Epilogue Mikay's POV Tatlong linggo ang nakalipas nung nakalabas ng hospital si Aris. Walang pinalagpas na araw si Aris sa pakikipagbonding sa mga anak niya. Ginagala niya rin 'to sa kung saan-saan. Samantalang abala ako sa kumpanyang pinatayo ko, ang Fuentes Corp. Hindi rin kasi madali maghandle ng kumpanya at maging CEO. Naglalaan naman ako ng oras para sa mga anak ko. Hatid-sundo ni Aris ang mga anak niya sa school. Siya rin nag-aasikaso sa mga ito sa bahay. Bumawi siya sa anim na taon. Pauwi ako ngayon sa mansyon. Nanibago ako, dahil hindi lumabas ang mga anak ko upang salubungin ako ng yakap at halik. Nagmomovie-marathon ata ang mga ito kasama ang tatay nila. Di man lang in-inform, gusto ko sanang sumama. Wala rin ang mga kasambahay. Nasa'n kaya sila? Naghang-out ata? Hay! Na

