Kabanata 10
Aristotle's POV
Until now hindi ko pa rin lubos maisip na si Mikay ang nawawalang asawa ng kapatid kong si Reysan.
At bakit hindi ako kilala ni Mikay? Maraming tanong ang bumabagabag sa isipan ko sa mga sandaling ito.
Nandito ako sa loob ng aking kwarto. Hindi ako mapalagay sa mga oras na ito, di ko matanggap na iisang tao lamang ang minahal na babae namin ni Reysan.
Napalingon ako sa may pinto nang may kumatok. “Pasok!” walang ganang sagot ko. Agad na bumukas ang pinto at pumasok si Reysan.
“Kuya, balita ko mainit ang pagtanggap ng mga residente sa 'yo doon sa bayan ng San Juanico.”
“Oo, Reysan mainit ang pagtanggap nila sa akin.”
“ At usap-usapan na ang dating pari na pinalitan mo doon ay mapang-abuso. Marami na raw itong nabiktima.” Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. Si Father Daniel? Wala akong anumang narinig tungkol sa kaniya sa kumbento.
Si Father Daniel? Ngunit wala akong anumang narinig tungkol kay Father Daniel sa kumbento, kahit sa mga kasama kong ministro ay wala silang binanggit sa akin. “May nagreklamo bang biktima sa mga kawalanghiyaan niya?”tanong ko kay Reysan, umiling ito sa akin.
“Hindi ko rin alam eh. Natakot sigurong magsumbong sa mga pulis ang mga nabiktima . Kaya walang ni-isa ang nagreklamo.”“Oo nga pala, Kuya. May napapansin kasi akong kakaiba. Tila magkakilala kayo ni Mikay, basi sa paninitig mo sa kaniya.” Napalagok ako sa sinabi ni Reysan.
Napansin niya pala ang lihim na paninitig ko sa asawa niya? Oo kilalang-kilala ko ang asawa niya.
Dahil ang asawa niya ay ang babaeng nagpatibok sa aking puso. “W-wala Reysan. Oo nga pala, ilang taon na kayong kasal?”pag-iiba ko ng usapan.
“Tatlong taon na rin, Kuya ngunit nawala siya pagkatapos ng aming kasal. May kumidnap sa kaniya, simula noon ay hindi na namin siya mahanap.”
Kinidnap si Mikay? Hindi ako makapaniwala sa aking mga narinig. “Akala ko nga, hindi ko na makikita pa ang asawa ko. Alam mo bang birhen pa iyang asawa ko?” bulong ni Reysan sa akin at napalagok ako ng laway. Birhen? Kaya pala ang sikip niya nang una ko siyang maangkin. So? Ako pala ang nakauna sa asawa niya? Ang laking problema nito pag nagkataon na malaman ni Reysan ang namamagitan sa amin ni Mikay.
“Okay ka lang kuya?”nag-alalang tanong nito sa akin.
“O-oo okay lang ako, Reysan. May naalala lang ako,” nauutal kong sagot sa kaniya.
“Maganda ba ang asawa ko?”
“Oo, reysan mala-rosanna roces ang ganda niya.”
Mas maganda pa nga si Mikay doon. “Talaga kuya? Kung magkakanak kami, sa tingin mo sino ang kamukha?”
Aba, malay ko kung sino ang magiging kamukha ng anak nila.
“Siguro sa inyong dalawa.”Nagkukunwari akong inaantok. “Inaantok kana ata, Kuya. O sige magpahinga ka na muna. Pasensya na sa isturbo,“kamot ulong sabi nito sa akin at agad na lumabas ng aking kwarto.
Tumango ako sa kaniya. Nang makalaba siya ng kwarto ay nakahinga ako ng maluwag. Muntikan na ako doon ah? Na hot seat ako sa mga tanong ni Reysan. Kailangan kong mag-ingat sa susunod na makausap ko siya. Hindi ko pwedeng ipakita na may tinatago ako. May parte sa puso ko na nagseselos ako sa kanilang dalawa ni Mikay. Alam kong wala akong karapatan na maramdaman ito ngunit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang naglalambingan sa isa't-isa.
Isa na akong makasalanang pari. Hay! Bakit ko ba kasi ito nararamdaman? Kung bakit ako nainlove kay Mikay? Kung bakit 'di ko nakontrol ang sarili ko.
Napasabunot ako sa aking ulo. Maya-maya pa ay may kumatok muli sa labas ng kwarto ko. “Kuya Aris, handa na ang hapunan!” boses ito ni Sophia.
“O sige, susunod ako!”
Napabuntung-hininga ako at muling inayos ang aking sarili. Kailangan kong harapin ang hapunan na ito na parang wala akong pinagdadaanan. Muling kumatok si Sophia. "Kuya Aris, handa na talaga ang hapunan," paalala niya.
"Sige, Sophia. Lalabas na ako," sagot ko habang pilit na nilalabanan ang bigat ng aking damdamin.
Paglabas ko ng kwarto, sinalubong ako ng masarap na amoy ng pagkain. Nandoon si Sophia na abala sa paghahain ng mga putahe. "Kuya, tinolang manok ang ulam natin ngayon. Paborito mo 'di ba?" tanong niya na may ngiti sa kanyang mga labi.
