Fifteen: Estrange Strangers

3025 Words
Chapter 15: Estrange Strangers “ASSHOLE!” Ilang beses nang nabanggit ni Veronica ang salitang iyon. Ilang beses na rin siyang tumawag sa site ngunit wala pa rin daw roon si Steve. Kinuha na lamang niya sa tauhan nito ang numero ng engineering firm ng mga ito subalit wala rin daw roon ang lalaki. Nang hingiin niya ang personal na numero nito sa sekretarya nito ay nakipagmatigasan ang babae kahit sinabi na niyang siya ang VP ng FRC at importante ang sasabihin niya sa lalaki. Sa sobrang inis niya ay pinagtatarayan niya ito sa telepono. Sa huli, sa sobrang inis din nito marahil sa mga sinabi niya ay tuluyan nitong hindi ibinigay ang hinihingi niya at binabaan siya ng awditibo. Gigil na gigil siya! Lecheng lalaki talaga iyon! Bakit hindi man lang kasi nito ibinigay ang numero nito sa kanya?! Ni hindi nga rin nito hiningi ang numero niya! Kahit sana hindi siya ang nagkusang gumawa niyon ay nag-insist ito. Mas lalo tuloy siyang naniniwala na totoo ang sinabi sa kanya ng buwisit na balyenang iyon! Naku, lintik na Steve na iyon! Kapag nagkita talaga sila ay makakatikim talaga ito sa kanya! “Ma’am,” anang naka-istorbong tinig sa kanya. “Ano?!” sigaw niya kay Gretchen na nakasungaw sa pinto ng opisina niya. “Nakuha ko na po ang home address ni Engr. Garvillez. Hindi raw po talaga alam ng kakilala ko sa office nila ang personal number ni Engineer.” “Pwede na iyan, akin na!” Tumayo siya at hinablot ang papel sa kamay nito nang makalapit siya sa pinto. Halos takbuhin niya ang elevator. Tinabig niya lahat ng nakakasalubong niya sa daan. Nagkukumahog na sumakay siya sa kotse at muling pinaragasa iyon sa kalsada. Wala siyang pakialam kahit mahuli siyang nag-o-overspeeding. Ang kapal ng mukha ng Steve Garvillez na iyon! Lagot talaga ito sa kanya kapag nalaman niyang totoo ang lahat! Ang kapal nitong landiin siya! Pero hindi man niya aminin sa sarili ay may kamalian din siya sa labis na pagtitiwala rito. Dapat ay pina-background check niya ito. Bwisit talaga! Dahil siguro sa adrenalin rush niya ay natunton agad niya ang bahay nito. Nagkukumahog din siyang bumaba ng kotse. Sinigawan agad niya ang guwardiya sa entrada at sinabihan itong papasukin siya dahil kakausapin niya ang amo nito. Hindi naman siya agad nito pinapasok na mas lalong ikinayamot niya. Ini-radyo pa nito iyon sa loob ng kabahayan. Nang makatanggap ito ng go signal marahil sa amo nito ay pinagbuksan na siya nito sa wakas. Tinakbo agad niya ang daan patungo sa loob ng bahay ni Steve. Handang-handa na siyang magwala! Nag-aabang sa hamba ng grandiyosong pintuan si Steve. Standing there like a statue of a Greek god. Iwinaksi agad niya sa isip ang kagwapuhan nito at agaran itong sinugod. “You pig! How dare you making a fool out of me?! May asawa ka na pala pero hindi mo sinabi sa akin! Inaakit-akit mo pa ako! Nagmukha akong tanga, Steve. Napahiya ako. Alam mo ba iyon, kahiya-hiya ako! Leche ka, buwisit!” Mangiyak-ngiyak na siya sa sobrang galit para rito. Pinaghahampas niya ito ng palad. “Hey, calm down, darling… let me explain.” His voice almost pleading, his face softens like asking for understanding. “Huwag mo akong ma-darling-darling! At wala ka nang dapat pang ipaliwanag! Ang kapal talaga ng mukha mo, hinayupak ka! I shouldn’t have trusted you, pervert!” ngalngal niya. Wala na siyang pakialam kahit ano na ang hitsura niya. Sa silakbo ng galit niya ay pinagsususuntok niya ito sa katawan.  “Okay, okay. Hurt me if that makes you feel better. Punch me on my face, slap me. Yes, I lied to you but it’s because I don’t want you to go away. Sasabihin ko rin naman sa ‘yo, humahanap pa lang ako ng tamang tiyempo,” pagpapaliwanag nito sa gitna nang pagbabayo niya sa dibdib nito. “Alam kong hindi ka papayag kapag nalaman mong may asawa na ako, sino bang babae ang papayag ng ganoon? I’m sorry I didn’t know what to do. All I know is to be with you and I wouldn’t be able to do that if I told you that I’m married.” “I don’t want to hear your lame explanations, you son of a mad dog!” Pinaigkas niya ang palad sa magkabilang pisngi nito ng paulit-ulit. Tigib na siya sa luha sa sobrang sama ng loob. Nakailang sampal pa siya rito bago nito hinuli ang kanyang mga kamay. Bago pa siya makaakmang muli ay kinabig na siya nito at hinagkan sa mga labi. Nalunod lahat ng galit niya sa tamis at suyo ng halik nito. Tila ba ang halik na iyon ay humihingi ng kapatawaran. Napakalambing niyon sa labi at napakagaan sa pakiramdam. Sadya talagang nakakawala ng huwisyo ang halik nito. Sino bang demonyo ang nagturo rito na humalik ng ganoon? O baka marahil ay in born na rito iyon, isang bagay na natural na biyaya nito. Kamukat-mukat na lamang niya ay binubuhat na siya nito patungo sa kung saan. Umakyat sila ng hagdan at pumasok sa isang silid. Inihiga siya nito sa kamang naghihintay roon. Hindi siya gumawa ng kahit anong pagpoprotesta. She was filled with agitation. She was so eager to be conquered by this man again. Kakalimutan muna niya ang lahat ng bagay ngayon, kahit panandalian lamang. Basta ang mahalaga ay kasama niya ito at kayakap sa mainit na tagpo na iyon… Saka na niya iisipin ang puso niyang nasa bingit ng sakit…   MAINGAT na inilapag ni Steve ang katawan ni Veronica sa malambot na kama. Nakakubabaw siya rito at unti-unti itong hinuhubaran ng damit. Nang matanggal niya ang blusa nito ay isinunod naman niya ang pantalon nito hanggang sa dalawang manipis na tapis na lamang ang maiwang nakabalot sa balat nito. “Why are you undressing me?” anitong tila nagising sa imahinasyon nito. “Para hindi ka makatakas.” Nakakalokong ngumiti siya rito. Hinalikan ito at niyakap nang mahigpit. Pagkakuwa’y sumubsob siya sa kama, sa gilid ng tainga nito upang marinig nito ang mga bulong niya “Marami akong bagay na gustong sabihin sa ‘yo, ipaliwanag sa ‘yo, ipaalam sa ‘yo. Hindi ko alam kung bakit parang ang bilis ng mga pangyayari, parang ang tagal-tagal na nating magkakilala at nagsasama. You’re the only woman who made me feel like this in my entire life. I fell in love many times before but I never fell in love like this before. And I’m turning crazy thinking about apparent reasons as to why I feel all these emotions filling me in my very core.” “Just go on, Steve… I told you I don’t want to hear your explanations…” humihikbing anas nito. Pinunasan niya ang mga luha nito sa pisngi. Itinulak siya nito ng bahagya at sinubukang hubarin ang polo shirt niya. Pinigil niya ang mga kamay nito. “Hush, darling… Don’t cry, please… Yes, Denise is my wife but I married her because that was what my parents wanted. They wanted