Chapter 7

1469 Words
Chapter 7 So, Rehan is just blabbering while we are eating. May ilang businesses nila akong nalaman kabilang na doon siyempre numero-uno ang drugs, weaponry and valuable jewelries— na who knows saan nila nakukuha tapos pinapa-auction yata nila. The rest are small but still part of the business like mining, assassination, illegal importation and many more. He even said the mafia benefited the most in mining and assassination but drugs and weaponry are their highest sales of income. When it comes to drugs, people will just flock— even how much and how risky it is. Sa weaponry naman nila, their top consumer are either the government or the rebels/terrorists. Pareho na malaki ang kinikita nila sa dalawang consumer but sabi niya mas risky pa rin daw ang government. "You seriously learn so much from him," sabi ni Seven matapos ko ikuwento sa kaniya ang mga pinagusapan namin ni Rehan. She has her famous rolling eyes again whenever she hears Rehan's name. "Sa sobrang bored namin wala na rin talaga kaming mapag-kuwentuhan." "Magingat ka lang ha," paalala niya. Nagkibit balikat ako. "Hindi ko naman sila pinagkakatiwalaan, Sev." Totoong tanong lang diba, sino ang magtitiwala sa katulad nila? Yes, they're my friend, I considered them one, I appreciate them, but that's it. Alam mo 'yung parang may na i-set ka nang boundaries, hindi ka na puwedeng lumagpas pa sa linya na 'yun. Giving them your full trust? I don't think I can do that. "Uh, Ali," mahinahong tawag ni Seven. Nakangiti akong bumaling sa kaniya. This weird girl na madaldal, laging naka jogger pants, magiging kaibigan ko pala siya? Tanda ko pa noong unang araw ko rito, magkaiba kami ng paniniwala. Ngayon na narito na rin ako sa Contario, mukhang 'yung pinaniniwalaan niya, malapit ko na rin maging mindset. The heck! "Hmmm?" "I'll be out of the country for a week, may inutos kasi sa akin 'yung papa ko," she said, posing a sad smile. "Oh, ingat! Saang bansa? Hindi pa ako nakakalabas ng bansa." parang nakaka-excite naman. Sana balang araw makapag out of the country din ako. "I'll be gone for a week, Ali. Paano ka? Anyway, I'll force Wren to take care of you, para naman kahit papaano e may kasama ka." Doon ako natigilan ng mapagtanto ang sinasabi niya. Aalis siya ng isang linggo, isang linggo rin akong mag-isa sa dorm. I forced a smile to assure her that I'll be fine. "Huwag mo nga akong isipin, Syete. May buhay ka na kaylangan mong gawin at hindi mo ako obligasyon," pag-irap ko sa kaniya. It's true though. Hindi porket may ganitong nangyayari sa akin ay hihilahin ko sila paibaba kasama ko. They've got their own lives, no! Ayoko na hindi nila magawa 'yun dahil lang sa akin. "Kakausapin ko si Wren, okay?" Tumango ako. "Madalas pa rin naman si Wren dito," "Kung sabagay, I'm sure Rehan will stick too, just make sure na hindi magaway si Rehan at Wren ha." Seven warned me. Na-curious tuloy ako sa sinasabi ng Syete na 'to. "Bakit, may issue sila?" "Chismosa ka talagang babae," Nawala 'yung ngiti sa labi ko, "Damot mo gorl, sige na, kwento mo na." Natawa siya ng malakas. "Wala silang issue, gaga! Sadyang makulit lang si Wren, most of the time inaasar niya si Rehan and that monster being the deadly one would literally smack and make Wren sleep in the hospital for a week!" Natawa tuloy ako na medyo hindi naniwala. "Buti hindi nagagalit si Wren?" Aba, di porket nangasar e bubugbugin ka na. Hindi kaya biro 'yung ma-confine ka. Ang mahal pa 'man din sa hospital. "Hey, 'di naman mahina si Wren. Akala mo lang ganoon 'yun pero hitman 'yun." she said. "Oh, no! He's not!" Ngumisi siya, "He is, but I think last year na niya ngayon. Pag na-expired na contract niya, sasali na siya kila Rehan, pati si Dario." "Sasali naman saan?" Baka may GC sila, sali ako. "Rehan built his own career, under Contrares. It's quite an agency-like who would mostly handle the assassination businesses, since lahat sila naging trabaho 'yun and not just that, they're skilled and professionally scary." Oh, ganon pala. Hindi niya nabangit sa akin na may business na rin pala siya. Nagulat ako ng hilahin ako ni Seven palabas ng dorm. Napatingin ako sa wrist-watch ko at nakitang pasado alas-tres na ng hapon. "Saan tayo, syete?" tanong ko habang