Chapter 19: Charlotte
VERONICA’S night became more sleepless since she saw another dead body brutally killed. The feeling was so terrible she was turning insane. Her mind kept seeing images that are full of gore and blood. She couldn’t stop it no matter how hard she tried. And her dreams never became sweet anymore with Steve, all what she dreamt were nightmares. Magigising na lamang siya sa gabing sumisigaw, iiyak at patuturukan ng sedatives upang kumalma ang mga nerves niya. It was very wearisome. Mas masyado lamang siyang nahihirapan sa kalagayan niya.
Muli ay naalala niya ang karumaldumal na gabi na iyon. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi sa bahay nila that night o kung ano ang nangyari kay Steve at sa labi ng asawa nitong si Denise. She was so frightened that time all she did was to scream. Ang naaalala niya maliban sa anyo ng katawan ng babae at mga sigaw niya ay ang pagdating ng mga pulis na hindi niya alam kung paanong naabisuhan ni Steve. Dumating din roon ang Mama Miranda niya kasama sina Agatha at Selene. Then she remembered nothing. Maybe she passed out by that time.
Ibinasura niya ang mga isipin. Sawa na siyang matakot. Nakakapagod din iyon. Bumalikwas siya ng bangon. Doon lamang niya naramdamang basa ang higaan. Sinalat niya ang basang parte ng kama at ininspeksyon iyon sa pang-amoy. Masangsang at mapanghi iyon. Oh, gosh! Did she pee? Hindi niya nakagisingan iyon marahil ay sa malabis na takot ay nagkaganoon na naman siya. Matagal na siyang lipas sa bagay na iyon. Napapalatak na lamang siya. Nangamba siya para sa sarili. Mukhang masyado na siyang naaapektuhan ng mga sunod-sunod na pangyayari.
She breathed deeply.
Tumayo siya sa higaan upang magpalit. Sa pagbaba niya ng kama ay may hindi sinasadya siyang naapakang bagay sa sahig. Nang sulyapan niya iyon ay nakita niya ang manyika niyang si Charlotte. Nangunot ang noo niya sa pagtataka kung sa paanong paraan nakarating doon ang manyika niya gayong wala siyang matandaang inilabas niya iyon mula sa glass cabinet na kinalalagakan niyon.
Pinulot na lamang niya ang manyika. Wala roon ang maskarang ipinasuot niya rito dati kaya kita niya ang sunog na parte ng mukha at ulo nito. Memories started flooding in her mind. Nayakap niya si Charlotte. Kung anong gulat na lamang niya nang marinig itong magsalita.
“I will kill you, b***h! I will rip your body!” paulit-ulit nitong sabi. Sa takot niya ay naibato niya ito sa dingding. Patuloy pa rin ito sa pagsasalita. “I will kill you, b***h! I will rip your body!”
Nagsusumigaw siya at nagkukumahog na lumabas ng silid. Nang makita niya ang abuela niyang palabas ng silid nito ay tinakbo niya ito agad.
“What’s going on, Nica? Why are you screaming again?”
“Mama! Mama... Charlotte... Charlotte’s speaking, she told me she will kill me.” Nabaghan ang anyo ni Miranda lalo na nang mapansin nitong nanggigita si Veronica sa mapanghi at masangsang na likido. Nagkalat ang patak niyon sa wooden floor.
“Calm down, hija. It was just a bad dream. Come and let’s go back to your room. I will check your doll,” anito at inakay siyang pabalik sa kwarto.
Ganoon pa rin ang pwesto ng manyika niya ngunit hindi na iyon nagsasalita. Pinulot iyon ni Miranda at ipinakita sa kanya. “See, it’s not speaking at all,” sabi nitong nakangiti.
“I will kill you, b***h! I will rip your body!” bigla ay sabi ni Charlotte.
“I don’t want to be rude to you, inspector but I insist to stay here beside my granddaughter. She is so shocked after all what she experienced. I hope you understand,” wika ni Miranda sa mababang tinig kay James La Jarde. Mahinang tumango naman ang inspector.
“It’s all right, Mrs. Feron. Don’t worry,” aniya. Binalingan niya ang babaeng nasa tabi nito. Si Veronica. Namumutla ang kulay nito sa mukha at nagkukulay violet ang mga labi. Parang wala ito sa sarili. “At salamat sa pagpayag ninyong makausap kayo para sa bagay na ito,” dugtong niya at binalingan naman ang center table na nakapagitan sa kanila.
Nakapatong roon ang isang manyika, nakabukas ang bestida niyon kaya umusli ang maliit na recorder na kapag napipindot o bahagyang nagagalaw ay tumutunog.
Muli niyang binalingan si Veronica. Pinakatitigan ito.
“Are you sure it’s okay to continue the interrogation tonight, Mrs. Feron,” baling naman niya sa matanda.
“Yes, inspector. Si Nica mismo ang nagsabing ipatawag kayo,” sagot nito na tiningnan ang apo at idinantay ang kamay sa balikat nito.
Makaraan ang ilang sandali ay humabi siya ng tanong sa isip then he started questioning Veronica. “First, Ms. Feron I want to know kung ano ang ginagawa ninyo ni Mr. Garvillez the night her wife, Denise Garvillez was killed? Bakit kayo magkasama sa bahay ni Mr. Garvillez na siyang pinangyarihan ng krimen?”
Nag-angat ito ng tingin sa kanya. “We... we...” sumulyap ito sa abuela nito.
“Go ahead, Nica. Tell the truth...” udyok ng matanda sa patag na tinig. Walang ekspresyon sa mukha nito. Inilipat nito ang mga kamay sa palad ng apo at pinisil iyon, tila nagbibigay ng lakas ng loob.
Bumalik muli ang pansin sa kanya ni Veronica. She looked at him directly in the eyes. “I’m having an affair with Steve. Noong una, hindi ko alam na may asawa siya. Hindi niya rin sinabi sa akin ang bagay na iyon pero sa huli nalaman ko rin nang puntahan ako ng asawa niya. Pero sa kabila niyon hindi naputol ang relasyon namin...” she paused. Matagal. Mahaba.
“And?” aniya, parang mamamatay sa suspense.
“He asked me to a date that night. At first, I thought that it was just a simple date like we’ve done before... but, later that night he proposed to me. He told me he already settled things with his wife...”
“Then what happened next?”
“Nakarinig kami ng ingay kaya lumabas kami ng dining. Doon namin nakita si Denise sa sala. Pero wala naman doon ang bangkay niya kanina nang dumating kami. Hindi rin kami naghiwalay ni Steve the whole time kaya napaka-imposibleng isa sa amin ang gumawa niyon.”
“It’s possible if the two of you killed her...” anang isip ni James pero hindi isinatinig, sa halip; “Nasaan ang mga kasambahay ni Mr. Garvillez that night? Bakit kayong dalawa lang ang naiwan sa bahay niya?”
“Sinabi niya sa akin na pinag-day-off niya ang mga katulong for the purpose of his proposal,” sagot nito.
Iyon din ang naging sagot sa kanya ni Steve sa interogasyon niya rito. He was right. They have planned these things well all along. Marahil ay isang sakripisyo si Rebecca upang matakpan at maguluhan ang investigation ng kaso. Pero maliwanag sa kanyang magkakaugnay at magkakarugtong ang mga brutal na p*****n. Even the way how the two bodies were killed are the same. Nakasabit sa kisame, tadtad ng saksak at ginahasa. Yes, even though Denise was pregnant ay ni-rape pa rin ito ng suspect.
They already ran tests para kay Steve. Hindi nag-matched ang semilya ng lalaki sa mga nakuhang sample sa dalawang biktima. So, it seems na may kasabwat pa ang dalawa sa karumaldumal na pagpaslang.
“It is not that I’m consenting her for adultery pero maniwala kayo, inspector. Hinding-hindi magagawa ng apo ko ang pumatay or conspire with criminals,” putol ni Miranda sa pagbubulaybulay niya.
“Honestly, Mrs. Feron. It’s hard to believe what is true. We still need to make a thorough investigation of the case before making conclusions.”
“I understand, inspector. Pero may mga sinabi pang mga bagay sa akin ang apo ko na ngayon ko lamang nalaman ang iba,” anito na nagbigay sa kanya ng interes. “Nica?” baling nito sa apo. Marahang tinanguan ito. “Tell us, Nica. Go on..." susog pa ni Miranda.
“It’s about the doll... matagal ng may nagpapadala sa akin ng mga vintage dolls. Simula pagkabata hanggang ngayon ay hindi nagsasawa ang kung sinumang iyon sa kabibigay sa akin ng manyika. Then, may nagpapadala sa akin ng fetus sa condo, may nagpadala rin sa akin ng mga larawan ko simula pagkabata. Parang may nagbabantay sa akin, I know that someone is plotting something against me... and even my mysterious doll sender gave me a warning about it. Pakiramdam ko magkakaugnay ang lahat ng ito pati ang mga death threats kay Rebecca noon... Hindi ko alam kung ano ang motibo niya o nila...” mahabang paliwanag sa kanya ni Veronica. May iniabot itong kahon sa kanya na agaran niyang tinanggap at ininspeksyon.
Mga larawan nga iyon ng babae simula pagkabata. Pawang mga stolen shots ang mga iyon. Napangisi siya sa isip. Malinaw na mga props iyon para sa krimen. Kahit ang mga maliliit na notes sa kahon na nagsasabi ng kung ano-anong mensahe ay malinaw na props din. Napakadaling pekehin ng mga iyon. Nais talaga ng mga itong guluhin ang bawat detalye at anggulo ng krimen upang mailigaw sila. Hindi siya inutil upang hindi mapagtanto iyon. Mukhang minamaliit ng mga ito ang kakayahan nila.
Akala siguro ng mga ito ay perpekto na ang plano ng mga ito at makakalusot na ang mga ito sa mga alibi na tinahi. Ngunit nagkakamali ang mga ito. Sadyang napakalaking pagkakamali ang ginawa ng mga ito. Hindi siya maloloko ng mga ito.
“We will investigate further regarding this matter, Ms. Feron, Mrs. Feron. Siguro po ay dadalhin ko muna ang mga bagay na ito upang mainspeksyon din ng iba ko pang kasamahan,” sabi niya. Makikisakay siya sa larong nais ng mga ito. Malalaman na lamang ng mga itong bubulaga siya upang dakpin ito sampu ng mga kasamahan nito.
“I hope all the culprits will be answered as soon as possible, inspector.” Si Miranda.
“I hope so, Mrs. Feron. Babalitaan ko kayo. Magpapaalam muna ako sa ngayon. You know where to reach me kung sakaling may problema o anupaman.”
“Yes, yes.” Inilahad ng matanda ang kamay sa kanya na magalang naman niyang inabot.
Nagtanguan lamang sila ni Veronica na hindi tumitinag sa pagkakaupo. Pinahatid na rin siya ng matanda sa kawaksi pagkatapos. Pagkalabas niya ng tahanan ng mga Feron ay nagsindi siya ng tabako at nagsimulang patakbuhin ang sariling kotse.
PINATANGGAL ng lahat ni Veronica ang mga koleksyon niya ng vintage dolls sa kwarto niya. Ipinalipat niya ang mga iyon sa basement nila. Naginhawaan siya kahit paano sa pagluwang ng kwarto niya. Ngunit hindi pa rin iyon sapat upang pahupain ang nararamdaman niyang takot.
Gusto niyang makita si Steve. Ito lamang siguro marahil ang makapagbibigay sa kanya ng kapanatagan at magpapakalma sa damdamin niya. Bumulong siya sa hangin, tinawag ito sa isip.
Nahinto siya sa kaiisip dito ng makarinig ng mga sunod-sunod na sitsit. Tinalunton niya ang mahinang ingay. Nahanap niya ang pinagmulan niyon sa verandah. Dahan-dahan siyang sumilip sa kurtina roon at nakakita ng isang bultong nakatayo. Muli siyang sinitsitan niyon.
“Veronica!” impit na tawag ng tao sa labas. Doon lamang nagsimulang lumiwanag sa isip niya kung sino iyon.
“Steve?!” bulalas niya. Nang tumugon ito ay natiyak niyang si Steve nga iyon. Pinagbuksan niya ito ng sliding door at mabilis na pinapasok sa loob ng kwarto niya.
“I terribly miss you,” bungad nito sa kanya. Kinabig siya nito at siniil ng halik ang mga labi niya.
“What are you doing here?” tanong niya ng hingalin sila sa halik.
“Nabalitaan ko ang nangyari sa ‘yo kaya nag-alala ako at pinuntahan kita kaagad dito. Sorry for trespassing."
“That’s not a problem, Steve. How’s... Denise?”
“Honestly, I’m not happy that she died. She didn’t deserve to die like that. It was just... merciless. But on the other hand, I’m happy that finally, nalaman ko na rin talaga ang totoo sa madaling panahon. Napaimbestigahan na ulit ako ng mga pulis and her rapist didn’t match me. They had me tested already. You see, Veronica, we never consummate our marriage. Ni hindi ko siya sinipingan kahit isang beses. I’m grateful I never did. It saves me.”
“Oh, Steve, alam ko namang hindi mo magagawa iyon. Pero sino ang pumatay sa kanya?”
“I don’t know. Let the police takes care of it. It’s not my priority. All I want to do now is to secure and ensure your safety. I’m scared thinking that someone will hurt you. It scared the hell out of me. Hindi ko kayang masaktan ka ng iba o ang mapahamak ka kaya ako pumunta rito. Gusto rin kitang makita at makasama.”
“Ako rin, Steve. I’m dying to be with you again,” walang bakas ng pag-aalinlangang sabi niya at nagpalukob sa pananabik na tumitighaw sa kanya.
Sinibasib siya ng halik ni Steve at isinandal sa dingding. Napaungol siya at napadaing nang simulan nitong damhin ang maseselan niyang parte, the friction of the thin fabric against his blazing palm aroused the devil sensations dwelling within her femininity. The feeling was so absurd dahil pakiramdam niya ay parang unang beses pa lamang nilang gagawin iyon.
Dumagsa ang bolta-boltaheng kuryente sa mga buto at ugat niya, may hatid iyong mga sensasyon at kiliti na nagpayanig sa sistema niya. Ilang sandali pa’y naghalo na ang kuryente at apoy sa pagsakop sa bawat himaymay ng katawan niya. Magkapanabay na nilunod niyon ang diwa niya sa isang lugar na punong-puno ng ligaya.
Pinagpapawisan siya ng malamig at malapot. Hindi naman iyon inalintana ni Steve nang tikman nito ang namamasang balat niya gamit ang labi at dila nito. She moaned and screamed his name when he buried his face in the valley of her breasts. Naglikot naman ang mga kamay nito sa pang-upo niya at bahagya siyang inangat sa sahig.
Pagkatapos magpakasasa ng bibig at palad nito sa kabuuan niya ay naramdaman niyang muli sa wakas ang magiting nitong sandata sa pagitan ng mga hita niya. Napaliyad siya upang salubungin iyon ng buong galak. Tumarak iyon sa kweba niya at makailang beses na naglabas-masok, huminto, naglabos-masok, huminto at naglabas-masok muli.
“Oh, Steve... Steve... Steve...” tumitirik ang mga matang usal ni Veronica. Napasabunot siya sa buhok nito. Nakalmot niya ang balikat at likod nito sa tindi ng luwalhati na narating niya.
“You are mine, Veronica. Just mine...” naghihingalong anas nito. Niyakap siya ng ubod ng higpit at ibinaon pang maigi ang ari nito sa p********e niya. Pinanatili nito iyon sa ganoong posisyon. Nakababad lamang.
“Yes, Steve... I’m just yours... only yours...” bulong niya, bahagya pang nangisay sa aftermath ng mga nakababaliw na damdamin.
“I love you, Veronica... I’m ready to spend a lifetime with you,” he murmured, his eyes in amber passion.
“I love you, too, Steve. I want to be with you forever.”
“Yes, we will be together forever,” tugon nito at ibinaba siya. Doon lamang niya napansin na hindi pa pala sila tuluyang nakakahubad. Napangiti siya na sinundan din nito ng ngiti.
“Bababa lang ako saglit, Steve. I’m thirsty,” pagkakuwa’y sabi niya. Pinahid niya ang mga pawis na namuo sa noo at leeg. Matapos ay inayos niya ang nagusot na damit.
“Go ahead, I’ll be waiting for you here.” Naupo ito sa kama at inayos ang magulong kasuotan.
Nagflying-kiss siya rito bago marahang pumanaog pababa ng hagdan. Hindi pa man siya nakakakalahati ng mga baitang ay narinig niya ang hiyaw ng Mama Miranda niya. Tinalunton niya ang ingay at natagpuan ang lola niyang nakatulos sa bungad ng kusina.
Dinaluhan niya ito roon, napigil niya ang hininga at napasigaw ng matinis sa nasaksihan niya. Si Adora! Nakabitin ito sa kisame, nakahubo, may umaagos na dugo sa leeg nito dulot ng kutsilyong nakatarak doon.