it not because they like her but because she told them I got her pregnant. Pero hindi totoo iyon. Napakalabong mangyari niyon. That woman is a scheming b***h. At alam mo bang noong unang gabi na nagkita tayo ay araw ng kasal namin? I was really mad back then, so annoyed and frustrated thinking how I could get rid of her. Then suddenly you just came into my life. You caught me spellbound the first time I laid eyes on you. Nagkamali ako noong una sa pagkakakilala sa ‘yo. Napakamaldita mo kasi, suplada ka pa at saka may big silly mouth ka. Nagtataka nga ako kung paano akong na-in love sa ‘yo eh…” hindi magkamayaw na esplika nito, tila hindi alam kung saan ‘yon sisimulan at tatapusin. “Enough, Steve… You fall in love with me because I’m a goddess. Now, let’s f**k,” pabulong na sabi niya. Ayaw na niyang mag-isip pa ang ibang bagay. His explanation was enough even though it was so lame a five-year-old kid will never believe it. She guessed she was so foolish when it came to love… and s*x. “Masyado ka namang atat. Isa pa pala, patunay na hindi ko talaga mahal ang babaeng pinakasalan ko ay hindi siya nakatira rito sa bahay ko.” “At least, you’ve learned your lesson from being a pervert.” “Nah, ikaw lang ang minanyak ko ng ganito. Obsess na yata ako sa ‘yo, eh.” “I’m obsess with you as well.” “So, okay na? Punta na tayong langit?” Natawa na silang pareho. Bago niya tuluyang hubarin ang natitirang saplot nito ay tinulungan muna niya itong tanggalin ang mga damit niya. Hindi magkamayaw ang mga kamay nila. Nang magtagumpay sila ay sinimulan niyang muling paulanan ito ng mga halik mula noo hanggang leeg, mula leeg pababa sa magkabilang mayabong na dibdib nito. She gasped in delight and rapt. Pinababa pa niya ang halik hanggang sa hiyas nito. Sa puntong iyon ay pinigil nito ang ulo niya. “Reverse your position, Steve. I want to do it to you, too,” said she in a hoarse voice. A shy smile plastered on her lips. Tumalima naman siya sa nais nito at umikot ng pwesto, tumagilid silang pareho at bahagyang bumaluktot upang maabot ng bibig nito ang p*********i niya. Unang subo pa lamang nito roon ay napaungol na siya. Dumagsa ang kiliti sa kanyang sistema. He started to return the sensations. She deserved to be pleased very well. So, he started to nibble the cheeks of her womanhood and licked it with his wet tongue. Pinasok niya ang dila sa loob niyon at pinaglaro roon hanggang sa maglaway iyon. Nakulong sa loob niyon ang ungol niya nang ang dalawang bola naman niya ang maramdang pinaglaruan ng bibig nito. Napakatagal nila sa ganoong posisyon. Nang malapit na sila sa kasukdulan ay kinubabawan na niya itong muli. Itinaas niya ang magkabilang binti nito at pinasan iyon sa magkabilang hita niya. Then, he forced his flesh upon her while osculating with his lips her bare skin. He blessed her breasts with warm burning palms then obtruded with maximum energy again and again. After wild shattering thrust, they felt their satisfying explosions. He slipped his body beside her, cuddled her for a few moments then talked and laughed with their little husky voices.   LAGPAS tanghalian na nang makarating sila Veronica at Steve sa condo ng una sapagkat nagising pa silang dalawa ng bandang madaling araw at muling nagsalo sa isang nakayayanig na tagpo. Tinanghali na sila ng gising at pinagsabay na ang almusal at tanghalian matapos nilang gawing appetizer ang bawat isa. “Sigurado ka bang papasok ka pa sa opisina ngayon? We can spend all the day in the bed, you know,” suhestiyon nito nang makapasok sila sa sala ng unit niya. Nilingon niya ito at mahinang tinampal sa noo. “Ikaw, ha. Baka magsawa ka na agad niyan sa akin. At isa pa, may quarterly meeting kami ngayon,” sagot niya at hinila ito paupo sa couch. “Hindi kita pagsasawaan, darling. Para kang drugs, nakakaadik at para ding wine, habang tumatagal mas lalong sumasarap.” A wide smile formed on her lips; her cheeks went warm. “Bolero ka talaga. Bumalik ka na nga sa site at baka hinahanap ka na roon,” pagtataboy niya rito. Baka mamaya sa kama na naman sila mauwi nito. “Ihahatid muna kita sa office,” alok pa nito. “No need,” umiling na sagot niya. “Parating na rin si Mang Rodolfo mamaya.” Pinadalhan na niya ang driver niya ng mensahe kaninang umaga kasabay ng pangangamusta kay Beki. Nakauwi naman ng maayos ang dalawa kahapon. “You sure?” “Yes. I will see you.” “Not if I see you.” Pinasadahan nito ng halik ang mga labi niya at umalis na rin matapos niyang ipagtulakan sa pinto dahil umuungot pa ito ng isa pang round. Hindi pa man nagtatagal na wala ito ay narinig niya ang pagtunog ng kanyang doorbell. Isang mailman ang naroroon. “Miss Feron, may package po kayo. Pa-sign na lang po rito,” anitong inabot sa kanya ang isang kahon at ballpen at papel na pipirmahan. “Thanks,” pasasalamat niya at isinarang muli ang pinto. Walang nakalagay na return address ang package pero may nakasulat doon na pangalan kung kanino iyon galing. Tamarah Cruz ang nakasulat doon. Hindi niya ito kilala. Binuksan na lamang niya ang package. Pulos mga larawan niya ang laman niyon . May maliit na card na kasama iyon sa ibabaw. It reads: I know what you are doing, b***h!!! “b***h,” hiyaw ng isip niya. Mukhang minamanmanan talaga siya ng asawa ni Steve sa simula palang. Tamarah Cruz pa ang ginamit nitong pangalan samantalang Denise ang totoong pangalan  nito ayon kay Steve. Duwag din pala ito. Sinuri pa niya ang mga larawan. Ang lahat ng iyon ay stolen shots. Nang nasa bandang hulihan na siya ay nagtaka siya kung bakit may mga larawan din siyang kuha roon noong teen-ager pa siya. Hindi pa sila magkakilala ni Steve noon. Bakit parang kay tagal na siyang sinusubaybayan nang nagpadala niyon? Asawa ba talaga ni Steve ang nagbigay sa kanya ng mga iyon? Naputol siya sa pag-iisip nang muling tumunog ang doorbell. Nitong mga nakalipas na araw ay parang ang dami niyang bisita. Lagi na lang tumutunog ang doorbell niya. Pagbukas niya ng pinto ay isang regalo ang tumambad sa kanya. Nag-alinlangan siyang kunin iyon. Baka mamaya ay may nangti-trip na naman sa kayan. Bumalik sa isip niya ang hitsura ng fetus. Sinipa na lamang niya ang gift box at itinaboy ang ala-ala. Papasok na sana siya uli sa loob nang matanawan si Rodolfo na paparating. “Wala ka bang nakasalubong na kahina-hinalang tao pag-akyat mo?” tanong niya rito nang makalapit sa kanya. Hinimas nito ang baba sa pormang nag-iisip. “Wala naman po, Ma’am. Iyong mailman lang po ang nakita ko pag-akyat dito. Nakabatian ko pa nga, e. Bakit po?” “May nagpadala ng regalo rito. Ayun iyong gift box.” Itinuro niya rito ang kahon na medyo