hila hila niya ang kamay ko. Mabilis kong natanggap ang matalim niyang tingin sa akin, dahil sa pagtawag ko sa pangalan niya. Syete ka oo, hahaha "May B1T1 promo sa Yellowcab. Let's hoard!" I forgot to mention that this friend of mine is tirador ng buy 1 take 1. Halos matawa at ma-amaze ako sa Seven na 'to ng maka pila agad kami. Nagsisimula nang dumating ang mga tao at kung nahuli kami, baka ang haba talaga ng ipipila namin. "Ibang klase ka, girl." I said, shooking my head. "Pinsan ko, manager diyan. Binubulong niya agad sa akin pag may promo," ngisi ngisi niya. Letse, hindi na pala ako elibs. Madaya, may koneksyon naman pala. Malapit na kami sa counter, feeling ko itong babaeng 'to ang kakalahati sa stock ng Yellowcab. But sayang nga rin naman, bibili rin ako gamit 'yung allowance ko. Tumaas ang allowance ko e. Dati ang nakalagay lang 10k a month, ngayon 20k na. Siguro suhol dahil sa nangyari sa akin, charot. "10 box—" "Miss, 1 order per person lang. Huwag kang swapang," nagulat ako sa sinabi ni kuyang cashier. Pati si Seven nagulat, literal na nalaglag panga niya. Baka first time niya mabara ng isang cashier. Hilaw akong ngumisi sa mga taong naka pila nung nagsimulang magtalo ang dalawa. Dahan dahan akong umatras palayo sa kanila dahil nakakahiya silang dalawa. Pero uupo lang talaga ako. Nakahanap ako ng seat namin malapit sa entrance kaya dumiretso na agad ako doon, baka maagaw pa e. Nagulat ako ng may mabunggo ako. Shit! Clumsy ko talaga, baka mamaya patayin ako nito? Luminga agad ako sa paligid at para hanapin si Seven. Pero nagulat ako ng tumayo sa harap ko 'yung nabanga ko. Matangkad siya, maputi tapos singkit. Naka suot siya ng uniform, ibig sabihin official member and student siya ng Contario. "Sorry, nasaktan ka po ba?" nakangiti niyang tanong, una kong napansin 'yung malalim niyang dimples. Pero napagtanto ko, parang mas bata pa 'to sa akin. "H-hindi, pasensya na na—" "No, sorry. Hindi po kasi kita napansin. You sure you're okay?" Tumango ako, "Oo, okay lang ako, pasensya ka na rin." Ngumiti ako. Mukhang magalang naman itong batang 'to, nakaka-sad lang at na sa ganitong lugar siya. "Nalilito pa kasi ako, bago lang ako rito." Na pa-ohh ako sa sinabi niya. Hinila ko siya papunta doon sa seat na gusto ko kasi ngalay na talaga 'yung paa ko. Hindi pa ako pwedeng tumayo ng matagal, nananakit pa kaya mga katawan ko. "Bago lang din ako rito," sabi ko pagkaupo ko. Nakita ko na parang natuwa siya na pareho kaming bago. "Talaga? Anong department ka?" Doon nawala 'yung ngiti ko. "I'm an outsider," blangko kong sabi. Nag kibit balikat siya. "Oh, I see. You gotta take care, there are rumours spreading here about r****t. Narinig ko lang, kaya magingat ka." Oh boy, you're late and outdated! Guess what, that rumour is me! Ha ha "You got a friend, Alena." Seven came with 4 boxes in her hand. Nilapag na 'yung tatlo sa isang upuan at ang isang box naman sa lamesa. Pagbukas, bumungad na agad sa amin ang mabangong amoy ng Hawaiian. Nagulat ako ng makitang tadtad ng pinya 'yung ibabaw. Ano 'to? Pinya na may tinapay? "Walang magrereklamo, I love pineapple!" she exclaimed. Naupo siya sa tabi ko at may hawak na agad na dalawang pizza sa kamay. "So, you're from the Moritesez?" Seven asked the guy. Tumango ito. "Yep, third son and only the remaining son," nakangiti niyang sagot 'tsaka kumuha na rin ng Pizza sa box ni Seven. Hindi naman nagreklamo ang isa, kumuha na lang din ako kahit medyo kinikilabutan ako sa kapal ng pinya sa ibabaw. The f**k! Kadiri naman! Pwede ba na buksan 'yung ibang box? Iyung ibang flavor na lang sana. "For someone who lost his brothers, you're viciously happy." Seven blurted out. The guy with cute dimples smiled wilder. "I like people who has that kind of humor," Ngumisi si Syete, Di na naman ako relatable. "I sense a demonic soul in this kid." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Seven. The dimple guy finally burst out in laughter. "You're nice!" the dimple guy praised her, tapos ang fist-bump sila. "I'm Levi, by the way, you are?" Wow, friends agad sila. Sana all, Dimple guy. "Just call me Sev, I'm from the Richardson family." my Number friend smirked na kinawala ng ngiti ni Levi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD