Chapter 16: Sensual Night, Bloody Night
IMBES na sa bahay sila ni Steve magtutungo kagaya ng sabi nito sa kanya ay naunsiyami iyon nang malaman nitong hindi pala matutuloy ang pagtungo roon ng mga parent nito. Nais pa man din nitong patunayan sa kanya ang lahat ng mga sinabi nito sa kanya. At gusto rin daw nitong makilala siya ng mga ito.
Sa huli ay niyaya na lamang siya nito na mag-date sa labas. Mahigit dalawang oras silang bumiyahe. Nakarating sila ng Manila. Nagpa-book daw ito sa isang hotel doon for a dinner. Nang makarating sila sa hotel ay sa isang suite agad sila humantong nito. Steve plastered a playful smile when they finally got inside.
“Ang haba nang binyahe natin tapos dito mo lang pala ako dadalhin?! You know, there’s a lot of guest room in ours. If you just told me I provided us one,” tudyo niya rito. Mas lumawak ang ngiti nito. Ikiniling ang ulo at walang salitang hinila siya patungong bedroom.
Dalawang malaking kahon ang tumambad sa kanya nang marating nila iyon. Nakapatong iyon sa malambot at nang-aanyayang kama.
“Open it, honey," masuyong utos nito. Nanghahalinang tinangay siya nito sa tapat ng isa sa dalawang malaking kahon.
“What is it?” sabik na tanong niya. Ngiti lamang ang naging sagot nito roon. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang buksan ang kahon. Marahang hinatak niya ang lasong nakatali roon. She was surprised.
It was a velvet evening gown!
Kinuha niya iyon sa loob at sinuri. It was perfect and elegant! Tube ang harapan niyon at backless na may mga tirante bilang pansara ang disenyo sa likod.
“I think it will fit you so, that’s why I bought it.”
“Your choices are excellent, Steve! I’m starting to doubt your manliness.”
“Holy!” tila na-i-eskandalong bulalas nito. “Alam mong hindi totoo iyan. Huwag mong sabihin sa akin na nabibitin ka sa mga lovemaking natin?” Insecurities rose in his voice.
“Of course not! I’m just kidding,” gagap niya.
“You want to play with fire, darling,” anitong naging mapanudyo ang tinig. Kumislap ang mapupula nitong mga mata.
“What if I want to?”
“Then let’s play together,” bulong nito at sinimulang tanggalin ang mga damit niya. Inisa-isa nitong pinaghahagis ang blouse niya, ang floral skirt niya, nanggigil na hinatak nito ang snap ng bra niya at inihagis din iyon, only her panty was spared.
Pinadaanan nito ng apoy ang balat niya sa pamamagitan ng mga haplos at halik nito. Nagningas agad iyon at siningawan siya ng init. Nagbutil-butil ang pawis sa kanyang katawan.
Nang sarap na sarap na siya ay tumigil ito at dinampot ang nailaglag niyang gown sa tiled floor. “Later, darling,” sabi nito pagkakuwan at isinuot ang gown sa kanya. She felt sensual. Tila mas nakakapag-init ang ginagawang iyon ni Steve. Parang gusto niya muling maghubad at tuluyang magpasakop dito. Pero hindi siya hinayaan nitong gawin iyon.
Nang matapos ito sa pagbibihis sa kanya ay dumapo sa batok niya ang labi nito. It lingered there for a minute then whispered, “Your turn.” Nang maunawaan niya ang ibig nitong sabihin ay hinubaran niya ito. Leaving only his brief and under shirt.
Binuksan niya ang natirang kahon sa kama na sa hinuha niya ay damit nito. Isang itim na tuxedo ang laman niyon. Isinuot niya iyon dito, enticing him a bit. Their eyes not leaving each other’s. Nang matapos siya ay kinuha niya ang bow tie sa kahon at inayos iyon sa leeg nito. She then planted a soft kiss on his lips. Hinabol nito iyon ng ilang sandali bago kusang tumigil at niyakag siyang lumabas ng suite.
Nang makarating sila sa hagdang pababa ng bulwagan ay punong-puno ng mga talulot ng rosas ang bawat baitang ng red carpeted stairs. Nagsimula ring tumugtog ang isang maliit na orchestra sa isang panig. Napaka-romantic ng ambiance ng paligid.
Iginiya siya ni Steve sa isang bakante at nag-iisang mesa roon. Pinaghila siya nito ng upuan at nag-curtsy pa ito. The very gentlemen way.
Lumapit ang isang waiter sa kanila at sinilbihan sila ng alak sa kopita, inihanda naman ng iba ang mga masasarap na putahe at isinilbi rin sa hapag. Nag-toast sila ni Steve at nagsimulang kumain. They kept talking about many things. Hindi sila nauubusan ng topics nito. Nang mapagod ito marahil sa kakadaldal nila ay niyakag siya nitong sumayaw. Nagpatianod naman siya sa nais nito kahit hindi siya masyadong marunong sumayaw.
“Pinagaganda mo masyado ang gabi ko, Steve. Baka hindi ko na ito malimot hanggang sa pagtanda ko.”
“Oh, sure you will.” Napataas kilay siya at nakunot ang noo sa sinagot nito. Mayamaya’y kinabig siya nito nang mas malapit dahilan upang masamyo niya ang mabango at preskong hininga nito. “You will forget this night, Veronica because I will make your night even more beautiful than this every time. My love for you will grow even brighter every second, darling.”
“Huwag mo akong masyadong pakiligin, Steve. My knees are swooning,” nakangiti nang pahayag niya.
“Swoon now and I’ll catch you in my arms,” anito at kinindatan siya. Pagkatapos niyon ay mabilis nitong pinaikot ang katawan nila, pinaliyad ang likod niya at nag-dip ito na halos masapul ang labi niya. Sumayaw sila at sumabay sa maharot na tugtugin. Panay naman ang kurot niya sa tagiliran nito dahil maya’t-maya nito kung iparamdam sa kanya ang naghuhumindig nitong p*********i tuwing makakatiyempo ito.
Mabuti na lamang at nag-iba na ang tugtugin bago pa sila mahalata ng mga serbidor sa hotel. Muling tumugtog ang orchestra. Soft and sweet music ang pumapailanlang. Naging mabagal na ang paggalaw nila ni Steve. They savored the moment.
Ilang saglit pa’y narinig niya ang tinig nito. Napakalamyos ngunit buo. He had a classic voice. Napakasarap niyon sa pandinig.
The first time I fell in love was long ago.
I didn't know how to give my love at all.
The next time I settled for what felt so close.
But without romance, you're never gonna fall.
After everything I've learned;
Now it's finally my turn.
This is the last time I'll fall... in love.
Humilig siya sa dibdib nito at nangunyapit sa batok nito. “You are so sweet, pervert.”
“I can’t help it,” wika nitong panandaliang huminto sa pag-awit.
The first time we walked under that starry sky,
there was a moment when everything was clear.
I didn't need to ask or even wonder why, because each question is answered when you’re near.
And I'm wise enough to know when a miracle unfolds, this is the last time I’ll fall in love.
Now doesn’t hold back, just let me know?
Could I be moving much too fast or way too slow?
'Cause all of my life, I've waited for this day.
To find that once in a lifetime, this is it, I'll never be the same.
You'll never know what it's taken me to say these words.
And now that I've said them, they could never be enough.
As far as I can see, there's only you and only me.
Hindi na napansin ni Veronica na iba na pala ang sinasayaw nila ni Steve sapagkat umaawit pa rin ito. Umaawit pa nga ba ito? Ah, wala siyang paki. Napapikit na lamang siya ng sakupin ni Steve ang mga labi niya. Mabilis pa yata sa kidlat ang mga pagbabago ng mga eksena sa paligid niya sapagkat nang magmulat siya ng mga mata ay pareho na silang walang saplot ng lalaki. Kung paano nito iyon nagawa ay hinahangaan niya. Mayamaya’y may ibinulong itong musika sa pandinig niya:
This is the last time I'll fall in love.
Last time I’ll fall in love.
The last time I’ll fall... in love.
They seated on the edge of the bed. Hinahalikan nito ang batok niya. Nanindig ang balahibo niya sa nakakakilabot na kiliti na naidulot niyon sa kanya. Nang pagsawaan nito iyon ay iginiya nito ang katawan niya paupo sa kandungan nito. Nakatalikod siya rito kaya muli nitong nagawang pagsawaan sa halik ang batok niya, pababa sa kanyang likod. Dinama ng maalab nitong palad ang dibdib niya at pinisil ang korona niyon kasabay din niyon ang paglagos ng p*********i nito sa kaselanan niya. Inalalayan siya nitong mabuti sa pagtayo at pag-upo sa kandungan nito.
Matapos ang ilang beses na pagbugso ay tinapik nito ang magkabilang hita niya. Tinulungan siya nitong pumuwesto sa posisyong nais nito. Ang kaninang mga paa niyang sumasayad sa malamig na tiles ay nakatapak na ngayon sa kama. Animo isa siyang palaka sa pwesto niya. Tumalon-talon siya sa tulong ng pwersa nito sa ganoong ayos subalit hindi siya umaalis sa kinauupuan niyang sandata nito.
Samantalang ang kamay nito ay patuloy lamang sa pagpapala sa bawat balat at parte niya. Halos magkapanabay ang alulong nila sa ligayang pinaparanas sa bawat kapareha. Makaraan pa ang ilang indayog ay pinaharap na siya nito. Ngunit muli siya nitong pinaupo sa pagitan ng hita nito at isinayaw siyang muli habang naglalaro ang mga basa at nag-iinit nilang labi.
Pinaikot niya ang mga binti sa likod nito at niyakap niya ito ng mahigpit, napasabunot siya sa buhok nito at naibaon niya ang kuko sa balikat nito. Hindi nito iyon inalintana at mabangis na nagpakawala ng mabangis na pagsugod. Ito na ngayon ang gumagawa ng aksyon sa pamamagitan ng pagtaas-baba ng pang-upo nito sa kama. Nang humingal ito ay pinaunat nito ang mga binti niya, inunat din nito ang mga binti nito at inalalayan siyang makahiga roon nang hindi nagbabago ang mga posisyon nila. Muli, bumirada ito nang pagpasok sa p********e niya.
Makalipat minuto ay pinaghiwalay nito ang mga binti nito na naging dahilan sa pagkahulog ng katawan niya sa malambot na kama. Naghiwalay ang kanilang mga laman at sinabihan siya nitong dumapa na tinalima naman agad niya. Tila siya nag-pupush-up sa posisyon niya then he entered her from behind. The pressure on her pelvis created so much pleasure for her.
Lumapat ang kalamnan at dibdib nito sa kanyang likuran nang mas lalo nitong ibaon ang p*********i nito sa kanya. Muli namang dinakma ng kamay nito ang mayabong niyang dibdib at pinanggigilan iyon. She grumbled repeatedly with that sweet torment he let her experienced.
Pagkatapos ng sandaling iyon ay umangat na rin ito at itinihaya siya. Pinaghiwalay nito ang mga hita niya at pinasok muli ang kweba niya. He caressed her skin in intimate desires and full of passion and tenderness. Napapaliyad siya sa sarap na naidudulot nito. Bahagya pa nitong itinaas ang hita niya at mas lalo pang binaon ang nakabaon ng maigi nitong ari. Napahiyaw siya sa nakaliliyong sakit sa likod ng sensasyong iyon. Mas lalo pa nitong iniangat ang hita niya hanggang sa halos maipatong niya ang binti sa balikat nito, tila naging basehan nito ang taas ng sigaw niya sa bagay na iyon. Sa puntong iyon ay hindi na niya ma-imagine kung gaano na kalalim ang laman nito sa sarili niyang laman. Nang hindi na niya kayanin ang pagbaon ng ari nito sa p********e niya ay ubod ng lakas niya itong naitulak palayo kasunod ng malakas na hiyaw.
“I’m so sorry, darling. Does it hurt so much?” anitong natauhan sa labis na sarap. Bakas ang pag-aalala sa mukha at tinig nito.
“It’s okay, Steve. I’m so sorry I couldn’t accommodate you, you are very immense,” aniya at kinabig itong muli pabalik sa ibabaw niya. Pilit niyang inikot ang pwesto nila upang sa gayon ay siya ang nasa ibabaw nito. Napagtagumpayan naman niya iyon sa tulong nito.
Nabigla man ang reaksyon nito sa una ay umayon pa rin sa nais niya. Siya na ngayon ang humawak ng tempo at ritmo sa kanilang pagniniig. Mabagal man sa simula ay nagawa niya ring masanay sa bilis na alam niyang nais din nito. Naging mapusok siya sa bawat sandaling lumilipas.
At sa mabilis na iglap ay nakamit nila ng sabay ang ibayong kaluwalhatian…
NAKAUPO sa isang visitor’s chair si Veronica sa lobby ng hotel habang hinihintay si Steve na kunin ang BMW nito na pinapark nito sa isang hotel boy kanina. Nag-out na pala ang hotel boy na inutusan nito at hindi alam ng karelyebo nito kung saan iyon inihimpil ng kasama. Tuloy, pati si Steve ay naabala sa paghahanap niyon.
Tumayo siya sa upuan ng mainip sa paghihintay. Nagparoon at parito siya sa harap ng lobby hanggang sa maagaw ang pansin niya ng isang pumaradang puting Porsche sa harap ng hotel. Nagbusina iyon ng ubod ng lakas at paulit-ulit kahit wala namanng nakaharang sa daanan nito. Hindi na sana niya papansinin iyon ngunit nang bumaba ang tinted window niyon at kumaway si Beki mula sa loob ay tuluyan siyang nahatak na lapitan ang sasakyang siya pala ang may-ari.
“Want to hop in?” bungad nito nang makalapit siya. Binuksan nito ang pinto sa passenger’s seat.
“What are you doing here?” sa halip ay tanong niya.
“Wala lang. Pagpasensyahan mo na pala ang paggamit ko sa kotse mo ng walang paalam. Ang totoo kasi niyan, naiirita ako sa mansion ninyo dahil naglalampungan doon sina Rodolfo at Adora. Nakakasulasok.”
“That’s not a problem. It is just too risky for you to drive alone. You have to be careful the next time, Beki. It’s for your own good,” aniya biglang binundol ng kaba at takot sa dibdib. Sumakay siya sa kotse.
Pinagtaasan naman siya nito ng kilay. “At least, I saved you from going home alone. Iniwan ka ng boyfie mo, ano?” mapanghinalang buska nito.
“Of course not!” mabilis na kontra niya. “Kinuha lang niya ang sasakyan niya sa parking lot,” paliwanag pa niya.
“Ah, ganoon ba? I see. Akala ko nga umalis na kayo sa hotel, e. Kanina lang nagsasayaw kayo sa ball tapos bigla na lang kayong nawala tapos bigla na lang kitang naabutan diyan sa harap ng lobby ng hotel.”
“What? How long have you been following us?”
“Since you went out without telling me.”
“Stalker,” tukso niya.
“Naintriga lang naman ako sa boyfie mo. He looks so familiar kaya ko kayo sinundan. Then, habang pinapanood ko kayong sumasayaw I remembered this gorgeous man we’ve met before way back in our high school days.”
“Who?” naguguluminahang tanong niya. Nakunot ang noo at nagsalubong ang kilay sa pag-apuhap sa isip ng alaalang sinasabi nito. Pero wala talaga siyang matandaan sa sinasabi nitong lalaki.
“Gosh, have you already forgotten? Iyong lalaking naging dahilan ng misunderstanding natin noon? The man with amber eyes. Amber ba ang kulay ng eyes ng boyfie mo? If he was amber eyed then probably siya nga iyon.”
“Oh, wait, wait. Are you telling me na iyong lalaking napagtripan natin noon ay sadyang mamula-mula ang mga mata at hindi adik lang? Are you sure with that? At paano mo nasabing si Steve nga iyon? E, ‘di ba hairy ang face ng guy na iyon?”
“Yup, he’s hairy that time but I shaved his face after we f****d. And besides, he is too goddamn handsome and hot to forget.”
Mas lalo siyang binundol ng kaba at takot na naramdaman niya kanina when she realized something bad. She remembered the warning from her mysterious doll giver, then the pictures and Rebecca’s death threats.
Si Steve kaya…
“Eh, teka, Nica,” pukaw ni Beki sa kanya. “Bakit parang takot na takot ka diyan? FYI naman, hindi ko aagawin sa ‚yo ang boyfie mo, noh! Haler, I already had an eye of affection for someone,” dugtong nito at tinapik siya sa balikat.
“Drive now, Beki,” natatarantang utos niya. Napalingon siya sa kanyang likuran. “Drive faster, Beki! Now!” bulyaw niya ng hindi ito tuminag.
Sumunod na ito sa pagkakataong iyon, tila natakot din sa nakabalatay na takot sa mukha at tinig niya. Mabilis na pinagrebolusyon nito ang kotse at pinaharurot iyon sa daan. Nang makalayo-layo sila ay unti-unti nitong pinabagal ang takbo. “What’s going on, Nica?” istorbo nito sa pananahimik niya.
“I don’t know. I’m not sure. Naguguluhan ako. I don’t want to jump in conclusion, Beki but what if this guy wanted a revenge on us?” hindi siya makapaniwala sa sarili niyang inusal at sa iniisip niya ngayon.
Mukhang nahawa ito ng nadarama niya. “Bruha, huwag mo akong takutin. So, ito bang boyfie mo ay amber eyes din talaga?”
“Yes, Steve owns amber eyes. Ano bang ginawa mo pa sa kanya pag-alis ko?”
“Wala. Nag-s*x nga lang kami. Then, I asked someone para ilabas siya ng bahay. Hindi ko alam kung saan siya dinala pagkatapos kong bayaran ang inutusan ko.”
“God, Beki… What if something bad happened to him after that? At tayong dalawa lang ang naaalala niya. Ikaw na rin ang nagsabi sa akin na imposibleng family feud o sa negosyo ang rason ng mga death threats sa ‘yo, hindi ba? So, there is no apparent reason rather than this.”
“Oh,” tanging bulalas nito na natutop ng isang kamay ang bibig.
“And Beki… I received a warning from my mysterious doll giver.”
“What?!”
“The sender told me to stay away from strangers and Steve is the only stranger I mingle with.”
“Oh my, Nica!”
“I think I have to explain to him what happened. I will try to get his forgiveness. Siguro naman maiintindihan niya.”
“Sige, babalik ba tayo sa hotel?”
“Ako lang, Beki. Dumiretso muna tayong condo. Doon ka na lang muna. Mas ligtas ka roon.”
“Pero baka mapahamak ka.”
“He won’t hurt me, I know. At kung saktan man niya ako maipapaalam mo kanila mama ang nangyari. Mas mahirap kung pareho tayong mapapahamak.”
“But Nica---”
“No buts, Beki. Just let me talk to him alone. Marami kaming dapat pag-usapan at ayusin,” pinal na sabi niya. Mukhang naramdaman naman nito ang indignasyon sa tinig niya at hindi na nakipagdiskusyon pa.
Nang makarating sila sa condo niya ay iniwan na niya roon si Beki at nag-drive pabalik sa hotel na pinuntahan nila ni Steve.
PAGBALIK ni Veronica sa hotel ay wala na roon si Steve. At ang sabi ng guwardiya ay hinahanap raw siya ng lalaki. Naghintay siya ng ilang saglit muli sa lobby sa pag-asa na baka biglang bumalik ulit ito roon. Ngunit nang mabagot siyang maghintay ay umalis na rin siya ulit at sumakay ng kotse. Sinubukan niyang tawagan ito subalit na-drain ang battery ng CP niya. Inis na iniitsa niya iyon sa katabing passenger’s seat.
Pinatakbo na niyang muli ang kotse sa kahabaan ng kalye. Mabagal lang ang ginawa niyang pagpapatakbo sa pagbabakasakaling makasalubong niya ang kotse ni Steve. Pero hilong-talilong na siya sa kakasulyap sa mga sasakyan sa kalsada ay hindi pa rin niya ito nakikita. Nang mapagod na siya ay napagpasyahan na lamang niyang ipagpabukas ang confrontation dito. Isa pa’y malalim na rin ang gabi at baka mas lalo siyang mapahamak. Bumalik na lamang siya sa condo niya na napakabigat ng loob.
What if Steve was just playing around the bush to avenge what they did to him long time ago? Ah, hindi niya kayang paniwalaan iyon o kahit man lang ang isipin iyon ay sadyang hindi niya kaya. Hindi niya matatanggap sa sarili kung sakaling huwad lamang lahat ng ipinakita nitong pagmamahal sa kanya at ang lahat ng tagpong pinagsamahan at pinagsaluhan nila. But the mere fact that there was a big chance that everything was just a game for him was very hard to ignore.
Huminga siya ng malalim at sumakay sa elevator. Pinindot niya ang floor number na kinaroroonan ng kanyang unit. Mag-isa lamang siya roon. Nahaplos niya ang mga braso sa lamig na lumapat roon. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay nagmadali na niyang tinungo ang unit niya.
The door was opened. Mula sa siwang ng nakabukas na pinto ay nakakita siya ng mga blooded footsteps, hindi niya maturol kung palabas o papasok iyon sapagkat nagkagulo na iyon sa sahig. Hindi niya magawang tawagin ang pangalan ni Beki na siya dapat niyang balak kanina upang ipaalam ang presensiya niya.
Marahan niyang itinulak ang pinto. Umingit iyon sa katahimikan ng pasilyo. Napaurong siya ng matanaw si Steve na papalabas ng kanyang silid. May hawak itong duguang kutsilyo na sigurado siyang galing sa kitchen niya. Duguan din ito mula mukha hanggang sa mga damit at pantalon.
Nakita niya mula sa nakabukas na pinto rin ng kwarto ang nakahigang katawan ni Beki. Naliligo ito sa dugo. Dugo nito. Sigurado siyang wala na itong buhay. Dilat na dilat ang mga mata nito at tila bali ang leeg. Nakalaylay lamang sa sahig ang kanang kamay nito na inaagusan pa ng masaganang dugo.
Nanghilakbot siya ngunit hindi niya magawang makasigaw. “Steve…” tanging usal niya at sa mabilis na iglap nang magkapwersa ang katawan niya ay mabilis siyang tumakbo. Sumigaw din siya ng sa wakas ay matagpuan niya ang tinig.
Dirediretso lamang siya ng takbo na hindi na niya napansing may nabundol siyang katawan. It was Rodolfo. “Oh, thank God! Rodolfo, tulungan mo ako! Si Steve… Si Steve… Si Rebecca, pinatay niya si Beki,” utal-utal na hysteria at hagulgol niya. Parang may bumikig sa lalamunan niya sa pagsasabi nang nakita. Mahigpit na napahawak siya sa kamiseta nito.
“Ma’am Veronica… Ma’am, huminahon po kayo. Hindi po si Sir Steve ang pumatay sa kanya,” anito. Nag-angat siya ng mukha at kahit nanlalabo ang paningin niya dahil sa mga luha ay napansin niyang may mga tilamsik din ng dugo ang mukha nito, pati ang mga damit nito ay may mantsa din ng dugo. Bahagya siyang napaatras sa takot na lumukob sa kanya. Doon lamang niya mas nakitang may bahid din ng dugo ang mga kamay nito na bahagya na ring kumapit sa mga balikat niya sa paghawak nito sa kanya kanina.
Nanginginig na humakbang pa siya palayo. Naitakip niya ang palad sa bibig. Nang lumingon siya sa kanyang likuran ay nakita niya ang papalapit na bulto ni Steve. Tinatawag ang pangalan niya. Napasandal siya sa dingding sa may pasilyo, nagsusumigaw siya sa walang kapantay na takot na kumain sa sistema niya.
Hanggang sa bumukas isa-isa ang mga pinto ng mga unit na katabi ng unit niya. Nagsilabasan ang mga okupante niyon. They looked at her with lurking vulture eyes ready to eat its prey.
Bago pa man niya malaman ang gagawin ng mga ito sa kanya ay nawalan na siya ng ulirat.