Chapter 34 Mikay's POV Simula no'ng walang ibang bukambibig ang mga anak ko kundi ang tatay nila lalo na si Kaya ang first born of the quintuplets. Habang nasa hapag kainan kami biglang nirequest ni Kaya na makasama ang tatay niya na sinang-ayunan ng apat. I deeply sighed. “Gusto niyo talagang makasama tatay niyo? Hindi ba ako sapat sa inyo mga anak?” napangiwi si Kuya Arthur. Pinagdilatan ko siya ng mata. Wala kasi akong laban sa mga anak ko, lima sila nag-iisa lang ako. At t'saka spoiled rin ang mga ito kay Kuya Arthur kaya wala akong laban pag sila nagkaisa. “Yes, mommy! We want him back!”halos sabay nilang sagot sa akin. “Para maging kumpleto na ho tayo. One big happy family. Di kasi tayo magiging kumpleto kung wala ang padre de pamilya.”Napangiwi na lamang ako sa sagot ni Kaya.

