THIRD PERSON'S POV EKSAKTONG oras ng nakatakdang pagkikita nila at ng lalaking nakagawa ng atraso sa kanila ay dumating sina Cold, Spicey at Rica sa lugar kung saan sila napagkasunduang magkita. Nakatanggap kasi ng tawag si Cold gaya ng inaasahan dahil numero nito ang binigay. Pinapapunta sila ni Zairon sa mansyon ng mga Felimosso dahil pinaalam na raw nito sa kaniyang mga magulang ang pangyayari. Na dapat lang talaga nitong ginagawa. Hindi na nila sinama ang kanilang magulang dahil sa ayaw nila na magkaroon ng gulo, kilala nila ang kanilang tatay, malayo na ito sa mapagmahal at umiintindi ng ama. Naging mainitin ang ulo nito at sa usapang mangyayari ngayon, hindi nila sigurado kung makakapagpigil ang kanilang ama sa oras na may marinig itong hindi maganda. At hindi iyon hahayaan ni Spi

