Chapter 15
Aris's POV
Pagkatapos ng misa, agad akong nagtungo sa aking silid upang suriin si Mikay kung gising na ba ito, ngunit pagdating ko roon ay tulog pa rin siya. Masyado ata siyang napagod sa ginawa namin kagabi.
Marahan akong pumasok upang hindi siya magising. Hinaplos ko ang maputi at makinis niyang mukha. Napakaganda niya, kaya siguro pareho kaming nabighani ni Reysan sa taglay niyang ganda. Iyong ganda ay kakaiba sa mga babaeng nakakasalamuha ko dati. Dati kasi akong crush ng campus, ngunit allergic ako noon sa mga babae. Ngunit simula noong una kong makita si Mikay, may napansin agad akong kakaiba sa aking sarili.
Una pa lang, nabighani na ako sa kaniya. Walang ka-effort-effort sa mukha, simpleng simple. Hindi siya kagaya ng mga babaeng palaging naglalagay ng makeup, naglalagay ng foundation at lip tint. Kuntento na siya sa pulbo at lip balm. At iyon ang nagustuhan ko sa kanyahindi siya nagpapanggap. Likas na natural ang lahat. Ang mga mata niya, mga mata na hindi lang may malalim na kahulugan kundi may pagnanasa rin ng mas mataas na pangarap. Hindi siya mapakali sa mga materyal na bagay. Minsan, naiisip ko kung gaano pa kalaki ang pagkakaiba namin. Siya, tila may alon ng kasimplihan. Ako, puno ng mga tanong at pilit na hinahanap ang mga sagot sa mga maling bagay.
Sa bawat haplos ng aking mga daliri sa kanyang pisngi, muling sumagi sa aking isipan ang unang beses na naangkin ko ang p********e niya. Ang mga gabing puno ng lihim, mga araw na puno ng hindi pagkakaunawaan, at mga sandali na tila ang lahat ay tungkol lang sa amin dalawa. Ngunit may isa akong takot—ang takot na baka magising siya, at madama ang mga pagsasakripisyo ko para sa kanya, ngunit hindi pa siya handang tanggapin ang lahat ng iyon.
Ngunit sa mga sandaling ito, habang tinitingnan ko siya at nararamdaman ko ang bawat t***k ng aking puso, napagtanto ko na parang wala nang ibang mas mahalaga kundi siya. "I'm melting," sabi niya at sabay na idinilat ang kanyang mga mata.
"Kung makatitig ka sa akin, tila papunta ka na sa langit ah?" bahagya siyang bumangon at sabay kagat sa ibabang labi niya. Mas lalo akong nabighani sa labi niyang hugis puso, labi na hindi ko kayang alisin ang tingin. Gusto ko sanang magsalita, ngunit ang tanging magawa ko lang ay magmukhang isang tanga na napapaamo ng bawat galaw niya.
"W-wala, n-nagugutom ka na ba?" nauutal kong tanong sa kaniya. Sa halip na sagutin agad, ngumiti lang siya ng bahagya at tumingin sa akin ng may kalokohan sa mata.
Naramdaman ko ang init ng aking pisngi. Minsan, nahihirapan akong magpigil ng emosyon kapag siya ang kausap ko. Hindi ko alam kung bakit, pero para bang sa bawat salitang binibitawan niya, may umaabot na alon sa aking puso, isang alon na mahirap labanan.
"Anong oras na ba?" tanong niya, pilit itinataas ang katawan, ngunit halata ko pa rin ang pagod sa kaniyang mata.
"Alas dyes," sagot ko na lang, para lang may masabi. "Bumangon ka na at maligo. Dadalhan kita ng pagkain dito.”
Ngunit bumalik siya sa paghiga sa kama at tumagilid sabay pinikit ang mata, parang nakulangan pa siya mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Ano, Aris? Gising na?" tanong niya, muling binuksan ang mata, at ang mga mata niyang iyon. Dalawang beses akong napalagok ng laway.
“A-anong ibig mong sabihin? A-anong gising na? K-kanina pa ako gising, Mikay,” stammered ko, sabay lingon sa kanya. Parang may kakaibang kutob na biglang lumukob sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang simpleng ngiti niya ay nagbigay ng kakaibang kilig sa akin.
“Hindi pa ba? Let me wake your—”
Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto. At pareho kaming nagulat nang makita kung sino ang taong bumukas noon ay walang iba kundi si Reysan, ang asawa niya at kapatid ko.
Mabilis akong tumayo mula sa tabi ng kama at napatingin kay Mikay. “K-Kuya Aris... M-Mikay, anong ibig sabihin nito?” galit na tanong ni Reysan sa aming dalawa ni Mikay. Dali-dali akong tumayo at lumapit kay Reysan ngunit hindi ko inasahan ang nangyari. Isang malakas na suntok ang sumalubong sa akin, direkta sa aking mukha.
Tumilapon ako ng kaunti mula sa lakas ng suntok at medyo nahilo ako. Napahawak ako sa aking ilong nang dumugo ito. Nakita ko sa mga mata ni Mikay ang pag-alaala sa akin.
"Akala ko, pinaglilingkuran mo ang mga tao, iba pala at iyon ay ang asawa ko! Napakababoy mo, Kuya Aris!” sigaw ni Reysan, ang mukha niyang puno ng galit at pagkabigo. At maya-maya ay nagsulputan ang mga sakristan, ministro ko na kasama ko dito sa loob ng kumbento, lahat sila ay nakikiusyuso mula sa labas sa aking silid.
Ang mga salitang iyon ay tumagos sa aking balat, at parang ang sakit ng suntok ay hindi pa rin humuhupa sa dibdib ko. "You betrayed me, Kuya Aris! Ang taas ng respeto ko sa iyo dahil kapatid kita at isa kang pari na naglilingkod sa Diyos at sa mga tao. How did you do this to me?! Sa dinami-daming babae sa mundo, kuya, bakit sa asawa ko pa?" galit na sigaw ni Reysan, ang tinig niya ay puno ng sakit at pagkabigo. Muli niyang sinugod ako, at sa bawat hakbang niya, parang ang puso ko ay unti-unting binabasag ng mga salitang iyon.
Hinila niya ang braso ni Mikay, at ang mga mata ko ay naglaho sa sakit na dulot ng mga sinasabi niya. "Reysan, nasasaktan si Mikay!" sigaw ko, ngunit ang galit ni Reysan ay hindi mapigilan. Tumutok ang mga mata ko kay Mikay, at nakikita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha, ang hirap at takot na unti-unting sumisira sa kanyang katahimikan.
"Masasaktan talaga siya sa akin dahil pumatol siya sa kapatid kong pari, ang paring lumabag sa batas ng Diyos at sa simbahan!" galit na sagot ni Reysan, ang mga mata niya ay naglalabas ng pagkamuhi, parang ang buong mundo ay nagsasabing tama siya.
“Sino iyang babae na iyan?”
“Kapatid? Kapatid siya ni Father Aris?”
“Ano?! Si Father Aris, pumatol sa asawa ng kanyang kapatid?”
“Paano iyon nagawa ni Father Aris!”
Sari-saring bulungan ng mga tao.
"Let me go!" pagpupumiglas ni Mikay, ang mga kamay niyang tinangka ang humawak sa pinto, ngunit patuloy siya nitong hinila palabas ng aking silid. Hindi ko kayang makita siyang lumabas ng ganito.
"Reysan, tama na! Hindi ito ang paraan!" sigaw ko, pero wala nang kwenta ang mga salitang iyon. Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay isang matinding kaba at takot na baka magawa niyang masaktan si Mikay. Tumakbo ako patungo sa kanila, ngunit hindi ko kayang hadlangan si Reysan sa laki ng galit niya.
Si Mikay ay patuloy na nag-aalburuto, " Bitawan mo ako sabi, Reysan!”patuloy na pagpupumiglas ni Mikay.
“Nasasaktan na ako!”mas lalong diniinan pa ni Reysan ang pagkakahawak niya sa braso ni Mikay.
“Bakit, Mikay? Magaling ba si Father Aris sa ibabaw ng kama?!” sigaw ni Reysan kay Mikay, yumuko lamang si Mikay at patuloy na nag-uunahan sa pagtulo ang mga mata niya.