"Oo nga, Sophia. Salamat," sabi ko habang umuupo sa hapag-kainan. Pinilit kong maging normal ang kilos ko kahit alam kong hindi ko mapigilan ang aking emosyon. Panay ang pag-iwas ko ng tingin kay Mikay. Kailangan kong makontrol ang sarili ko.
Habang patuloy kong iniiwasan ang tingin ni Mikay, pinilit kong mag-concentrate sa pagkain. Pinipigilan ko ang sarili kong tumingin sa kanya at sinusubukang kontrolin ang mga damdamin ko. Alam kong kailangan ko itong gawin, kahit na mahirap.
"Mabuti pa'y pag-usapan natin ang ibang bagay," sabi ko sa sarili ko. Sinubukan kong sumali sa usapan ni Sophia at ng iba pang kasama namin sa hapag-kainan. Mahalaga na mag-focus ako sa mga positibong bagay at iwasang lumubog sa selos at pangungulila.
Habang naguusap kami, napansin ko ang mga maliliit na ngiti ni Mikay na tila hindi napansin ang aking mga iniwasang tingin. “Father Aris right? Bakit tila pamilyar ang mukha mo sa akin, parang nakita o nakilala na kita dati.”
Napa-angat ako ng tingin. Nakatingin sa akin si Sophia at Reysan, hinihintay ang kumento ko.
“Baka kalook-alike ko lang iyon, Mikay!“ kamot batok kong sagot sa kaniya sabay iwas ng tingin.
Dali-dali kong tinapos ang aking pagkain. Selos na selos na kasi ako sa sweetness nila Reysan at Mikay eh. Baka kasi bigla na lamang akong magwala sa selos. "O siya, mauna na akong magpahinga. Maraming salamat sa masarap na hapunan," sabi ko habang tumatayo mula sa lamesa. Pinilit kong ngumiti kahit na alam kong hirap na hirap akong itago ang nararamdaman ko.
Pagkapasok ko sa aking kwarto, napasandal ako sa pinto at napabuntung-hininga. Kailangan kong magdasal at humingi ng gabay sa Panginoon. Alam kong mahirap ang sitwasyon na ito, pero kailangan kong magpakatatag.
Sa aking pag-iisa, lumuhod ako at nagdasal nang taimtim. "Panginoon, bigyan niyo po ako ng lakas na malagpasan ang mga pagsubok na ito. Tulungan niyo po ako na kontrolin ang aking damdamin at ipakita ang tamang landas," bulong ko habang dinadalangin ang aking mga hinaing.
Mikay's POV
[Flashback]
Pauwi ako galing sa kumbento nang biglang may bumangga sa aking kotse. Paggising ko ay nasa ospital na ako. Unti-unting bumalik ang alaala ko sa nakaraan.
"Hon?" mangiyak-ngiyak kong sabi nang makita ko ang mukha ni Reysan, ang asawa ko.
Niyakap ako ng mahigpit ng asawa ko. "Finally, we found you! Akala ko hindi na kita makikita pa," sabi niya habang pinapawi ang mga luha sa kanyang mga mata.At naalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng memorya.
Nang makalabas kami ng simbahan bigla na lamang may humintong van sa harap namin at sapilitan nila akong ipinasok sa loob ng Van.
Puro nakabonet ang armadong kumidnap sa akin. Sinubukan kong manlaban ngunit hinampas ako sa ulo ng isa sa mga armadong dumukot sa akin.
Paggising ko ay nasa ilalim na ako ng tulay. At wala na akong maalala. Kahit pangalan ko ay hindi ko maalala.
May Ginang na nagdala sa akin sa hospital ngunit sa takot ko ay tumakas ako.
Kaya naging palaboy-laboy ako sa kalsada, kung saan-saan ako natutulog, minsan ay napagtripan pa ako ng mga tambay.
Hanggang sa nakilala ko si Father Daniel. Nung una ay mabait ito sa akin, palagi niya akong pinapakain at binibigyan ng pera ngunit pagdaan ng ilang buwan ay biglang nagbago ang pakikitungo nito sa akin. Hanggang sa bigla niya akong hinalay. Isang ministro ang nakakita noon. Ngunit hinayaan lamang ako habang binababoy ni Father Daniel.
Kaya simula no'n naging mailap na ako. At ipinapangako ko sa aking sarili na maghihiganti ako. Nagbago na rin tingin ko sa mga pari nang dahil kay Father Daniel.
[End Of Flashback]
Kaya nagulat ako no'ng malaman kong si Father Aris ang kapatid ni Reysan. Nagulat rin siya nang makita ako. Hindi niya inakala na ako ang asawa ng kapatid niyang si Reysan. Lalong sumilay ang ngiti sa labi ko.
Dahil mapapadali ang paghihiganti ko sa kaniya. Lalo na't siya ang unang nakakuha ng pagkabirhen ko. Kapag nalaman ni Reysan ang namamagitan sa aming dalawa ng Kuya niyang Pari ay tiyak na masisira ang relasyon nilang magkapatid.
Naramdaman ko ang pag-iwas sa akin ni Father Aris. Ngunit ramdam ko rin ang pagseselos niya sa aming dalawa ni Reysan.