Ilang saglit pa’y napuno na ang hamba ng kusina ng mga kasambahay na nakarinig sa ingay na nilikha nila. Pawang nagsipanghilakbot din ang mga ito sa nakitang kalunos-lunos na anyo ng mayordoma na naglingkod ng mahabang panahon sa mansyon. Nangibabaw ang sigaw ni Agatha na nakapanaog na rin sa sala. Dinaluhan agad ito ni Selene nang mukhang anumang sandali ay papanawan ito ng ulirat.
“Darling, are you all right?” nang lumingon siya ay namataan niya si Steve sa likuran. Kapanabay nito si Rodolfo na agad hinawi ang nagkakagulo at nag-iiyakang mga katulong. Nang makadaan ito sa pagitan niyon ay malabis din itong nagimbal, tinakbo ang kalaguyo at lumuhod sa paanan ni Adora. Humagulgol doon ang matandang lalaki.
“What are you doing here, Engr. Garvillez? Who let you in?” Mataas na tinig ni Miranda na umagaw sa pansin ng lahat. Tumutok ang mata ng mga tao sa tinukoy ng matanda.
“He’s just paying a visit, Mama,” tugon niya nang hindi makasagot ang lalaki.
Binalingan siya ng matanda. “Visiting at this time of the night? Who is he kidding?” ani Miranda na nang bumalik ang tingin kay Steve ay matalim na ang mga mata. Hindi man sadya ng matanda ay lumalabas ang pang-aakusa nito sa lalaki. “I don’t know what your real intentions and motives, Engr. Garvillez pero kilala mo ako kaya don’t ever dare me,” ani Miranda sa matatag na tinig, nagbibigay babala.
Siya naman ang binalingan ng lola niya. “We’ve talked about this already, Nica. Kung kailan ka lumaki ay saka mas lalong naging matigas ang ulo mo!” sigaw nito sa kanya sa unang pagkakataon.
Mayamaya’y nagpautos ito sa mga kasambahay. “Call the police right now! Somebody calls the police now!” Lumayo sa kanya ang lola niya.
Siya namang lumapit si Natalia sa kanya at inilapit ang mukha nito. “Who is doing dirty business now?” mapang-uyam na bulong nito sa kanya at lumayo rin.
Si Steve naman ang lumapit sa kanya at ikinulong siya sa mga bisig. “Everything’s gonna be fine, darling. Nandito lang ako para sa ‘yo.”
“It’s getting worse every day, Steve.”
“Hindi kita pababayaan, Veronica. I’m not going to let any bad thing happen to you. Magiging maayos din ang lahat.”
“Kailan, Steve?” tanong niya. Hindi na nito nasagot iyon nang magsidatingan ang mga pulis. Nalunod lamang ang lahat ng sinabi nito sa ingay ng mga wang-wang.
Nagsipagpasukan ang mga ito sa mansion nila. Mabilis ng mga itong pinalayo ang mga katulong, halos kaladkarin ng mga ito si Rodolfo palayo sa bangkay ni Adora. Inilayo naman siya ni Steve roon. Sumunod sila kanila Agatha at Selene patungong salas.
Mabilis namang sinuri ng mga eksperto ang crime scene, siniyasat ang buyong paligid, kinuha ang mga bagay na magbibigay ebidensya at nilinis ang karumal-dumal na duming gumuhit sa kusina.
Mayamaya’y dumating na rin si Inspector James La Jarde. Dumiretso ito sa kusina. Nagtagal doon ng humigit-kumulang isang oras. Nang magbalik ito ay pinatawag nito ang lahat ng naroroon sa mansion at isa-isang isinalang sa interogasyon.
Hindi na niya maintindihan lahat ng nangyayari. Parang nagpa-fast-forward ang scenario sa isip niya.
“I demand you, Engr. Garvillez to leave my house now!” pagkakuwa’y bulyaw ng Mama Miranda niya kay Steve. Napatayo siya ngunit walang namutawi sa bibig. Ni hindi siya tuminag sa kinatatayuan.
Tinanguan lamang siya ni Steve. Itinaas nito ang kamay. Nilapitan ito ng inspector.
“We are just going to invite you in the precinct, Mr. Garvillez,” anang inspector. Gusto sana niyang ipagtanggol si Steve, sabihan ang mga pulis na huwag isama ang lalaki. Ngunit wala siyang magawa.
Hinawakan siya ni Selene sa braso. “Come, Nica. Let’s take a rest,” bulong nito sa kanya at magkasabay silang inakay ni Agatha patungong mga silid nila.