"Reysan, please, makinig ka," pakiusap ko kay Reysan.
Inangat ni Mikay ang kaniyang tingin kay Reysan. “You want to know what's the reason, I betrayed you? Because, hindi kita minahal! Our wedding is just a nightmare…”
Ang mga salitang binitiwan ni Mikay ay parang mga kidlat na dumaan sa aking katawan. Hindi ko kayang alisin ang tingin ko sa kanya habang nagsasalita siya. Ang sakit na dulot ng mga katagang iyon ay parang isang mabigat na pako na ipinako sa aking dibdib. Ngunit habang naririnig ko ang mga salitang iyon, parang may natutuklasan akong mas malalim na dahilan kung bakit naramdaman ni Mikay ang ganitong paghihirap.
Tumahimik si Reysan. Mabilis na napansin ko ang pagbabago sa kanyang ekspresyon mula sa matinding galit ay naging tahimik na kalungkutan. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Reysan ngayon, ngunit nakikita ko sa kanyang mga mata ang pagkalito at pagka-bigo.
"Nightmare? What do you mean by that?" tanong ni Reysan, ang boses niyang halos punit na, punong-puno ng emosyon. Siguro’y hindi niya kayang tanggapin ang sinabi ni Mikay. Ang kanilang kasal, na para kay Reysan ay simbolo ng pag-ibig at pagkakaisa, ay naging isang bangungot para kay Mikay.
“I didn’t choose this,” sabi ni Mikay, ang tinig niya ay parang nanghihina. “I didn’t choose you, Reysan. You chose me. You pressured me into this. You took away my choices. You never asked me if I was ready. And now… now I’m suffocating in this marriage. I never wanted this, Reysan.”
Mabilis na nagbago ang tingin ko kay Mikay. Ang takot at kalituhan na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng isang malalim na pang-unawa. Sa lahat ng mga pinagdadaanan niya, sa lahat ng mga sakripisyo at pilit na pagbabalik-loob kay Reysan, si Mikay ay nawalan na ng pag-asa. Hindi ko rin alam kung paano ko siya tutulungan, pero ngayon, naiintindihan ko na.
Si Reysan ay nanatiling tahimik, na parang ang mga salitang iyon ay tumama sa kanya nang buo. Napansin ko ang mga mata niyang naglalaman ng sakit at galit, ngunit sa loob ng mga mata niyang iyon, may hinagpis na hindi kayang ikubli.
"Mikay, I didn't know..." Tumatagilid si Reysan, hindi na kayang tignan ang mga mata ni Mikay. "I thought you loved me. I thought we were happy. But… but I never knew..." Napahinto siya sa pagsasalita, at ang mga salitang iyon ay tila nawawala sa hangin, hindi na kayang ipagpatuloy. Ang mga tingin nila ni Mikay ay puno ng alon ng sakit, at ako naman ay nag-aalangan kung papaano ako papasok sa ganitong sitwasyon.
Habang patuloy silang nag-uusap, parang may isang pader na bumangon sa pagitan nilang dalawa. Ang mga salitang binitiwan ni Mikay ay nagbigay ng liwanag sa lahat ng hindi pagkakaunawaan. Pero sa bawat sagot ni Mikay, may kabuntot na sakit at hindi pagkaka-kasunduan na nagpapahirap sa kanilang relasyon.
“Bakit hindi mo sinabi ito noong una, Mikay?” tanong ni Reysan, ang boses niya ngayon ay mas malambot, ngunit puno ng hinagpis.
“Ano pa ang magagawa ko?” sagot ni Mikay, ang mga mata niyang puno ng luha. "I was trapped, Reysan. Naramdaman ko na lang na hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko."
Dahil dito, napagtanto ko na mas komplikado pa ang lahat kaysa sa iniisip ko. Si Mikay, na sa lahat ng oras ay itinataguyod ang isang relasyon na hindi naman niya pinili, ay nagkaroon ng pagkakataong magsalita. At sa bawat salitang sinabi niya, napagtanto ko na may mga bagay na hindi kayang itago lalo na’t ang pagmamahal na hindi totoo.