Seventeen: Who Killed Her?

3753 Words
Chapter 17: Who Killed Her? VERONICA could only see white four bounded walls when she opened her eyes. Hindi naging madali ang pagmulat niya ng mga mata sa simula sapagkat tila hinihiwa ang paningin niya ng nakasisilaw na puting liwanag na lumulukob sa buong silid. But when she finally did, fear and horror filled her system. She screamed wildly. Doon lamang napukaw ang atensyon ng mga tao sa paligid niya na mabilis siyang dinaluhan at inagapan sa pagwawala. “Hush, hija. Hush. We’re here, everything’s fine,” anang tinig na nagpapakalma sa kanya. Niyakap siya nito at hinagod-hagod ang kanyang likod. Nang mag-angat siya ng mukha at makita ang Mama Miranda niya ay saka lamang siya nakalma ng tuluyan. Bagaman, nangangatog pa rin ang buong katawan niya sa halo-halong negatibong emosyon. Inilibot niya ang paningin sa silid. Nakita niyang naroon din si Agatha. Nakatayo ito malapit sa paanan niya. Humakbang ito palapit sa harap niya. “What happened, Nica?” tanong nito. Labis-labis ang pag-aalala at takot sa tinig.  “Rebbeca… Si Beki… Si Beki, I think she’s dead… Oh, God! Beki’s dead! Someone killed her, Mama…” aniyang garalgal ang tinig. Mas lalong nanginig ang buong katawan niya sa labis na panghihilakbot. Parang papanawan siyang muli ng malay-tao. Napahagulgol na lamang siya sa bisig ng abuela. “Mama… Si Steve… at Rodolfo… They killed her… I think they killed her.” hindi tiyak na sabi niya. Hindi maturol sa isip kung tama ba ang mga akusasyon niya. Every detail was obscure that made them hard to fathom. But she must tell them what she saw or otherwise… Malakas na napaluha siyang muli. Sa pagitan niyon ay pinilit niyang maglahad. “I saw him, I saw Steve… He’s full of blood. He was holding the knife they used to kill Beki. And I saw Beki lying behind him. She’s full of blood, too. And I saw Rodolfo as well. He’s also full of blood. Blood, Mama. Blood. Beki’s blood. They killed her, Mama. They killed Beki.” “No, Nica. They didn’t kill your friend. They were trying to save her. They were the one who brought you here. They won’t harm you. And I will never let anyone hurt you.” Si Miranda na patuloy sa pang-aalo sa apo. “But I saw them. They were full of blood all over. They killed Beki. Oh, God, Beki’s gone. I’m so sorry,” hagulgol niyang halos naghuhuramentado sa laksa-laksang takot na bumabalot sa kanya. “Calm down, hija. Please, calm down,” ani Miranda saka binalingan si Agatha. “Call the doctor,” utos nito. Mabilis namang lumabas ang sinabihan nito na nang bumalik ay may kasama ng doctor at mga nars. Panay lamang ang sigaw at iyak niya sa laksa-laksang emosyong dumadahas sa kaibuturan ng sistema niya. Samu’t-saring mga eksena ang naglalaro sa isip niya. Si Steve… Si Beki… Mga dugo… Mayamaya’y isang matulis at manipis na bagay ang iglap na tumusok sa kanyang balikat na nagpawala ng mga imahe sa kanyang balintataw at nagbunsod ng sapilitang pagkahulog niya sa malalim na pagtulog.   “BASED on our investigation, Miss Feron ay nag-out kayo ni Mr. Garvillez ng hotel exact 8:52 ng gabi. Ang sabi ng guard na nakabantay ng mga sandaling iyon ay hinintay ninyo si Mr. Garvillez na kunin ang sasakyan sa parking area ng hotel kaya naiwan kayong nag-iisa sa lobby. Then, may humimpil na isang white Porsche sa entrada ng hotel na umagaw sa pansin ninyo. Lumabas kayo at sumakay roon pero hindi iyon ang sasakyan ni Mr. Garvillez na ginamit ninyo patungong hotel kundi ang sarili mo mismong sasakyan iyon. “Makailang saglit ay tumakbo ang kotse na lulan kayo. Humantong kayo sa condo ninyo ng 9:22 PM ayon sa log book. Sapat na biyahe mula sa hotel dahil diretsong tumakbo ang inyong sasakyan. Iniwan ninyo roon ang kaibigan ninyong si Rebecca Santos na siya palang kasama ninyo sa kotse at siyang nagmamaneho ng sasakyan. Umalis kayo at bumalik muli ng hotel. 10:45 PM kayo nakarating doon base sa logged ng guwardiya. Labis na oras na pagbalik mula sa condo ninyo hanggang hotel gayong maalwan ang kalsada ng mga oras na iyon. Pagdating ninyo roon ay wala na si Mr. Garvillez. Hinanap ninyo siya at umalis muli kayo ng 11:02 PM. Nakabalik kayo ng condo unit ninyo ng 11:45 PM kung saan ninyo naabutan ang wala ng buhay ninyong kaibigan at si Mr. Garvillez.” Tinapos ni James La Jarde ang paglalahad ng report sa isang napakalalim na buntong hininga. Ibinaba niya ang papel na hawak at matamang tinitigan si Veronica Feron, apo ni Miranda Consuelo Vallejos-Feron, isang sikat at mayamang dowager. Dalawa lamang silang nasa loob ng interrogation room at hindi niya matanggihan ang sariling inspeksyunin ang kabuuan ni Veronica. She owned an exquisitely and disturbing beauty that will never fail to arrest men’s desire. Kahit ngayong iisang lingo pa lamang itong nakalalabas ng ospital dahil sa pagranas ng mild shock sa mga naabutang eksena ay napakarikit pa rin nito. “Yes, iyon nga ang ginawa ko but I’m not sure with the time intervals. I’m so confused that time to think about times,” paliwanag nito na bumasag sa imahinasyon niya. Dumiretso siya ng pagkakaupo at pinanumbalik ang tindig ng tinig. “Saan kayo nagtungo at anong ginawa ninyo mula 9:22 ng gabi hanggang 10:45 ng gabi, Miss Feron?” tanong niya, hindi pinapakawalan ang tingin dito upang mahuli iyon. “I was just driving,” maikling tugon nito na bahagya siyang tinitigan at muli ring naging malikot ang mga mata. She was uneasy. She kept on sighing. “Nag-drive lamang kayo sa loob ng isang oras at dalawampu’t tatlong minuto? Hindi ba kayo bumaba man lang ng kotse?” patuloy na interogasyon niya. “No, I wasn’t.” “Isang oras at dalawampu’t tatlong minuto na biyahe patungong condo unit ninyo pabalik ng hotel ay labis-labis, Miss Feron. Hindi kaya’t may iba pa kayong ginawa?” he said implying something. Their eyes landed on each other. Nang maunawaan nito marahil ang ipinapahiwatig niya ay bumakas ang galit sa ekspresyon ng mukha nito.  Marahas na napatayo ito sa kinauupuan na nagpabagsak sa silya sa sahig. “What are you trying to insinuate, inspector?” anito sa mataas na tinig. Mabilis na sinuri niya ang reaksyon nito. Too strong to say lies. “Huminahon kayo, Miss Feron. Please take your sit again.” Bumuga ito ng mabigat na hangin sa bibig, ikanalma nito ang sarili at itinayong muli ang silya at naupo. “I was thinking that time kaya mabagal akong nagpatakbo. Hindi ko na namalayang sobrang tagal ko na palang bumibiyahe.” Pinagmasadan niya itong mabuti. Maaaring totoo ang sinasabi nito ngunit maaari ring hindi. Gayunpaman hindi makasasapat ang mga oras upang maging batayan sa pagtumbok dito bilang prime suspect. He needed more. “Miss Feron, anong napag-usapan ninyo ni Miss Santos habang nasa loob kayo ng kotse at bumibiyahe hanggang sa iwan ninyo siya sa condo unit ninyo? Nag-away ba kayo? Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan?” Tila nahulog naman ito sa malalim na pag-iisip. Ilang minuto itong natahimik, napayuko at mabigat na napabuntong-hininga. “Miss Feron?” pukaw niya rito at muling inulit ang tanong niya kanina. Nag-angat ito ng tingin at sinalubong ang kanyang mga mata. May determinasyon siyang nababasa mula roon. “We were talking about our high school days…” panimula nito at muling bumuntong-hininga. Mas magaan na kaysa sa mga nauna. “I can’t remember the exact date when it happened but it was in one of Rebecca’s family townhouse… May napagtripan kaming lalaking lasing. Nakasalubong lang namin iyon sa daan habang nagmamaneho… tinawag iyon ni Beki at isinama namin. Dinala namin ang lalaki sa bahay nila Beki at… pinaglaruan. Pero umalis din ako agad that time dahil hindi ko kayang matika ang ginagawa ni Beki. She’s… she’s molesting the man… Iniwan ko na sila roon at umuwi na ako ng bahay. Nang magkita ulit kami ni Beki ay nagkaroon kami ng misunderstanding dahil sa nangyari. Tapos nangibang bansa ang pamilya nila at hindi na kami nagkita pa ulit.  “Not until last week, nagkita ulit kami after so many years. She told me someone’s threatening her to death. Wala raw siyang ibang maisip na dahilan o kung sinumang gagawa niyon sa kanya. Then, that night when she was killed nakita niya si… Steve. She said that she merely remembered the man, hindi raw siya puwedeng magkamali because of that amber eyes… and Steve has amber eyes. She told me and assured to me that Steve was the guy we played with before. I think Steve is taking revenge on us. He’s plotting it all those years that had passed.” Napasapo ito sa noo matapos ang mga isiniwalat.  Mataman naman siyang napaisip. Tila nahulog siya sa balon ng misteryo. Napakalim niyon upang maapuhap niya ang sarili. Kung totoo man ang salaysay nito ay may posibilidad na maaaring si Mr. Garvillez nga ang tunay na salarin. Pero kung iyon ay gawa-gawa lamang nito upang guluhin siya ay nagkakamali ito ng taktika. Gayunpaman ay kailangan niyang isaalang-alang ang mga bagay na sinabi nito para sa imbestigasyon. Ang totoo niyan ay may mga bagay-bagay siyang hindi maarok sa nangyaring krimen. Walang perpektong alibi ang tatlo, si Veronica, si Steve at ang driver na si Rodolfo ngunit wala ring malakas na ebidensya upang masabing isa nga sa tatlo ang pumatay sa biktima. Nagkataon lamang na si Veronica ang may pinakamalapit na pagkakataon upang isakatuparan ang krimen. Pero malabo, napakalabo pa ng ilang bagay para tumalon siya sa mga konklusyon. Nakausap na niya ang dalawa pang salarin na pinaghihinalaan nila. Ayon sa salaysay ng driver-bodyguard na si Rodolfo de Dios ay dumating ito sa condo ng 9:28 PM. Iyon din ang nakatala sa log book. Malinis na malinis at walang bura. Isa pa’y nakita rin ito sa surveillance camera ng condo. Pumasok ito sa unit ni Veronica at wala pang tatlong minuto base sa nahuling kaganapan ng camera ay pinalabas na ito ng biktima. Ayon kay Rodolfo ay may pinabibili rito si Ms. Santos. Condom. Umamin ito na nagkaroon ito ng relasyong sekswal sa biktima subalit miminsan lamang daw iyon at hindi na naulit pang muli dahil sa kinahantungan ng babae. 10:02 naman ng gabi nang dumating si Steve sa condo, naka-logged din ito at nakita sa CCTV. Samakatuwid, nasa sampung minuto lamang bago nito nasundan si Veronica patungong condo unit nito. Nang oras na iyon ayon sa mga ito ay nagkasabay ang dalawa sa pag-akyat sa unit ni Veronica, sabay ding pumasok at sabay na nakita ang katawan ni Rebecca na nakabigte sa kisame, tadtad ng saksak sa katawan at ayon sa autopsy, Rebecca Santos was raped. Ayon pa sa dalawa ay sinubukan ng mga itong matulungan pa ang biktima kaya nang datnan