako ngayon dahil parang lagi nang may sumusunod sa akin. Parang binabantayan nila ako. Alam nila lahat ng ginagawa ko. Kung saan ako nagpupunta at nagtatago. But don’t worry, I made sure no one tailed me here. Dad hired for a decoy pero hindi ko alam kung hanggang kailan sila mauuto niyon. Pasensya ka na talaga, Nica at idinamay pa kita sa sarili kong gulo. Wala na kasi akong maisip na ibang tutulong sa akin kundi ikaw lang. Pakiusap, Nica tulungan mo sana ako,” mahabang litanya nito sa pagitan ng walang tigil na pagbuhos ng mga luha.
She tried to comfort her. “Of course, we will figure out who’s that bastard threatening you. They will pay for this,” aniyang puno ng conviction. Awang-awa siya sa kaibigan niya dahil sadyang napakahirap ng mga pinagdadaanan nito.
Inabutan niya muli ito ng tissue paper nang maubos ang isang rolyo sa kapupunas nito ng luha. Sukat tumunog naman ang doorbell sa labas. Sabay pa silang napalingon sa direksyon ng pinto ni Beki.
Hindi agad siya nakatayo upang tingnan iyon. Nang muling tumunog ang doorbell ay may kasama na iyong tinig ni Mang Rodolfo. Dali-dali siyang nagtungo roon at pinagbuksan ang driver niya.
“Bakit Rodolfo?”
“Ang tagal po kasi ninyong bumalik, Ma’am. Nag-alala po ako kaya pinuntahan ko na po kayo,” saad nito at naglabas ng sigarilyo sa pakete na mula sa bulsa nito.
“Bawal ang manigarilyo rito,” saway niya. Sinulyapan niya si Beki na nakaupo pa rin at umiiyak sa couch. “Hintayin mo na lang ako sa smoking area sa baba. Sandali na lang ako.”
“Sige po, Ma’am. Pasensya na po.” Umalis na rin ito.
Binalikan naman niya si Beki. Muli sana siyang uupo sa tabi nito ngunit tumunog ang cellphone niya kaya napatayo siyang muli. Kinuha niya iyon sa gilid ng estante ng T.V.
Tumatawag ang lola niya. Mabilis niyang pinindot ang answer button.
“Hello, Veronica, hija? Where are you? Nasa site ka pa rin ba?” bungad nito sa kabilang linya.
“No, Mama. Nakauwi na po ako sa condo,” sagot niya.
“O, bakit umuwi ka na agad diyan? Baka mamaya mayroon na namang mangyari sa ‘yo. Nasaan si Rodolfo? Kasama mo ba?” alalang-alalang saad ni Miranda.
“Yes, Mama. He’s with me. May ilan lang akong kailangan kuning papeles dito sa condo. Kailangan ko na po kasi itong mapapirmahan kay Tita Natalia.”
“Mabuti, pero mamaya dito ka na tumuloy sa Bulacan. And speaking of Natalia, hindi siya umuuwi na dito for a week na yata. Hindi na siya nagrereport sa akin. I can’t contact her, too. Kung papasok ka ngayon sa office baka makita mo siya at sabihan mong hinahanap ko. Tell her I’m worried.”
“Okay, Mama. I’ll drop by but I want to stay here. Maayos naman na dito sabi ng mga pulis at mas pinaigting na ang seguridad.”
“It won’t prevent me from worrying, hija. Come home here, it’s much safer,” pagpipilit pa rin nito. Pero hindi niya pwedeng pabayaan si Beki na nag-iisa. Ah, siguro’y isasama na lamang niya ito.
“All right, Mama. Ang lakas talaga ng convincing power ninyo. But I’m with someone.”
“Who?” gulat na tanong nito na may bahagyang excitement.
“Rebecca. My friend and classmate in high school.”
“Oh! Sige, basta umuwi ka rito and I miss you,” anito na tumamlay ang tinig sa hindi malamang dahilan ni Veronica.
