Mikay's POV Tatlong buwan na ang nakalipas nang ikasal kaming dalawa ni Aris. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako dinatnan ng aking kabuwanang regla. Palagi rin akong nagsusuka at nahihilo. Medyo nagbago na rin ang hugis ng katawan ko. Sakto lang kasi katawan ko, hindi payat at hindi rin mataba pero ngayon tumaba ako ng kaunti. Hindi na nga kasya sa akin iyong mga maong shorts ko. “Bwaaaaaaak!” kumaripas ako ng takbo sa lababo nang muli na naman akong masuka. Sa isang araw apat na beses akong nagsusuka. Hindi naman ako nagcrave ng pagkain, hinanap ko lang palagi ang asawa kong si Aris, gusto ko nasa tabi ko siya palagi. Kaya palaging nakabuntot sa akin si Aris dahil kapag hindi niya ako sinasamahan ay sinusuntok ko siya. Natatarantang tumakbo si Aris papunta sa akin at sabay hinagod an
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