napalayo na sa pwesto niya. “Dito galing iyong mailman. May ibinigay na package. Hindi naman iyon kasama sa mga ibinigay niya.” “Wait po, Ma’am. Itse-check ko na lang po ang laman,” anito at nilapitan ang kahon. Binuhat iyon ni Rodolfo at bahagyang inalog. “Hindi naman po siguro ito bomba, Ma’am. Magaan po, e. Buksan ko na po, ah.” Binalatan na nga nito ang wrapper ng kahon at winasak ang karton niyon. Huli na nang makontra niya ito at bigyan ng babala. Nang sa wakas ay mabuksan nito nang tuluyan ang kahon ay napalingon ito sa kanya at biglang tumawa. “Ma’am, Barbie doll lang po ang laman. Siguro po naiwan ito noong mailman diyan sa pinto ninyo kanina bago siya bumaba.” “Imposible, wala akong nakita na may hawak siyang ganyan kanina. Let me see.” Ipinasa nga nito sa kanya iyon. Isang vintage doll. Nakatitiyak siyang para sa kanya iyon. Katulad pa rin ng dati ay may maliit na note roon. Stay away from strangers… Ano ang ibig ipakahulugan niyon? Babala ba iyon? Para kanino? Nalunod siya sa napakaraming mga tanong.   “MA’AM, may naghahanap po sa inyo. Si Steve Garvillez daw po,” imporma sa kanya ni Yveth habang kasalukuyan siyang nagbabasa ng magazine. Nakuha agad nito ang atensyon niya. Ibinaba niya ang babasahin sa center table. “Send him in,” utos niya. Napuno agad siya ng laksa-laksang pananabik sa mukha. Gusto sana niyang siya mismo ang sumalubong dito pero baka lumabas na masyadong obvious ang pagiging atat niya rito. Kailangan muna siguro niyang magpakipot ng kaunti kahit papa’no kahit masyadong nang huli para roon.. Nag-ayos na lamang siya ng sarili. Hindi naman nagtagal ay nasa salas na rin ang lalaki. Halos lumukso ang puso niya. Tumabi ito sa kanya sa mahabang settee. Niyakap agad siya nito at hinagkan sa mga labi. Pinigil niya rin ito bago pa man lumalim ang mga halik nito. Mahirap na at nasa paligid lang ang Mama Miranda niya. Mukhang matagal na nitong kakilala ang lalaki kaya hindi malabong alam nitong kasal na si Steve. Nakakahiya kapag nalaman nitong ang isang apo nito ay nakikiapid.  At bukod pa roon ay pakalat-kalat din ang mga tsismosang katulong. “Why?” “Please, not here.” “I’m sorry. I just miss you. Pumunta ako sa condo mo pero hindi ka na pala roon tumutuloy. Bakit hindi mo sinabi sa akin?” May himig pagtatampo ang tinig nito. “Pumupunta pa rin naman ako roon once in a while. May mga importanteng mga gamit pa rin naman akong naiwan doon. Medyo nagkaproblema lang kasi.” “What kind of problem? Maybe I can help. May umaway ba sa darling ko roon? Lagot sa akin ang mga iyon.” Napangiti siya sa inakto nito. Inayos niya ang kuwelyo ng polo shirt nito. “It’s not very important, Steve. I’m all right, wala namang nangyaring masama.” “Mabuti naman. Pero kapag may nanakit sa ‘yo sabihin mo agad sa akin.” Napahalaknak na siya. He looked like a war freak with his current expression. “Bakit ka nga pala nabisita?” Pag-iiba niya ng usapan. “Yayain sana kitang mag-date. A real date.” “Saan naman?” “Sa bahay.” “Hmmm… baka naman iba ang plano mo?” “S’yempre kasama na iyon, darling. Say yes, please.” “Yes!” mabilis na tugon niya. Muli ay hinagkan siya nito. Inawat naman niya ito agad at nagkukumahog na tumakbo sa kanyang silid. Nagmadali siyang pumili ng isusuot at nag-bihis.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD