Dumiretso naman kami sa silong at isa-isang inilabas ni Marcus ang mga kubyertos pati na ang pagkain. "Ate, doon na lang ako kakain ha?" pagpapaalam ni Adam pagkatapos niyang sumandok ng pagkain. "Sige, doon ka." Turo ko sa gilid malayo kay lolo Moss. Mayroon kasi ditong patag na bato na kasalukuyan namin ngayong ginagawang lamesa, habang may malilit namang bato na amin inuupuan. Habang kumakain, pansin naman namin na hindi mapakali ang pusa ni Marcus kahit may sarili na itong pinggan na pagkakainan. Dumiretso ito sa pwesto kung nasaan naman si Adam at patuloy lang ito sa paglikha ng ingay. Tinignan naman ako ng nakakabahala ni Marcus dahil mukhang alam nito na may naamoy na kakaiba ang kanyang pusa. Si Adam naman ay walang pakialam dito at patuloy lang sa pagkain. Nagulat na lamang k

