THIRD PERSON'S POV HINDI MAKAUPO nang maayos si Ana dahil nahihiya siya na magkadikit ang kanilang mga balat ni Xyro. Nakasakay kasi sila ngayon nito sa tricycle na siyang maghahatid sa kanila sa palengke. Ang mama niya ay nasa likod nakapwesto. Noong una ay sinabihan niya ang mama niya na sa likod na lang si Xyro ngunit hindi pumayag ang mama niya. Ayon dito ay baka mahulog pa ang kaibigan niya at mapaano. Bagay na ikinairap ng mata niya. Kung bakit kasi sumama-sama pa itong si Xyro. Ngayon tuloy ay kapwa sila nagsisiksikan sa loob kung saan maliit lang talaga ang espasyo. Mas naging masikip dahil mataas na lalaki si Xyro. Ang mga biyas nito ay nakatiklop. Nakayuko na nga ang binata, halos mauntoh pa rin ang ulo nito sa bubong ng tricycle. Bahagya din siyang napapadikit dito dahil malub

