Ken's POV I keep on roaming my eyes around the court. Hindi ko makita ang taong gusto kong makita. "Ken anong nangyayari sayo?" Lumapit sa akin si Francis at binigyan ako ng tubig. Umiling ako. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. I can't have any points for the team, nawawala ako sa sarili. I can't see Ayesha on the audience. Hindi ba talaga siya pupunta? Patapos na ang second half. "Sorry, kayo nang bahala ni Kevin." Binuksan ko ang bottled water at uminom ako doon. "Ano? Hindi namin kayang wala ka." "You can do it, I'm on your back. Lamang tayo, we just have to maintain that advantage. Wag niyo akong asahan, wala akong pag-asa." Napailing ito. "Is this about Kim or Ayesha?" Nilingon ko ito. "Wala daw si Ayesha diba? Hindi nila macontact? Siya ba ang iniisip mo o si Kim pa rin?"

