SPICEY'S POV SA ISANG pribado at malaking hospital dinala ang walang malay na kapatid kong si Rica gamit ang sasakyan ng mga Felimosso. Puno ng kaba at takot ang namumutawi ngayon sa puso ko. Natatakot ako na baka may masamang mangyari sa kapatid ko at sa batang dinadala nito sa sinapupunan nito. Kung bakit ba kasi hindi ko nagawang pakalmahin ang kapatid ko kanina? Tuloy ay nangyari ang mga bagay na iniiwasan ko. Ito ang kinakatakot ko kanina sa gitna mg pag-uusap. Kaya nga umpisa pa lang ay kinumbinsi ko na ang sarili na kahit anong mangyari, hindi kami ang mag-uumpisa ng gulo. Kahit anong mangyari, pipigilan namin ang gulo. Makikipag-usap lang kami nang maayos at walang mangyayaring alitan sa pagitan naming dalawa. Dahil iniiwasan kong sobrang maapektuhan si Rica at ang anak niya. Mu