“I miss you, too. Tatawag na lang po ako mamaya kapag pauwi na kami.”
“O, siya. Bye!”
“Bye!” Pinindot na niya ang end button at tiningnan si Beki.
“Okay lang ba talagang sumama ako sa inyo? Baka mapahamak kayo, Nica. Ayaw ko sanang makadamay ng iba sa problema ko,” sumisidok na anas nito.
“We won’t tell them besides masyado namang mahigpit sa mansion. Walang makakapanakit sa ‘yo roon.”
“Maraming salamat, Nica. But I have to tell my mom about this first. Baka mag-alala kasi sila.”
“Okay, ihahatid ka na namin.”
“No need, ihatid na lang ninyo ako sa SM Manila. I will just ask someone to fetch me there.”
“Are you sure?”
“Yes, mas mabuti at mas ligtas na rin iyon para hindi nila malaman na magkasama tayo.”
“Fine but go back here before 9:00, okay?”
“Okay.”
“Then I think it’s settled. Kukunin ko lang ang mga paperwork ko at aalis na tayo.” Tumango lamang ito bilang sagot.
Nagtungo siya sa kwarto niya at kinuha sa drawer ang mga kailangan niyang mga papeles at umalis na rin sila mamaya. Naabutan nila si Rodolfo sa baba na may sigarilyo pa sa bibig.
“We’re going, Rodolfo. Dadaan muna tayo sa SM Manila para ihatid si Rebecca,” imporma niya at nagtuloy sa kanyang Porsche. Pareho silang naupo sa backseat ni Beki.
Sumakay na rin ang driver niya. Then, off they went.
Pagkatapos nilang maihatid si Rebecca sa SM ay nagtuloy na sila sa opisina ng FRC.
MAINIT ang ulo ni Veronica nang bumaba siya ng kotse. Kanina pa sila bumubusina sa tapat ng townhouse ni Natalia ngunit walang nagbubukas ng gate. Pagkalapit niya sa entrada ay halos masuhin ng kamao niya ang doorbell. Wala ang madrasta niya sa opisina kaya napilitan tuloy siyang tunguhin ito. Tatlong araw na rin pala itong hindi pumapasok at napakadami na nitong trabahong nabinbin. Hindi rin daw ito pumapasok sa FHI o bumisita sa mining company nila sa nakaraang mga araw. Wala rin naman itong pasabi kung saan ito tutungo o kung may mahalagang bagay ba itong dapat gawin sapagkat hindi naman ito nag-file ng leave of absence o vacation leave. Basta na lamang itong nag-AWOL.
Muli niyang pinatunog ang doorbell gamit ang kamao niya ngunit wala pa ring nagbubukas ng pinto. Imposibleng wala roon ang babae dahil wala naman itong ibang pupuntahan maliban na lamang kung may binili pa itong ibang property o nasa ibang bansa ito ngayon.
Gigil na gigil na siya at sa sobrang pagkagigil ay kinalampag niya ang gate. Doon niya napansin na hindi naman pala iyon nakakandado. Binuksan niya iyon at dumiretso siya ng pasok sa loob. Wala man lang guwardiya ang bahay nito o kahit isang katulong. Walang sumalubong sa kanya o pumigil sa kanya na makapasok sa loob ng kabahayan.
“Anybody home?! Natalia, are you here?!” sigaw niya ngunit tanging alingawngaw lamang ang tumugon sa kanya. Mayamaya’y ginapangan siya ng kilabot. May pumasok kayang magnanakaw sa bahay ng madrasta niya kaya iyon ay bukas? Baka mamaya ay maka-engkwentro siya ng akyat-bahay sa loob at mapahamak pa siya. Nasaan ba si Rodolfo? Bakit hindi man lang kasi siya nito sinundan?
“Natalia?!” lakas-loob na tawag pa rin niyang muli. Naagaw ang pansin niya ng ingay na nagmumula sa kusina. Tila kalansing ng mga babasaging bagay. Matapang na nagtungo siya roon.
Napatda siya sa nakita. Isang lalaking walang saplot ang nasa harap ng refrigerator at naghahalungkat doon! At isa pa sa nakakagulat ay pulos sugat ang katawan nito! Mukhang bago pa lamang ang mga iyon sapagkat hindi pa masyadong tuyo ang mga dugo sa balat nito.
Anong ginagawa ng hubad na lalaki na ito na punong-puno ng sugat sa bahay ng madrasta niya? Hindi agad siya makapag-isip ng gagawin. Magtatago ba siya o aalis na lamang? Sa huli ay wala rin siyang nagawa nang makita na siya ng tuluyan ng lalaki. Nabitiwan nito ang kinuhang canned beer sa ref at hinablot ang apron sa pinto niyon upang ipantapis sa kahubdan.
“Who are you?” sikmat niya rito. Napakabata pa ng lalaki. Mas bata pa ito marahil sa kanya.
Tinanggal nito ang wireless headset na nakapasak sa tenga nito. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?” sunod-sunod na balik-tanong nito sa kanya. Gumuhit ang pagkatakot, pagkabahala at pagkapahiya sa murang mukha nito.
Naningkit ang mga mata niya sa reaksyon nito. Ka-love affair ba ito ni Natalia? For Pete’s sake, he’s too young! At ano ang ginawa dito ng babae at bakit napakadami nitong sugat? “Where’s Natalia?” tanong na lamang niya.
Bumukas-sara ang bibig ng lalaki subalit bago pa man iyon magkatinig ay lumabas sa banyo ang taong hinahanap niya. Bagong ligo ito at nagpapatuyo ng buhok. Hindi siya siguro nito napansin agad dahil nakailang hakbang pa ito palapit sa kanya bago nakapagbigay ng reaksyon. Natigalgal ang babae nang madama ang presensya niya. Nanlaki ang mga mata nito at nabitiwan ang tuwalyang pinangpupunas nito sa buhok kanina.
“So, this is why you have been busy for the last days. ‘Having an affair with a boy. I think it is child abuse, Natalia lalo pa’t mukhang sinasaktan mo ang iyong lover boy. You are a sadist!” pahayag niya nang hindi pa rin kumikilos ang babae. “By the way, hinahanap ka pala ni Mama. She’s worried not hearing a report from you. Napakarami mo nang nabinbin na trabaho sa office kaya dinala ko na ang iba dito.” Iniitsa niya sa isang blangkong upuan ang mga folder na tangan niya kanina pagpasok doon. “Return that to me first thing tomorrow and please, huwag mo sanang kakalimutan ang obligasyon mo sa kompanya,” she added in total mockery. Nginisian niya ito at pinasadahan ng sulyap ang lalaki na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang posisyon sa may kusina.
Tatalikuran na sana niya ang mga ito nang marinig niya ang tinig ng kanyang madrasta. “Mind your own damn business, bastard! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan ako! Kahit na kinabit pa sa pangalan mo ang apelyidong Feron mananatili ka pa ring bastarda! Tandaan mo ‘yan! Lumugar ka sa dapat mong kalugaran!” nanggagalaiting bulyaw nito sa kanya. Pinulot nito ang nalaglag na tuwalya at muling inilagay sa buhok.
“I don’t care with your dirty business, Natalia. I’m only reminding you of your obligations in our company.”
“I’m not senile to forget that, bastard! Get out now!”
“Sure, you don’t have to ask me. Nakakasulasok ang pinaggagagawa mo rito. Sana sa susunod ay mag-aral ka kung paanong mag-lock ng gate bago ka gumawa ng kababalaghan nang hindi nasisira ang privacy mo,” taas-noong saad niya at tinalikuran ang mga ito.
“f**k!” narinig pa niyang huling usal ng babae.
HINDI mapakali si Veronica sa kinauupuan sa sobrang pag-aalala kay Rebecca. Pasado alas-nueve na ng gabi at kanina pa niya natapos lahat ng naiuwi niyang paperworks galing trabaho pero hindi pa rin ito dumadating sa takdang oras nilang pagkikita dito sa condo niya. Kanina pa rin niya ito tinatawagan at pinapadalhan ng mensahe ngunit wala pa rin itong reply hanggang ngayon. Kanina naman ay nag-text ito sa kanyang naka-uwi ito ng maayos pero baka napaano na ito sa pagbalik sa condo niya.
She breathed deeply.
Muli na lamang niyang i-de-nial ang numero nito subalit out of coverage area pa rin ang kaibigan niya. Tumayo siya at nagparoon at parito sa loob ng maliit na sala hanggang sa helpless na ibinagsak niya ang pang-upo sa couch. Naghintay na lamang siya ng ilang saglit pa at nag-isip ng tamang gagawin.
Pero wala siyang maisip na hakbang. She was too scared for thinking.
Pinadalhan na lamang niya ng mensahe ang lola niya na baka gabihin sila ng pag-uwi sa mansion. Humiga siya sa couch upang ipahinga ang kanyang likod, pinalagutok niya ang batok at pumikit ng mariin. Makailang sandali lang naman ay narinig niya ang tunog ng doorbell. Dali-dali siyang tumayo at pinagbuksan ang tao sa labas. Hindi na niya pinagkaabalahan pang tingnan sa camera screen kung sino iyon dahil si Rebecca lang naman ang inaasahan niyang dadating.
Anong gulat na lamang niya nang bigla siyang itulak papasok sa loob ng bagong dating. Hindi iyon si Beki kundi si Steve! Ibinagsak nito pasara ang pinto at maaskad na ibinalya siya sa carpeted wall. Kamukat-mukat na lamng niya ay sinisiil na ng labi nito ang labi niya! Men, he was very fast and furious!
His kisses were at flare she felt like being roasted in an oven over maximum heat. It was really hot. She lost the power to protest and resist his darn passion. She just let herself succumbed with that heavenly sensation overpowering her. She indulged under the blazing rain of temptation from the sky. And she was lost all over.
Mayamaya nang kapusin ang mga baga nila ng hangin ay bahagyang naghiwalay ang magkahinang nilang mga labi. There was a tender look in Steve’s amber eyes, it was telling so much longing and yearning and desires and satisfactions. Napakadaming emosyon ang nakaguhit sa mga matang iyon na tila hiyas ng pinagsamang topaz at ruby. Gusto man niyang basahin ang nilalaman niyon ay hindi na niya magagawa pa sapagkat tuluyan na siyang nalunod sa mga matang iyon.
After a few minutes of stargazing with each other’s eyes ay hinaplos nito ang pisngi niya at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong at noo. “I miss you so much, darling. I felt like dying when I woke up alone on the bed. Akala ko pa naman ay maabutan ko ang maganda mong mukha sa umaga. I want to wake up every morning seeing your lovely face next to my pillow, your warmth next to my body, your delicate skin against mine. Parang ang tagal mong nawala sa tabi ko. Kanina pa dapat ako nandito kaso alam mo na, nagkaproblema sa site kaya kinailangan ko pang ayusin iyong generator bago ako umalis dahil baka mapagalitan ako ni kumander bossing,” hanggang likod-tengang pahayag nito sa kanya.
Ano ba itong pinagsasasabi ng lalaking ito? At ano ba itong nararamdaman niyang kabaliwan na tila nangulila rin siya ng lubos dito?
“Kiss me again, darling. Please…” pagsusumamo nito na pumigil sa kanya sa pagbibigay hustisya sa mga damdaming nakapa niya sa dibdib. “I’m sorry, I just can’t stop the urge to kiss you now…” usal nito at muli siyang kinabig upang halikan.
God, this is just great!