ng mga pulis ang bangkay ay nakahiga na ito sa kama. Ayon kay Rodolfo ay inutusan ito ni Steve na tumawag ng tulong sa ibaba. Sa puntong iyon naman dumating si Veronica ng 11:45 na nakuhaan pa ng mga nakapaligid na camera sa ground floor ng condo. Subalit ang lahat ng nangyari sa itaas, mula lagpas 9:28 PM hanggang lagpas 10:02 PM, kung saan isinagawa ang oras ng pagpatay sa mismong unit ni Veronica ay hindi nahuli ng CCTV sapagkat sa mga sandaling iyon ang lahat ng camera na nakatutok roon ay dinispanghilado. Dahil doon ay nagkaroon ng malaking puwang ang imbestigasyon niya. Gumulo ang bawat detalye dahil sa nakatakas na mga eksenang iyon. Maliban na lamang kung wala talaga sa tatlo ang saralin o ang tatlo mismo ang magkakasabwat sa pagpatay kay Rebecca at may mga kasabwat pa ang mga ito sa pagsasagawa niyon. Sadyang napakalinis ng krimen at mukhang matagal na iyong pinagplanuhan bago isinakatuparan. Ngunit anong motibo ng mga ito na nagbunsod para gawin ang krimen? Sadyang napakalaking palaisipan sa kanya ang lahat. Naliligalig siya sa katotohanang maaari niyang matuklasan sa dulo niyon. At gagawin niya ang lahat matuklasan lamang iyon. “Inspector, tapos na ba ang interogasyon?” pukaw sa kanya nito. “Yes, yes. We will just call you kung mayroong magiging progreso ang kaso. Thank you for your cooperation with the case,” aniyang tumayo at inilahad ang kamay rito. Tinanggap naman nito iyon at lumabas na ng silid.  Napatitig na lamang siya sa maalembong na paglakad nito.   MARAHANG binitiwan ni Veronica ang pinto ng interrogation room at nagpatuloy sa morgue upang makita ang bangkay ni Rebecca. Ngunit ayon sa bantay roon ay kahapon pa kinuha ang labi ng kaibigan niya. “I’m so sorry, Beki…” usal niya at niyakap niya ang sarili sa mabilis na lamig na lumapat sa kanyang balat. She thought of Steve. Is she right in telling what happened eons ago? What if her accusations were wrong? But what if Steve was really the one who killed Beki and he was just looking for the right time to kill her next? Ah, hindi nito kayang gawin iyon sa kanya. Sinabi nitong mahal siya nito. Hindi niya kayang tanggapin sa sarili na ang taong una niyang pinagkatiwalaan ng puso ay ang taong siyang ugat ng mga nangyayaring kaguluhan sa buhay niya. “Ma’am,” anang isang tinig ng lalaki na nagpalingon sa kanya sa likuran. “Tapos na po ba kayong kausapin ng mga pulis? Kailangan na po nating umuwi dahil iyon ang bilin ni Doña Miranda sa amin,” ani Carlito, ang bagong bodyguard niya sapagkat pinagpahinga muna ng lola niya si Rodolfo sa mansion. Samantalang si Ipe naman ang magiging driver niya pansamantala. “Oo, sige. Susunod na ako,” tugon niya. Hinintay niyang magpatiuna ang lalaki bago niya ito sinundan.   KAHIT gustong magpahinga ni Veronica ng araw na iyon ay kailangan niyang pumasok sa opisina upang tapusin ang mga importanteng bagay na hindi niya maaring binbinin bago siya mag-leave. Hanggang bukas na lamang niya kailangang pumasok dahil matatapos na rin niya ang project plan na ginagawa niya. Exhausted na naupo siya sa swivel chair at dinampot ang isang folder sa tambak na mga papeles. Hindi pa man niya natatapos basahin ang unang pahina niyon ay may bumayo na sa pintuan ng opisina niya. Kasunod niyon ay mga sigawan ng mga nagkakagulong tao sa labas. Nahinto siya sa ginagawa at awtomatikong napatayo sa kinauupuan nang mabalasik na bumukas ang pinto at iluwa niyon ang nagagalit na anyo ni Steve. Pinipigilan ito ni Carlito sa pagpasok sa loob ng opisina niya. “Veronica, please… I want to talk to you,” nagsusumamong pakiusap nito. “Lumabas na po kayo, Sir. Mahigpit po ang bilin sa amin ni Doña Miranda na huwag kayong palapitin kay Ma’am Veronica,” ani Carlito na hinaharang ang katawan sa pintuan. “No, I won’t leave until Veronica talk with me,” may diin na sabi ni Steve pagkakuwa’y sumulyap sa kanya. Nawala lahat ng pananggalang niya na huwag muna itong kausapin habang hindi pa nareresolba ang kaso. Tila nabura lahat ng alinlangan at takot sa puso niya. Mukhang nakatitiyak ang puso niya na hindi siya magagawang saktan nito o ang saktan ang sinumang mahalaga at mahal niya sa buhay. He just couldn’t do that. She knew it in her heart. “Let him in, Carlito. Ako na ang bahala,” utos niya rito. Nag-alinlangan man ito noong una ay tumalima din. Pinalis nito ang katawan sa hamba ng pinto at lumabas ng opisina pero tiniyak na nakabukas ang pintuan. Inayos ni Steve ang damit nito bago mabilis na hinakbang ang kaunting distansya nila. “How are you, darling? Are you all right? Nag-aalala ako sa ‘yo kaya kahit hindi pwede ay pinilit kong makausap at makita ka,” anito at mahigpit siyang niyakap. Tuluyan nang natunaw ang anumang agam-agam na nananahan sa dibdib niya. “I’m so sorry, I’m really sorry. I didn’t know,” dugtong nitong lumong-lumo ang tinig. “I have talked to the police. They told me about your statement kaya napasugod agad ako rito to clarify things.” Wala siyang naisagot sa sinabi nito. Nilukob siya ng pagkapahiya at pagsisisi.  “They already had me investigated, darling. I didn’t kill your friend. I’m not plotting revenge on you. I didn’t know na kayo pala ang mga nakakita sa akin noong nalasing ako sa kalsada. Hindi ko na nga iyon naaalala at pilit ko nang kinalilimutan iyon, that was very embarrassing. Ngayon ko na lang ulit iyon naalala pa nang sabihin mo iyon sa kanila.” “Actually, hindi ko rin talaga alam na ikaw iyon. Si Beki lang ang nagsabi sa akin that night when she was killed. Naguguluhan ako, Steve. Masyadong magulo ang lahat at natatakot ako sa mga susunod na pwedeng mangyari.” “Trust me, darling. You know I won’t hurt you. I love you. I can’t afford to lose you. At hinding-hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo. I will always be here to protect you. Believe me,” anas nito at dinampian siya ng halik sa mga labi. Masuyo, matamis, maalab hanggang sa unti-unting naging mapaghanap iyon. Palalim ng palalim ang halik at mas lalo pang lumalalim sa bawat nagdadaang segundo. Hindi niya magawang suwayin ang sarili sa isinisigaw niyon kaya tumugon siya ng may kapantay na pananabik. Nang tila masusunog ang labi niya sa init na nagsisimulang rumikit sa pagitan nila ay siya na mismo ang kumawala sa kanilang halik. Mahigpit na gumanti siya ng yakap dito at nagpakulong sa matipuno nitong dibdib. “Ang dami kong tanong ngayon sa sarili ko, Steve. Hindi ko alam kung ano ang paniniwalaan ko. Natatakot ako na matulad din kay Beki,” sabi niyang napahagulgol na sa bisig nito. Sinapo nito ang pisngi niya at iniangat nito ang paningin niya upang katagpuin ang mga mata nitong nag-aalab ang tinta. “Hindi kita pababayan. Hindi ko hahayaang saktan ka ng sinuman. Dadaan muna sila sa bangkay ko, Veronica. Pangako iyan.” Muli ay hinalikan siya nito para selyuhan ang mga katagang binitawan nito. Isang tikhim ang nagpawala ng apoy sa pagitan nila. “Ma’am, tumawag po si Doña Miranda. Umuwi raw po tayo ng maaga ngayon.” Si Carlito. “Where’s Rodolfo? Uupakan ko na itong isang ito kapag hindi ako nakapagpigil. Masyadong nakakabuwisit,” iritado ngunit mahinang sabi ni Steve sa kanya. “Nasa mansion lang si Rodolfo. And please, just bear with Carlito’s attitude. He’s following orders. At isa pa’y kailangan ko na rin siguro talagang umuwi ng maaga. I can’t concentrate well enough.” “I understand. I will call over the phone, later. I love you, darling. And I will miss you.” “Me, too. Sana matapos na ito, Steve.” “I hope so, too.” Niyakap siya nitong muli at hinalikan ng panandalian bago tuluyang lumabas ng opisina. Tila nabunutan siya ng tinik. Bahagyang napanatag ang loob niya. Ah, Steve’s kisses were really overwhelming and greate it erased all her troubles.   PABABA na sila patungong sasakyan ni Carlito ng isang babae ang pumigil sa braso ni Veronica. Agad niyang nakilala agad kung sino ang babae. Si Denise iyon, ang asawa ni Steve. Hindi katulad noong unang nagkita sila ng babae ang anyo nito sapagkat halatang may umbok na sa sinapupunan nito. Pero katulad pa rin ng dati ay mukhang kalalabas lamang nito ng simbahan sa gayak nito. Matapang na mas lalo nitong hinaklit ang braso niya. Nagpupuyos ito sa galit. Nagtatagis ang mga bagang nito. Naging alerto naman si Carlito na agad na pumagitna sa kanila. “Ang kapal talaga ng mukha mo, ano? Nagawa mo pa talagang makipagkita ulit sa asawa ko pagkatapos ng lahat ng sinabi ko sa ‘yo. Ang kapal ng apog mong babae ka. Siguro nilalayuan ka na ng asawa ko at pilit iniiwan pero kinakalantari mo pa rin. Kaya ngayon inaakusahan mo naman siyang pumatay sa kaibigan mo! Malamang sa malamang ikaw lang ang pumatay sa kaibigan mo! Idinadawit mo lang ang pangalan ni Steve para ma-black mail mo siya! Napakadesperada mo talagang babae ka! Hayup!” sigaw-akusa nito sa kanya na mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa braso niya. Wala siyang naisagot dito, napadaing lamang siya sa sakit.  “Pakiusap, misis bitiwan po ninyo si Ma’am Veronica. Pwede po namin kayong kasuhan sa ginagawa ninyo,” nag-aalala ngunit matapang na wika ni Carlito. "Sige, kasuhan ninyo! Lintik lang ang walang ganti!" hindi natitinag na sigaw nito. "Pagsisisihan mo ang araw na kinalaban mo ako, Miss Feron. Ang akin ay akin lang, tandaan mo ‘yan. Kaya kung ako sa ‘yo humanap ka ng ibang malalandi mo bago ako mapuno sa pinaggagagawa mo,” banta pa nito. “Take your hand off her, Denise.” Napalingon siya sa nagsalita. It was Steve. Dinaluhan agad siya nito at inalis ang kamay ng asawa nito sa braso niya. “O, ano ipagtatanggol mo ang kabit mong ‘yan?! Ipapahamak ka lang niyan. Nabubulagan ka na ba? Inaakusahan ka niyang pumatay sa kaibigan niya tapos ipagtatanggol mo pa rin siya?” sikmat nito kay Steve na mas lalong nanggagalaiti ang tinig. “Huwag kang mag-eskandalo rito, Denise. Punong-puno na ako sa ‘yo. At pakiusap, para naman lang sana sa kalagayan ng bata umuwi ka na.” Mukhang mas lalo lamang nagalit si Denise sa mga sinabi ni Steve. Tinitigan siya nito ng matalim at sinubukang mahawakang muli. Mabuti na lamang at ipinanggalang ni Steve ang likod nito upang proteksyunan siya. “Go now, Veronica. I’ll take care of her. Huwag kang mag-alala hindi ka na niya magugulo pa pagkatapos nito,” bulong sa kanya ni Steve at pinagtulakan na silang palayo ni Carlito. Umagapay naman sa kanya ang lalaki na mabilis siyang inasistehan papasok ng sasakyan. Nang lingunin niya ang kinalulugaran ng dalawang iniwan nila ay wala na ang mga ito roon. “Steve…” usal niya sa isip.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD